Araw ng linggo..
Tim
Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At tuwing ikay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso--
"Wow.. parang ang ganda ng gising natin ngayon a." Nakangiting puna ng kanyang ina ng dumulog sya sa hapag kainan. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkamangha. Well, he can't blame them. because they were used to always having his face serious.
Tinawanan lang nya ang ina. "I just slept well Ma."
"Emmm... parang iba ang awra mo kuya e." Puna din ni Trecia. Ang nag iisa nyang kapatid. Hindi nya alam pero parang may panunukso sa boses nito.
"Ang dami nyo namang napapansin. Hindi ba pwedeng masaya lang." Nakangiti parin nyang wika. Tsk! Why can't he stop himself from smiling ba kasi. Ayan tuloy. Kung ano ano ang naiisip ng mga kasama nya sa bahay.
"Ganyan din ako noon nainlove ako sa mama mo son." Biro naman ng kanyang ama kaya napatawa sya.
"Asus. Ang sabihin mo palagi kang masungit. Manang mana sayo ang anak mo e." Sabi ng kanyang ina saka inirapan ang kanyang ama.
"Kuya diba it's sunday naman. Pwede mo ba akong samahan sa mall." Paglalambing ng kanyang kapatid.
"Sorry baby. May lakad ako e." Tanggi nya bago humigop ng kanyang kape. Kape lang ang breakfast nya dahil hindi sya nag aagahan.
"E diba wala naman kayong lakad ng mga kuya's ngayon because it's sunday. Time for the family diba." Nagkanda haba haba na ang nguso nito dahil hindi nya ito masasamahan. Ang kuya's na sinasabi nito ay ang kanyang mga kaibigan.
"And who told you na sila ang kasama ko?" Taas kilay naman nyang tanong pero may ngiti parin naman sa kanyang mga labi.
"Then saan ang lakad mo?" Kukit nito sa kanyan.
Napabuntong hininga sya. Paniguradong kukulitin sya nito hanggang hindi sya napapayag.
"Makikipagdate. Sasama ka?" Pang iinis nya.
"Duhhhh... as if naman maniniwala ako kuya. Kailan kapa nagdate o nanligaw." Pinaikot pa nito ang mata na hindi talaga naniniwala sa kanya kaya napatawa sya. Well. Hindi naman talaga sya nanliligaw. dati. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi pa sya nagkakagirlfriend. Marami na din naman syang nakarelasyon pero hindi lang tumatagal.
"Sige na kuya. Promise. Hindi ko pababayaran sayo ang mga bibilhin ko kasi hiningi ko ang card ni Papa kanina." Ungot parin nito sa kanya samantalang hindi naman nakaligtas sa kanya na pinandilatan ng ina ang ama. Nailing namang napakamot sa batok ang ama. Nahihirapan kasi itong tanggihan ang paglalambing ng kanyang kapatid.
"Bibili daw sya ng gown nya para sa party na dadaluhan nya." Paliwanang naman ng ama kahit hindi pa nagsasalita ang ina.
"Naku ikaw talaga. Pwede namang cash nalang ibigay mo." Sermon nito sa ama.
Alanganing ngumiti ang kanyang ama na para bang nakagawa ng kasalanan. "Wala akong cash sweetheart e. Huwag ka ng magalit sweetheat. Once in a while lang naman nya ginagamit ang card ko and she knows her limitations pagdating sa paggastos so, it's okay." Pang aamo ng kanyang ama sa ina. Samantalang ang kanyang kapatid ay ngiting wagi ang ngiti nito sa labi kaya napailing nalang sya.
"So saan pala ang lakad mo ngayon?" Baling na tanong ng kanyang ina sa kanya.
Napakamot sya sa kanyang batok. Wala parin talaga syang lusot. "Manliligaw." Maiksi nyang sagot sa ina pero napatawa sya ng mahina. Seriously. Mismong sya ay nahimigan ang tuno ng kanyang boses na para bang kinikilig.
"Aaaa, you're not joking kuya?" Nanlaki ang mata ng kanyang kapatid na parang hindi makapaniwala.
"Oh yes little sis. You heard it right. Manliligaw nga ako kaya huwag ka ng magtampo kung hindi kita masasamahan ngayon." Nakangisi nyang wika dito.
"And who's the lucky girl?" Nakangiting tanong naman ng ina. Halatang nabigla ito pero alam nyang masaya ito kung may nagugustuhan o napupusohan na sya dahil ang tagal tagal na sya nitong tinutulak para mag asawa. Naiinggit na daw ito sa mga kaibigang mayroon ng apo.
"Ma saka ko nalang ekwekwento sa inyo baka maudlot pa e." Reklamo nya dahil alam nyang hindi na naman sya titigilan ng mga ito.
"Oh my gosh... True nga."
Crissa
You can dance
You can jive
Having the time of you life
Ohhh see that girl watch the scene
Digging the dancing queen
Malakas ang tinig na kumakanta si Crissa habang sinasabayan ng kimbot ng kanyang balakang ang paghalo nya ng nilulutong sinangag. Ganado nyang inihahanda ang agahan nilang maglola.
Sinadya talaga nyang bumangon ng maaga para maunahan nya ang kanyang lola sa pagluluto at pag pasok sa palengke.
"Ang aga mo yatang nagising apo." Bahagyan syang nagulat ng biglang magsalita ang kanyang lola sa kanyang likuran.
Nakangiti nyang nilapitan ito at niyakap ng buong higpit. "Oh. Gising na pala ang lola kong maganda. Upo na po kayo d'yan at maghahain na ako."
"Aba e. Ang saya mo yata ngayon apo?" Puna nito sa kanya.
Napangiti naman sya. "Maganda lang ang gising ko lola." Paliwanang naman nya.
"'La. Ako nalang po ang pupunta sa palengke magpahinga nalang po kayo dito."
Alam niyang kulang ito sa tulog dahil naubutan nya ito kagabi na dumadaing dahil sa sakit ng balakang. Matanda narin kasi at palagi ng sinusumpong ng rayuma. Ayaw na nga sana nyang pagtindahin ito sa palengke pero mas magkakasakit daw ito pag wala itong ginagawa.
Dati nga madaling araw silang nagbubukas dahil mas maraming namamalengke pag madaling araw pero dahil nga matanda na ang kanyang lola kaya pinagbawala na nya itong magbukas ng madaling araw. Baka kasi magkasakit pa ito mas lalo silang mahihirapan.
Ang kinikita nito sa palengke ay iyon ang pinang gagastos nila sa araw araw. Ang sahod naman nya sa mga trabaho nya ay nilalagak nya lahat sa bangko para pambayad nila sa utang nila kay Mr Aragon.
"Ikaw dapat ang magpahinga dahil dayoff mo ngayon." Sabi naman ng kanyang lola.
"'La dito nalang muna kayo sa bahay. Kung gusto nyo mamayang tanghali nalang kayo pumunta doon. Matulog nalang po muna kayo uli anong oras na din kayo nakatulog kagabi." Kumuha sya ng baso at pinagtimpla nya ito ng gatas.
"Para kanino yan?" Takang tanong naman nito sa kanya ng ilapag nya ang gatas sa harap nito.
Nginitian nya ito. "Mula ngayon hindi na kayo mag kakape lola. Gatas nalang po inomin nyo." Wika nya. Iniexpect na nyang magrereklamo ito.
"Aba e. Para mo ng sinabi na hindi na ako kakain. Alam mo namang kakambal na ng aking buhay ang kape." Reklamo nito na lukot ang mukha. Halatang hindi nagustohan ang kanyang sinabi.
Nginisihan lang nya ito. "'La. Wag ka ng magreklamo. Para din naman sayo iyan." Pangungumbinsi nya.
"Alam mo ang gatas lola. Pampatibay yan ng buto kaya gatas nalang inomin ninyo at saka nakakaputi at pampaganda pa daw." Pambobola nya sa kanyang lola.
"Aru.. ginawa mo naman akong bata e."
"Ayaw mo non la. Malay mo. Baka mas gumanda pa kayo sa pag inom nyo ng gatas di lalong maiinlove si Mang Kastor sa inyo." Biro nya sa lola. Si Mang Kastor ay isa ding balo, katabi lang din ng pwesto nila sa palengke ang pwesto nito pero mga dry foods ang nilalako nito.
Natawa sya ng pinandilatan sya ng mata ng kanyang lola. "Ikaw ngang bata ka e magtigil tigil ka mga sa mga pinagsasabi mo." Reklamo nito.
Kung matigas ang ulo nito mas matigas ang ulo nya kaya no choice ito kundi inomin ang gatas na tinimpla nya.
******
Tok! Tok! Tok! Tao po?" Kinakabahan si Tim pero hindi nya maitago ang excitement dahil after two weeks ay makikita na nya uli ang dalaga. Sinadya nya talagang hindi agad nagpakita sa dalaga ng personal at dinaan nalang muna nya sa patawag tawag at text ang panliligaw. Gusto kasi nyang maging kumportable muna ito sa kanya. Actually ay hindi nito alam na dadalaw sya ngayon sa bahay ng mga ito.
Ang sabi kasi nito kagabi ay mamayang tangahali ito pupunta sa palengke kaya inagahan nya ang pagpunta para maabotan pa nya ito sa bahay.
Nakita nya ang paglabas ng matanda sa pintoan ng bahay nila Crissa at kunot ang noo nito na para bang sinisino sya.
Ito siguro ang lola ni Crissa loves niya. Grrr...
"Magandang umaga po." Magalang nyang bati sa matanda. Hindi pa nito nabubuksan ang gate pero kitang kita naman nya ito.
"Sino sila?" Tanong nito sa kanya.
"Ako po si Tim kaibigan po ako ni Crissa. Nandyan po ba sya?" Pagpapakilala naman nya sa sarili.
Binuksan nito ang gate. "Aba eh nagpuntan na sa palengke. Hindi ba nya alam na pupunta ka ngayon dito?" Takang tanong nito sa kanya.
Napakamot sya sa ulo. "Ang sabi po kasi nya kagabi ay tanghali sya pupunta ng palengke kaya medyo inagahan ko na po para sana maabotan ko pa sya dito." Alanganin naman nyang sagot.
Tumango tango naman ito pero nandoon ang mapanuri nito tingin sa kanya.
"Kung gusto mo ay puntahan mo nalang sya sa palengke. Ibibigay ko nalang ang pangalan ng pwesto namin doon." Wika nito.
Napangiti sya. "Maiigi pa nga pong puntahan ko nalang sya." Masaya naman nyang sabi pero napalis ang ngiti nya ng makitang parang pinag aaralan sya nito at medyo naningkit pa ang mga mata nito kaya naging alanganin ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Magtapat ka nga. Sigurado kang kaibigan ka lang ng apo ko?" Seryosong tanong nito sa kanya kaya kinabahan sya.
Ngiting hilaw ang gumuhit sa kanyang labi. "S-sa totoo po nyan. Nanliligaw po ako sa kanya." Nahihiya nyang pahayag sa matanda.
Tumaas ang kilay nito. "Pinayagan ka nya?"
"Parang ganoon nga po. At sana po ay payagan din po ninyo ako."
"Kung sa akin ay walang problema basta malinis ang hangarin mo sa apo ko at gusto ka din nya. Pero sigurado kang pinayagan ka nyang manligaw sa kanya?" Paninigurado uli nito kaya napatawa sya ng mahina.
"Oo nga po. Bakit po? Alanganin po ba ako sa ganda ng apo ninyo?" Magalang nyang biro dito.
Napangiti ito. "Kung sa itsura baka ikaw ang lugi sa apo ko." Sagot naman nito na medyo natawa ng mahina.
Napatawa sya. "Maganda po ang apo ninyo. Labas at loob po. Sya na po ang pinakamaganda sa paningin ko. Syempre maliban po sa aking ina."
"Hindi malayong magustohan ka non hijo. Kaya sana kung wala kang balak seryosohin ang apo ko e maigi pang layuan mo na sya habang maaga pa." Seryosong pahayag ng matanda.
"Makakaasa po kayong hinding hindi ko pa sya sasaktan kung sakali man pong tanggapin na nya ako sa buhay nya lola. Maraming maraming salamat po sa pagayag ninyo." Masaya nya sabi.
"Aba e. Pumayag na ba ako?" Kunwari ay nagulat na sambit nito kaya napakamot uli sya sa ulo.