Chapter 5

1629 Words
Atty. Tim Good morning sweetheart. Papasok kana ba sa work? don’t forget to eat your breakfast ha. Take care of yourself and see you soon. Parang tangang nakangiti lang si Crissa habang binabasa ang kapapasok lang na text ni Tim. Mabuti nalang at hindi pa sila masyadong busy kaya nakakapagcellphone pa sya. Sa cashier sya nakapwesto ngayon. Me. Morning Attorney. send Natatawa sya dahil ang iksi ng kanyang reply. Atty Tim Call ako mamayang gabi. Alam kong busy kana ngayon. Napangiti sya. Siguradong telebabad na naman sila mamayang gabi habang nakaduty sya sa burger machine. Me. Okey... ingat ka din. Ilang araw na din ang lumilipas mula ng una silang magkita nito. Mula ng ihated sya ng gabing iyon ay kinuha na nito ang kanyang number na hindi naman nya ipinagdamot. At mula noon ay palagi na itong nagpapadala sa kanya ng minsahe pero hindi pa sila uli nagkikita. Aaminin nyang lihim syang umaasa na sana ay totoong seryoso ito sa kanya. Aba. Kahit naman siguro sinong anak ni Eva ay papangarapin ang katulad nito. Parang iyong kanta ni Daniel Padilla na Nasayo na ang lahat. Handa syang sumugal uli at bigyan ito ng chance kung masasaktan man sya o di tatanggapin nya. Atleast, Sinubukan nya. Dahil baka pagsisihan nya kung hindi sya susugal. Parang hindi nya ramdam ang pagod sa pagtratrabaho sa restaurant. Pagkatapos ng duty nya doon ay dumeretso na sya sa burger machine dahil kailangan nya agad palitan ang nakaduty ngayon. May pasok kasi ito sa University na pinapasokan nito. Minsan hindi nya maiwasang mainggit dito dahil kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan nito sa buhay ay nagagawa parin nitong ipagpatuloy ang pag aaral. Pero hindi naman sya nagsisisi, naiinggit lang talaga sya. Siguro pag nakalabas na ang kanyang ama ay ipagpapatuloy nya uli ang pag aaral. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sa kanya. "Ate Issa.. pwedeng ikaw nalang ang gumawa ng order slip natin. Hindi ko kasi naisingit kanina kasi nagreview ako kaya hindi ko na nagawa." Pakiusap ni Audrey matapos nitong iturn over ang sells nito sa kanya. Ngumiti naman sya dito. "O sige na. Ako na ang gagawa." Nauunawan naman nya ang setwasyon nito at saka wala naman syang gagawin kung walang customer kaya okey lang. "Salamat talaga ate. Hayaan mo pag may nagpaload itetext ko sayo." Pambawi nito. Retailer din kasi sya ng load. Naging abala sya sa paglilinis ng outlet nila. Dahil nga pagkain ang binibinta nila kaya dapat malinis. Halatang hindi na kasi nakapaglinis si Audrey dahil sa naging busy ito sa pagrereveiw. Matapos syang maglinis ay tinignan nya ang kanilang stocks. Manaka nakang may bumibili kaya patigil tigil sya sa ginagawa. Ring..... Nilabas nya ang cellphone ng may tumawag. Atty. Tim calling..... Napangiti sya ng makita kung sino ang tumatawag. Mabilis nyang hinagilap sa loob ng kanyang bag ang wireless earphone saka palang nya sinagot ang tawag nito. "Hello." Pagsasagot nya. Narinig nyang tumikhim ito bago nagsalita. "Kumusta ang araw mo?" Tanong agad nito sa kanya kaya napangiti sya. Ipinagpatuloy nya ang pagchecheck sa mga stocks nila. "Medyo naging busy pero okey lang naman. Ikaw kumusta ang araw mo?" Tanong naman nya na hindi matanggal tanggal ang ngiti sa mga labi. "Okey lang din. Hinihintay na gumabi para matawagan na kita." Sabi nito kaya napatawa sya. "Asus. Binubola mo na nama ako." Narinig nyang tumawa ito kaya lalong lumawak ang ngiti nya sa labi. "Hindi a. Kumain kana?" Malambing na tanong nito. Dito sya nadadali nito e sa paglalambing. "Hindi pa. Mamaya siguro ng kaunti. Ikaw?" Binabalik lang nya ang mga tanong nito sa kanya. "Sabihin mo sa akin kung kakain kana para sabay na tayo." Wika nito. "Baka magutom ka. May inaayos pa kasi ako e." "Miss paorder kami ng large burger." May customer. Buti nalang nakawireless sya. Agad nyang hinarap ito. "Good evening ma'am. Ilang order po?" Magalang nyang tanong. "Bigyan mo kaming dalawa. Pa add nadin ng bacon, coleslaw, chilli con carne and cheese." "Okey po ma'am. 2 order ng large burger with bacon, coleslaw, chilli con carne and cheese po. Drinks po ninyo ma'am.?" "Hindi na. Take out ha." Mabilis syang nagsalang ng patties sa griddle. "Nasa work ka parin pala?" Napamura sya sa isip ng makalimutan na mayroon pa pala syang kausap. Hindi kasi nya sinabi dito kung ano ang trabaho nya. "A yup." Maiksi nyang sagot. "Pasinsya na. Hindi ba ako nakakaistorbo sayo?" "Hindi naman. Kunti lang naman ang customer kaya okey lang." "Tawag nalang ako uli sayo mamaya pag natapos kana d'yan." Sabi ng binata. "Huwag mo ng patayin. Nakawireless earphone naman ako kaya okey lang." Pigil naman nya sa binata. Haist.. hindi naman halatang gusto mo syang makausp ano! Gusto nya tuloy kutusan ang sarili. Rinig nya ang paghinga nito ng malalim. "Nasaan kaba. Pwede ba kitang puntahan d'yan?" Kumabog ang kanyang dibdib. Iisipin palang nya na makikita nya uli ito ay parang may nagliliparan ng paru paru sa kanyang tiyan. Tumawa sya ng mahina para alisin ang kaba sa dibdib. "Maiilang lang ako sayo pag nandito kang nakabantay." Tanggi nya habang ibinabalot na ang order ng customer. "170 po lahat ma'am." Inabot nya ang order nito ng matapos nyang ihanda iyon. "Sige na sabihin mo na kung saan ka. Parang gusto ko din kasing kumain ng burger e." Pilit nito sa kanya. "Huwag ka ng ngang makulit. Pwede ka namang magpadeliver kung gusto mo ng burger o kaya pumunta sa mas malapit na burger'an malapit sa inyo. Kaysa dadayo kapa dito." Kunwari ay nag susungit sya sa kausap. "E gusto kung itry ang burger nyo e. Please." Kulit uli nito sa kanya. "Hehe... magtigil ka Attorney. Gusto mo na bang kumain. Nagugutom na din kasi ako e." Pag iiba nya sa usapan. "Sige kain na tayo. Pwedeng video call tayo habang kumakain." Tanong nito. Nag isip pa sya kung pag bibigyan ba nya ito. Pero sa huli nanaig parin ang pangungulit nito sa kanya. Pinuwesto nya ang cellphone sa isang tagong bahagi. Mahirap na. Marami pa namang nanghahablot ngayon. "Napangiti sya ng makita nya ang mukha nito na parang hinintay ang paglabas nya. "Sweetheart hindi ko nakikita ang mukha mo." Reklamo nito. Sinadya nya kasing hindi muna magpakita. Eeyyyy ito na naman ang pasweetheart sweetheart nito e! "Saglit lang. Nagpapaganda pa ako baka matakot ka sa akin pag nakita mo ako." Biro naman nya. Tumawa ang kanyang kausap. "Maganda kana kahit anong ayos mo. Sige na pakita kana." Kulit nito sa kanya kaya nagpakita na sya. "Hi.." nakangiti nyang bati uli na tinaas pa ang kamay para kawayan ito. Lalong syang napangiti ng lumawak ang ngiti nito sa labi. "Hello sweetheart. f**k. I can't wait to see you again. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung saan kang banda?" "Huwag na. Kausap mo naman na ako. Tara kain na tayo." Yaya nya para hindi na sya kulitin nito. "Iniiwasan mo ang tanong ko ha." "Huwag ka ng magtampo. Maiilang lang ako pag nandito ka. At saka kausap naman na kita sa cellphone kaya okey lang." Giit nya. Baka hindi sya makapagbinta pag nandito ito. "Tsk.. hindi kaba napapagod na mula umaga ay nagtratrabaho kana tapos umaabot ka ng gabi?" Bakas ang pag aalala sa boses nito. "Nakakapagod kung minsan. Pero okey lang naman. Kahit naman nasa bahay ako hindi din naman ako makakatulog ng maaga kaya maigi na iyong magtratrabaho ako. Atlest walang sayang na oras." Nakangiti nyang paliwanag. Nakita nyang parang lumungkot ang mukha nito. "Naawa kaba sa akin?" Seryoso nyang tanong. "Naaawa? Emmm... Mas tamang term siguro iyong nag aalala ako sayo. Ipagpahinga mo din ang sarili mo. Kasi kahit kaya ng isip mo pero kung sobrang pagod naman ang katawan mo. Bibigay iyan." Pangaral nito sa kanya. Tumawa sya ng mahina. "Parang si lola ko ang nagsasalita a." Biro nya dito. "I'm serious Cris. Ayaw kong magkasakit ka." Seryosong pahayag nito. "Eeeeyyy.. Oo na po Attorney." Nakangiti nyang sagot dito. Marami silang pinag usapan. Hanggang sa hindi natapos ang duty niya ay sinamahan sya nito. Pinapanood lang sya nito pag may bibili at tahimik lang na hinihintay siyang matapos ibigay ang binibili ng customer nya. kahit na sabihin nyang magpahinga na ito pero iginigiit nitong hintayin nitong matapos ang duty nya. Hanggang nga sa matapos ang duty nya at nakauwi na sya ay kausap nya parin ito. "Nandito na ako sa bahay." Wika nya pagbaba nya ng jeep. Buti nalang malapit lang sila sa kalsada hindi na sya maglalakad ng malayo. "O sige. Magpahinga kana agad para may lakas ka uli bukas. Huwag mong papabayaan ang sarili mo ha." Bilin uli nito sa kanya. "Ikaw din. Salamat sa pagsama sa akin ha." "Wala iyon. Ikaw lang kasi e. Kung sinabi mo lang sana kung saan ang location mo di napuntahan sana kita." Parang naninisi pa nitong wika. "Pangit naman kung nandoon kang nakabantay sa akin. O sige na. Pahinga kana din. Sobra sobrang naabala na kita." Pagpapaalam na nya dito. "Kahit kailan ay hindi ka abala. Ako nga dapat ang magpasalamat dahil nakisingit pa ako sa trabaho mo. Salamat ha." Mabilis dumaan ang araw at ganon na ganon parin ang routine nya. Nasanay na din syang nakakausap si Tim kada gabi pero hindi na kagaya nong naunang naka video call nya ito na nagbabad talaga sila sa cellphone. Ngayon ay nilimitahan nalang nya ito. Pero kada makarating sya sa bahay ay tinetext nya ito na safe syang nakauwi. Masaya sya na kahit papaano maliban sa kanyang lola ay mayroon nang nag aalala sa kanya. Nagpapaalala kung kumain naba sya, na magpahinga naman sya. Kahit na sa cellphone lang ang communication nila. Para nga silang LDR pero ang lapit lapit lang nila kung tutuusin. Gusto nitong mag effort na puntahan sya pero matigas syang tumatanggi. Nasasanay na sya dito at tuluyan ng napalagay ang kanyang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD