Palihim na sinulyapan ni Crissa si Tim na kasalukuyang isinusupot ang binili ng customer nilang kamates at hindi nya mapigilang mapasimangot dahil parang ang unfair lang kasi. Pinagpawisan na ito't lahat pero mukhang ang bango bango parin nito at naghuhumiyaw ang kagwapohan.
Nakasuot lang ito ng simpleng t-shirt at tenernohan ng kupasing maong pants na para talagang sinadya nitong ibagay kung saan ito pupunta ngayong araw at dahil nga sa gulay ang ititinda nila ay pinagsuot nya din ito ng apron para hindi madumihan ang suot nitong damit at binigyan nya ito ng maliit na towel para pamunas nito sa pawis dahil kita nyang pinagpapawisan na ito kanina. Ang init pa naman ng panahon ngayon. Ang towel na iyon ay sinabit lang nito sa balikat.
Malakas ang hatak nito sa mamimili. Bukod sa gwapo na kasi ang lakas ding mambola. Ang lakas ng karesma. Kaya tuloy pati sya namamali mali ang binibigay nya sa customer dahil distracted na distracted sya sa presensya nito. Naging tampulan tuloy sya ng tukso lalo na at hindi ikinakaila nito na nanliligaw nito sa kanya.
"Isara mo ang bibig mo apo at baka pasukan ng langaw." Napakislot sya ng bigla nalang hinawakan ng kanyang lola ang kanyang baba para isara iyon. As usual. Nakatulala na naman sya sa lalaking nag aasikaso sa mga customer nila.
Napapadyak sya. "Eeee.. kainis. Ayaw ko ng ganito lola." Maktol nya sa kanyang lola. "Ano ba kasing nakain nya at pumunta dito yan." Dagdag nya na nakasimangot.
Hindi naman sa ayaw nya uling makita ito. Nawawala kasi sya sa sarili e. Halerrrr.... Attorney kaya ito tapos pinagtitinda lang nya ng gulay. tapos ang pogi pogi at ang bango bango pa.
Hindi naman nya ikinakahiya ang buhay nila pero syempre gusto naman sana nya pag nagkita uli sila e yong nakapaghanda naman sya. Hindi iyong nangangamoy palengke sya at parang nakipag sabunotan pa ang itsura nya.
Natawa habang naiiling naman ang kanyang lola.
"Ang mabuti pa mauna na kayong umuwi sa bahay ako nalang bahala dito. Tutal kunti nalang ang paninda natin. Ipaubos ko nalang iyan tapos sunod nalang ako sa inyo." wika ng kanyang lola.
Napatingin sya sa kanilang paninda. Malapit na ngang maubos. Baka maipaubos nila iyon hanggang mamaya.
"Puro bago ang ibebenta kong gulay bukas." Natutuwa wika ng kanyang lola.
"Sige 'la. Mauuna na po kami. Magsara ka ng maaga ha." Paalam naman nya na sinang ayonan nalang ang sinabi nito saka na nya nilapitan ang binata na masaya paring nakikipagbolahan sa mga customer.
Napasimangot tuloy sya ng wala sa oras. Parang hindi naman sya ang nililigawan nito e.
Nilapitan nya ito.
"Tanggalin mo na iyang apron mo. Aalis na tayo." Nakasimangot nyang sabi sa binata na napatingin sa kanyang paglapit.
"Hah? Hindi na ba natin ipapaubos lahat ito?" Takang tanong naman nito sa kanya.
"Si lola nalang bahala tutal kunti nalang naman na yan." Wika naman nya na inalis na ang suot na apron.
Hindi ito kumilos bagkos ay tinanong uli nito ang customer na dumating kong ano ang bibilhin nito kaya pumwesto na sya sa likuran nito at sya na ang nag-alisin ng pagkakabuhol ang tali ng apron nito bandang leeg at sa baywang nito.
Kaya langhap na langhap nya ang masarap nitong amoy. Este. Mabango nitong amoy. Grrrr.... Hindi nga sya nagkamali. Humahalimuyak parin ang bango nito.
"Are you sure?" Sure? Bakit ang lambing yata ng pagkakatanong nito sa kanya.
Natutulala tuloy sya sa likoran nito.
"Apo baka maubos ang amoy ni pogi nyan ha." Tukso ng kanyang lola. Nahuli yata sya! Haaist! Hindi man lang sya bigyan ng kahihiyaan ng kanyang lola! Umakyat yata ang lahat ng dugo nya sa mukha.
Lumingon naman si Tim sa kanya pero nagtago lang uli sya sa likod nito dahil alam nyang namumula ang kanyang mukha.
"Sweetheart. Huwag mo muna akong amoyin dahil amoy pawis na ako." Himig nanunukso din ito.
"Ewww.. feeling mo naman." Hinampas nya ito sa likod. Napangiwi nalang sya ng tumawa ito ng malakas na para bang tuwang tuwa.
Bago ito humarap sa kanya ay tumalikod na sya dito. Kinuha nya ang bagpack bago tinupi ang apron. At towel na ginamit. Napatingin sya sa kamay ni Tim nang inabot nito ang apron at towel din na ginamit nito. Nakatupi na iyon kaya inabot nya iyon na hindi man lang ito tinatapunan ang tingin.
Hindi nya alam pero parang naiilang syang tumingin dito. Para kasing tutuksohin na naman sya.
Sinabit nya sa isang balikat ang bag pack at binitbit ang basket na dadala nila Tim at lola Celia kaninang umaga.
"Tara na." Mahina ang tinig nyang yaya kay Tim. Napatingin sya dito ng pigilin nito ang kanyang kamay.
"Ako na ang magdadala ng mga iyan." Sabi nito sabay kuha ng mga bitbit nya.
"Itong bag nalang ang sayo. Ako na itong basket." Wika naman nya pero inabot parin nito iyon at nagpatiuna ng lumabas.
"'La. Alis na po kami." Magalang na paalam nito sa kanyang lola.
"Salamat apo. Sa susunod mag paalam ka kung pupunta ka sa bahay para hindi ka dito sa palengke bumagsak ha. Aba e nakapaubos tayo pero kunti naman yata ang napagbintahan natin dahil mali mali ang sukli ng apo ko." Tukso pa nito sa kanya kaya pinandilatan nya ito ng mata.
"'Laaa" maktol nya. Ilang beses lang naman syang nagkamali a. Buti nalang at honest pa mga customer nila.
Tinawanan uli sya.
"Okey lang naman lola na samahan ko kayong magtinda dito sa susunod." Wika naman ni Tim.
"Hmmmp... wala ng susunod!" Masungit nyang sabi saka na sya nagmartsa paalis.
Alam nyang nakasunod ito sa kanya dahil nararamdaman nya ang mata nito na parang nakatutuk parin sa kanyang likuran.
"Sweetheart. Nandoon ang sasakyan ko o." Napatingin sya dito ng bigla itong nagsalita sa kanyang likuran.
Nakangiti ito sa kanya. Nag iwas uli sya ng mata.
"Tara na." Yaya nito ng hindi agad sya umusad.
Sya naman ang tahimik na nakasunod dito.
Ng makarating sila sa sasakyan nito ay mabilis naman nitong binuksan ang pintuan ng backseat at pinasok ang mga bitbibitbit nito.
"Dito na lang din ako sa backseat." Nahihiya nyang sabi. Nakakahiya. Amoy pawis na kasi sya e.
Hindi ito umimik pero hinarap naman sya. "Galit ka parin ba sa akin?" Seryosong tanong nito sa kanya.
Umiling lang sya.
"Then bakit mo ako iniiwasan?"
"Hindi a." Mariing tangi naman nya.
"Huwag ka ng magkaila. Ni hindi mo nga ako matignan e." Wila nito na parang malungkot ang boses.
"Huh?" Napatingin sya sa mukha nito at kitang kita nya ang lungkot sa mga mata nito.
"Sorry kung ito ang naisip kong paraan para makasama kita." Laglag ang mga balikat nito.
"Eeee... nakakainis ka kasi e. Dapat kasi sinabi mo nalang kagabi na gusto mo akong makita. Alam mo iyon. Hindi ako prepared... Ni hindi man lang ako nakapag ayos. Basta ko na nga lang tinali ang buhok ko e. Hindi naman sa ayaw kong makita mo kung ano ako at kung ano ang kinabubuhay namin. Hindi ko kinakahiya iyon. Pero sana naman sinabihan mo ako para hindi naman ako nabibigla at nakapag ayos man lang sana ako kahit kunti"sumbat nya na hindi na nya namalayang sinasabi na nya ang saloobin dito.
Ginagapap nito ang kamay nya. "Sorry na. Hindi naman importante sa akin kung ano ang ayos mo. You look fine and beautiful in your own way and the place doesn't matter to me as long as I'm with you. I just really want to be with you."
Napatingin sya sa mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mga kamay. May naramdaman syang lungkot. Dinaig pa nito ang mga kamay nya.
"Oy. Sorry na oh." Untag uli nito sa kanya na parang nagmamakaawa. Napatingin uli sya sa mukha nito kaya nagtama uli ang kanilang mga mata. Tsk! Matitiis ba kita!
Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Hindi naman ako galit eh. Nahihiya lang talaga ako sayo. Nagtinda ka pa tuloy ng gulay. Sa susunod magsabi kana ha." Wika nya pero nakasimangot parin ang mukha.
Napangiti na ito. "Magsasabi na ako promise. Pero seryoso. Okey lang talaga sa akin na kada linggo ay samahan ko kayo ni lola."
Nilukotan nya ito ng ilong. "Hindi na. Last na to. Baka malaman pa ng parents mo kung ano pinaggagagawa mo. Baka may masabi pa sila." Syempre. Ilang taon na pinag aral nila ito ang abogasyq tapos pagtitindahin lang nya ng gulay. Baka mabadshot sya agad sa mga ito.
"Uh uh.. pag nalaman nila ang pinaggagagawa ko sweetheart baka magpafiesta ang Mama ko." Sabi naman nito na masaya na na uli ang boses.
"Asus... maniwala ako sayo." Wika naman nya saka hinila ang kamay na hawak hawak nito.
Pinagbuksan sya ng pintuan bago mabilis uling lumipat sa kabilang side.
"Gusto mong itry natin sweetheart." Sabi nito ng makaupo na sa driver seat.
"Ang alin?" Takang tanong nya.
"Ipakilala na kita sa family ko." Wika nito habang binubuhay ang makina ng sasakyan nito.
"Huh?" Tanong naman nya kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. "Baliw." Bulong nya sa huli.
Natawa naman ito ng mahina. "Pag pinakilala na kita sa kanila wala ka ng kawala sa akin dahil siguradong kukulitin ka na ng kukulitin ni Mama para pakasal na agad sa akin."
Umabot na ba talaga sa utak nito ang punto na ipapakilala sya sa family nito. "Seryoso. Naiisip mo na iyan." Bulalas nya.
"Ang alin?"
"Ang iharap ako sa pamilya mo." Sabi naman nya.
"Syempre naman. Bakit ayaw mo ba silang makilala?"
Napakagat sya sa kanyang labi at medyo napangiwi. "Hindi naman sa ayaw. Hindi ko lang inaasahan na naiisip mo na iyan samantalang kailan mo lang ako nakilala. 'Ni hindi mo pa nga ako lubusang kilala." Sabi naman nya.
"Sapat ng kilala ka ng puso ko sweetheart." Wika nito. Pinanayuan sya ng balahibo sa katawan sa sinabi nito.
Haaisttt... hirap itago pag kinikilig!