"Mag aasawa kana ba anak kaya mo kami tinipon ngayon?" Nagdududang tanong ng Mommy nila sa bunso nyang kapatid na nalumpihit at mapakali sa kinauupuan nito. Nakakunot lang ang noo nya habang pinag aaralan ang itsura ng kapatid. Tumingin ito sa kanya na parang hindi alam ang sasabihin. Parang nag aalangan. Ngayon nya lang nakitang ganito ang kapatid. Medyo tinaasan nya ito ng kilay na parang nagtatanong ng What? Lihim itong napabuga ng hangin "Nasa hospital si Crissa." Wika nito pero parang hindi nya naintindihan ang sinabi nito. Mahina iyon pero parang nabibingi sya. Napaayos sya ng upo at lalong nalukot ang kanyang noo. "Anong sabi mo?" Pag papaulit nya. Naging seryoso din ang mukha ng mga magulang nila pero natutok ang mata sa kanya. Nakita nya ang panginginig ng kamay ng kapatid

