Chapter 15

1729 Words
Dali dali syang lumabas sa coffe shop. "Sweetheart." Tawag nya sa girlfriend na nakatalikod sa kanya. Agad naman itong tumingin sa kanya at gumuhit ang ngiti sa mga labi nito ng makita sya. He still couldn't help but be fascinated by her when he saw the sweet smile on her lips. Ang ngiting bumihag sa puso nya. "H-hi." Kiming bati naman nito. Nilapitan nya ito at isang mabilis na halik sa labi ang ginawad nya. As expected namula ang pisngi nito kaya bahagyan syang natawa. Umani tuloy sya ng pinong kurot mula dito. "Nakakainis ka naman e." Reklamo nito. Tumatawang kinabig nya ito at bahagyang niyakap. "You should get used to it sweetheart." Lambing nya saka uli ito pinatakan ng halik sa noo. "Akyat na tayo." Yaya nya. Napangiti sya ng magpaalam pa ito sa guard na kausap nito kanina. Tinaas din nya ang kamay para magpaalam dito. Nanatili syang nakaakbay dito habang nakasakay sila sa elevator. "Kumusta ang biyahe mo?" Masuyo nyang tanong dito: "Next time hayaan mong sunduin kita ha." Wika nya na bahagyan pa nyang pinisil ang balikat nito. Sumandal naman ang ulo nito sa balikat nya. "Mas practical na iyong ako ang pumunta dito at saka nagtaxi naman ako." Malambing na paliwanag nito saka pinulupot ang braso sa kanyang baywang. He sigh. What else he can do kung dinadaan na sya nito sa lambing. Kahit papaano ay hindi na ito masyadong ilang sa kanya. Wala ng nagsalita uli sa kanila ng tumunog na ang lift hudyat ng nakarating na sila sa floor nya. Tahimik lang itong sumabay sa kanya. Tumigil lang sila ng makarating na sila sa may pintuan ng kanyang condo. Nilapat nya ang daliri sa may sensor. "Come in." Hinagilap nya uli ang kamay nito ng mabuksan na nya ang pintuan. Pero maang uli syang mapatingin dito ng maramdaman ang pagnginginig ng kamay nito at namamawis din ang mga palad. "Are you okey?" Nag aalala nyang tanong. Hindi ito sumagot pero kitang kita nya ang pag aatubili sa galaw nito. "Kinakabahan kaba?" Masuyo nyang tanong. Nagbaba ito ng tingin. Napangiti sya. "Look at me sweetheart. trust me I will do nothing against your will. So don't be nervous okey." Pagpapakalma nya dito. "Sorry hindi ko lang kasi maiwasan ang kabahan." Nahihiyang sagot nito. "Don't be sweetheart. Come on. Pasok na tayo." Yaya nya na bahagyan na itong hinila papasok. "Did you like it?" Tanong nya ng makitang inilibot nito ang mata sa loob ng kanyang condo. "Ikaw lang ang mag isang nakatira dito?" Tanong nito. "Yup. Pero paminsan minsan ay umuuwi parin ako sa bahay ng parents ko. Alam mo na. Hinahanap ko parin ang luto ng mama ko." Nakangiti naman nyang sagot. "Mama's boy ka?" Nakangiting tanong nito na bahagyan pang nanlaki ang mata na parang nagulat sa kanyang sinabi. Natawa naman sya. "Mama's boy? Emm.. hindi naman. Masarap lang talaga magluto si Mama. One of this day ay ipapakilala na kita sa kanila." Sabi nya. Hindi pa nya nasasabi sa pamilya nya na may nobya na sya. Paniguradong kukulitin sya ng ina. "Anyway. You want something? Juice, coffe--" "Hindi na. Busog pa ako e. Sinabayan ko kasing mag agahan si Lola kanina bago ako pumunta dito." Tanggi naman nito. "Kumusta pala si Lola?" Tanong nya. "Sa awa ng Diyos maliksi parin." ****** CRISSA "So, dito lang tayo maghapon?" Tanong ni Crissa habang marahan na inihahakbang ang mga paa patungo sa sofa. Nilagpasan nya ang binata na matamang nakatingin lang sa kanya. Pero ramdam naman nyang sumunod din ito sa kanya. Umupo sya. At hindi nga sya nagkamali dahil nasa tabi na nya agad ito. "Why, do you want to go somewhere?" Masuyo nitong tanong. "Wala naman. Kaya lang baka maboring kang kasama ako maghapon." Nag aalala naman nyang sagot. "No dull moments if we are together sweetheart. At saka madaling araw kana ding natulog kanina kaya kailangan mong bumawi ng tulog." Natawa sya. "So patutulogin mo lang pala ako." "Yes." Nakangisi nitong sagot. "Matutulog lang tayo." "Di sana sinabi mo nalang para sa bahay nalang ako natulog." Wika naman nya. "Hindi kita mapapamper doon sweetheart." Sagot naman nito. Kumunot ang kanyang noo. "Anong pamper pa ba kasi ang gusto mo." Takang tanong nya. "Tumawag ako ng home service massage. Magpapamasahe tayo. Kaya kailangan mo ng magprepared. Magbabad ka muna sa bathtub mamaya nandito na ang mga iyon." Wika nito. Nanlaki ang kanyang mata. "Seryso ka?" Di makapaniwalang tanong nya. "Yup sweetheart. Dapat nga sa hotel tayo kaya lang parang mas magiging comfortable ka dito. Kaya dito na lang ako nagset up." Paliwanang nito. "Come para makapagprepared kana." Ginagap uli nito ang kamay nya at bahagyan siyang hinila patayo kaya sumunod nalang sya dito. Pumasok sila sa isang kwarto. At hindi nya mapigilan ang humanga sa loob non. Kagaya ng paghanga din nya kaninang pagpasok palang nya sa condo nito. Simple lang ang ayos at walang masyadong maliliit na abotbot na nakadisplay. Halos itim, gray and white lang ang makikita mong kulay sa loob. Halatang lalaki ang nakatira. May nag iisang painting na nakadikit sa wall pero hindi naman nya alam kung anong klaseng art iyon. Pero bumagay naman sa kulay sa loob. May mga libro. Mga trophys and certificate syang nakita kanina. Siguro iyon ang titignan nya mamaya. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong nya na nilibot pa ang tingin sa loob. May dalawang roba na nakapatong sa ibabaw ng kama na puro puti ang sapin. Pati kumot at punda ng unan ay puti din. Maluwang sa loob at napakasarap sa ilong ang amoy sa loob. Parang ang presko pero parang may halong pabango ng lalaki. "Ito ang room ko sweetheart. Upo ka muna diyan at ihahanda ko lang ang bathtub." Sagot nito. Hinila sya papunta sa kama saka sya nito iniwan at nagtungo uli sa may isa pang pintuan. Sinamantala nya uli ang pagkakataon para ilibot ang tingin. Ang yaman pala nya. Wika nya sa kanyang isip. Lahat kasi ng sulok ng condo nito ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Hindi man sya marunong tumingin ng kalidad ng mga gamit pero alam nyang mahal lahat ang nasa loob ng condo nito. Ang luwang ng kama nito at ang lambot pa. Para kang nasa loob ng mamahaling hotel. Tama ang sinabi nitong mas magiging kumportable sya dito. Parang hindi ako bagay humiga dito. Wika uli nya sa isip ng mapatingin uli sya sa apat na unan na maayos na nakasalansan. Hinaplos ng kamay nya ang robang nakalatag sa tabi nya. Sya naman ang paglabas ni Tim. Nginitian sya nito. "Come." Wika nito kaya tumayo na sya at lumapit uli dito. Pumasok uli sila sa pintuan na nilabasan nito kanina. Hindi pa pala banyo iyon kundi isang dressing room o closet. "Ito iyong closet ko magkarugtong sila sa banyo. Gusto ko kasi paglabas ko agad sa banyo ay closet na agad kaya ganyan ang design." Paliwanag nito habang pinapaupo sya sa harap ng vanity mirror at sinimulan nitong suklayin ang buhok nya. Tumaas ang kilay nya pero hindi sya nagkuminto. Pinanood nya ang ginagawa nito sa buhok nya sa salamin. "May vanity mirror ako dito dahil madalas na nandito ang kapatid ko at gustong gusto nitong dito nag aayos sa kwarto ko kaya naglagay ako nito nya." Kwento nito habang tinatali ang buhok nya. "Itali natin para hindi mabasa." Sabay silang napangiti ng tumingin sila sa salamin. "Hehe.. kailangan pa ng maraming practice pero okey na iyan." Sabi nito na parang tuwang tuwa sa nakitang ayos nya. Hindi nya maiwasang kiligin habang nakatingin sa sarili. Kahit na hindi maayos ang pagkakatali ng buhok ay parang ang ganda parin nya. Pinatayo uli sya nito at pumasok uli sila sa isa pang pintuan at doon na tumambad sa kanya ang loob ng banyo nito. Kaya pala humahalimuyak ang bango dahil ang daming scented candle na nakasindi at ito lang ang tangin nagsisilbing ilaw sa loob. Kapansin pansin din ang bathtub na may mga rose pitals. "Wow.." anas nya. "Nangustuhan mo ba?" Malambing na tanong ng binata sa kanya. Tanging tango lang ang sagot nya. "Mabuti naman kung ganon." "Pero hindi mo naman na kailangan gawin ito. Makasama lang kita ay masaya na ako." Sabi nya saka hinarap ito. "Talaga. Pero part ito ng pampering mo sweetheart." Wika nito na nangingislap ang mga mata. "Lalabas na ako ha. Feel free to use anything you want here." Paalam nito. Nagtatakang tumingin ito sa kanya ng mabilis nyang hinagilap ang braso nito. Nagkatitigan sila. Parang may sariling isip ang kanyang kamay at buong pagsuyong hinaplos ang mukha nito. "Gusto ko lang magpasalamat. Salamat dito. Salamat sa lahat lahat. Sa pag aalala. Sa Pag aalaga. Kahit na palagi akong walang oras sayo. Kahit na matigas ang ulo ko minsan. Salamat sa pag intindi. Salamat sa pagtanggap kahit na alam mo ng malayo ang agwat ng buhay natin. Salamat sa pagmamahal mo Tim." Naluluha nyang pahayag sa nobyo. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o manliliit sa sarili ngayong nakita na nya ang agwat ng kanilang buhay. Kasi sya halos patayin na nya ang sarili sa pagtratrabaho pero wala parin. Ni hindi nga sya nakapagtapos. Wala syang maipagmamalaki. Masuyo naman sya nitong niyakap. "Ssshhhh... ako ang dapat magpasamalamat sayo sweetheart. Because of you I found out that I have the ability to love like this. If the word love had a deeper meaning, I might feel that way about you. that I can understand everything and be content with only what you can give. even if you can't reciprocate my love for you. Sapat na sa akin na mahal mo ako." Pahayag nito. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Napakapalad nya dahil sya ang minahal nito. "Ssshhh.. I brought you here not to make you cry sweetheart." Biro nito sa kanya ng suminghot singhot sya dahil sa pag iyak. "Naisip ko kasi na ang laki pala ng agwat ng buhay natin. Bakit ako Tim. Marami namang iba d'yan na mas babagay sayo." Tanong nya habang nakasubsob sya sa dibdib nito. "Wealth doesn't issue me Crissa so don't ever think that. Aanhin ko ang yaman kung wala naman akong pag aalayan nito. O kaya hindi ko naman makakapiling ang mahal ko. Ikaw ang gusto kong kasama sa aking pagtanda. Maging ina ng mga anak ko. Hindi ko na kayang makita ang sarili ko na iba ang kasama. Dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko." Madamdaming pahayag nito sa kanya. Dahil sa narinig. Ay lalo syang napaiyak. "Eee.. nakakainis ka. Lalo mo tuloy akong pinapaiyak." Reklamo nya habang humihikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD