Mga haplos mula sa paa at binti ang nakapagpabalik sa kamalayan ng dalaga at labis siyang nagulat nang makita ang taxi driver na nakangisi sa harapan niya.
"Huh?! Nasan ako?!" takang tanong niya habang iginagala ang paningin sa buong lugar.
Tanging ang liwanag lang ng emergency lamp ang nagsisilbing liwanag sa buong lugar at alam niyang abandonada ang lugar na iyon dahil sa mga nakatambak na mga kahoy at karton sa tabi.
"Dito tayo sa lugar kung saan tayong dalawa lang ang naroon. Ikaw at ako. Parang sina Adan at Eba!" ani ng lalaki sabay hagikhik nang malakas.
"Walanghiya kang lalaki ka! Aalis na ako!" ani ng dalaga sabay tayo ngunit agad niyang napansin ang bakal na kadena na nasa paa niya. Nakaposas rin ang mga kamay niya kaya hindi siya makakilos ng maayos.
"Ooppsss.. Sorry! Alam ko kasi na kapag nagising ka ay iiwanan mo ako. Sorry ka na lang dahil hindi kita papayagang iwanan ako!" ani ng lalaki sa kanya sabay hithit ng sigarilyo habang nakatitig pa rin sa kanya.
"Siraulo ka ba?! Pakawalan mo ako dito!" galit na wika ng dalaga habang pilit na tinatanggal ang kadena sa paa niya at ang posas sa kamay ngunit wala iyong silbi dahil nasa lalaki ang susi niyon
"Oooppss!! Paano ba yan..nasa akin ang susi?" nakangising wika ng lalaki sabay wagayway ng susi bago nito ipinasok sa bulsa ng pantalon nito.
"Pakawalan mo ako rito kung ayaw mong pagsisihan ang gabing ito!"
"Ano ka ba, ang hot mo naman. Hindi pa nga tayo nagsisimula pero nagwawala ka na riyan. Pero sabagay, gusto ko 'yan mas nakaka excite." nakangising wika ni Renato sa dalaga habang sinisipat ang kabuoan nito.
"Pakawalan mo ako sabi eh!"gigil na wika ng dalaga kay Renato ngunit mas lalo lang itong natuwa sa pinapakitang tapang ng dalaga.
"Hahahaha! Di ka makakawala diyan, sinasayang mo lang ang pagod mo!"
"Siguraduhin mo lang na hindi ako makakawala rito dahil sa oras na makawala ako pagbabayarin kita ng mahal!"
"Hahahaha!!! Matatakot na ba ako?"
"Sige lang tumawa ka lang. Huwag ka lang malilingat, pag ako bumwelta sayo hinding-hindi mo makakalimutan ang igaganti ko sa'yo!"
"Hahaha! Ganon ba? Okay! Pero before that... Paligayahin mo muna ako." wika ni Renato habang nakangisi ito na parang aso.
Hinubad nito ang sinturon na gawa sa leather at agad na hinawakan ito na animo'y latigo.
"Anong gagawin mo?!" mailap ang mga matang tanung ni Jamie ng makita na naglalakad na papalapit sa kanya ang lalaki.
"Makikipaglaro!" nakangising wika nito sabay hampas ng sinturon sa lupa habang papalapit sa kanya.
"Kung anuman yang binabalak mo,wag na wag mo ng itutuloy dahil hinding hindi kita mapapatawad oras na sinaktan mo ako!" babala niya sa binata ngunit nagmistula itong bingi sa mga sinabi siya.
Nang makalapit ito sa kanya ay walang habas siya nitong hinampas sa hita dahilan upang mapasigaw siya sa sakit.
"Ahhh!!!" gigil na sigaw niya habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa matinding sakit at hapdi na nararamdaman niya.
"Hahahaah! Ang saya!" tila baliw na wika ng lalaki ng makita siyang nasasaktan.
"Walanghiya ka! Magbabayad ka ng mahal sa ginagawa mo sak- ahhhhhhh!!!" muling sigaw ng dalaga ng muli siya nitong hampasin sa kabilang hita niya. Ramdam na ramdam niya ang bawat latay ng sinturon nito sa balat niya at halos maluha siya dahil sa sakit.
"Hahaha! Nakaka excite di ba... Woooooowwwwww! Look at that, Purple skin at it's finest, amazing!!!".aliw na aliw na wika nito ng makita ang pagbabago ng kulay ng balat niya sa mga parte kung saan nito hinahampas ang sinturon nito.
"Pakawalan mo ako rito, mag one on one tayo! Gusto mo ba ng sakitan?tanggalin mo posas at kadena ko. Ipapakita ko sayo ang hinahanap mo!" nagtatagis ang mga bagang na wika ng dalaga habang matalim na tinititigan ang binata.
"Hahahaha. Thanks but no thanks. Nag-eenjoy pa akong pag laruan ka. Di pa nga ako nag iinit!"
"Bw*sit ka! Pagsisisihan mo ang gabing ito!"
"Correction, baka ang ibig mong sabihin ay mag eenjoy ako ng husto?" muling wika ni Renato sabay hampas sa likod ng dalaga at sa sobrang lakas ng pagkakahampas nito ay kaagad na napaluhod ang dalaga habang nagtatahis ang mga bagang. Ang munting butil ng mga pawis at luha niya ay unti-unti ng lumalabas.
"Walanghiya ka," nanghihinang wika ng dalaga habang pilit na iniinda ang sakit upang makapag isip ng maayos kung papaano siya makakatakas sa binata.
Maya-maya pa ay naglakad papalapit sa kanya ang binata at masuyong hinaplos ang buhok niya na tila ba inaalo siya nito.
"Tahan na bebe girl. Hehehehe!" bulong nito sa tenga niya.
"Pwee!!!"
"Bakit mo ako dinuraan ha?! Walanghiya kang babae ka!" galit na wika ni Renato sabay sabunot sa buhok niya, dahilan upang matanggal ang peluka ka niya at malantad ang tunay niyang buhok.
"Oh, you're wearing this for what?" takang tanong nito habang nakatingin sa wig niya.
"Hahahahaha!!" mahinang tawa ng dalaga habang dahan dahan-dahang inaabot ang maliit na kutsilyo na inilagay niya sa hita niya para gamiting pandepensa sa lalaki.
Sa isang iglap lang ay nahawakan niya ang leeg nito at buong pwersa niyang isinubsob sa lupa ang katawan nito. Kaagad din niyang nadaganan ang binata habang hindi binibitawan ang leeg ni Renato.
"Kung ako sayo kukunin ko ang susi at kakalagan ako dahil kung hindi lalaslasin ko yan leeg mo!" babala niya sa binata matapos niyang higpitan lalo ang pagkakasakal rito.
"Ahh! Huwag! Please!" hirap na wika ng binata habang pilit na tinatanggal ang kamay niya ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak rito.
"Asan na ang susi?! Tanggalin mo ang posas ko bilis!" matigas niyang utos sa lalaki habang mas lalong inilalapit ang kutsilyo sa leeg nito.
"Oo na! Oo na!! Sandali!" nanginginig na wika nito bago kinuha ang susi sa bulsa nito.
"Bilisan mo!"
Maya-maya pa ay nanginginig na sinusian ni Renato ang posas niya pati na ang kadena sa kanang paa niya.
"Bitawan mo na ako please," himig pakiusap ng binata habang maluha luha pa ito dahil sa takot.
"Posasan mo ang sarili mo!"
"Ha?!"
"Hindi mo gagawin?" mariin niyang sabi bago idiniin lalo ang kutsilyo sa leeg nito.
"Oo na! Gagawin na!" nanginginig nitong sagot.
"Isuot mo rin ang kadena sa paa mo, bilis!"
"Ano?! Parang awa mo naman. Pinakawalan na kita. ANO PA BANG GUSTO MO?!"
"Maglalaro tayo. Ngayon ako naman ang taya!" nakangising wika ng dalaga sa binata.
"Hubarin mo 'yang damit at pantalon mo!" muli niyang utos sa binata.
"Bakit? A-anong gagawin mo?" takot na wika nito.
"Maglalaro nga tayo, ako naman ang taya!"
"Kung anuman ang binabalak mo, 'wag mo ng ituloy. Utang na loob naman, pinakawalan na kita!"
"Tumahimik ka! Matapos mo akong paglaruan at saktan paalisin mo lang ako? Sa tingin mo ba papayag ako na hindi ko maigaganti ang sarili ko? Pati na ang mga nauna mong biktima?!"
"A-anong s-sinasabi mo?" tarantang wika nito sabay lunok ng magkasunod.
"You know what I mean.. And tonight it's payback time! Hubaddddd!!!" malakas niyang sigaw kasabay ng paghampas ng sinturon ng binata sa lupa. Kagaya ng ginagawa nito sa kanya ilang oras lamang ang nakakaraan.
"Handa akong magbayad... Magkano ba para itigil mo 'to?"
"Hahaha! Tingin mo ba pera ang kailangan ko sa'yo?! Buhay mo ang kailangan ko!"
"Sino ka ba talaga?! Pag-usapan natin 'to ng maayos. Pwede kong tawagan ang kuya ko para makapag usap-usap tayo,"
"Nah. Ikaw ang kailangan ko,hindi ang kuya mo." ani ng dalaga habang pinupulupot ang sinturon sa kamay niya. Hudyat na handa na siya sa pagpaparusa.
"W-wag kang lalapit! Huwag kang lalapit!" hintakot na wika ni Renato habang umuusog papalayo sa dalaga.
"Oh bakit parang takot na takot ka na parang daga na nakakita ng pusa? Di ba nag -eenjoy ka sa pananakit? Ang isang kagaya mo ay hindi nararapat bigyan ng kahit kunting ambon ng awa!" malakas na sigaw niya matapos hampasin ito ng todo sa hita nito kung saan siya nito unang hinampas.
"Arayyy! Parang awa mo naman, huwag ganito, patawarin mo na ako. Hindi na ako uulit, pangako!" mangiyak-ngiyak na wika nito habang namimilipit sa sakit.
"Ang bilis mo namang sumuko. Nagsisimula pa nga lang tayo eh!"galit na galit na wika ng dalaga.
"Pag nalaman 'to ng kuya ko, 'di ka niya mapapatawad! Itigil mo na 'to dahil sa oras na makawala ako dito hahuntingin ka namin at pagbabayarin sa ginawa mo sa'kin!"
"Yun ay kung makakawala ka rito. Paano ba 'yan? Wala akong balak na pakawalan ka o buhayin ka?" patuyang wika niya sa lalaki para mas lalo itong matakot.
"Pakawalan mo ako rito!!!"
"Sinabi na ngang ayoko!" aniya sabay muling hampas rito.
"Ahhhh!!! Magbabayad ka ng mahal sa ginagawa mo sa'kin!"
"Ikaw ang magbabayad ngayon ng mahal! At ako ang maniningil sa'yo sa lahat ng mga atraso mo sa mga biktima mo!"
"Hahahaha!! They deserve to die!" tila nakakalokong wika nito sa kanya.
Tila nagpanting naman ang tenga ng dalaga sa narinig kaya hindi na ito nakapagpigil hanggang sa paulit ulit niya itong hampasin ng sinturon dala ng matinding galit sa binata.
Hapong-hapo siya ng tigilan niya ito at kagya't saglit siyang nagpahinga habang si Renato naman ay hinang-hina na na nakalugmok sa lupa. Mababakas sa hitsura nito ang matinding sakit na nararamdaman at naghahalo na ang luha,uhog at pawis nito sa buong katawan.
--
"Boss Riely, nalocate na namin kung nasan si Renato." ani ng isang tauhan ni Riely sa kanya.
"Kung ganyan ay tara na! Sumama ka na sa'kin para ikaw na ang magmaneho ng taxi pauwi,isasabay ko na lang si Renato sa'kin." maawtoridad na utos ni Riely bago naglakad papalabas ng munting opisina nito.
Maya-maya pa ay tahimik nilang binabaybay ang kahabaan ng kalsada upang puntahan ang kinaroroonan ng nakababatang kapatid.
"Pagod ka na bang maglaro?" ani ng dalaga habang pinupulot ang peluka na nasa lapag.
"Hahahaha! Magbabayad ka sa ginawa mong ito sakin, babalikan kita babae at ipapalasap ko sa'yo ang pagpapahirap higit pa sa ibinigay mo sa akin. Titiyakin kong sa susunod na magkaharap tayo ay ipapatikim ko sa'yo ang mga naranasan ng mga nauna kong biktima." nakangising wika ni Renato sa kanya.
"Iyan ang 'di mangyayari dahil hindi na kita bubuhayin." nakangising wika ng dalaga sabay tutok ng baril niya rito.
"Mapapatay mo nga siguro ako,pero oras na malaman 'to ng kuya ko sinasabi ko sayo igaganti niya ako! Uubusin niya ang lahi mo! Kaya 'wag kang pakakasiguro."
"Ang tanong, malaman niya kaya kung sino ako?"
"Walang imposible sa kapatid ko tandaan mo 'yan!"
"Okay, pakisabi sa kuya mo na maghihintay ako sa kanya!" aniya sabay lapit sa binata.
Ng makalapit rito ay kaagad niyang binigyan ng malakas na flying kick ang binata dahilan upang mawalan ito ng malay. Sapat na sa dalaga upang magawa niya ang nais niyang parusa para dito.
Dali-dali niyang hinubaran ang lalaki at agad siyang napangiti ng makita ang sadya niya sa katawan nito. Pagkatapos ay agad niyang kinuha ang kutsilyo niya upang putulin ang ari nito upang hindi na makaperwisyo pa. Pagkaputol ay kaagad na umagos ang dugo mula sa binata at batid niyang mauubusan ito ng dugo bago pa sumapit ang umaga.
Pasimpleng kinuha niya ang mga gamit niya na nasa tabi bago naglakad papalabas. Nilapitan niya ang taxi nito at kaagad niyang binutas ang gulong upang hindi na nito magamit kung sakali man na makatakas ito.
Papaalis na sana siya ng mamataan niya ang papalapit na kotse na riyak niyang papunta sa kinaroroonan niya kaya naman kaagad siyang nagkubli sa mayabong na talahiban.
"Renato, nasaan ka na! Lintek ka talagang bata ka! Sinasabi ko sa'yo ibalik mo na sa'kin 'yang taxi ko dito ka lang pala!" malakas na wika ng lalaki pagkababa nito sa sasakyan kasama ng isa pa na sa wari niya ay isa sa mga tauhan nito.
"Renato, akin na ang susi ng sasakyan!" muling sigaw ng lalaki habang naglalakad ito papalapit sa warehouse.
Nang matiyak ng dalaga na hindi siya makikita ng mga ito ay kaagad siyang lumapit sa sasakyan ng mga ito at binutas niya rin ang mga gulong nito upang wala ng magamit ang mga ito sa oras na matagpuan nito si Renato. Pagkatapos butasin ang apat na gulong ng sasakyan ay kaagad na tumakbo ang dalaga papalayo sa lugar na iyon habang may oras pa siya. Ilang saglit pa ay nakita na ng dalaga ang highway kaya naman inayos niya muna ang sarili niya bago naghanap ng taxi na sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
---
"Renato,nasan ka na ba!! Ano bang ginagawa mo rito!" malakas na wika ni Riely habang hinahanap ang kapatid. Maging ang tauhan niya ay patuloy na rin sa paghahanap at naghiwalay sila saglit upang mapabilis ang paghahanap.
"Sir Renato! Asan ka na!" wika din ng tauhan ni Riely. Kaagad itong lumapit sa isang kwarto kung saan may nabanaag itong liwanag sa pag asang makikita roon ang kapatid ng amo. At hindi nga ito nagkamali!! Naroon si Renato. Nakaposas. Nakakadena. Nakahubad. At putol ang ari!
"Aaaahhhhhhh! Boss Riely! Si Sir Renato!" tarantang wika ng tauhan ni Riely pagkakita nito sa binata.
Pagkarinig na pagkarinig ni Riely sa sigaw ng tauhan ay kaagad nitong tinunton ang kinaroroonan ng tauhan at kita niya ang pagkasindak sa mga mata nito.
"Anong nangyari? Nasaan si Renato?" takang tanong ni Riely sa tauhan.
Kaagad namang tinuro ng tauhan si Renato na noon ay nakahandusay pa rin at umaagos nang malaya ang dugo nito mula sa naputol na ari.
"Renato!"hindik na sigaw na Riely habang nagmamadaling nilapitan ang nakakabatang kapatid.
Kaagad niya itong pinangko habang ginigising, saka niya pa lang napansin na bukod sa nakaposas ay may kadena rin sa paa nito.
"Sino ang may gawa sayo nito?! Sino!" galit na galit na wika ni Riely habang tinatapik ang pisngi ng kapatid upang magising.
"Diego kalagan mo ang kapatid ko!"malakas na utos ni Riely sa tauhan na natulala na rin ng makita ang kalunos-lunos na hitsura ng kapatid.
Mabilis pa sa alas kwatro ng kumilos si Diego at agad nitong hinanap kung nasan ang susi ng posas at kadena ngunit hindi niya ito makita kita.
"Boss 'di ko mahanap ang susi!" pawisan na wika ni Diego.
"Hanapin mo! Gamitin mo 'yang mata mo hindi 'yang bunganga mo!" pagalit na sigaw ni Riely habang yakap pa rin ang kapatid.
Sa paghahanap ng susi ay natagpuan rin nito ang cellphone ni Renato ngunit hindi ang susi kaya naman walang nagawa si Riely kundi paputukan ng baril ang kadena upang makawala sa pagkakatali ang kapatid. Kailangan nilang madala sa hospital ang kapatid bago ito tuluyang maubusan ng dugo dahil hindi maampat-ampat ang pagdurugo ng naputol nitong ari.
"Pinangko agad ni Riely ang kapatid at patakbong lumabas ng bodega upang maisugod agad sa ospital ang binata.
"Diego, buksan mo ang sasakyan! Bilis!" malakas na sigaw ni Riely sa tauhan.
Pagkatapos maisakay ang kapatid ay kaagad na nitong binuhay ang makina ng sasakyan ngunit agad din itong nanlumo ng malamang butas ang gulong ng sasakyan niya pati na ang taxi nito.
"Anak ng! Nakakatiyak akong narito pa ang gumawa nito! Galugarin mo ang buong paligid, Diego! Hanapin mo ang may gawa nito at iharap sa'kin!" galit na galit na wika ni Riely dahil sa kawalang pag- asa na madala sa ospital ang kapatid dahil sa kawalan ng masasakyan.
Pagkaalis ng tauhan ay kaagad niyang tinawagan ang isa pang tauhan upang magpasundo, pagkatapos ay muli nitong nilapitan ang kapatid na unti unti ng nagkakamalay bagamat hinang-hina na ito.
"K-kuya," mahinang bulong ni Renato sa kapatid habang habol nito ang paghinga.
"Renato, kapit lang! Susunduin tayo ng isa sa mga tauhan ko, dadalhin ka namin sa ospital!" Naluluhang wika ni Riely habang hawak ang kamay ng kapatid.
"Y-yong b-babae..." paputol-putol na wika nito.
"Babae?! Babae ba ang may gawa sa'yo nito?! Sino?!" nanlilisik ang mga matang tanung ni Riely.
"B-babae, s-sorry. K-k-kuuya" ani Renato bago ito tuluyang malagutan ng hininga.
"'Tol, gumising ka! Dadalhin kita sa ospital, gumising ka!" tarantang wika ni Riely habang pilit na niyu-yugyog ang balikat ng kapatid.
"Renatooooooo!" malakas na sigaw ni Riely ng mapagtanto nito na tuluyan nang mamaalam ang kapatid.
"Kung sino ka man na may gawa nito, magbabayad ka ng mahal sa'kin!" tiim-bagang na wika ni Riely matapos nitong paulit-ulit na suntukin ang sasakyan nito sa labis na poot na nadarama.
"Isinusumpa ko! Magbabayad ka!"malakas na wika ni Riely habang umiiyak dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang kapatid.