Parang nalulun ni Crissa ang dila dahil wala syang maapuhap na salita o mas tamang sabihin na wala syang alam na salita na pwede nyang isagot sa mga katagang binitiwan ng binata. Nakaawang lang ang kanyang labi at ang mga mata ay titig na titig lang sa binata. Hanggang sa dalhin nito ang kanyang mga palad sa labi nito at buong pagsuyong hinalikan iyon. Naging mas masidhi ang t***k ng kanyang puso na para na syang nalulunod sa sariling damdamin.
"I love you." Buong pagmamahal na pahayag ng binata Napakalamlam ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. Para syang hinihigop nito.
Gusto nyang haplosin ang mukha nito at sabihin din ang nilalaman ng kanyang puso. "I love you too." bulong nya sa isip lang habang titig na titig din sa binata.
Nakita nya ang sorpresang gumuhit sa mukha nito. "Mahal mo na din ako?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Tim na nagpabalik sa kanyang katinuan.
"H-huh?" Naguguluhan nyang tanong.
"You said you love me." Nahimigan nya sa boses nito ang tuwa.
Shit! Nasabi ko ba iyon? Tanong nya sa isip.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki pero nakataas naman ang isa na para bang binabasa nito ang reaction nya. Kapagkuway parang bumagsak ang balikat nito at nawala ang kislap ng mga mata. "You said you love me. but if you don't mean to say that it's okay." Bulong nito saka uli pinatakan ng halik ang kanyang mga kamay.
Shit! Naisatinig nga nya. Pero bakit parang ayaw na nyang bawiin. At bakit parang ayaw nyang makita ang lungkot sa mukha nito ngayon.
"T-talaga? Pero bakit mukha lumungkot ka?" Tanong nya.
Ngumiti ito pero halatang pinipilit lang. "hindi naman." Tanggi nito saka na binitawan ang kanyang kamay. "Let's go para makapagpahinga kana." Pang liliko nito sa usapan nila hinawakan na nito ang pintuan ng sasakyan para mabuksan iyon. Akma na itong bababa pero pinigil nya ang braso nito.
Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "May problema ba?" Tanong nito ng hindi sya nakapagsalita agad.
"I-iyon nasabi ko--"
"Don't worry. Alam ko namang hindi kapa handa." Masuyo nitong hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa braso nito at bahagyang pinisil iyon.
"P-papaano kung iyon talaga ang nararamdaman ko sayo?" Paanas nyang tanong. parang lalabas na ang kanyang puso dahil sa lakas ng t***k nito. Nenerbyos sya na parang excited na para syang nilalamig pero pinagpapawisan sya-- a basta! Hindi nya maintindihan.
"What do you mean?" Tanong din ni Tim na parang kinabahan din. Umayos uli ito ng upo at hinarap sya.
Lalong kumabog ang kanyang dibdib at nanginginig na ang kanyang mga kamay ng tinitigan sya nito na para bang inaarok ang kanyang isip.
Hinawakan nya ito sa mukha at bahagyan nyang inilayo at iniiwas iyon sa kanya.
"Umm.. wag mo akong tignan ng ganyan." Nahihiya nyang bawal sa binata.
Tumawa ito ng mahina pero hinawakan nito ang kamay nya. "Bakit papaano ba kita tignan ha." Tanong nito na para syang tinutukso.
Naiilang syang ngumiti pero iniiwas nyang ang tingin dito.
"Come on say it. Papaano ba kita tignan at parang ilang na ilang ka. Ayan o. Sobrang pula na tuloy ng mukha mo." Wika ng binata na hinuhuli ang kanyang mata.
Naisapo nya ang palad sa mukha. "Eee... nahiya na tuloy ako." Sabi nya habang nakatago ang mukha sa kanyang mga palad.
Tumawa ito na para bang naaaliw sa kanya. "Kanino ka nahihiya, sa akin?" Inalis nito ang mga kamay nyang nakasapo sa kanyang mukha.
"Come on sweetheart look at me. Ako lang ito. Dapat masanay kana sa akin." Pilit nito sa kanya.
Tumingin naman sya dito at nakita nya ang ngiti sa mga labi nito.
"Now tell me sweetheart. Ano ang nararamdaman mo para sa akin?" Masuyong tanong nito na hinawi pa ang kanyang buhok na nalalaglag sa kanyang mukha.
Napatitig sya sa mga mata nitong masuyo ding nakatitig sa kanya.
"M-mahal na din kita." Bulong nya. Kinabahan sya ng hindi ito umimik pero tumiim ang titig nito sa kanya.
"W-wala ka bang s-sasabihin." Nauutal nyang tanong dahil sa sobrang kaba.
"Are you sure?" Paninigurado nito.
Tumango sya at nagbaba ng tingin dahil hindi nya kayang salubungin ang mga mata nito.
"No sweetheart. I want you to look me in my eyes." Hiling nito at tinaas pa ang baba nya kaya napatingin uli sya sa mga mata nito. "Sigurado ka na ba?"
Tumango sya. "Yes. M-mahal na kita." Wika nya kasabay ng luha na nalaglag sa kanyang pisngi dahil sa bugso ng kanyang damdamin. Kaya napapikit sya at dinama ang kanyang dibdib.
Naghalo halo kasi ang nararamdaman nya. Natatakot sya pero hindi nya kayang pigilin ang kanyang nararamdaman. Ito ang unang lalaking pinapasok nya sa kanyang buhay maliban sa kanyang ama.
Napadilat sya ng may dumamping malambot at medyo basa sa kanyang labi at medyo nahirapan syang huminga. At ganon nalang pananlalaki ng kanyang mata s**t! Hinalikan nya ako. Sigaw ng kanyang isip. Hindi gumagalaw ang malambot na labi nito sa mga labi nya at pikit na pikit ang mga mata nito. Parang may sariling isip ang kanya mga mata na pumikit din sya at dinama ang napakalambot nitong labi.
Ilang segundo pa ay ramdam na nyang humiwalay iyon kaya bahagyan nyang naiawang ang kanya pero ng akma syang didilat uli ng mata ay muli nitong inangkin ang kanyang bibig. Kung kanina ay dampi lang ngayong ay gumagalaw na iyon at nababasa na din ang kanyang bibig dahil parang kumakain na ito ng lollipop pero napakasuyo.
"Ohhhh.." hindi nya maiwasan umungol dahil sa natatangay na sya. Ganito pala ang feeling ng mahalikan. Nakakawala ng katinuan. Parang gusto nyang pahigop dito at nakakapang init ng katawan.
Lumulusot lusot ang dila nito sa ngipin nyang nakaawan na para bang tinutukso syang ibuka nya pa iyon pero dahil parang nanggigigil sya ay hindi nya sinasadyang--
"Ouchhh.." daig ng binata na agad na humiwalay sa kanya at napasapo ang isang kamay sa bibig nito.
Nataranta syang napahawak sa mukha nito. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Masakit ba?" Nag aalala nyang tanong.
Salubong ang kilay nitong tumitig sa kanya pero mayroon kislap ang mga mata.
"M-masakit?" Kinakabahan nyang tanong.
Tumango ito pero hindi nagsalita.
"P-patingin. Gusto mo hipan ko." Natataranta sya dahil hindi ito nagsalita. Inalis nya ang kamay nitong nakahawak sa bibig at sinapo nya ang mukha nito. "Patingin ako. Baka nagkasugat." Tanong nya. Pero unti unting gumuhit ang ngiti sa labi nito na para bang naaaliw pa sa inakto nya.
"Ayos lang ako sweetheart." Tanggi nito na nakangiti parin.
"Patingin na. Ikaw kasi e." Pilit nya pero may paninisi.
Tumawa ito kaya napasimangot na sya.
"Okey na. Hindi naman masakit. Nabigla lang din ako." Pagpapakalma nito sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Siguradong sigurado sweetheart. I love you." Abot taynga na yata ang ngiti nito sa labi.
Nag init ang kanyang pisngi. "I l-love you too." Nahihiya nya ding tugon.
"Tayo na?" Ginagap nito ang kanyang kamay.
"Tayo na?" Kunot noo nyang ulit sa tanong nito dahil parang hindi nya nagets.
"I mean. Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako.." paliwanag nito.
"K-kung kaya mo or tanggap mo akong maging girlfriend mo." Tumango sya. "Tayo na." Nakangiti na din nyang sagot.
Napapikit ito at "YESSSS!" Pigil na pigil na sigaw nG binata.
Napatawa na sya dahil sa nakikita nyang tuwa dito.
"Sweetheart wala ng bawian a." Paninigurado nito.
Tumawa sya. "Yes My Attorney. Wala na pong bawian."
Parang may humaplos sa kanyang puso habang tinititigan ang kanyang mahal. Hindi nya akalaing magdudulot dito ng sobrang kasiyahan ang pagpayag nyang maging nobya nito. At kahit sya din ay parang walang pagsidlan ang tuwang kanyang nararamdaman. Kung nanaginip sya hiniling nya na sana ay huwag na syang magising.
Maliksi syang pinagbuksan ng pintuan ng binata at agad na ginagap nito ang kanyang palad ng makababa sya sa sasakyan nito kaya napatingin sya doon at saka sya napatingin sa mukha nito. Nginitian lang sya nito na para bang sinasabing "MASANAY KANA."
Hanggang sa makapasok na sila sa bahay nila ay hawak hawak parin nito ang kanyang kamay.
Dumeresto sila sa kusina.
Pinatong ng binata ang bitbibitbit nitong paper bag na daladala kanina ni Macky.
"Attorney. Baka naman pwede na po ninyong bitawan ang kamay ko." Paalala nya sa nobyo.
Hinarap sya nito at pinaningkitan ng mata. "Sweetheart, pwedeng sweetheart nadin ang itawag mo sa akin." Hiling nito na parang hindi nagustohan ang tawag nya dito.
Nginisihan nya ito. "Ayaw ko. Mas gusto ko iyong Attorney ko."
Nalukot ang mukha nito. "Pero sweetheart. Ang dami dami ng tumatawag sa akin nyan e. At saka feeling ko ang tanda tanda ko pag ganyan ang tawag mo sa akin." Reklamo nito.
"Attorney ko." Sambit nya. "Tunog astig naman a. At saka tawag naman nila sayo Attorney lang. ako, Attorney ko." Giit naman nyan.
"Sige. Dapat pag tinawag mo akong Attorney dapat may ko palagi sa dulo. Kung hindi may punishment ka sa akin."
Sumimangot naman sya. "Punishment agad." Reklamo nya.
"Oo. Para hindi mo makalimutan."
"Tsk! Attorney ka nga." Nakanguso nyang sabi. "Anong parusa?" Tanong nya.
Kunwari ay nag isip ito. "Kung ano lang maisip ko. Bawal tumanggi." Gagad nito sa huli ng makita nitong magsasalita sana sya kaya tinikom nalang uli nya ang bibig.
"Bitaw na Attorney para maiinit ko na ang pagkain natin." Aniya sabay hila ang kanyang kamay pero kinabig lang siya nito at agad na inangkin ang kanyang labi kaya nanlaki ang kanyang mata. Saglit lang iyon pero nanghina yata ang tuhod nya.
"Sample palang yan sweetheart." Nakangising sabi nito ng binitawan na sya.
Napapadyak sya ng paa. "Eeee... ang daya naman e." Reklamo nya.
Tumawa ito. "Diba sabi ko may punishment."
Tinignan nya ito ng masama. "Baka pwede naman pong magpaalam pag nagpataw po kayo ng parusa Attorney KO para hindi po ako nabibigla. Sa korte nga nililitis ninyo pero bakit ako parusa agad." Maktol nya na nakanguso.
Tumawa ito. "Bawal tumanggi." Naaaliw na paalala nito sa kanya.
Tinulungan siya nito sa paghahanda ng kanilang pagkain at kung maamoy lang siguro sila ng langgam ngayon baka hinabol na nila ito sa sobrang kasweetan. Halos ito na ang magsubo sa kanya. At hindi na sya magtataka kung lumubo ang katawan nya dahil palaging sinasabi nitong damihan nya ang kumain.
Madaling araw na itong nakauwi. Kung wala lang syang pasok bukas, 'mamaya pala dahil madaling araw na.' baka hindi pa nya ito pauuwiin.