"Pa.. bakit kailangan pa akong ilipat. Mas lalaki lang ang gastos dito." Kahit hinang hina ay hindi parin maiwasan ni Crissa ang magalit dahil pagkagising nya ay nasa pribadong silid na sya. Alam nyang mahal ang silid na iyon dahil para lang syang nasa loob ng hotel. "Anak, si Tim ang nagdisisyon nito kaya wala kaming magawa." Anang amang hindi makatingin ng deretso sa kanya. "Anong walang magawa?! Kayo ang ama ko, kayo ang pamilya ko. Ama lang sya ng anak ko kaya wala syang karapatang magdisisyon para sa akin dahil hindi ko sya asawa." Nagpupuyos sya. "Ilabas nyo na ako dito. Gusto ko ng umuwi." Akma nyang tatanggalin ang nakakabit sa kamay nya ng dumating si Tim. "Pa.. pwedeng mag usap po muna kami." Anito sa kanyang ama. Nakakamatay ang tingin na binigay nya dito saka uli pinagtuun

