Chapter 4

1673 Words
"Naiilang kaba?" Tanong ni Tim sa dalagang halos hindi man lang yata gumagalaw sa kinauupuan at ang tingin ay nasa labas lang ng bintana. He could feel the awkwardness inside his car. Bahagyan itong bumaling sa kanya at hindi nga sya nagkamali dahil halatang halata na naiilang nga ito. "N-nahihiya lang po kasi ako Sir dahil naabala ko pa po kayo." Nahihiyang sambit nito. Napangiti naman sya at binaling uli ang tingin sa daan. Pero manaka nakang tumitingin parin sya dito. "Don't be. Okey lang naman. At wag mo na akong tawaging Sir. Tim nalang." Kiming ngiti lang sinagot nito sa kanya. "Ilang taon kana Crissa?" Tanong nya. He wanted to create a topic for them to talk at para na din matanggal ang pagkailang nila sa isa't isa. It's weird lang dahil first time nyang makaramdam ng ganoong feeling sa babae. "Emm 23 na po." Maiksing sagot ni Crissa. "Oh please. Remove the po Crissa. I'm just only 28 hindi ka naman siguro masyadong matanda sa akin." "Pasinsya na po-- p-pasinsya na. Nahihiya lang kasi akong tawagin ka po sa pangalan dahil halata naman po-- na mayaman kayo at mataas ang pinag aralan. Nasanay lang po siguro ako." Natatawa sya dahil kada mababanggit ito ang po ay medyo napapangiwi ito na para bang hindi nito iyon maiwasan. "Emm.. pero ako na ang nagsasabi sayo. Gusto kung tawagin mo lang akong Tim. At tatawagin din kitang Crissa." "Hindi naman na po siguro mahalaga kung ano ang itatawag ko sayo dahil baka hindi na tayo muling magkita. At saka kahit siguro magkasalubong tayo sa daan ay hindi na natin maalala ang isa't isa." Hindi nya maiwasang malungkot sa sinabi nito. "Parang gusto kong masaktan sa sinabi mo ha. So, after pala nito ay hindi mo na ako matatandaan." "Huh?" Gulat na tanong nito. "Papaano kung gusto kong araw araw kang makita o kaya ito na ang simula para magkakilala talaga tayo?" Mahina nyang tanong pero alam nyang narinig sya nito. ******* CRISSA Shockkkks... anong pinagsasabi nya? "Huh?" Haaaist!!! Para lang syang tanga na puro lang huh ang kayang sabihin. Eeeee... lalong lumalakas ang kabog ng kayang puso. "Ayaw mo na ba akong makita kung sakali?" Malungkot uling tanong nito sa kanya. Naguguluhan sya. Sa tawagan lang naman ang pinag uusapan nila kanina a. Bakit parang iba yata ang tinutumbok ng kanilang usapan. "Hindi naman sa ayaw. Nagiging realistic lang ako. Maari nga namang hindi na tayo magkita dahil wala namang dahilan para magkita tayo. Ni hindi nga tayo magkaibigan diba. O Di pag nagkita tayo uli di mabuti." Pahayag nya. "So okey lang sayo na magkita tayo uli?" Nakangiti ng tanong nito. Umarko ang kanyang kilay at wala sa loob na napa "Oo naman. Bakit hindi." "So pwede kitang madalaw pag may time ako?" Tanong uli nito. "Huh? As in sasadyaan mo akong dalawin?" Naguguluhan nyang tanong. "Oo. Bakit may magagalit na ba? May boyfriend kana ba?" Lalong nagsalubong ang kanyang kilay. Bakit nya tinatanong? "Wala. Wala akong time para sa mga ganyan e." Sagot naman nya. "Mabuti naman kung ganoon. So pwede kitang madalaw?" Nakangiting tanong uli nito. "Huh? Bakit mo ako dadalawin?" Naguguluhan naman nyang tanong. "To know you more." "Sandali nga lang. bakit gusto mo akong makilala? Bakit gusto mo akong dalawin?" Salubong ang kanyang kilay. "Hindi pa ba obvious?" Gusto nyang mapatawa ng parang nahiya ito bigla at napakamot sa batok. "Gusto kong manligaw." Nagkanda ubo ubo sya sa narinig. Nasamid sya sa sarili nyang laway. Kyaaaahhh ano daw? "Hey.. okey ka lang?" Tanong nito ng nagkanda ubo ubo sya. "Okey lang ako." Sagot nya na pilit na kinakalma ang sarili. "Sorry nabigla yata kita." Inirapan nya ito. "Nakakashock ka naman kasing magbiro." Pilit na winawaksi ang kabang nararamdaman. "Hindi ako nagbibiro Crissa. Look. Hindi ko din maintindihan kong bakit ganon nalang ang epekto mo sa akin. Basta ang alam ko. Hindi ako papayag na dito lang matapos ang pagkakakilala natin. Kaya wag ka ng mabigla kung bukas ay nasa pintuan nyo na ako at umaakyat ng ligaw." Wala sa loob na napahawak sya sa kanyang dibdib. Diyos ko po. Ano daw? "M-manliligaw ka?" Medyo nanginig pa yata ang boses nya. Haiisttt nakakainis. Hindi naman kilig ang nararamdaman nya kundi gulat at kaba! "Yes." Hindi nya tuloy mapigilang tumawa. Pero iyong tawang kinakabahan. "Hindi ka man lang ba makikipagkaibigan man lang o kaya magpapasakalye. Yes talaga agad?" Hindi nya mapigilang mamangha. "Mas gusto mo bang marami pang pasakalye o kaya kunyari nakikipag kaibigan muna ako sayo?" Kunot noong tanong nito sa kanya. "Ee hindi naman sa ganon. Nakakabigla ka e. Kanina mo lang ako nakita tapos sasabihin mo ng manliligaw ka. Sa pangalan nga lang natin kilala ang isa't isa. Ay! Mali pala ako. Hindi pa nga pala natin alam ang buong pangalan ng isa't isa." Hindi nya alam kung tunog masungit na ba ang boses nya o ano. "Sweetheart. Kaya nga ligawan e so that we have a chance to get to know each other pero nasa sa iyo kung sasagotin mo ako agad. Mas pabor sa akin iyon." Nakangiting sabi nito. "Excuse me. Anong sagotin agad. Anong akala mo sa akin easy to get." Pinanlakihan nya ito ng mata. Napatawa naman ito. "So. Pumapayag kana?" "Saan?" Haha.. naguluhan tuloy siya. "Na ligawan kita." Seryoso na uling tanong nito. Bumuntong hininga naman sya. "Kagaya ng sabi ko sayo. Wala akong time sa mga ganya." "Then mag aadjust ako para magkatime ka para sa akin." Nasa boses nito ang pagsusumamo. Malungkot syang napatingin dito. "Sabi mo lang yan kasi nagsisimula ka pa lang. pero baka pag tumagal kana ay mag dedemad at madedemand ka din ng oras. Sorry, pero ibaling mo nalang sa iba ang atensyon mo." Ayaw nyang sayangin nito ang oras sa kanya. Mayroon na din syang pinayagan na manligaw sa kanya noon. Okey lang naman ng una na every sunday lang silang nagkikita pero hanggang sa tumagal ay nagdedemand na ito ng mas higit pa doon pero dahil sa kinakain ng trabaho nya lahat ng oras nya at nagsawa din ito sa kanya at naghanap ng iba. Nasaktan sya syempre dahil natutunan naman na nyang mahalin ito pero hindi nya kayang ibigay ang gusto nito. Hindi sya pwedeng tumigil na kumayod dahil kailangan nyang mailabas ang ama sa kulungan. Nakiusap at nagmakaawa kasi sya noon sa may ari ng kumpanyang pinagtrabahoan ng kanyang ama na kung maibalik nya ang perang nakuha ng kanyang ama ay palalayain na nya ito. Kahit kalahati lang. kaya ginagawa nya lahat para maipon nya ang perang iyon. Flashback Hilam ng luha ang kanyang mga mata habang nakikiusap kay Mr Arnold Aragon para palayain na ang kanyang ama. Kailan lang nawala ang kanyang inay tapos kinuha pa ng pulis ang kanyang ama dahil nga sa paggalaw nito sa pera ng kumpanyang pinapasokan nito. Umabot kasi iyon ng ilang milyon at ang gusto ni Mr Aragon ay ibalik nila ang pera. Saan sila kukuha ng ganong halaga e ang dami dami pa nilang utang sa labas. "O sige. Ibalik mo sa akin kahit kalahati lang ng nakuhang pera ng iyon ama at palalayain ko sya." Sabi ng may ari ng kumpanya. "Pero ang gusto ko ay pagsumikapan mong maipon ang pera. Ayaw na ayaw kong kakapit ka sa patalim para maibalik lang ang pera sa akin. Dahil oras na malaman ko na may ginawa ka na ikasisira mo ay hindi ko din tatanggapin iyon. Nagkakaintindihan ba tayo" "Bakit hindi natin subukan. Promise. Hinding hindi ako magdedemand ng mga bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin." Pakiusap uli ng binata sa kanya. Malungkot syang tumingin dito. Alam nyang panghihinayangan nya ang katulad nito pag pinalagpas nya ang pagkakaton na hinihingi nito. At alam nyang maswerte sya dahil napansin nito ang ganda nya. Pero mas gusto na nyang ngayon palang ay putulin na nya ang kanilang ugnayan habang wala pang umuusbong na ugat. Dahil baka mas masasaktan lang silang pareho. "Pasinsya na pero hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo. Sa gwapong mong iyan alam kong hindi ka mahihirapan maghanap o baka nga hindi mo na kailangang maghanap dahil sila na ang kusang lalapit sayo." Pinilit nyang ngumiti dito. s**t! Bakit parang may karayom na tumutusok sa kanyang puso. "Criss.. huwag mo akong itulak sa iba. Kagaya ng sabi ko sayo kanina. Sayo ko lang naramdaman ito. Bigyan mo ako ng chance para mapatunayan ko ang sarili ko sayo." Tumawa sya ng mahina. "E papaano ka nga manliligaw ni hindi nga kita kayang isingit sa oras ko sayo." Napatingin ito sa kanya na parang nagtatanong ang mga mata. "Mahirap lang ako. Ako iyong klase ng mahirap na tulog lang ang pahinga. Marami akong trabaho sa araw araw kaya wala akong time na maiibibigay sayo. Magka day off man ako ay nasa palengki pa para magbinta ng gulay. Kaya bakit mo sasayangin ang oras mo sa isang katulad ko. Halata namang mayaman ka, may pinag aralan. Hanap ka nalang ng iba na babagay sayo at mas mabibigyan ka ng oras. At kahit naman hindi pa ako nagkakaboyfriend ay alam kong mahalaga ang oras sa isang relasyon. Ayaw kong maging unfair sa iyo kung sakali." Pag papaunawa nya dito sa kanyang setwasyon. "Diba sabi ko sayo ako ang mag aadjust sa oras mo. At kung ano lang ang kayang mong ibigay sa akin ay pag tyatyagaan ko. Iyong iba nga nakakasurvive sa LDR tayo pa kaya. Kung kinakailangang samahan kitang magtinda ng gulay sa palingke para makasama ka lang ay gagawin ko. Hahanap ako ng paraan para hindi ako makasagabal sa mga trabaho ko." Giit nito sa kanya kaya napahilot sya sa kanyang sintido. Mukha nga desidido itong manligaw sa kanya. Gusto nyang kiligin pero hindi nya maiwasang matakot. Sa gwapo nito ay hindi malayong mahulog din ang loob nya dito. Papano kung kagaya din ito ng iba na hindi maintindihan ang setwasyon nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD