Natahimik uli sila ng bumiyahe na sila. Malapit lang naman ang bahay nila kaya mabilis lang silang makakarating doon. May alam din kasi syang ibang mga route kung saan maiiwasan nila ang traffic.
Tahimik nyang pinag aaralan ang binatang nagmamaneho. Minsan ay nahuhuli sya nitong nakatingin pero agad syang nag iiwas ng tingin.
At hindi nya maiwasang humanga sa balat nito dahil ang kinis nito. Malayong mas makinis pa sa mukha nya. Anti bacterial soap lang naman kasi ang gamit nya. Kung ano ang pinang sasabon nya sa katawan ay 'yon na 'yon. Wala ng madaming kyeme.
Ang braso nitong mamuscle at maugat na parang ang lakas lakas ng mga iyon.
"Baka matunaw ako nyan sweetheart a." Biro nito na kanya na ikinakislot nya.
"Huh?" Tsk! Bingi lang! Sita nya sa sarili.
"Sabi ko baka matunaw ako. Kanina kapa kasi nakatitig sa akin."Nakangiti ito sa kanya na parang tinutukso sya.
Napaingos naman sya. "Feeling mo lang iyon." Tanggi naman nya.
Tumawa ito ng mahina. "Anong gagawin mo mamaya?" Pang iiba nito sa kanilang usapan.
"Bakit?"
"Yayain sana kitang kumain sa labas. Huwag kang mag alala hindi naman tayo magtatagal doon para makapagpahinga ka din agad dahil alam kong pagod kana at maaga pa ang trabaho mo bukas. Ipag take out nalang natin si lola para hindi na kayo magluto."
Napatingin sya dito habang nag iisip.
"Iniisip ko kasi magluluto kapa." wika nito ng hindi sya nakasagot agad.
"Anong oras?" Tanong nya. Medyo maaga pa kasi para sa haponan.
"Ikaw kung anong oras ang gusto mo?" Sagot naman nito.
"Hindi ka pa ba pagod?" Nag aalala naman nyang tanong dito. Nakakapagod din kayang magtinda lalo na mainit pa sa palengke.
"Hindi naman ako napagod. Sa katunayan nga ay nag enjoy ako." Mahalatang sincere ito sa sinabi.
"Sige." Payag nya.
Katahimikan..
"Cris. Huwag mo sanang mamasamahin ha. Nag aalala lang talaga ako sayo. sa kaligtasan mo, sa kalusugan mo na din. Kailangan mo ba talagang magtrabaho ng umaga hanggang hating gabi?" Maingat na tanong nito sa kanya. Hindi pa nya nababanggit ang tungkol sa amang nakakulong. Ayaw nya lang banggitin dito dahil isa itong attorney.
Hindi naman sya galit o ano sa mga kagaya nito. Hindi lang kasi nya makalimotan ang sinabi sa kanya ng attorney ni Mr Aragon na ang tatay na ay nakulong dahil isa itong magnanakaw. Na ninakaw nito ang pera ng kumpanya.
Totoo naman iyon. Masakit lang kasing tanggapin lalo na at ama nya ang sinasabihang magnanakaw. At saka ginawa lang naman nya iyon dahil nagipit ito sa pera. Siguro sa mga katulad nito na hindi nararanasan ang ganoong setwasyon ay hindi maintindihan ang ginawa ng kanyang ama.
"Don't get me wrong sweetheart. Okey lang naman na hindi mo sagotin." Mukhang kinabahan yata ito dahil hindi sya agad umimik.
"M-may pinag iiponan lang kasi ako." Sagot nya na iniiwas ang mukha dito.
"Kailangan mo ba ng tulong o kaya trabaho na mas mataas ng kunti ang---"
"Tim. Please. Okey na ako sa mga trabaho ko. Salamat sa pag aalala mo. Titigil din ako pag sapat na iyong naipon ko." Pigil naman nya sa sasabihin nito.
Narinig nya ang pag buntong hininga nito.
Nakaramdam sya ng kirot sa dibdib dahil hindi nya maiwasang isipn na baka tumigil na ito sa panunuyo sa kanya dahil wala sya oras dito.
Nasanay na din kasi sya sa pag aalala nito kanya. Kahit sa call and text lang sila nag kakausap.
"Sige. Pero kung hindi mo na kaya o kaya pag may nararamdaman ka sa katawan mo huwag mong ipipilit ha. Kung kailan mo ng tulong gusto ko ako ang una mong lapitan okey." Nasa tinig parin nito ang pag aalala sa kanya.
Pinilit nyang tumawa pero nangilid ang kanyang luha kaya napatingala sya para hindi tuluyang bumagsak iyon. "Eeee... huwag mo akong masyadong sanayin sa pag aalala mo Attorney dahil baka hahanap hanapin ko yan pag bigla kang nawala." Pinilit nyang magbiro.
"Hindi ako mawawala." Paninigurado naman nito.
"Sinabi mo lang yan dahil nagsisimula ka palang." Binaling nya sa labas ng bintana ang paningin. Malapit na silang makarating sa bahay nila.
"Chenachallenge mo ba ako sweetheart?"
Hindi sya umimik. Naramdaman nalang nya ang palad nito na ginagap ang kanyang kamay. "Cris. Hinding hindi kita susukuan. Kagaya nga ng sabi ko sayo noon hindi ako magiging balakid sa mga plano mo sa buhay pero gusto ko lang malaman mo at maramdaman mo na hindi kana nag iisa ngayon. Nandito na ako. Handa akong alalayan ka at tulungan sa lahat ng bagay. Hindi ako mawawala. Nandito lang ako maghihintay kung kailan ka maging handa para tanggapin ako sa buhay mo." Madamdaming pahayag nito.
Parang naninikip ang kanyang dibdib sa mga sinabi nito.
"Papaano pag natagalan?" Malungkot naman nyang tanong. "Ayaw kong maging unfair sayo."
Masuyong ngumiti ito sa kanya habang ang kamay nito ay bahagyang pumisil sa kanyang palad. "You will not be unfair to me sweetheart. because from the beginning you explained and made me understand your situation.I chose to stay and wait until you ready to accept me."
"Kahit na hindi kita mabigyan ng kasiguraduhan na magugustuhan din kita balang araw?" Nanantya parin nyang tanong.
"Emm yup. There's a says that if you gamble you should be prepared your self whether you lose or win you have to accept it. At malakas ang pakiramdam ko na mananalo ako." Sabi nito saka sya kinindatan sa huli
Nanlaki ang mata nya sa huling sinabi nito. "Aaa.. ang lakas ng bilib sa sarili." Hinila nya ang kamay na hawak hawak nito saka dinaan sa irap ang pamumula ng kanyang mukha.
Natawa ito.
Pinagpasalamat nya at nakarating na sila. Maniguradong tuloy tuloy na naman ang banat nito sa kanya. Baka hindi nya mamalayang sinasagot na pala nya ito.
Pinatuloy nya ito sa loob ng kanilang bahay.
"Upo ka muna at kukuha ako ng maiinom." Paalam nya dito bago tumuloy sa kusina.
Mabilis nyang inilabas ang pancet na binili ng kanyang lola kanina kay Tikboy at pinainit nya iyon saka sya nag timpla ng juice. Buti nalang at nakasindi pa ang ref nila kaya hindi na nya kailangang bumili ng yelo sa tindahan. Mas madalas kasing nakapatay iyon kaysa sa nakasindi. Hehe.. nagtitipid sila ng kuryente e.
Mabilis nyang hinanda iyon saka nya nilabas ang binata.
"Meryenda ka muna. Aakyat lang ako sa taas." Sabi nya habang nilalapag ang meryenda sa harap nito.
"Ang dami nito. Baka hindi na ako makakain mamaya nyan." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa pancet na nilapag nya.
"Saluhan mo muna kaya ako.Nakakalungkot namang kumain mag isa" Yaya pa nito sa kanya na may pagsusumamo sa mukha nito.
Wala syang magawa kundi kumuha uli ng isa pang plato at baso.
Bahagyan itong umusog na parang sa tabi nito sya pinapaupo.
"Dito ka nalang sa tabi ko." Yaya nga nito sa kanya.
Gusto nyang mapangiti pero pinigil nya. Ito na ang nagsalin sa plato nya.
"Tama na. Baka hindi ko maubos." Pigil naman nya dito ng makitang sapat na iyon para sa kanya.
"Dapat dinadamihan mo ang kain sweetheart para magkalaman ka."
Nagsalubong ang kanyang kilay."excuse me. Malaman kaya ito at malakas din akong kumain."
Tumawa ito ng mahina. "Saan napupunta ang kinakain mo. Ang nipis kaya ng katawan mo." Puna naman nito na napatingin pa sa kanyang katawan.
Hindi nya mapigilan ang sarili na itulak ang pisngi nito para maiiwas ang nata nito sa kanya. "Sexy lang po Attorney. Sexy. Ang dami kayang humanga sa katawang ito." Pagmamalaki nya.
Natatawa naman ito habang hinuhuli ang kamay nya. "Emm mga lalaki ba o babae?" Natigila silang bigla ng mapansin ang ayos nila. Nakahawak ang kamay nito sa kamay nya at kaninang umupo sya ay may pagitan pa sila pero ngayon ay nakadikit na sila sa isa' isa.
Alanganin nyang binawa ang kamay dito. Tumikhim sya. Bigla tuloy naging awkward
"M-meryenda na tayo."
Kinuha naman nito ang baso ng juice at uminom. "Buti pa nga." Wika nito. Inabot nito sa kanya ang platong may laman ng pancet na nakangiti naman nyang tinanggap.
Naging masaya ang pag uusap nila habang pinagsasaluhan ang pancet na hinanda nya at unti unting napapalagay na din ang loob nya dito. Panay na nga ang biroan nila e.
Pagkatapos nilang magmeryenda ay umakyat na sya sa kwarto para magbihis deretso na din syang naligo dahil nanlalagkit na sya.
Pinili nyang magsuot ng simpleng bistida at saka nagpahid ng kunting lipstick at freshpowder.
Hindi nya maiwasang mailang sa klase ng tingin ni Tim sa kanya habang pababa sya sa hagdan. Parang may paru parung nagliliparan sa loob ng kanyang tyan at bumibilis ang t***k ng kanyang puso.
"Pwede na ba tayong umalis?" Tanong nya ng makalapit sya dito.
"Huh?" Tanongn nito na parang hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
"Tinatanong ko kung aalis na ba tayo?" Pag uulit naman nya.
"Ha eh.. ikaw. Okey kana ba-- handa kana?"
Napatawa naman sya dahil parang wala ito sa sarili. "Ayos ka lang ba?" Tanong nya.
Napakamot ito sa batok. "Naespeechless lang kasi ako sa ganda mo sweetheart eh." Tugon naman nito na ikinapula ng kanyang mukha.
"Huwag mo na nga akong bolahin. At saka napapansin ko panay panay ang tawag mo sa akin ng sweetheart a. Pinapaalala ko lang sayo. Hindi pa po tayo."
"Bawal bang tawagin kita ng sweetheart?" Tanong naman nito habang nakatitig sa kanyang mga mata na parang inaarok ang kaloob looban nya.
"Hindi naman--"
"Hindi naman pala eh. Masanay kana sweetheart. Kung gusto mo ding sanayin ang sarili nong tawagin akong sweetheart okey lang din sa akin." Sabi nito.
Napahampas sya sa dibdib nito. "Eee.. masyado kang assuming Attorney." Wika nya pero kilig na kilig naman sya.
Kagaya ng sabi nito sa kanya ay sa pinakamalapit lang na restaurant sya dinala nito. At pagkatapos din nilang kumain ay inuwi din sya agad at panay ang bilin na magpahinga sya agad. Pinag take out nalang nila ng pagkain ang kanyang lola.
"Nandyan na siguro sa bahay nyo si Lola sweetheart. Pakisabi nalang na tumuloy na ako at salamat sa pag tanggap sa akin. Hindi na ako bababa para nakapagpahinga ka kaagad." Paalam nito ng naitabi nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang gate.
May lungkot syang naramdaman dahil kailangan na nilang maghiwalay.
"Bye Sweetheart." Paalam nito at laking gulat nya ng lumapat ang labi nito sa kanyang pisngi.