Having Acute myeloid leukemea is not easy or having any other desease. Akala ni Tim matapang na sya basta nakikita nya si Crissa at ang anak na lumalaban pero hindi pala ganoon kadali iyon. Dahil sya na mismo ay gusto nang sumuko sa tuwing nakikita nya si Crissa na sobrang nahihirapan na. Palala ng palala ang kalagayan nito lalo na at hindi pa sila nakakahanap ng bone marrow donor na nagmamatch dito. Unti unti syang pinapatay ng mga daing nito sa tuwing aatake ang sakit nito at lalo syang nahihirapan dahil halos hindi nya ito mahawakan dahil pati haplos nya ay masakit para dito. Mas gusto nitong mapag isa pag nakakaramdam ito ng sakit. Natuto syang umiyak sa harap nito ng walang luha. Ang magwala ng tahimik. Pinipilit nyang umaktong matatag sa harapan nito pero para syang nauupos pag n

