'Mahinang napasuntok si Crissa sa kanyang dibdib dahil parang sasabog ito sa sobrang sakit na kanyang nararamdam ngayon. 'Bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko man lang naisip na konektado silang dalawa. Bakit sya pa ang minahal ko?' Umiiyak nyang hinagpis. Bakit kailangan pa nyang malink sa mga taong dahilan kung bakit magdudusa ngayon ang kanyang ama sa kulungan.
Halos mapunit nya ang magazine na dinala ng kanyang kaibigan. Nakafeatures doon ang mukha ng anim na magkakaibigan at ang basic information sa mga ito. At doon lang nya nalaman na anak pala ito ng Attorney ni Mr Aragon. At kaibigan nito ang anak ni Mr Aragon. Sila Macky at Ron. Halos iuntog nya ang ulo sa pader sa sobrang katangahan.
Naramdaman nya ang paggagap ng kanyang kaibigan sa kanyang mga kamay. "Criss. I know you're smart so don't let this one ruin your relationship with him." Pagpapayapa ng kanyang kaibigan sa kanya. Alam nito kung ano ang saloobin nya sa mga taong dahilan kung bakit nakulong ang kanyang ama.
Lalong bumalon ang luha sa kanyang mga mata. "Papaano? Sabihin mo sa akin? Papaano ako haharap sa kanya na hindi naiisip ang kalagayan ng tatay ko sa kulungan. Oo. Alam kong kasalanan nya pero nakiusap ako. Alam nilang kaya lang nagawa iyon ng tatay ko dahil sa sobrang pagmamahal nya sa nanay ko." Giit nyang sumbat sa kaibigan.
Napabuntong hininga ito at bahagyang pinisil pa ang kanyang kamay. "Alam mong trabaho nila iyon diba. Ang pagbayarin ang nagkasala. Kahit pa may dahilan ang tatay mo sa mata ng batas nagkasala parin sya. Ginagawa lang nila ang trabaho nila." Paliwanag nito na para syang bata.
Napasinghot sya "Alam ko naman e. Pero sa tuwing naiisip ko ang hirap namin mula ng nawala si nanay. Ang pagod ko para makapag ipon lang ng pera para makalabas lang si tatay, parang kahit na alam kong mali ako, na maling magtanim ng galit sa kanila-- Nandito iyong sakit e. Dahil nawalan na ako ng ina tapos parang nawalan pa ako ng ama. At kailangan kong kalimutan ang pangarap ko para makaahon lang kami." Ramdam na ramdam nya sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan sya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang ama.
Sa hirap nito habang nakikitang ginugupo ang kanyang ina sa sakit. Iyong wala itong magawa para maibsan man lang sakit na nararamdaman ng kanyang minamahal. Lahat ng iyon ay nasaksihan nya. Kung naghirap ang kanyang ina. Alam nyang doble ang hirap ng kanyang ama. Hindi man naghirap ito physically pero alam nya mental and emotional-- nagdusa ang kanyang ama. Para sa kanya sapat na iyon at sobra sobra pang kabayaran sa nagawa nitong kasalanan. Oo. Sa mata ng lahat naglasala ito pero sa mata nya. Kahit siguro sya kung sya ang nasa kalagayan nito ay iyon din ang gagawin nya.
"Pag isipan mo ito ng maayos." Wika ng kaibigan na hinahaplos ang kanyang likod.
Napait syang napangiti. "Come to think of it. Hindi ko na kailangan pang umisip ng paraan para masaktan ko sila. Alam kong mahal nya ako at masasaktan sya pag nakipaghiwalay ako sa kanya." Gumuhit ang mapait na ngisi sa kanyang mga labi. "Ano kaya kung baliwin ko muna sya... iyong tipong hulog na hulog na sya sa akin saka ko sya iiwan." Kung kanina ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanyang mukha ngayon ay naging matigas ito.
Nakita nya ang pagguhit ng pag aalala sa mukha ng kanyang kaibigan. "Pag isipan mong maigi ang mga gagawin mong desisyon dahil baka ikaw din ang mas masasaktan. Mahal ka nya. Pero mahal mo din sya. Pag sinaktan mo sya, doble non ang balik sayo. Kaya please huh."
TIM
"Why are you so quiet huh?" Malambing na tanong ni Tim sa nobyang kanina pa tahimik. He gently slipped his arm under her arms and hugged her from behind and even sniffed her sweet scent.
She turned and faced him but she just stared at him.
He frowned as he read the emotion in her eyes but could not determine what it was.
"May problema ba?" Masuyo nya uling tanong ng hindi sya nito sinagot.
Umiling lang ito at yumakap din sa kanya.
Napabuntong hininga sya. "Okey. I won't force you to tell me what the problem is. but remember I'm just here when you need me okey. I love you remember that." Wika nya saka buong pagmamahal na pinatakan ito ng halik sa noo. Ilang araw na nyang napapasin ang pananahimik ito. Sa tuwing tumatawag sya ay kumibo dele ito. Pero inisip nalang nya na baka pagod sa trabaho pero sa nakikita nya ngayon alam nyang may prenoproblema ang nobya.
*****
"f**k! Is that Crissa?" Bulalas na tanong ni Macky habang nakatanaw sa baba kung saan maraming nagsasayaw. Kagaya ng dati ay nasa VIP room sila ng Macky's bar kung saan tanaw na tanaw nila ang mga nasa baba pero hindi sila nakikita dahil tinted ang salamin na nakapalibot dito.
"f**k!" Mura nya ng makilala agad ang nobya at ang kaibigan nitong bakla at kitang kita nyang may nakahawak sa baywang nito at mula sa likod at kinikiskis na ang--- Damn! Mura nya ulit. Halos talunin nya ang hagdan pababa para marating nya agad kung nasaan ito. Ilang besis syang may nabangga pero hindi sya pinansin kahit pinagmumura na sya. Pakiramdam nya ay sasabog na sya sa galit.
Hinawi nya ang mga makakaharang sa kanya. Wala syang pakialam kahit masaktan nya ang mga ito. Galit nyang hinila ang lalaking nakahawak sa nobya at inunduyahan agad ito ng suntok.
"You have no right to touch my girl!" Sunod sunod na suntok ang pinakawalan sya kaya bagsak ito. Natigil lang sya ng pinagtulungan syang ilayo ng mga kaibigan.
"Tim. Mapapatay mo sya." Awat sa kanya ni Ron pero nanginginig parin ang laman nya.
Nakita sya si Crissa na nakatulalang nakatingin parin sa lalaki na para bang nabigla din sa nangyari. Mabilis syang lumapit dito at pahablot na hinawan ito sa pulsohan at hinila paalis sa lugar na iyon pero laking gulat nya iwinaksi nito ang kanyang kamay.
Nagtatanong ang mga matang tumingin sya sa mga mata nito.
Nakatingin din ito sa kanya pero galit ang nababakas sa mga mata nito. "H-huwag mo akong hawakan." Mariing wika nito. Halatang pinipilit nitong tumayo ng maayos.
Kinuha uli nya ang pulsuhan nito at hinila. "Umuwi na tayo." He dragged her again until they reached the parking lot.
"Ano ba. Bitawan mo ako." Pasag nito pero wala syang pakialam! Hinila parin nya ito kahit na halos matapilok na ito dahil sa pagkakahila nya. Bahagyang napaigik ito ng pagalit nyang isinalya ito sa kotse.
"Now woman talk! What is wrong with you huh?!" Gigil nyang tanong. Nakapamaywang sya at palakad lakas sa harap nito.
Nakangiwi naman ito habang hinahaplos ang pulsuhan na binitawan nya.
"Tanga kaba? Nakita mong nagsasayaw kami." Mahinang sagot naman nito na bahagyang nakanguso na para bang normal lang ang ginawa nito. Lalo syang nagalit sa sagot nito.
"Nagsasayaw? Nagsasayaw ang tawag mo doon. Nakita mo ba kung papano ka hawakan lalaking iyon." Sigaw nya dito at halos maulol na sya sa galit.
Pagak itong tumawa. "Natural. Naramdaman ko. Ako kaya ang hinahaplos." Nanunuya uling sagot nito kaya hindi nya napigilang ang sariling itulak ito sa dingding ng kotse.
"I don't know what is the f*****g wrong with you! but I'm telling you the next time someone touches you I might be kill whoever he is." Halos bugahan nya ito ng apoy dahil sa gigil.
Tumawa uli ito. Parang hindi na ito ang kanyang nobya. Alam nyang lasing ito at baka hindi lang nito alam ang sinasabi at ginagawa pero hindi parin nya maiwasang magalit sa inaakto nito. "You love me that much huh My Attorney." Malambing na tanong nito na pinapungay pa ang mata na parang wala lang dito ang galit nya. Nanlumo sya.
Pinakatitigan nya ito sa mata. "Higit pa sa iyong inaakala." Anas nya. Hindi nya alam kung narinig nito.
Pumungay din ang mata nito at nagbago ang emosyong nababakas sa mukha nito.. "Take me home." Nasa mata nito ang pakiusap pero nandoon na naman ang lungkot sa mga mata nito.
He took a deep sighed to at least calm his nerves.
He silently opened the car door for her.
"Iuwi mo ako sa condo mo." Wika nito na nakapikit ang mga mata.
Hindi sya umimik at ganon din ito. Tangin ang ugong lang ng sasakyan ang naririnig nila hanggang makarating na sila sa building nila.
Wala paring silang imik habang nakasakay sila sa elevator.
Napahinga sya ng malalim ng tumunog ito tanda na narating na nila ang floor nila. Hindi nya alam pero parang kinakabahan sya.
"Gusto mo ba munang magkape para mahimasmasan ka?" Tanong nya sa nobyang tahimik lang na nakasunod sa kanya.
"Gusto kung lang maligo." Mahinang wika nito na parang ang sarili nito ang kausap.
Pinagbukas nya ito ng pintuan ng kanyang kwarto. "Sige. Pumasok kana sa loob." Wika din nya na parang bulong lang din.
Bago sya nito nilagpasan para makapasok ng tuluyan sa kwarto nya ay tinignan muna sya nito kaya nagtama ang kanilang mga paningin.
Wala sa loob na napalunok sya. Iba ang tingin nito. Bagamat may lungkot ang mga mata nito ay nararamdaman nya ang kakaibang awra nito.
Habang naliligo si Crissa ay nagtungo sya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape at dinala nya iyon sa kwarto.
Umupo sya sa gilid ng kanyang kama at hinintay itong lumabas. Nagtataka parin sya sa ikinikilos ng nobya. Narinig nya ang pag tigil ng lagaslas ng tubig kaya alam nyang tapos na itong maligo.
Narinig nya ang pagbukas ng pintuan ng banyo at kaluskos ng mga paa nito kaya napatingin sya doon.
Halos mapanganga sya ng makitang nakatapis lang ng tuwalya ang dalaga. Hindi nito sinuot ang robang ibinigay nya dito. Kitang kita nya ang mga tubig na tumutulo mula buhok nito pababa sa leeg at dahan dahan na tumutulo pababa sa puno ng dibdib nito kung saan nakabuhol ang tuwalyang.
He swallowed big time.