Episode 7

3757 Words
Ilang oras pa ang nakalipas bago dumating ang mga tauhan ni Riely para sunduin sila. Tahimik lang ito at hindi kumikibo, batid ng mga tauhan nito na nag iisip ng malalim ang kanilang amo. Idagdag pa ang pagkawala ng kapatid nito sa ganoong paraan at alam nila na gaganti ito sa may gawa niyon. "Boss, itatawag na ba namin ito sa pulisya para maimbestigahan?" ani Diego sa amo niya. "No! Walang magsusumbong sa mga pulis. Malaki ang atraso sa'kin nang may gawa nito. Kaya ako ang huhuli sa kanya at magpaparusa!" mariing wika ni Riely bago ito sumakay sa sasakyan na dala ng mga tauhan niya. Kaagad nitong inilipat ang bangkay ni Renato sa sasakyan saka umalis ang mga ito sa lugar na iyon. Kaagad na pinaayos ni Riely ang burol ng kapatid at pinalabas lang ng mga ito na binangungot lang ito para wala ng masyadong tanong ang mga tao. Iilan lang sa kanila ang nakakaalam ng tunay na pangyayari at iyon ang gusto ni Riely. Tahimik lamang si Riely habang nakatitig sa bangkay ng kapatid habang inaayos ito sa kabaong nito. Napakabata pa ni Renato para danasin ang ganung bagay kaya naman labis ang galit niya sa taong gumawa noon. Buhay ang inutang kaya buhay din ang kabayaran. At iyon ang isusumpa niya sa harapan ng bangkay ng kapatid. Igaganti niya ito at hindi siya titigil hanggang hindi niya nakakamit ang hustisya para sa kapatid. "Boss, ito nga pala 'yong cellphone ng kapatid ni'yo. Nakita ko sa warehouse ng hanapin ko 'yong susi ng kadena." ani Diego sa kanya ng lumapit ito sa kanya. Kaagad niya itong kinuha at agad na ibinulsa. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit nangyari iyon kay Renato. Kilala niya sa pagiging tahimik ang kapatid at wala itong nobya o kahit na kaaway. Mahilig lang itong lumabas sa gabi para magliwaliw pero alam niyang hindi ito napapasubo sa kahit na anong gulo. "Sino ang may gawa sa'yo niyan?" ani ng isip ni Riely kasabay ng marahas na paghinga. Kailangan na niyang magpaimbestiga sa lalong madaling panahon. Pero paano? Saan siya magsisimula? Sa gitna ng pagmumuni-muni ni Riely ay bigla niyang naisipang kalikutin ang cellphone ng kapatid. Nakakatiyak siyang makakakuha siya ng impormasyon sa gamit ni Renato. Alam din niyang hindi gumagamit ng kahit na anong password ang kapatid dahil wala namang nakikialam sa phone nito kaya malaki ang tiwala niya na mabubuksan niya iyon. Kaagad niyang tiningnan ang lahat ng social media accounts nito, phonebook at message box ngunit bigo siya na makakita ng kahit na anong clue na magagamit niya sa pag iimbestiga. "Haist!! Ano ba naman 'tong cellphone mo, wala namang silbi!" gigil na wika ni Riely matapos nitong kalikutin lahat ng messages nito. "Boss, nakahanda na raw ang bangkay ng kapatid mo. Pwede na raw pong iburol." magalang na wika ni Diego sa amo ng muli itong lapitan. "Ganon ba? Sige susunod na ako." maiksing sagot niya bago muling ibinulsa ang cellphone ng kapatid at kaagad na nagtungo sa salas kung saan pansamantalang ilalagak ang kapatid para paglamayan. Asikasuhin niya muna ang burol ng kapatid at pag istema ng mga darating na makikilamay. Saka na niya tututukan ang pag iimbestiga pag nailibing na si Renato. --- Samantala tahimik na pumasok sa loob ng kabahayan ang dalaga at agad na umakyat patungo sa kanyang silid upang magpahinga. Masakit kasi ang katawan niya dahil sa ginawa ni Renato sa kanya kaya naman kailangan niya munang magpagaling. Hindi na rin niya sasabihin pa kat Ashton ang nangyari para hindi ito mag-alala sa kanya. Bubuksan na sana ng dalaga ang pintuan ng biglang may mag on ng ilaw at biglang lumapit sa kanya si Ashton. "Jesus Christ! Miss Jamie, what happened?!" tarantang tanong ng butihing butler. "Kindly lower your voice Ashton. Baka may magising at makita ako," mahinang sawata niya rito. "I'm sorry... May mga pasa ka at sugat! Halika gagamutin kita." "No need. I can take care of myself. Magpapahinga na ako at bukas ayaw kong magpa istorbo. Pakisabi kay Nene na hindi ako sasabay sa almusal o kahit pananghalian. Magpapagaling muna ako rito para hindi mag-usisa ang bata kapag nakita ako. Ako ang magsasabi sa'yo kung kailan ko gustong kumain o sino ang maghahatid, okay?" "Naiintindihan ko Miss Jamie." anito habang bakas pa rin ang pag aalala sa mukha nito. "Huwag ka ng mag alala sakin Ashton, kaya ko 'to at hindi naman malala." "Pero, Miss Jamie..." "Magpapahinga na ako. Zip your mouth and don't tell anyone about this. Goodnight." pagtatapos niya ng usapan nila bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. Dumiretso siya agad sa banyo para ilublob ang pagal na katawan sa bath tub para ma relax siya kahit na papaano. Sana nga lang ay mawala agad ang mga pasa niya at walang makakita lalo na si Nene. Dahil kung hindi katakot takot na paliwanag pa ang kailangan niyang sabihin sa bata. Samantala alalang alala naman si Ashton sa sinapit ng alaga, simula ng gawin nila ang misyon nila ay ngayon lang niya nakitang sugatan ang dalaga. Batid niyang naturuan niya ng self defense ang dalaga. Magaling din ito sa karate at sa kahit na anong self defense maging sa paghawak ng baril. Sa katunayan matalino sa pakikipaglaban si Jamie kaya alam na alam niyang hindi ito basta basta magagapi. Ngunit anong nangyari rito? "Tsk! What happened to you Jamie..." alalang wika ni Ashton habang nakatitig sa nakasaradong pintuan ng dalaga. Tila kumukudlit ang pagsisisi sa puso ni Ashton dahil sa sinapit ng dalaga. Tama nga ba na tinuruan niya itong maging matapang? Hudyat na ba iyon para patigilin ang dalaga sa kanyang ginagawa? Dahil sa pangyayari ay magdamag na hindi nakatulog ang matanda. Nais niyang kausapin si Jamie ng masinsinan upang malaman kung anong nangyari rito at pakikiusapan na itigil na nila ang ginagawa nila lalo na ngayong nalagay na sa peligro ang buhay nito. Batid niyang hindi niya mapapatawad ang sarili oras na mapahamak ang dalaga dahil sa misyon nito. Kinabukasan... Maagang bumangon si Ashton at agad na naghanda ng almusal ni Jamie. Nais niyang makakain ng masustansiyang pagkain ang dalaga. "Magandang umaga po Mang Ashton! Para sa akin po ba 'yan?" nakangising bungad ni Nene sa kanya ng magising ito. "Nope. Para kay Jamie 'to. Gusto mo rin ba? Igagawa kita pag naihatid ko na 'to kay Jamie." nakangiting wika ng matanda. "Bakit po? May nangyari po ba kay Ate? Bakit mo siya hahatiran ng pagkain sa kwarto niya? May sakit po ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Nene. "Wala naman siyang sakit pero gusto niya raw magpahinga kaya 'wag ka munang mangulit kay Ate mo ha?" "Eh bakit po? Galit ba siya sakin? Isasauli na ba niya ako sa kalye?" malungkot na wika ng dalagita. "Naku hindi! Ganyan lang talaga ang ate mo. Minsan gusto niya walang istorbo. Hayaan na muna natin siya ha. Oh paano, hatid ko na muna 'to sa kwarto niya?" ani Ashton bago nito hinawakan ang tray at maingat na dinala sa kwarto ng dalaga. "Miss Jamie," mahinang tawag ni Ashton kasabay ng mahihinang katok sa pinto. "Please come in." mahinang sagot ng dalaga. Dali dali namang pumasok si Ashton at kita niyang pawisan na ang dalaga dahil sa pag eehersisyo nito. "Ginawan kita ng breakfast mo... Ako na lang ang naghatid kasi balak ko din sanang kausapin ka." "About what?" "Tungkol sa nangyari kagabi. Where did you get your bruises? Who did that to you?" "Muntik na akong mabiktima nang serial rapist." simpleng wika ng dalaga. "What?! Are you serious?! Asan na siya?!" "He's dead." "Paano ka niyang nakuha? Bakit ka niya nasaktan ng ganyan kalala." "Masyadong mahaba kung idedetalye ko pa Ashton. Ang importante nakauwi ako ng buhay." "Miss Jamie... Do you think it's about time to stop? Look at you. Muntikan ka ng mapahamak dahil sa ginagawa natin." "Stop? Are you crazy Ashton? After all these years? After everything we did. After all the sacrifices. Sasabihin mo sa'kin na tumigil na?" "Miss Jamie di ko yata kakayanin kapag may masamang manyari sayo..." "Walang mangyayari sakin na masama Ashton. Nagkataon lang kagabi na naging careless ako, hindi na iyon mauulit." "Pero Mis-" "Ashton 'di mo ako mapapatigil sa ginagawa ko. Sa nangyari sa'kin ay mas lalo lang akong magpupursige sa ginagawa ko. Hindi ako titigil kahit na ano pang sabihin mo." "Ikaw lang naman ang inaalal-" "Trust me. . I can do this Ashton." "I'm so worried about you. Nagsisimula na akong makaramdam ng pagsisi na tinuruan kita sa lahat ng bagay.. Kung ito man ang ikakapahamak mo ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko." "Enough with the drama Ashton, ano ka ba? I'm still alive. I can still kick your ass out of my room kapag 'di ka riyan umayos. Cheer up okay?" pabirong wika niya sa matanda ng mapansin niyang seryoso ito sa kayunin nitong patigilin siya sa ginagawa. "Eh kasi nam-" "Oh sige ganito na lang. Ipapahinga ko muna 'to ng ilang araw,linggo o buwan. Pag okay na ako ulit ay babalik ako sa gawain ko at mag iingat na ako lalo. Deal?" Napabuntunhininga na lamang ang matanda sapagkat batid nitong hindi nito makukumbinsi ang dalaga na huminto sa kanyang ginagawa. Ang tanging masisiguro na lamang ng matanda ay tiyakin palagi ang kaligtasan ng alaga sa lahat ng oras. Mas maiigi siguro kung magkakaroon ng partner ang dalaga. Ngunit sino? "Sige na, lumabas ka na at baka nagtataka na silang lahat dahil nandito ka. Asikasuhin mo na lang muna ang adoption papers ni Nene habang nagpapahinga ako." utos ng dalaga. "Masusunod Miss Jamie." ani Ashton at kaagad na tumalima papalabas ng kwarto ng dalaga. --- Three days later.. "Hello, Brod..." mahinang wika ni Riely sa kausap ng sagutin nito ang tawag niya. "Oh Brod! Anong atin? May golf tournament na ba tayo?" masiglang tanong ni Clark ng tawagan siya ng kaibigan. "Hindi ko alam kung may tournament na ba.. Iba ang sadya ko sa'yo eh," "Ha? Ano yun?!" "Pa order naman ng ilan sa mga mamahalin mong alak. Last night na kasi ni Renato kaya magpa-painom ako sa mga bisitang darating." "Last night?! Teka! Anong ibig mong sabihin?!" "Wala na si Renato, Brod. Saka ko na sa'yo ikekwento kapag nagpunta ka rito. Mahabang kwento at medyo sensitibo kaya ayaw kong sabihin sa telepono." "Sige. Sige. Pupunta kami ni Connor diyan ngayon din!" nagmamadaling wika ni Clark bago sila natapos mag usap. Mukhang may mabigat na dahilan ang kaibigan kaya mas gusto nitong magkwento ng personal. "Connor! Connor!! Where are you??" malakas na tawag ni Clark sa kapatid. "Bakit?" nakasimangot na wika nito sa kanya habang nagpupunas ng pawis sa katawan. Mukhang kakatapos lang nitong magpapawis kaya ganun ang ayos nito. "Magbihis ka! Pupunta tayo kila Riely. Patay na raw ang kaibigan mo!". "What the-. Are you serious?! Si Renato?!" "Oo. Kaya magbihis ka na at pupunta tayo roon. Ihahanda ko lang ang mga alak na dadalhin natin." ani Clark sabay takbo papasok sa storage room nila kung saan inilalagay ni Clark ang mga pinakaiingatan niyang mga wine. Ng matapos magbihis si Connor at handa na ang lahat ay kaagad na bumyahe ang magkapatid patungo sa tahanan nina Riely. Si Riely ang isa sa malapit na kaibigan ni Clark dahil nagkakasama sila nito sa paglalaro ng golf kapag may free time ang dalawa. Kaya naman naging magkaibigan sila nito at idagdag pa ang pagiging close ni Connor sa nakakabatang kapatid ni Riely na si Renato, dahil iisa ang unibersidad na pinapasukan nila. "Ano daw kinamatay niya Kuya?" "Hindi ko alam. Sasabihin daw ng personal dahil masyadong kumplikado. Kung anuman yun ay sigurado akong di basta-basta ang kinamatay niya." ani Clark sa kapatid. Maging siya man ay nagtataka at nag iisip kung ano nga ba ang kinamatay nito. At hindi na siya makapaghintay upang malaman kung bakit ito biglang pumanaw. "Condolence brod..." ani Clark ng makita nito si Riely na nakaharap sa kabaong ng kapatid. Si Connor naman ay inasikaso ang mga dala nilang alak at ibinigay iyon sa tauhan ni Riely para ito na ang maglagay sa dapat nitong kalagyan. "Salamat brod... Di ko akalain na mawawala siya ng ganito kadali at sa ganoong paraan. Di ko matanggap Clark!" nagpupuyos ang kalooban na wika ni Riely habang nakakuyom ang mga kamao. "Bakit? Ano ba ang kinamatay ni Renato?" takang tanong niya. "Tara sa balkonahe." biglang aya ni Riely sa kaibigan upang makalayo sa iba pang bisita. Kaagad silang naglakad patungo roon at pagkaupo pa lang nila ay kaagad ng nagsalita si Riely. "He was murdered." tiim-bagang na wika nito. "What?! Alam niyo na ba kung sino ang may gawa nito?!" "Hindi pa, balak kong magpaimbestiga pag nai-libing na siya. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya." "May suspek na ba kayo?" "Sad to say pero wala pa. I don't have any idea kung sino ang may gawa niyan sa kanya. I am helpless and at the same time. I am clueless. Hindi ko alam kung bakit may gumawa niyan sa kapatid ko. He was murdered in a barbaric way. His genitals has been mutilated while he was locked in a chain. Sayang nga lang at hindi namin nahuli ang may gawa." nagpupuyos ang kaloobang wika ni Riely. "That's horrible! Nagsumbong ka na ba sa mga pulis?" "No. Ayokong ma-involve ang mga pulis dito. Malaki ang atraso sa'kin ng may gawa niyan. At ako ang magpaparusa sa kriminal na 'yon. Hindi sapat para sa'kin na maikulong siya. Brutal na kamatayan din ang nababagay sa kanya. At ako ang magagagawad sa walang hiyang yun ng karampatang parusa." "What's your plan?" "Hahanapin ko ang taong gumawa niyan sa kapatid ko. At ipapalasap ko sa kanya ang mga ginawa niya kay Renato!" "But how? Do you think mas maiigi na alam ng mga pulis ang nangyari para may makatulong sa'yo?" "No! Ako na ang bahala diyan. Laban ko 'to Clark. Pero kakailanganin ko ng tulong mo." seryosong wika nito sabay tingin sa kanya. "Ano yun?" "Pwede mo ba akong pahiramin ng sapat na halaga para magawa ko ang gusto ko? Kakailanganin ko ng malaking pera sa gagawin ko." "Walang problema, magkano?" walang pag aalinlangang wika ni Clark. "Isang milyon." walang gatol na wika nito. "Sige. Kung anuman yang binabalak mo ay sana nga ay magtagumpay ka. Hangad ko rin ang hustisya para sa kapatid mo." Pahayag ng binata kahit pa masyadong malaki ang hinihiram nito. Dangan nga lamang ay naawa din siya sa kalagayan nito at ramdam niya ang pagnanais nitong makamit ang minimithi nitong hustisya. "Salamat Brod. Hayaan mo, makakaasa kang mahuhuli ko kung sinuman ang may gawa niyan sa kapatid ko. Lintik lang ang walang ganti!" mariing wika ni Riely sa kaibigan. Naputol ang usapan nila ng biglang lumapit si Connor sa kanila at kinausap nito si Riely. "Kuya Riely, pasensya na sa abala.. Kinontak ko na ang mga classmate namin ni Renato. Balak sana naming gumawa ng tribute para sa kanya sa eulogy niya mamayang gabi. Kung ayos lang po sainyo."magalang na wika ni Connor. "Ganun ba? Sige ayos lang. Tiyak akong matutuwa si Renato sa gagawin niyo." nakangiting sang ayon ni Riely dito. "Sige po. Salamat Kuya," "Walang anuman. Kung may kailangan pa kayo ay wag kayong mahihiyang magsabi o magtanong sakin. Narito lang ako." "Sige Kuya, condolence po pala.." "Salamat Connor.." maluha-luhang wika ni Riely. "Hayaan mo brod.. Pasasaan ba at mahuhuli din natin ang may gawa niyan.. Lakasan mo lang ang loob mo, kaya mo yan." pagpapalakas ng loob ni Clark sa kaibigan ng makitang mas naging emosyonal ito. "Maraming salamat sainyo..." malungkot na wika ni Riely habang nakatanaw sa kabaong ng kapatid. Ilang oras pa ang inilagi nila Clark sa bahay ni Riely bago sila nagpasyang umuwi na muna ng panandalian. Nangako naman silang babalik din kinabukasan upang makipaglibing at ibigay ang hinihiram nitomg pera sa kanya. Samantala pagkaalis ng magkapatid ay panandaliang nagtungo si Riely sa kwarto ng yumaong kapatid. Sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang kabuon nito at ramdam na ramdam niya ang pangungulila kay Renato. Kung alam lang niya na mangyayari yun sa kapatid. Sana pala mas binilisan nila ang paghahanap rito. Baka sakaling napigilan pa nila ang mangyayari at buhay pa rin ang kapatid. "Huwag kang mag alala Renato.. Igaganti kita.." aniya sa sarili habang nakatitig sa malaking larawan ni Renato na nakasabit sa dingding nito. Umaagos ang masaganang luha sa mga mata ni Riely habang dahan dahang umuupo sa kama ng kapatid. Pagkatapos ay muli niyang kinuha ang cellphone nito at agad na binuksan. Gusto niyang makita ang mga larawan ng kapatid bago ito mawala sa kanya. Alam niyang madaming selfie ang kapatid dahil mahilig itong kumuha ng litrato at mag selfie. Bahagyang kumunot ang noo ni Riely ng makita ang litrato ng isang babaeng natutulog ang bumangad sa kanya. Nakakatiyak siyang iyon ang latest na photos sa gallery nito dahil nasa unahan ito. Dali dali niyang tiningnan ang oras at petsa ng larawan at doon niya napatunayan na ang litratong iyon ay kinuha bago nawala ang kapatid. Masusi niyang sinipat ang mukha ng babae. Mukha itong mabait dahil sa amo ng mukha nito. Bagay na bagay sa maikling buhok nito na sobrang kintab. "Who is she?? Siya nga kaya ang may gawa nito sa'yo??!" puno ng pagtatakang wika ni Riely sa sarili habang nakatitig sa larawan ng babae. Kaagad niyang tiningnan ang iba pang litrato at halos hindi siya makapaniwala sa mga nakita. Sandamakmak na mga litrato ng mga babae ang nakita niya sa gallery nito at ang iba pa ay naka-kadena at nakaposas. Bahagya rin niyang sinipat ang background ng litrato at napansin niyang iisa lamang ang lugar ng mga iyon. "Sino ang mga babaeng ito Renato?" bulalas na wika ni Riely habang iniisa isang muli ang larawan. Ngunit sa tagal ng pagkalkal niya ng mga litrato ay mas nakatawag sa kanyang pansin ang pinakalatest na kuha ng kapatid. May kinalaman kaya ito sa nangyari sa kapatid? Ngunit bakit?! "Kung sino ka man. Malalaman at malalaman ko rin 'yan."ani Riely habang matiim na nakatitig sa litrato ng dalaga. --- "Kuya, anong kinamatay ni Renato? Bakit daw biglaan?" usisa ni Connor sa kapatid. "It's confidential Connor. Hayaan mo na si Riely. Irespeto na lang natin ang desisyon niya na 'wag ipaalam sa iba ang tunay na dahilan ng kamatayan ng kapatid niya." ani Clark sa kapatid. Walang balak si Clark na sabihin sa kapatid ang tunay na nangyari sa kaklase nito. Upang hindi magkaroon ng isyu na pwede pang maging problema ni Riely sa hinahangad nitong hustisya para sa kapatid. "Strange ha..." pailing-iling na wika ni Connor habang malalim ang iniisip. Palaisipan din kasi sa kanya iyon at hindi rin siya mapalagay. Kaya ikaw 'wag ka ng nagpapaabot ng gabi sa daan. Lalo na masyado ng delikado sa panahon ngayon." "Ito naman si Kuya. Ako na naman napagbuntungan mo," "Ang akin lang ay paalala lang naman Connor.. Lalo na at panay gala mo." "Whatever Kuya. Hindi porke me masamang nangyari kay Renato ay ganun din ang mangyayari sakin. Kanya kanya tayo ng kapalaran." "Hay naku, Connor. Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo mo." napipikon na wika ni Clark sa kapatid. "Relax ka lang kuya. I can take care of myself. Hirap sa'yo wala kang bilib sa'kin eh!" pabirong wika ni Connor. "Ggrrr!! Napakakulit." "Hahahahaha!! Since birth Kuya..." Napapailing na lang si Clark dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo ng kapatid. Bakit ba naman kasi di nito magawang sumunod sa mga bilin niya? @Jamie's Residence Tahimik sa buong kabahayan ng magdesisyon si Jamie na lumabas muna saglit. Nais niyang magpunta sa pribado nilang silid ni Ashton upang magbakasakali kung may bago na siyang aasikasuhing misyon ngunit malinis ang lamesa niya at walang report roon ang butler niya. "Wala sigurong naghahasik ng lagim." pabulong na wika ng dalaga bago siya nagpunta sa mini gym niya upang magpapawis muli. Kaagad niyang isinuot ang boxing gloves niya at nagtungo sa ring kung nasaan naroon ang punching bag na ginagamit niya. Tagaktak ang pawis ng dalaga ngunit hindi niya yun alintana. Mas lalo pa siyang nanggigil ng maalala niya ang ginawa sa kanya ni Renato. "Ahhhh!!!" malakas na sigaw ng dalaga sabay sipa ng malakas sa punching bag niya. "A-ate," mahinang wika ng isang tinig na pumukaw sa atensyon ng dalaga. "Nene?! Anong ginagawa mo rito?!" pagalit niyang tanong. "O-okay na po kayo? Sorry po kung sumunod ako rito. Kanina kasing umaga hindi ka lumabas ng kwarto. Sabi ni Mang Ashton 'di ka raw po okay kaya nag alala ako.". "I'm fine. Alam mo bang bawal pumasok rito ang sinuman na walang pahintulot ko?" "Sorry po talaga Ate. Nag alala lang po ako ng sobra." ani Nene sabay titig sa mga pasa niya sa katawan. "Okay lang ako. Makakalabas ka na." mariing wika niya bago tumalikod dito para haraping muli ang punching bag. "Ate..." "What????" tila pikon na wika ng dalaga. "Pwede mo rin ba akong turuan ng ginagawa mo?" seryosong wika nito. "No." "Sige na po Ate. Gusto ko pong maging katulad mo," "Wag mong pangarapin na maging kagaya ko Nene. Ang pangarapin mo ay kung paano ka magiging successful sa buhay. Besides pag aaralin na kita sa pasukan." "Sige na Ate... Turuan mo ako kung panong maging kagaya mo. Para wala ng mang aapi sakin at maipagtanggol din kita balang araw kapag may nanakit din sayo.."muling pakiusap ni Nene. "I said, no!" "Please naman Ate ohh.. Parang maging sidekick mo na ako.. Gaya ni Ding kay Darna saka ni Robin kay Batma-" "Ang kaso Nene.. We're not superhuman with superpowers." sagot niya rito. "Oo nga naman, Miss Jamie... Why not? Naalala mo dati, kasing edad mo rin si Nene ng magpaturo ka sa'kin," biglang sabat ni Ashton na nakapasok na pala sa silid ng hindi namamalayan. "No! Ang pinapaasikaso ko sa'yo ang gawin mo Ashton. At ikaw Nene ang gagawin mo ay mag aaral ka kapag naayos na lahat ng papers mo. End of discussion." "Pero Ate," "Nene, I said, no! And I mean it!" pagalit na wika niya sa dalagita kasabay ng matalim na titig sa dalawa. Hindi niya gugustuhin na isuong ng dalagita sa panganib ang buhay nito dahil lang sa kagustuhan nitong maging kagaya niya. Malungkot na yumuko ang dalagita bago ito tumakbo papalabas ng silid ng lumuluha kaya naman agad ding sumunod si Ashton rito para paamuin. Saka pa lang natauhan si Jamie ng mapagtanto niya na naging harsh siya masyado sa dalagita. Ngunit anong magagawa niya? Hindi niya kailanman gugustuhin na maging kagaya niya ito. Tama na, na siya lang ang gumagawa ng ganong bagay. Hindi iyon ang pangarap niya para sa bata na itinuturing na niyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD