Tim quietly observed the inside of Crissa's house and slowly a smile drew on his lips. Two story ang bahay ngunit hindi kaluwangan. Malinis at masinop naman sa loob. Pinatuloy muna sya sa loob ng lola ni Crissa dahil sabay nalang daw silang pupunta sa palengke. Ihahanda lang daw nito ang nilutong tanghalian.
Masaya sya dahil parang kumportable na ang matanda sa kanya.
"'La ako na po ang magdadala nyan." Magalang nyang kinuha ang buhat buhat na basket ng matanda.
"Ayos lang ba sayong magbuhat nyan. Mag aabang pa kasi tayo ng jeep sa labas." Lola Celia asked with a smile but seemed to be testing if it was really okay for him to carry the basket.
Tumawa sya. "Lola talaga. Nagbubuhat din naman po ako nito pag sinasamahan ko po ang Mama ko sa palengke lalo na pag pumupunta sya sa mga magkakarne at isda. Ayaw po kasi non ang gumagamit ng maraming plastic." Paliwanag naman nya. Hindi nya sinasabi iyon para magpalakas dito kundi dahil iyon naman talaga ang totoo. Gustong gusto kaya ng Mama nya na sya ang kasama nito sa pamamalengke.
"Aba e maigi naman pala at hindi ka maarte apo. Mainam iyong sinasamahan mo ang iyong ina sa pamanalengke dahil mahirap din mamili lalo na pagsiksikan. Maproprotektahan mo pa sya sa mga masasamang loob kagaya ng mga magnanakaw. Koww marami pa naman sa palengke ang mga ganoon." Mukhang humanga naman sa kanya ang matanda.
"La. May dala po akong sasakyan kaya doon nalang po tayo." Wika nya ng makalabas sila sa gate ng bahay ng mga ito sabay turo sa sasakyan na pinark nya kanina sa kabilang gilid ng kalsada.
Inalalayan nya ito sa kanilang pagtawid.
"Abay ang gara ng sasakyan mo a. Siguro mayaman ka ano?" Namamahang patanong na sabi ng matanda.
Napakamot sya sa kanyang batok. "Hindi naman po lola. Sakto lang." nahihiya naman nyang sagot dito.
Matapos nyang pinasakay ito ay mabilis naman syang umikot para makasakay na din.
"Saan nga kayo nagkakilala ng apo ko?" Tanong nito bahang bumibiyahe na sila papuntang palengke.
Ikwenento nya dito kung papaano sila nagkakilala ng apo nito.
"Natutuwa ako at pinayagan ka nyang manligaw sa kanya. Akala ko nakalimutan na nyang dalaga sya. Puro nalang trabaho ang inaatupag ng batang iyon e. Halos hindi na sya magpahinga kaya hindi ko maiwasang mag alala sa kanyang kalusugan. Kahit day off nya nagtratrabaho parin sya. Kagaya ngayon. Hindi ko naman sya mapigilan dahil ang tigas ng ulo." Kwento ng matanda. Nasasalamin ang lungkot sa boses nito.
He heaved a sigh. He wanted to ask why Crissa working so hard but he restrained himself baka kasi mamisinterpret sya nito. Minsan kasi natanong nya noon ang dalaga pero tumahimik lang ito. Pero alam naman nyang may dahilan ito.
Tahimik syang nakasunod sa matanda habang papasok sila sa loob ng palengke, bitbit bitbit nya ang basket.
As usual, linggo, maraming tao. Maingay. Tawag dito tawag doon ang ginagawa ng mga tindira dahil sa inaalok ng mga ito ang paninda.
Napatigil sya sa paglalakad ng matanaw na nya ang dalagang palaging laman ng kanyang isipan. He felt her heart beating fast. He can't help but be amazed because She's still very beautiful no matter what she is wearing and how she looks. Nakasuot ito blouse na puti at jens na pinatungan ng apron at nakatali ang mahaba nitong buhok at bahagyang may nalalaglag sa mukha nito.
Lalong parang naging abnormal ang t***k ng kanyang puso ng tumingin ito sa gawi nya dahil mukhang tinuro na sya ng lola nito. Halatang natigilan din ito o mas tamang sabihin na nabigla ito ng makita sya.
Shit! Ang hirap din pala minsan ang mainlove nakakakaba at nakakatuliro. Ngayon palang nya nararanasan ang mga ganito. Kahit na malalaking kaso ang hinahawakan nya at denedepensa nya ito sa korte ay hindi kumakabog ng ganito kalakas ang kanyang dibdib. Pero pagdating sa dalaga ay parang--- ang lakas lang kasi ng dating nito sa kanya. Hahaha.. parang sipa lang ng kabayo sa redhorse.
Huminga muna sya ng ilang beses bago tuluyang lumapit. Titig na titig siya habang papalapit na papalapit sya dito at ganon din ito sa kanya parang walang gustong bumitaw--
Bag!
"Oh s**t!" Mahina nyang mura ng bigla nalang nyang nabitawan ang basket dahil may bumangga sa kanya o sya ang nakabangga.
"Ano ba iyan mama. Ang gwapo mo pero mukhang bulag ka naman. Bakit ba binangga mo parin ako e alam mo na ngang mababangga mo ako." Reklamo ng nakabanggaan nya at ganon nalang ang panlalaki ng mata nya ng makita ang mga paninda nitong kakanin na nalaglag na sa cemento at nakataob na ang bilao nito.
"Ay sorry." Hingi nya ng paumahin dahil hindi nya alam na mababangga nya ito.
"Haaaist... madami dami pa naman iyang Manong at wala akong pang abuno d'yan." Reklamo nito sabay irap sa kanya.
Mabilis nyang nilabas ang wallet. "Babayaran ko nalang Miss. mga magkano lahat iyan." Nahihiya nyang tanong. Tsk! Ang kalaki mong tao pero ang tanga tanga mo naman! Lihim nyang mura sa sarili.
"Okey ka lang Maya?" Anang tinig sa likuran na ikinamura nya uli sa sarili. Bawas pogi points ka! Naudlot ang pagdukot nya ng pera
"Okey lang Ate Cris. Si kuya kasi e." Paninisi uli ng babae sa kanya na kaya napakamot nalang sya sa batok.
"Sorry. Babayaran ko nalang ang paninda mo."
"Pasinsya na Maya. Tinatawag ko kasi sya kanina e kaya hindi ka nya napansin." Sabi naman ni Crissa. Napatingin sya sa dito pero hindi man lang sya sinulyapan.
"Dahil kaibigan ka ni Ate Crissa hindi na kita aawayin. Pero bayaran mo ito manong ha. limang daan pa iyang lahat.." wika ng tindera.
"Salamat Miss." Mabilis naman nyang nilabas ang isang libo at inabot dito.
"Ate pasukli naman." Inabot nito ang pera kay Crissa.
"Miss hindi na. Sayo na ang sukli. At pasinsya na uli sa nagawa kong abala sayo." Wika nya.
"Pero Manong. Ang laki pa ng---"
"Okey lang. Salamat at hindi ko ako inaway." Nahihiya syang ngumiti dito.
Pinagtulungan nilang pulutin ang mga nagkalat nitong paninda para itapon iyon ng tama.
"S-salamat po. Sige mauna na ako sa inyo. Ate. Mauna na ako." Nakangiting paalam nito sa kanila.
Kumakamot sya ng ulo bago tumingin sa dalaga na nakatingin na pala sa kanya.
"Sorry." Sabi nya.
Seryoso lang ang mukha nito na pinulot ang nakatagilid na basket na nakalimutan na pala nyang pulutin kanina. Maagap din nya iyong inabot at sakto pa sa kamay nito dumapo ang kanyang mga palad and boom! He could feel the electricity flowing in his blood as he accidentally held her hand. Pero hindi sya nag aksaya ng oras para tanggalin ang kamay na nakapatong sa kamay nito kahit na nakatayo na silang pareho.
"Sorry." Mahina nyang bigkas uli. Hindi nya alam kung saan ba talaga sya humihingi ng paumanhin.
Inirapan sya nito. "Bakit hindi mo sinabing pupunta ka dito?" Tanong nito.
Alanganin syang ngumiti. "Ako na ang magdadala ng basket." Ani nya na sadyang iniwasang sagotin ang tanong nito.
Binitawan naman nito iyon. "Lagot ka kay lola. Natapon ang sabay ng adobo na niluto nya." Pananakot nito sa kanya na nakatingin sa basket na hawak hawak nya at nakita nga nya na may tumulong sabaw doon.
"Sorry.." wika nya uli.
"Tsk! Wala ka ba ang ibang alam na salita kundi sorry." Wika nito na parang nairita na sa kanya kaya napakamot sya sa batok.
"Halika na nga dahil nakaharang tayo sa daan." Yaya nito sa kanya na hindi man lang sya nginingitian.
Laglag ang balikat na sumunod sya dito.
"Aba. Ang pogi naman ng boyfriend mo Cris." Sabi ng isang babae na mukhang tindira din.
"Tsk. Ang pagtitinda nga ang atupagin mo." Inirapan ito ng dalaga.
"Ano bang nangyari doon?" Tanong ni Lola Celia sa kanila.
"Pasinsya na lola. Hindi ko kasi napansin iyong naglalako ng kakanin e." Paliwanag naman nya.
"Ang sabihin mo kung saan saan ka kasi nakatingin." Mahinang sabi ng dalaga pero narinig naman nya.
"Pasinsya na lola may nakita kasi akong magandang anghel kanina kaya parang nawala po ako sa sarili ko po. Para po kasing ako at ang magandang anghel lang na iyon ang nandito po kanina." Wika naman nya.
Napangiti sya ng napatawa mg mahina si lola Celia. "Hay naku. Maaga pa para sa panliligaw mo apo. Hala. Doon muna kayo sa loob ng mailapag ang basket." Taboy nito sa kanila ni Crissa.
Humarap ito sa kanya. Sunod ka sa akin." Nakasimangot nito yaya sa kanya saka sya tinalikuran uli.
Sa loob na sinasabi ng mga ito ay kung saan napapalibutan lang din ng mga papag kung saan ang mga paninda ng mga itong gulay. Mayroon doon isang mahabang upuan at lamesang maliit sa kita din nya ang monoblock chair na may nakapatong na arenola na hula nya ay lalagyan ng mga ito ng pera.
"Upo ka muna. Ano pala ang gusto mong inomin?" Tanong nito sa kanya.
Ngumiti sya dito. "Okey lang ako huwag mo akong intindihin."
Naglabas ito ng disposable cup at pitchel na may laman na tubig at inilapag sa table na maliit.
"Inom ka muna. Ano ang naisipan mo at pinuntahan mo ako dito?" Tanong nito na parang senisermonan sya.
"E. Gusto kitang makita e." Sabi nya na parang batang nagkasala sa ina.
"Tsk! Di sana sinabi mo para sa ibang lugar nalang ako nakipagkita sayo." Sabi nito na mukhang inis parin sa kanya.
"E sabi mo kasi pupunta ka ng palengke e kaya dito nalang kita pinuntahan." Paliwanang naman nya. "Sorry na. Ito lang kasi ang alam kong paraan para makita kita uli e. Ayaw ko namang makaistorbo ako sa iba mo pang trabaho kaya dito nalang kita pinuntahan para matulungan pa kita sa pagtitinda." Pang aamo nya dito.
"Anong tulungan ka d'yan. Baka may kakilala sayo dito."
"So what."
Pinanlakihan sya nito ng mata. "Anong so what-- Ikaw Attorney tigil tigilan mo ako. Nakakahiya baka maitsismis ka pa."
Natawa sya. "Sweetheart. Hindi ako artista para pag usapan ng mga tao. At saka kung artista man ako di mabuti para maipagsigawan ko sa madla na si Crissa Bartolome ay nililigawan ko." Biro nya dito. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pamumula ng pisngi nito kaya lalo syang napangiti.
"A-a. Basta. Hindi ko parin gusto ang biglaan mong pagsulpot." Wika nito na binaling ang tingin sa iba pero huling huli nya ang pilit na pagsupil ng ngiti nito sa labi.
Ang isa sa mga pinagpapasalamat nya siguro sa trabaho ay iyon ang marunong syang bumasa ng kilos at expression ng tao. At nababasa niya sa kilos ng dalaga na masaya ito na makita din sya pero naiinis din dahil siguro hindi ito handa sa biglaan nyang pagsulpot. Kung bakit naman kasi hindi nya nasabi kagabi.
"Mga apo. Kumain na kayo d'yan bago kayo umalis." Tinig ni Lola Celia na nasa harapan ng pwesto.
Kumunot naman ang noo nila ni Crissa at halos sabay silang napatingin sa matanda.
"Aalis kami 'la?" Takang tanong ni Crissa.
"Aba e. Kala ko ba yayain kang magdate nyang si Pogi." Sabi naman nito.
Tumingin sa kanya si Crissa.
Tumingin uli sya sa dalaga at nginitiaan ito bago nya uli binaling ang tingin sa lola nito."'La. Tutulongan ko nalang po kayo dito. Sa susunod ko nalang po sya yayayain magdate. Aamoin ko po muna. Mukha pong badtrip po sa akin eh" Wika naman nya saka kinindatan ang dalaga. Nailing sya ng inirapan lang sya nito.