Mabilis na tumakbo si Crissa para mahabol pa nya ang green light. Papatawed kasi sya ngayon sa kalsada at medyo nagmamadali sya para hindi sya mahuli sa duty nya sa burger machine. Hindi kasi sya fan ang sinasabi nilang filipino time. Sinisiguro nya palagi na nakakapsok sya sa tamang oras.
Buti nalang at walking distance lang ang burger machine na pinagtratrabahoan nya sa restaurant kaya hindi na sya mamasahe pa. Pag uwi naman ay nagjejeep nalang sya. Madalang na ang jeep noon pero mayroon pa namang mga pang last trip.
Medyo hingal na sya kaya binagalan na nya ang lakad. Medyo ramdam na din nya ang pawis sa kanyang likod kaya tinanggal nya sa pagkakasabit sa isa nyang balikat ang bagpack at ilaylay nalang iyon sa isa pa nyang balikat para kahit papaano ay maginhawaan ang kanyang likod. Kung bakit naman kasi ang init init tapos ang dami pang nag iihaw ihaw sa tabi ng daan na parang nakadagdag pa sa alinsangan ng panahon.
Nagulat sya ng may bigla nalang humila ng bag nya kaya medyo napasigaw pa sya at pahablot na hinila din iyon. Bigla ang pagsirit ng kaba sa kanyang dibdib.
"Hey. It's me." Mabilis naman pagpapakilala ng humila ng akmang sisigaw siya uli. "It's me sweetheart." Wika uli nito.
Nanlaki ang kanyang mata ng makilala nya ito. "Attorney?!" Halos mapasigaw sya ng makilala na nya kung sino ito. "Eeee... nakakainis ka! Bakit ka nanggugulat." Inis na inis nyang inihampas dito ang bag na daladala.
Tumawa naman ito habang sinasanggang ang hampas nya: "Sorry. Hindi ko alam na magugulatin ka. Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo yata ako naririnig." Ani Tim na parang natatawa sa pagmamaktol nya.
Lukot parin ang mukha nya dahil sa sobrang kaba kanina. Akala nya may manghahablot na ng bag nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na nakasimangot parin.
Napakamot ito sa ulo. "Wala. Nakita kasi kitang naglalakad kaya sinundan lang kita." Paliwanag naman nito.
Medyo naningkit ang kanyang mata na nakatitig sa mga mata nito. Inaarok nya kung nagsasabi ito ng totoo. "Nagsasabi ka ng totoo?" Diskumpyado parin nyang tanong na medyo tinaasan pa nya ito ng kilay.
Tinaas naman nito ang palad. "Promise. Alam mo iyong Sky building? doon ako galing. Papalabas ako kanina ng dumaan ka sa tapat non." Kwento nito na para syang inaamo.
Ang Sky building na sinasabi nito ay malapit lang sa restaurant na pinagtratrabahoan nya. Building iyon na punong puno mamahaling sasakyan. Mukhang mamahalin pala dahil wala naman syang alam sa presyo. Kitang kita kasi nya sa loob dahil nakaglass wall naman iyon.
Bumuntong hininga sya. Ano pa nga ba ang magagawa nya.
"May trabaho pa ako e." Aniya na nagpatiuna ng maglakad. Kinuha nito ang bag nyang nakasabit sa isa nyang balikat. "Ako na magaan lang naman." Pigil pa nga pero kinuha parin nito iyon at sinabit sa balikat. Para tuloy naging alangan dito ang bagpack nyang kulay pink. Nakaslack kasi ito at naka white longsleeve na nakatupi hanggang siko. At kahit ano naman yatang ayos at isuot nito ay gwapong gwapo parin ito.
Tahimik lang itong nakasunod sa kanya habang sya naman ay tahimik lang din at hindi na nya ito kinausap hanggang makarating na sila sa trabaho nya.
Umupo muna sya sa labas ng outlet nila ganon din ang ginawa ni Tim.
"Good evening Sir Ma---Ate Cris. Ikaw na pala yan. Kala ko customer." Masayang bati sa kanyang ni Audrey sa kanyang ng makilala sya at bahagyang tumingin kay Tim. halatang halata sa mukha nito ang paghanga sa binata. Bumaling uli ito sa kanya. Hindi ito nagsalita pero halatang gusto nitong magtanong.
"Kasama ko sya Audrey. Nakapag inventory kana ba?" Tanong nya sa dalaga na parang kinikilig.
"Ikaw ate ha. May pogi kana palang bodyguard ngayon." Tukso nito sa kanya kaya pinandilatan nya ito ng mata.
"Hello kuya, Audrey po." Bati nito sa binata na parang nagpapacute dahil pumipikitpikit pa ang mga mata nito. Kaya napailing nalang sya.
"Hello Miss. Just call me Kuya Tim para partner sa tawag mo sa kanyang Ate." Wika naman ni Tim na bahagyan pang kumindat sa kanya na sinuklian naman nya ng irap. Tumawa ng mahina si Tim at humagikhik naman si Audrey.
"Ayeyyy... lomalovelife na si Ate Cris." Impit na tili pa nito.
Pinandilatan nya ito ng mata. Sarap kurutin sa singit! "Oi! Magtigil ka nga d'yan. Taposin mo na ang inventory mo dahil baka malate kana sa pasok mo." Saway nya kay Audrey na para nakalimutang may pasok pa ito.
"Ay oo nga pala. Saglit lang ate. Sya nga pala. Eteturn over ko nalang sayo yong sales ko kanina. Natapos na kasi akong mag inventory kaninang may bumili ulit.." Sabi nito na panay na ang ikot sa loob ng outlet.
"Sige ilagay mo nalang d'yan." Wika naman nya habang pinapanood ito.
"Hindi kana ba magbibilang 'te?" Tanong uli nito ng hindi pa sya pumapasok.
"Hindi na. Tiwala naman ako sayo." Ganon naman sila palagi. Matagal na kasi silang makakasama kaya tiwala na sila sa isa't isa.
Tahimik lang din si Tim na nakikinig sa kanila.
Nginitian sya ni Audrey. "Lalabas na ako te. Kahit hindi kana maglinis dahil naglinis na ako kanina. Nakakahiya naman sayo dahil palagi nalang na marumi ang outlet pag pinapasa ko sayo." Wika nito habang dinadampot na ang mga gamit para makalabas na sa outlet.
"Mukha nga. Para ngang hindi ako sanay e." Biro naman nya dito.
Natawa ito.
Nakaalis na si Audrey ay hindi parin sya pumapasok sa loob ng kanilang outlet.
"You haven't started yet?" Untag ni Tim sa kanya.
Tumingin sya dito. "Hindi ka pa ba aalis?" Balik tanong naman nya.
"Nah. hindi pa. Go. Pasok kana. Huwag mo akong pansinin dito." Pagtataboy nito sa kanya.
Tumingin sya sa mukha nito. Magtatatlong linggo na mula ng huli silanv magkita. Last nalang kasi noong galing sila sa palengke at hindi na sya uli nagkaroon ng oras para dito. Dahil iyong dalawang araw ng linggo nya ay sinama sya ni Carla sa raket nito.
Palaging sa cellphone lang sila nagkakausap. "Sa tingin mo makakatagal ka ng ganitong set up?" She suddenly asked. Bigla syang nakaramdam ng lungkot. Gusto nya itong bigyan ng mas mahabang oras o mas tamang sabihing gusto nyang bigyan ang sarili ng oras para makasam nya ito pero papaano? Pag nagbawas sya ng trabaho ay nangangahulugan din na tatagal ang tatay nya sa kulungan. Na ayaw nyang mangyari. Lalo na at minsan ay nagkakasakit na ito doon.
Ramdam nyang ginagap nito ang kanyang kamay at saka sya nginitian. "Hindi kita susukuan sweetheart. Even if you don't say it. Alam kong may katugon din ang nararamdaman ko sayo. Hindi kita minamadaling sagotin ako. Hihintayin kong maging handa ka. Ang hinihiling ko lang sayo ay hayaan mong iparamdaman ko sayo na nandito lang ako. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ginagawa ang mga ito. Gusto kitang tulungan pero alam ko naman na hindi mo din iyon tatanggapin." Madamdamin na pahayag nito.
Tinignan nya ang kamay nilang magkahawak at hindi nya namalayan ang luhang nalaglag sa kanyang mga mata.
Ang pagod na noon ay hindi nya alintana ngayon ay parang gusto nyang sumandal dito at sabihing kung gaano sya kapagod.
Kaylan ba sya natulog ng maaga. Sabagay, Palagi palang maaga syang natutulog dahil madalas na alauna ng madaling araw na syang natutulog. Tapos babangon sya ng alas singko.
Nakakapagod din pala.
Pero parang mas nanghihina sya pagnaiisip nya na maaring magsawa na ito sa ganoong set up nila. Madalas sa cellphone na nga lang sila nakakausap pero minsan, Nakakatulog na ito hindi pa sya nakakapagreply dahil busy sya sa trabaho. Tapos, pag tumatawag ito madalas pang nakikihati sa oras ng mga customer niya dahil hindi maiwasan na may biglaang bibili.
"Hey... bakit ka umiiyak. May problema ba, may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito sa kanya na bahagyan pang tinaas ang kanyang mukha at pinunas ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.
Napapikit sya ng mata ng madama ang palad nitong humahaplos sa kanyang pisngi. Mas lalong bumigat ang kanyang dibdib dahil sa haplos nito.
"Crissa. Look at me sweetheart." Masuyong wika ni Tim kaya dinilat nya ang mata.
Hinuli nito ang kanyang paningin. "Tell me. May problema ba?" May lamlam ang mata nito habang nakatingin sa kanyang.
Nagyuko sya ng ulo. "W-wala naman. N-natakot lang ako na bigla ka nalang mawala. Nasanay na kasi akong palagi kang nand'yan nag aalala sa akin. Nag papaalala ng mga bagay bagay. kahit na palagi akong walang oras sayo."
Tinaas uli nito ang baba nya. Pinakatitigan sya sa mata. "Ito ang tandaan mo. Hinding hindi ako mawawala." Sabi ni Tim saka sya pinatakan ng halik sa noo kaya napapikit sya at dinama nya ito.
"Come on. Pasok kana muna sa loob. Hintayin kita dito." Wika uli ni Tim kaya napadilat sya at tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng binata.
"S-sigurado kang maghihitay ka?" Tanong uli nya.
Malawak ang ngiti nitong tumango sa kanya na para bang pinapagaan nito ang loob nya. "Magbababad din naman tayo sa cellphone kung wala ako dito kaya okey lang na bantayan kita habang nakaduty ka. Go na. Bago kapa matanggal sa trabaho mo." Pagtataboy nito sa kanya.
Bantulot syang tumayo at pumasok na sa kanilang outlet.
Nag ayos mula sya. Sinuot nya ang kanyang apron at hairnet ng buhok at nilagay ang panyong bandana sa ulo. Nilibot nya ang tingin sa loob ng outlet. Buti nalang talaga at nakapaglinis si Audrey.
"Nga pala sweetheart. Pwede ba tayong kumain dito?" Tanongni Tim na lumipat sa kabilang side dahil mas tago iyong sa kabilang side.
Napatapik sya sa kanyang noo dahil nakalimutan nya. "Oo nga pala. Pasinsya na ha. Nakalimutan ko tuloy tanongin sayo kung kumain kana. Gusto mo bili nalang ako dyan sa tapat na canteen. D'yan kasi ako madalas na bumibili ng pagkain ko."
"Hindi na. Padeliver nalang tayo kay Macky." Tanggi nito.
Kumunot ang kanyang noo. "Macky?" Sambit nya na parang pamilyar sakanya ang tunog.
"Yes. Si Macky. Naalala mo iyong mdada kong kaibigan?" Pag papaalala nito sa kanya.
Nanlaki ang kanya mata ng maalala ang taong tinutukoy nito "Ay naku. Huwag na. Aabalahin mo pa sya. D'yan nalang tayo bumili. Promise masarap ang luto nila d'yan at malinis din."
"Papunta na sya dito sweetheart. Hayaan mo syang maabala Para naman may magawa sya. Naboboring daw e." Ani Tim kaya wala na syang magawa.
"Sya nga pala sweetheart. Kumusta na pala si lola?"
Napangiti na sya ng maalala ang kanyang lola. Mula yata ng makilala nito si Tim ay palagi nalang syang kinukulit nito. Tinatanong sya kung sinagot na ba daw nya ito. Halatang botong boto sa binata. "Ayos lang naman. Sa awa ng Diyos. Maliksi parin."
"Punta ako sa inyo sa Sunday ha. Para madalaw ko din sya." Paalam nito.
"Buti naman at nagpaalam ka."
Tumawa ito. "Takot na akong masungitan." Biro nito sa kanya.
"Sige. Ibibigay ko sayo ang buong araw ko sa linggo." Aniya.
"Huh?" Tanong nito na parang hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
Tumingin sya dito."Sabi ko. Sayo ang buong araw ko sa linggo." Ulit nya.
Nakita nyang parang biglang nagningning ang mukha nito. "Talaga?"
"Oo nga. Dalhin mo ako kahit saan mo gusto. Basta behave lang ha. Araw ko lang ang binibigay ko sayo." Paglilinaw nya.
Nakita nga ang pagguhit ng saya sa mukha nito. Tsk! Kung tutuusin ay napakaliit lang na bagay. Pero kung titignan sa mukha nito ay para itong nanalo sa lotto.
"Hindi ka pupunta sa palengke?"
"Hindi siguro kami magbubukas para makapagpahinga din si lola." Sagot nya.
Natigil ang pag uusap nila ng may dumating na customer.