Chapter 11

2101 Words
Tim felt sad for Crissa as he watched her. Because instead of resting, she is now on her another job. Gusto nya itong tulungan pero palagi sya nitong tinatanggihan and he couldn't help but worry for her safety now that he saw where she was working. Matao, magulo, maingay, mausok at alam nyang maraming masasamang loob na nagkalat sa paligid. Mag isa lang ito sa duty tapos panggabi pa. At anong oras na itong umuuwi. So he thinks of a way how he can help her. Hindi sya mapapanatag kung dito ito magpapatuloy na magtrabaho. Kaya tinawagan nya si Macky baka sakaling kaya nya itong kumbinsihin na lumipat ng trabaho. Nag offer sya dati ng trabaho dito sa opisina pero tinawanan lang sya nito dahil nga high school grad.lang daw ito. Tapos hindi pa nito maiwan ang trabaho sa restaurant dahil malaki ang utang na loob nito sa amo at sya daw yata ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng amo. He knew Macky could do something about it kaya sya ang tinawagan nya. At palagi syang tinatanong nito kung ano na ba daw ang score nilang dalawa ng dalaga. Naramdaman nyang nagvibrate ang kanyang phone kaya tinignan nyang kung sino ang tumatawag. Speaking of the devil "Bro. Saan kana?" Tanong nya. Nailibot nya ang paningin dahil maingay ang background sounds nito. "Tang*na Nasaan kaba? Nandito na ako sa tapat ng gasoline station na sinasabi mo a." Halata ang inis na tanong nito sa kanya. Tumayo sya at tinanaw ang gasoline station na sinabi nya kay Macky. Napangisi sya ng makita nya itong may dala dalang paper bag. Medyo natakpan kasi ang pwesto nila Crissa kaya hindi ito agad makikita ni Macky. May pagkamaarte pa naman ang isang ito. Paniguradong kanina pa sya nito minumura. "Face to the right. and just walk straight and don't stop until you see me." Medyo tinago nya ang kanyang katawan para hindi sya nito agad makita. "Ako ba e pinagluluko mo lang Attorney?" Iritableng tanong nito pero nagsimula namang maglakad. "Easy bro, just a few steps and here you are." Wika naman nya. Pero nakikita na nya itong palapit na ng palapit at alam nyang matatanaw na nito ang outlet nila Crissa. Hinintay pa nya ito ng kaunti saka na sya nagpakita. "See. Nandito kana." Nakangisi nyang bati dito. Lukot ang mukha nito. "Anak ng putakti ka. Talagang pinapunta mo pa ako dito para lang sa hapunan mo." Reklamo nito sa kanya. "Huwag masyadong maingay." Pigil nya dito baka kasi marinig sila ni Crissa. "Nasaan sya?" Tanong nito kaya inginuso naman nya si Crissa na kasalukuyang iniaabot ang binili ng customer nito at halos sabay pa sila ni Macky na nagtaas ng kamay ng tumingin ito sa gawi nila. Nginitian sila nito. "A killer smile as ever." Bulong ni Macky sa kanya. "Yeah. The smile that makes my heart beat faster." Mahina din nyang sambit na ikinatawa naman ni Macky. "f**k you! Ang corny mo." Buska nito sa kanya. Natawa sya. "I know. Can't help it." Lumapit na sila ni Macky. "Hello Miss Little Red. Kumusta ka?" Masaya nitong bati sa dalaga. Napaungol sya sa tawag nito sa dalaga. "Can you just call her by her name." Aniya na hindi maitago ang inis. "Mas gusto kong itawag sa kanya iyon eh." Wika nito na parang iniinis pa sya. "I'll kick your a*s asshole." Tumawa si Macky. "Okey okey okey. Hands up. Hello Crissa. Kumusta kana?" Napangiti naman ang dalaga kay Macky. "Hello sir. Okey lang naman po." "Mukhang sobrang pambabakod nitong kaibigan ko sayo dahil pati sa trabaho mo ay binabantayan ka nya." Ani Macky na nasa boses ang panunukso sa kanila ng dalawa. ******** CRISSA Naiilang na nga sya kay Tim kanina dahil ramdam nyang nakasunod lang ang tingin nito sa kanya tapos dumagdag pa itong si Macky na sa tingin palang nya ay magaling ng manukso. "Sya nga pala. Hanggang anong oras ka dito?" Tanong ng binata na umupo sa tabi ni Tim. Inilapag nito ang dala dalang paper bag sa may counter. "Why you ask?" Kunot noong tanong ni Tima sa kaibigan. "Relax. I just want to ask her to continue our night at my bar. At para masabi ko na din ang offer ko sa kanya." Sagot naman nito sa kaibigan tapos tumingin uli sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay. "Anong offer?" Nagtataka naman nyang tanong. "Hanggang mamayang ten to ten thirty pa sya e." Si Tim uli ang sumagot para sa kanya. Naiiling namang tumawa ng mahina si Macky. "Alam na alam talaga eh noh?" Buska nito kay Tim. Si Tim ang binubuska nito pero sya naman ang namumula. "Natural." "So wala palang time ngayon. Kailan ka pwede?" Tanong nito. Nagtataka sya kung anong iooffer ba nito sa kanya. "Dalhin ko nalang sya sayo sa linggo." Sabi uli ni Tim na tumingin din sa kanya. "Linggo? Basta huwag gabi ha. Alam mo namang schedule ng model ko iyon." Sabi nito kay Tim tapos ay may gumuhit na pilyong ngiti sa mga labi nito. "Okey. Bago gumabi nandoon na kami." Ani Tim. Pinaglipat lipat lang nya ang tingin sa mga ito habang nag uusap. Para kasing mayroon pang ibang meaning ang mga pinag uusapan ng mga ito e. "Hindi pwede... naghahanda na ako non." Reklamo naman ni Macky. Natawa si Tim. "Anak ng--- At ano namang paghahanda pa ang gagawin mo?" Ngumisi si Macky kay Tim. "Tang*na ka. Tinatanong mo talaga ako kung anong paghahanda ang gagawin ko sa harap pa mismo talaga ni Crissa." Makahulugan sagot naman nito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Tim. "Ano bang pinag uusapan ninyo?" Singit naman nya sa usapan ng dalawa. "Pwede ka naman naming tulungan ni Attorney sa paghahanda kung kailangan mo ng tulong." Sabi pa nya. Nalukot ang mukha ni Tim at Tumawa naman si Macky. "Just come early and we will be fine. Any way. Bibili nalang ako ng burger para may pasalubong ako sa bahay. Siguradong gising pa ang mga nandoon." Pang iiba nito sa kanilang usapan. "Bigyan mo ako ng sampung order ng jumbo burger at padagdag nalang ng cheese. Diba buy one take one yan." Tanong nito pero tinignan na ang kanilang menu. "Tsk! Papagurin mo pa sya e." Reklamo ni Tim sa kaibigan. Nailing naman sya. "Oi. Trabaho ko kaya ito." Paninita naman nya sa binata. Tumawa naman si Macky. "Pagpasinsyahan mo na itong kaibigan ko Crissa. Ayaw ka lang nitong mapagod." Nailang tuloy syang ngumiti. Sinalang nya ang order nito. "Kumakain pala kayo ng burger dito. Para kanino iyong iba?" Tanong nya dahil benteng peraso lahat iyon. "Emm.. Oo naman. Pero first time ko dito. Ibibilihan ko na din iyong mga sakama namin sa bahay. Nalamang nanonood pa ang mga iyon ng korean drama." "Hindi kaba sa condo mo uuwi?" Takang tanong naman ni Tim sa kaibigan. Nakangiting umiling si Macky. "Dumating sila Utol kanina at gusto kong makasama ang mga pamangkin ko." Halata ang tuwa sa boses nito. "Nice. Dalaw din ako sa kanila pag may oras ako. Sayang kong may time lang sana din si Crissa para makilala din nya si Ella." "You can bring her on sunday. Hindi pa naman yata sila babalik agad sa farm." Wika naman ni Macky saka tumingin sa kanya at ngumiti. "Next time nalang. Akin lang sya sa sunday." Sabi naman ni Tim. Gusto tuloy nyang sapakin ito ng narinig na napawow si Macky. "Attorney. Kung ano ano ang pinagsasabi mo d'yan ha. Baka ma misinterpret ng kaibigan mo." Paalala nya sa binata. "Totoo naman. Madalang lang na makaroon tayo ng time na dalawa kaya susulitin ko na. Pag pinunta kita doon paniguradong nandoon din si Sam dahil wala ding pasok iyon sa school. Siguradong hindi kana pakakawalan ng mga iyon. Kaya next time nalang kita ipapakilala sa kanila." Wika nito. Parang may humaplos sa kanyang puso sa sinabi nito. Ganon naba sya kagustong masolo ng binata para ipagdamot pa sya mismo sa mga kaibigan nito. "Ang damot mo naman." Buska naman ni Macky sa kaibigan. "Ikaw nga ayaw mong paistorbo sa sunday e." Wika naman ni Tim. "Tol. Iba naman kasi ang ganap sa sunday night. Alam mo namang matagal na nawala iyon kaya babawi lang ako." Wika naman ni Macky. Matapos nyang ihanda ang order ni Macky ay nagpaalam na ito sa kanila. Dahil madami silang customer ay hindi na nya naharap ang kumain at ganon din si Tim. Kanina pa nya ito pinapauwi pero matigas ang ulo. Nagmukha tuloy itong body guard nya at halos wala syang oras para makausap ito. Bago matapos ang duty nya ay nagpaalam ito para kunin ang sasakyan daw nito. Hindi nya alam kung saan nito iniwan iyon basta may kinausap ito kanina na tricycle driver at sinakay ito. Nagpasalamat sya ng maaga pang dumating ang karelyebo nya at maaga din syang nag inventory para makalabas siya agad. Lumabas na sya at sa labas nalang umupo. Masikip na kasi sa loob pag silang dalawa ang nandoon. Makakasagabal sya sa nakaduty. Hinihintay nalang nyang dumating si Tim. Napakislot sya ng may humawak sa kanyang likod. "Hey its me." Wika ng binatang kanyang hinihintay. Napasiko sya sa tagiliran nito. "Ang hilig mo talagang manggulat." Reklamo nya Natawa ito. "Sorry. Ang dali mo kasing magulat e. Tapos kana?" Masuyo nitong tanong sa kanya. Tumango naman sya. "Tara." Malambing nitong yaya sa kanya saka sya inalalayan makatayo. Nagpaalam muna sya sa kanyang kasama bago sila umalis. Sinandal nya ang pagod na likod sa upuan nito at ipinikit ang mata. "Pagod kana?" Nahimigan nya ang pag aalala sa boses nito. Pinilit nyang ngumiti dito. Hanggat maari sana ay ayaw nyang makita sya nito ng ganon. Ayaw nyang kaawaan sya nito. "Gusto mo bang kumain muna tayo bago tayo umuwi?" Tanong uli nito sa kanya. "Pwedeng sa bahay nalang tayo. Doon nalang natin kainin ang dinala ni Macky kanina. Pasinsya na pala ha. Pati ikaw napagod pa." "Wala naman akong ginawa para mapagod. Ikaw ang inaalala ko. Halos hindi kana makaupo kaninang nagsidatingan na ang mga customer ninyo. Hindi kana nakakain sa sobrang busy mo." Wika ni Tim Bumuntong hininga sya. "Sanay naman na ako. May mga oras kasing dagsaan ang bumibili may mga oras din na madalang lang." kwento nya. Ginagap nito ang palad nya. "Sweetheart. Alam kung nangako ako sayo noon na hindi kita pakikialaman at iintindihin kita sa mga trabaho mo. But let me help you please. Kahit sa trabaho lang. nag aalala ako sayo. Lalo na sa safety mo. Lalo na at pang gabi ka pa. Anong oras kana nakakauwi." Pakiusap nito sa kanya. Lalo tuloy bumigat ang dibdib nya. "Napag usapan na natin ito diba. At saka hindi ko naman linya ang mga trabahong gusto mong ibigay sa akin." Nahihirap nyang sagot dito. "Pero hahayaan mo na akong tulungan kang makahanap ng ibang trabaho?" Kulit nito sa kanya pero nandoon ang pag iingat. Tumingin sya dito habang pinag iisipan ang sinabi nito. "Hindi ko talaga maiwasang mag alala sayo e. Sige. Ganito nalang. Kung ayaw mong umalis doon gabi gabi kitang babantayan." Wika nito. Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. "Nababaliw kana ba?" Bulalas nya. "I'm serious sweetheart." Seryosong sagot nito. Pinagilid nito ang sasakyan. Kaya tumingin sya sa paligid. Doon lang nya napansin na nakarating na pala sila. Humarap ito sa kanya at buong pagsuyong ginagap ang kanyang palad. "Mahal kita Crissa. At hindi mo maiaalis sa akin ang mag alala." Napipilan sya sa narinig. Oo nga't nanliligaw ito sa kanya pero ngayon lang nito sinabi na namahal sya. Hindi nga maiwasang mapaawang ang kanyang bibig. s**t. Sa sobrang kilig nya ngayon. Parang gusto nyang sumigaw. "M-mahal mo ako?" Nabubulol nyang tanong. "Silly. Ofcourse I love you. Wala ako dito ngayon kung hindi kita mahal. Hindi ako mag aalala sayo ng sobra sobra kung hindi kita mahal. Mahal kita." Ramdam na ramdam nya ang bawat katagang binibigkas nito. Parang naninikip ang kanyang dibdib. "Kahit na ganito lang ako. Kahit na wala akong oras sayo mahal mo parin ako?" Naluluha nyang tanong. "You are not just "lang" sweetheart. Because you are the one I love and you mean everything to me." Buong pagmamahal sya nitong tinitigan sa mata. Parang sumidhi pa ang t***k ng kanyang puso. Kumurap kurap sya s**t! Parang gusto na nyang himatayin. Mahal nya ako, mahal na nya ako. Paulit ulit nyang binubulong sa sarili habang nakatitig din sa mga mata ng binata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD