Feeling ni Crissa ay nakatungtong sya sa ulap at hindi nya ramdam na kulang sya sa tulog. Basta ang alam nya masaya sya. Maliksi syang gumalaw at ganadong ganado sya sa kanyang trabaho. Pati mga katrabaho nya ay napansin din ang kakaiba nyang awra.
Hehe..Ikaw ba naman ang magkaroon ng gwapong boyfriend tignan ko lang kung hindi ka magaya sa kanya.. hindi maalis alis ang ngiti sa kanyang labi.
"Inspired na inspired ka ngayon baks ah." Puna ni Mildred ang kasama nyang cashier.
Nginitian nya ito. "Masaya lang ako dahil malapit na ang out natin."
"Asus. Huwag ako baks." Wika nito na bahagyan pang sinundot ang kanyang tagiliran kaya humahagikhik syang umiwas dito.
"Ano kaba baka mapagalitan tayo." Tumatawang saway nya dito.
"Umamin ka. Siguro nagpadilig ka ano?" Panunukso nito.
Nakangiti parin sya pero kumunot ang kanyang noo dahil hindi nya nagets ang sinabi nito. "Nagpadilig? Ano ako halaman."
Tinawanan sya nito. "Nagpadilig. Hindi mo alam iyon?" Hindi makapaniwalang bulalas nito sa kanya habang natatawa parin. "Kasi naalala ko, ganyan na ganyan din ako noong diniligan ako ni Tonyo." Dagdag pa nito.
Nanlaki ang kanyang mata."Diniligan ka nya? 'Buti hindi mo sya inaway. A. Kung ako iyon ibebreak ko sya." Baka masampal pa nya. Ikaw kaya ang diligan. Dagdag pa nya sa isip.
Humagikhik naman si Mildred. "Bat ko sya aawayin, gustong gusto ko nga. Ang sarap kaya non. Mapapatirik ang mata mo pag natikman mo iyon at paniguradong hahanap hanapin mo." Sabi naman ni Mildred na parang kilig na kilig na hindi mawari.
Napatakip sya sa bunganga ng magets na nya ang sinasabi nito. "Emm. Nakakainis ka naman. Ibang dilig naman ang sinasabi mo eh. Dinudumihan mo lang ang isip ko." Kunwari ay sinimangotan nya ito pero tinawanan lang sya.
Sabay pa silang napatingin ng may pumasok na customer at bahagyan pang nanlaki ang mata nya ng makilala kung sino ang mga dumating. Agad inassist ito ng isa sa mga waiter nila pero napatingin sa dereksyon nila ang binatang nagpatibok ng kanyang puso.
Nagtama ang kanilang mga mata. Parang may mga paruparung nagliliparan sa kanyang tiyan at nagiging masidhi ang t***k ng kanyang puso. 'Kalma lang Crissa. Kalma lang.' pagpapakalma nya sa sarili.
Kimi syang ngumiti dito at ganon din ito. Saglit itong bumaling sa mga kasama at may sinabi sa mga ito. Ilang saglit lang ay sabay sabay na tumingin ang mga ito sa kanya at bahagyan pa syang kinawayan kaya medyo nailang sya. Nahiya. Nakita nya kasi at medyo naririnig nila na parang tinutukso ng mga ito ang Attorney nya. Namumukhaan nya ang iba sa mga ito pero hindi nya alam ang mga pangalan. Tanging si Macky lang at Tim ang kilala nya.
Lumapit sa kanila ang binata at ang mga kasama naman nito ay umupo sa bakanteng table,
Nakangiti parin ito habang papalapit sa kanila. "Hello sweetheart." Bati nito sa kanya.
Napakislot sya ng lihim syang kinurot sa tagiliran ni Mildred. "Hello sweetheart daw." Bulong nito sa kanya na parang hindi pinaghihiwalay ang ngipin at ang mga mata ay nakay Tim lang.
"Hi." Maiksi nyang sagot na parang nahihiya.
Lumawak ang ngiti nito sa labi pero kumunot ang noo na para bang nakukulangan sa pagbati nya.
Tumingin ito sa relo at saka bumaling uli sa kanya. "Patapos na ang duty mo diba?" Tanong uli nito.
"Y-yes. Pa out na din ako" Nagtataka nyang sagot.
"Is it okay for you to join us for dinner. Huwag kang mag alala dahil aabot ka sa next duty mo mamaya." Pagyaya nito sa kanya.
"Ha a e.. baka kasi--" Nag aalangan sya kung pagbibigyan nya ito. Parang nahala naman sya ni Mildred.
"Gurl ano kaba. Go kana. At saka minuto nalang naman na matatapos na ang duty mo. Dali na. Bihis kana." Wika naman ni Mildred na halos itulak na sya.
"P-pero baka makita ako ni Madam." Nag aalala nyang tanong sa kaibigan. Sa tinagal tagal na kasi nya dito sa trabaho nya ay ngayon lang sya kakain na kasama ang customer nila.
Pinandilatan naman sya nito ng mata. "Hoy. Off mo na ibig sabihin non customer kana din. At saka okey lang iyon kay Madam. Ako nga diba ilang beses ko na ding sinabayang kumain si Tonyo dito kahit nakaduty ako diba."
Medyo napakamot sya sa ulo at saka tumingin kay Tim na parang hinihintay din ang sagot nya. "Sige na nga. Magbibihis lang ako tapos puntahan ko nalang kayo sa table ninyo." Wika nya dito.
Nagliwanag naman ang mukha nito "Okey thank you. Hintayin ka namin." Masayang sabi nito
Mabilis syang natungo sa locker nila para magbihis. Nakailang buntong hininga sya. Hindi nya alam kung malulungkot ba sya o maawa sa binata. Kung ano ano nalang ang paraan na ginagawa nito para makasingit ito sa oras nya.
Kaya sisiguraduhin nyang maibibigay nya lahat ng oras nya dito sa linggo.
Nahihiya man ay lakas loob syang lumapit sa mga ito ng matapos na syang mag out at tinext na din nya si Audrey. Buti nalang at mamaya pa ang pasok nito.
Nakita nyang nginuso sya ng isang kasamahan ng binata ng papalapit na sya sa pwesto ng mga ito. Hindi kasi sya nito agad makikita dahil nakatalikod ito sa kanya. Agad na tumayo ang binata at sinalubong sya. Ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata ng halikan sya nito sa labi. Dampi lang iyon pero dahil sa hindi sya sanay ay hindi parin nya maiwasang mabigla. At lalong namula ang kanyang mukha ng marinig na napasipol ang mga kaibigan nito.
Wala sa loob na napakapit sya sa baywang nito at lihim itong kinurot doon.
Napakislot ito pero tumawa lang. "You're so cute when you blush sweetheart." Puri nito sa kanya saka sya kinabig payakap.
"Ehemm.. love birds baka naman pwede na kayong umupo dito." Wika ni Macky na may panunukso sa boses. Kaya lumapit na sila.
"Anyway sweetheart, gusto ko uling ipakilala sila sayo dahil baka nakalimutan mo na ang mga pangalang nila. This is Ron the devil. Alex ang balasubas. Si John ang may sayad. Si Jef ang abnormal at si Macky ang pinakamalala." Nakangising pakilala nito sa mga kaibigan kaya bahagyan nya itong siniko sa tagiliran.
"Anak ng--- pwede namang pangalan nalang bakit palaging may karugtong." Reklamo ni Macky.
"Blame Ron." Sisi naman ng binata kay Ron.
Tumawa naman si Ron. "Malay ko bang matatandaan nyo iyon." Defensive naman na wika nito. "Anyway nice to see you again Crissa." Bati nito sa kanya.
"So. I finally met you Miss little Red." Wika naman ni Jef na nagpamula sa kanyang pisngi.
"Fuck.. don't call her that name." Paungol na sita naman ni Tim kay Jef.
Kumunot ang noo naman ni Jef. "What is the story behind that name ba kasi?" Curious na tanong nito.
Tumawa naman si Macky dahil ito ang nagpangalan sa kanya. "Wala lang bro. Call her Crissa nalang dahil baka mag ala dragon si Attorney."
"Nice to see you again Crissa." Bati din ni John at Alex sa kanya.
"Maupo na tayo." Wika ni Tim sa kanya at saka sya pinaghila ng upuan. Napansin nya na nagdugtong pa sila ng isang mesa at may bakante pang dalawang upuan na mayroon ding plato na nakaabang. So naisip nalang nya na mayroon pa silang hinihintay.
Parang nabasa naman ni Tim ang iniisip nya. "We're waiting for Ella and Sam. Malapit na din sila." Sagot nito kahit hindi pa sya nagtatanong.
"Ella is my wife ang Sam is Jef's wife. Sila ang ikakasal noong una mo kaming nakita. Actually sila ang may pakana nito. Because they are excited to get to know you." Wika ni Ron.
"Ako po?" Hindi makapaniwalang tinuro pa nya ang sarili.
"Yup. Naikwento kasi namin kung gaano kapatay na patay sayo si Attorney kaya sobra silang naexcite na makilala ka."
Napatingin sya kay Tim na minumura ang kaibigan.
"Sorry. Mapilit sila e." Alanganin naman na paliwanag ng binata. "Hindi na nila ako tinigilan hangga't hindi ko sila dinala dito." Dagdag pa nito.
"P-pero nasaan po sila?" Nagtataka naman nyang tanong.
"Ayan na sila." Biglang wika ni Jef habang nakatingin sa dalawang babaeng papalapit.
Napaawang ang kanyang labi ng masilayan ang dalawa.
"Wow." Usal nya. Wala kang itulak kabigin sa dalawa. Ang mas matangkad ay parang anghel ang mukha. ang amo amo ng mukha nito. Iyon bang tipong hindi marunong magalit. Ang isa naman ay may kaliitan. Mukhang bata pa. Una mong mapapansin dito ay ang mata. Parang dilim iyon sa gabi pero kumikislap. Buhay na buhay. Ang cute. Siguro ang sarap nitong maging kapatid.
Sa kanya agad nakatingin ang mga ito kaya wala sa loob na napatayo sya sa upuan.
"Hi." Halos sabay na bati ng mga ito sa kanya na para bang kilala na sya.
"H-hi." Kimi din nyang sagot pero may alanganing ngiti sa kanyang mga labi.
"Ako si Ella at ito naman si Sam." Pakilala ng mas matangkad na Ella ang pangalan.
"C-Crissa po." Nahihiya man pero inabot parin nya ang kamay pero bahagyan siyang nagulat ng yakapin sya nito at bahagyan pang tumawa. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nalove at first sight sayo itong si Tim." Ani Ella.
"Hello po ate." Bati din ni Sam sa kanya ng binitawan sya ni Ella at niyakap din sya.
Doon na lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang cute kasi nito. "Hello din."
"Bumili kami ng cake para sayo. Dali buksan natin." Sabi ni Ella na tinaas pa ang kahon na daladala. Inilapag nito iyon sa mesa na para bang excited na buksan ang binili ng mga ito.
"Para sa akin. Tayka hindi ko naman birthday ha." Nagtataka nyang wika.
Tumawa ito. "Hindi lang naman may birthday ang binibigyan ng cake." Wika nito.
"Baka kung anong laman nyan bebz ha." Duda ding tanong ni Tim kay Ella kaya napatingin sya dito. At napansin nyang nakataas ang kilay ng mga iba pang kasama nila. Na para bang nawiwerdohan sa dalawa.
Nginisihan naman ni Ella ang mga ito. "Huwag nga kayong killjoy. Pawelcome namin ito sa kanya dahil unti unti na kaming nadadagdagan ni Sam. Ibig sabihin non magkakaroon na din kami ng sarili namin grupo. Kasi pag nabobonding kayo naaout of place kami. May mga usapan kayo na hindi namin masakyan. So ibig sabihin non. Hindi na namin kailangang makisali sa bonding ninyo dahil magkakaroon na din kami ng sarili naming bonding. Kaya iyong mga iba diyan. Bilis bilis na para mabuo na din ang grupo namin." Mahabang paliwanag ni Ella. Medyo na touch sya sa sinabi nito. Feeling nya welcome na welcome sya at hindi man lang nya naramdaman na malayo ang agwat ng mga ito sa kanya.
Halos sabay sabay naman na napatango ang magkakaibigan.
Binuksan ni Ella ang cake at lalo syang napangiti ng makita iyon. May nakasulat na welcome to the club Crissa.
"Parang matagal pa kayong mabubuo." Ngising wika naman ni Macky.
Natawa ng mahina si Ella. "You can't say that brother -in -law. Baka bukas may ipapakilala ka na din sa amin." Tukso pa nito kay Macky.
Nagsilapitan na si Ella at Sam sa mga asawa ng mga ito at halos sabay namang ipinaghila ang mga ito ng upuan matapos patakan ng halik sa mga labi.
Ang ganda nilang panoorin. Parang masayang masaya ang dalawa sa piling ng mga asawa ng mga ito.
Nakikita nya sa mga ito ang Happy wife, happy life.
Ayee.. ganon din kaya sila ni Tim pag dating ng araw...