"Pasinsya kana sweetheart sa biglaang pag ambush ng mga kaibigan ko." Hinging paumanhin uli ni Tim sa kanya habang hawak hawak nito ang kanyang kamay. Nakasakay na sila sa kotse nito at ihahatid na sya nito sa isa pa nyang trabaho.
Tinapunan nya ito ng tingin saka uli sya tumingin sa daan pero sinandal nya ang likod sa upuan. "Aaminin kong nabigla ako. Kaya sana next time na may ganitong ganap einform mo naman ako." Seryosong wika nya. bagamat masaya syang nakilala nya ang mga kaibigan nito ay hindi parin nya maiwasang makaramdam ng pagkailang at hiya nadin. Syempre hindi sya prepared. Sa lahat pa naman ng ayaw nya ay iyong nasusurpresa sya talaga.
"Sorry talaga sweetheart. I tried to call you but you didn't answer my call. so I just thought you might still be busy then. Hindi ko lang talaga mahindian sila Ella at Sam. But promise. Next time magpapaalam na ako." Paglalambing pa ng binata sa kanya.
Bumuntong hininga sya. "Okey na. Pero kung may time talaga na kailangan mo ako o gusto mo akong makasama pwede naman akong mag absent sa trabaho ko basta sabihin mo lang ng mas maaga para makapagpaalam ako sa boss ko." Wika nya dito. Hindi pa nya nasusubukang mag absent pero kung para dito ay gagawin nya. Kailangan din nyang gawin ang part nya bilang girlfriend nito.
"Talaga?" Nagliwanag ang mukha ng binata dahil sa sinabi nya. "Don't worry sweetheart hindi mo kailangang mag absent sa trabaho mo. Basta ba sa akin ka tuwing sunday." Wika nito saka sya kininditan.
Namula tuloy sya dahil parang may halo ang sinabi nitong sa kanya lang sya kada sunday. Parang may ibang meaning e.
"Tuwing sunday talaga?"
Tumawa ang binata. "Yup! Every sunday. Ayaw mo ba?"
Kunwari ay nag isip naman sya.
"Don't worry sweetheart. I'm going to pamper you every sunday. Hindi kita papagorin." Paglalambing pa nito at hinahalik halikan pa ang likod ng kanyang kamay.
Natawa naman sya. "Pamper talaga?" Parang may kumikiliti sa puso nya. "Salamat Attorney ko sa pag intindi. Hayaan mo gagawin ko din ang lahat ng makakaya ko para magampanan ko din ang pagiging girlfriend ko sayo." Madamdamin nyang pahayag dito.
Bahagyan nitong pinisil ang kamay nya. "Your love is enough for me sweetheart."
Naputol ang kadramahan nila ng makarating na sila sa tapat ng burger machine. Gusto uli nitong samahan sya pero pinilit nya itong pauwiin na.
"Please Attorney ko. Hindi naman pwedeng samahan mo ako dito gabi gabi. Okey lang ako. Ilang taon na akong nagtratrabaho dito kaya sanay na ako." Pangungumbinsi pa nya dito.
"Pero--"
"Hep... wala ng pero pero. Umuwi kana magkita nalang tayo sa sunday." Wika nya na parang nakukulitan na sya dito.
"Sunday? Hell No! saturday palang bukas sweetheart." Reklamo naman nito na lukot ang mukha.
Pinandilatan naman nya ito ng mata. "Exactly. Saturday na po bukas at bukas lang po tayo hindi magkikita." Giit naman nya.
"But sweetheart--"
"Please.." Seryoso na nyang pakiusap dito. Hindi nya alam pero ang pangit lang sa kanya na binabantayan sya nito sa trabaho nya.
Bumuntong hininga ito kasabay ng pagbagsak ng balikat nito. "Okey. Pero tawagan kita ha." Malungkot na wika nito.
"Oi ayosin mo nga ang mukha mo. Bukas lang tayong hindi magkikita. Para naman mamiss mo ako." Pagbibiro nya dahil ang lungkot na ng mukha nito.
"Sweetheart I miss you in every minute, in every time we're not together." Giit nito na hindi man lang nabawasan ang lukot sa mukha nito.
Shocks. Lakas magpakilig e. Kinikilig tuloy sya. "O sige na nga. Pero kailangan nating magtiis. Promise babawi ako sa sunday. Babye na kasi sobrang late ko na."
Bumuntong hininga ito na parang ayaw pang bitawan ang kamay nya. "Okey sweetheart always take care okey. I love you so much." Kung hindi sya dinadaya ng pakiramdam nya ay ramdam na ramdam talaga nya ang pagmamahal na sinasabi nito.
Unti unting lumapit ang mukh nito sa kanyang mukha kaya napapikit nalang sya ng lumapat ang mga labi nito sa labi nya. Napakalambot ng labi nito at napakasuyo ng halik nito sa kanya. Iyong klase ng halik na paniguradong hahanap hanapin nya.
Bahagyan pa nyang hinabol ang labi nito ng lumayo iyon sa mga labi nya dahil parang ayaw na nyang matapos ang sandaling magkalapat ang kanilang mga labi.
At ganon nalang ang pamumula nya ng mukha ng magmulat sya ng mata ng makita ang nakangiting mukha ng binata na para bang naaliw sa kanya o sa ginawa nya.
Kaya naitakip nya ang dalawang palad sa kanyang mukha dahil sa hiya. Tumawa naman si Tim.
"You're so cute." Wika nito habang tinatanggal ang kamay nya na nakatakip sa kanyang mukha. "Okey. Bumaba kana bago pa magbago ang isip ko. Baka bigla nalang kitang itanan." Pagbibiro pa nito. Kaya mahina nyang hinampas ito sa dibdib.
"Bye sweetheart I love you." Nakangiting paalam nito. Maaliwalas na uli ang mukha nito. Tsk! Halik lang pala ang sagot e. Sabi nya sa kanyang isip.
Nginitian na din nya ito. "I love you too My Attorney."
****
Day passed and this is the day Tim has been waiting for ang makasama nya si Crissa. Acctually he has no plan para ilabas ito ngayon because all he wants now is for her to take rest. Kaya sa condo lang nya sila mag estay the whole day. Maybe watching movie together, matulog, kumain. Basta makapagpahinga ito. Inihanda na din nya ang mga iluluto nya mamayang tanghali. Magmumukban sila. Gusto nyang magkalaman ito. Hindi naman sa ayaw nya ang katawan nito ngayon. She actually has a very beautiful body. Napakasexy nito. Pero hindi naman kasi ang katawan nito ang minahal nya dito. He just want her to have a good health. Hindi naman kasi importante sa kanya ang figure nito basta ang importante ay malusog ito.
Tinignan nya ang oras at napangiti sya ng makitang oras na para sunduin nya ito. "Here I come sweetheart." Parang baliw nyang bulong kaya napailing sya sa sarili.
Narinig nyang nagring ang kanyang phone kaya kinuha nya at lalong lumawak ang ngiti nya ng mabasa ang
Sweetheart ko calling...
"Hello sweetheart good morning. Hinihintay ko na ba ako?" Bungad nyang bati sa dalaga.
"Ako nalang hintayin mo dyan Attorney ko. Nakasakay na ako ng taxi para hindi kana mapagod."
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Diba ang usapan natin ay susunduin kita, bat ka nagtaxi?"
"Mapapagod kapa kasi pag sinundo mo pa ako kaya ako nalang ang pupunta diyan." Paliwanag naman nito.
He sigh because of his girlfriend's stubbornness started again. "Okey. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung nakasakay kana." Seryoso nyang sabi sa nobya. Pinahalata talaga nya na hindi nya nagustuhan ang ginawa nito.
After twenty minutes ay bumaba na sya para abangan ito sa baba. Thirty minutes drive din kasi hanggang sa bahay ng dalaga kung hindi maiipit sa traffic. Pumasok sya sa coffe shop na nasa baba lang ng building nila at pumuwesto sya kung saan mapapansin nya agad kung mayroong titigil na sasakyan sa tapat ng building nila.
"Oh Atty. Rodriguez it's nice to see you again. Nandito ka rin?" Anang tinig na pumukaw sa kanya kaya napatingin sya dito.
"Sandra?" Hindi makapaniwalang bulalas nya ng makilala kung sino ito. Ito ang bestfriend ng kanyang kapatid na may pagtingin sa kanya dati. O mad tamang sabihing patay na patay sa kanya dati.
"Akala ko hindi mo na ako matatandaan e." Matamis na ngumiti ito sa kanya.
"Ofcourse not. Dito sa building na 'to ako nakatira. Kumusta kana. Anyway. Nagkita na kayo ni Trecia?" Nakangiti nyang tanong dito. Masaya syang makita itong muli. Parang kapatid na din kasi ang turing nya dito.
"Yes. Kahapon lang. tignan mo ang babaeng iyon. Hindi man lang nasabi na dito ka din pala." Paninisi nito sa kapatid nya pero halata namang masaya kaya mahina syang natawa. "waiting for someone?" Tanong nito.
"A yes. I'm waiting for my girlfriend." Sagot naman nya. Nakita nya ang bahagyan gulat sa mukha nito pero saglit lang.
"A.. so may girlfriend kana pala." Hindi nakaligtas sa kanya ang pag iiba ng mood ng babae. Naging alanganin tuloy ang ngiti sa kanyang labi. So, hindi pa tuluyang nakakamove on ito sa kanya. Naalala kasi nya ang huling pag uusap nila bago ito dalhin sa ibang bansa. Iyak ito ng iyak habang nagmamakaawang tanggapin nya ang pag ibig nito.
"Y-yes, ikaw? Sa ganda mong iyan huwag mong sabihin na wala ka pang boyfriend." Pilit nyang pinapagaan ang usapan nila.
Ngumiti ito pero nandoon ang lungkot. Para pa ngang pinipigil nito ang luha. "Still waiting for the right one. Anyway. Mauna na ako sayo." Paalam nito. Hindi pa sya nakakasagot ay tumalikod na ito.
Nasundan nalang nya ito ng tingin. May awa syang naramdaman para dito. Maganda din ito, sexy. galing sa kilalang pamilya. Kaibigan din ng pamilya nya ang pamilya nito. Kung tutuusin isa ito sa mga ideal girl ng mga katulad nyang lalaki. Pero hindi mo naman pwedeng turuan ang puso. Pagmamahal bilang kapatid lang talaga ang kaya nyang ibigay dito.
Sa ganon syang pag iisip ng mapansin nya ang kausap ng guard ng building nila.
Shit! Hindi nya namalayan na dumating na pala ang hinihintay nya. Dali dali syang nag iwan ng cash para sa kapeng inorder nya na hindi man lang nya nabawasan.