"Lola. Bakit po kayo umiiyak?" Nag aalalang tanong nya sa kanyang lola ng madatnan nya itong umiiyak. Mabilis na pinahid nito ang luha para itago sana sa kanya ang mga iyon pero huli na dahil nakita na nya ito.
Pilit na ngumiti ito sa kanya. "Bakit ang aga mo yata ngayon apo? Diba my pasok kapa sa burgeran?" Tanong nito na parang hindi narinig ang kanyang tanong. Napatingin ito kay Carlo na nasa likoran nya.
"Magandang gabi super lola. Makikitambay po muna ako dito ha." Wika naman ng kaibigan pero kinalabit sya sa likod kaya napatingin sya dito.
"Bruha. Doon muna ako sa salas ninyo." Bulong nito para bigyan sila ng oras ng kanya lola kaya tinanguan nya ito. Nakita siguro nito na kailangan niyang kausapin ang lola.
Nakalabas na ang kaibigan pero nanatili silang tahimik.
"K-kumain na ba kayo ng kaibigan mo?" Tanong nito sa kanya na pilit iniiwasan ang kanyang mga tingin.
"La. May problema po ba?" Seryoso nyang tanong dito.
"Ano ka bang bata ka. Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Nalulungkot lang ako." Tumawatawa ito pero alam nyang pilit lang iyon. At kitang kita nya ang luha na sumusungaw sa mga mata nito pero pilit na pinipigil.
Nilapitan nya ang kanyang lola at hinawakan nya ang mga kamay nito na may hawak na basahan. Punas kasi ng punas wala namang dumi. "La. Alam kong may problema. Diba nangako kayo na sasabihin nyo lahat sa akin. Tayo na nga lang ang magkasama tapos naglilihiman pa tayo." Nagtatampo nyang sabi sa matanda.
Doon na bumuhos ang luha sa mga mata nito kaya niyakap nya agad ito.
"Ssshhh... sabihin nyo sa akin. Anong nangyari? May nakaaway ba kayo sa palengke? Masakit na naman ba rayuma ninyo?" Sunod sunod nyang tanong dito. Nag aalala sya. At masakit para sa kanya ang makitang umiiyak ito.
Suminghot singhot ito. "Nag-aalala kasi ako sa tatay mo anak e. Habang tumatagal sya sa loob ng kulongan lalong lumalala ang sakit nya." Nahihirapan wika nito.
Pinaupo nya ito at dali daling nagsalin ng tubig sa baso at inabot iyon sa kanyang lola.
"Dumulaw po kayo?" Tanong nya. Hindi kasi nabanggit nito sa kanya na dadalaw ito.
"Nakita ko kasi si Maring noong isang araw at naekwento nya sa akin ang kalagayan ng tatay mo kaya galing ako doon kanina. Ang payat payat na ng anak ko. Sana ako nalang ang nandoon." Humahagol na wika ng kanyang lola kaya napaiyak na din sya.
"Alam kong nagkasala sya at kailangan nyang pagbayaran iyon. Pero hindi pa ba sapat ang mga hirap na pinagdaanan nya para pagbayaran ang kasalanan na iyon." Parang dinudurog ang puso nya habang nakikita ang mga mahal nya na hindi na nakaahon sa sakin at hirap na pinagdadaanan nila.
Hindi sya umimik dahil parang walang tamang salita na gustong lumabas sa bibig nya. Parang pag ibinuka nya iyon ay mas makakadagdag pa iyon sa dalahin ng kanyang lola.
Ilang saglit pa bago nya napayapa ang loob nito. Alam nyang sobrang nahihirapan ang kanyang lola habang nakikita ang ama nya na nasa loob ng kulongan.
Kaya napakahirap, dahil gustohin man nya na pawiin ang sakit na nararamdaman ngayon ng kanyang lola ay wala syang kapasedad para ilabas ang kanyang ama sa kulongan. Kahit magtrabaho sya ng bente kwatro oras ay hindi parin nya mabubuo ang pera na hinihingi ng mga Aragon para sa tuluyang paglaya ng ama.
TIM
Pinarada ni Tim ang sasakyan sa bakanteng lote sa tapat nila Crissa. Napatingin sya na bulaklak nasa kabilang upuan lang. Hindi nya alam pero parang kinakabahan sya. Parang may mali.
Kaya pinuno nya ng hangin ang dibdib bago bumaba.
Paggising nya kaninang umaga ay wala na sa tabi nya ang dalaga kaya hindi na nya ito nakausap. Alam nyang mayroon silang problema at may hindi sinasabi ito sa kanya. Ang pag babago nito. Ang biglang panlalamig nito sa kanya. Maliban nalang kagabi. Dahil kung hindi lang sya nakapagpigil kagabi baka itali na nya ang dalaga ng hindi oras.
Pinuntahan nya kanina ito sa Burger Machine na pinagtratrabahoan nito pero hindi daw ito makakapasok dahil masama daw ang pakiramdam kaya dumeretso na sya sa bahay ng mga ito.
Kakatok na sana sya ng makitang hindi naman nakalock ang gate at tanaw nya na bahagyang nakaawang ang pintuan ng mga ito kaya hindi na sya nag abala.
Pero habang papalapit sya sa nakaawan na pintuan ay may naulinigan syang nag uusap sa loob.
"Criss... Sa gagawin mong iyan mas lalo mo lang palalahin ang setwasyon. Kung talagang hindi mo na kayang makisama sa kanya, bitawan mo na sya. Pakawalan mo na sya. Makipagbraek kana sa kanya." Si Carla iyon ang baklang kaibigan ni Crissa. Kilala na nya ito. Parang may biglang bumundol sa kanyang dibdib ng marinig ang usapan ng mga ito kaya nanatili sya sa labas ng pintuan.
"Ang tanong? Mahal mo pa ba sya sa kabila ng nalaman mong related sya sa mga taong may kinalaman sa pagkakakulong ng ama mo? Dahil kung hindi na ang sagot mo. Hindi mo talaga sya minahal." Wika uli ni Carla kaya lalong kumunot ang kanyang noo.
"Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Basta ang gusto ko nalang ngayon ay saktan din sila. Napapagod na ako. Pagod na pagod na ako. Hind lang ang isip kundi pati na rin ang katawang lupa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Habang nakikita ko sya. Nakakausap. Mas nakakaramdam ako ng galit na kahit na alam ko namang hindi dapat. Nakakapagod magpanggap. Ang umaktong okey lang ako na mahal ko parin sya na ang totoo naman ay kahit ako sa sarili ko ay hindi ko na alam kung ano ang totoo kong nararamdaman." Rinig nyang sabi ni Crissa kaya parang naghihina syang napasandal sa pader. Naikuyom nya ang palad.
"Kaya nga pag isipan mong mabuti dahil baka naguguluhan ka lang. Baka pagsisihan mo sa huli ang maging desisyon mo pag nagpadalos dalos ka."
"Hindi na mahalaga kong mahal ko sya o hindi na. Sa tingin mo, kaya ko pang maging masaya sa kanya. Pag kasama ko sya, si tatay ang naiisip ko." Rinig nyang giit ni Crissa kaya nagtagis ang kanyang mga bagang.
"Pero masasaktan mo sya. Masasaktan lang kayong pareho."
Tumawa naman ng pagak si Crissa. "Iyon naman talaga ang gusto ko diba. Ang saktan din sila. Papaano pa kaya pag pinatagal ko pa. Iyong tipong hindi na nya kayang mabuhay ng wala ako saka ko sya iiwan."
So. Nagpapanggap lang pala ito. pero bakit?
Gustong gusto na nyang pasokin ang mga ito at tanongin ang dalaga kung ano ang kasalanan nya para saktan sya nito.
Tangina! Lahat ba nang pinakita nito at pinadama nito sa kanya ay pagpapanggap lang ? Wala kayang totoo doon? Dahil kung puro lang pagpapanggap lahat ng iyon ay masasabi nyang magaling umarte ang dalaga dahil paniwalang paniwala sya.
Nilisan nya ang lugar at basta nalang binagsak ang bungkos ng bulaklak sa labas ng gate ng mga ito.
Agad nyang pinaandar ang sasakyan habang ang dibdib na ay sobrang naninikip na at parang gusto nya sumigaw ng sumigaw.
Nang hindi na nya makayanan ang paninikip nito ay pinagilid nya ang sasakyan at ilang hampas sa manobela, sigaw at mura ang ginawa nya para maibsan ang paninikip nito.
"Anong karapatan mong saktan ako?" Gilit nyang tanong. "Anong kasalanan ko para gawin mo sa akin ito." Naramdaman nya ang pagtulo ng luha sa kanyang mata kaya napamura uli sya.
Imbis na tumuloy sya sa condo nya ay nagtungo sya sa opisina nya.
Oras na para halukayin nya ang mga bagay na tungkol sa dalaga na dapat ay noon pa nya ginawa. Di sana naagapan nya o napaghandaan nya ang pagkawasak ng kanyang puso sa unang pagkakataon.
Tangina lang!
Hindi nya tinigilan hangga't hindi sya nakakakuha ng mga impormasyong na gusto nyang malaman. At alam nyang masasagot ng kanyang ama ang kanyang mga katanongan.
Kaya tumuloy sya sa kanilang bahay.
Napatingin sya sa oras. Nahiling nya na sana gising pa ang ama dahil parang hindi na nya kaya pang maghintay hanggang bukas.
"Magandang gabi manang. Gising pa ba sila Papa. ?" Bungad nyang tanong sa kanilang kasambahay na hula nya ay chenicheck nito ang bintana kung nakasara dahil parang uulan ng malakas. Madilim kasi ang langit at medyo malakas na din ang hangin na sinasabayan ng kulog at kidlat.
"Ay magandang gabi anak. Biglaan yata ang uwi mo ngayon. Buti nalang at hindi ka naabotan ng ulan sa labas." Wika nito na nakalimutan yata ang tanong nya.
"Sila papa po?" Tanong nya uli.
"Kaakyat lang din nila--"
Hindi na nya pinatapos ang sasabihin nito dahil dali dali na nyang tinungo ang kwarto ng mga magulang.
Kumatok sya ng tatlong besis.
"Bakit?" Boses ng ina.
"Ma. Si Tim ito." Sagot naman nya. Nakita nya ang paggalaw ng doorknob.
Bumungad sa kanya ang mukha ng ina. Nakita nya ang pagguhit ng pag aalala sa mukha nito. "Bakit umuwi ka. May problema ba? May sakit ka?" Sunod sunod na tanong nito habang sinasalat sya sa noo.
"Ma. Wala akong sakit." Pigil nya dito. "Good evening pala." Bati nya saka hinalikan ito sa pisngi.
"E bakit ka nga umuwi?" Nagtatakang tanong uli ng ina.
"Gusto ko sanang makausap si Papa." Sagot naman nya. Sya naman ang paglitaw ng kanyang ama sa likoran ng kanyang ina.
"Hindi naba makapaghihintay yan hanggang bukas anak. Magkikita rin naman tayo bukas sa opisina." Nagtatakang tanong ng kanyang ama.
Tinignan nya ito bago nagsalita. "May gusto lang sana akong malaman Pa. Tungkol kay Danilo Bartolome."
Nakita nya ang pagkunot ng noo ng kanyang ama. "Ano ang gusto mong malaman tungkol sa kanya. At saka lahat naman ng impormasyon ay nasa files natin." Sagot nito saka sila tinalikuran. Niluwagan naman ng ina ang pintuan ng kwarto ng mga ito at hinila sya papasok.
"Pa. Hindi lang ang mga iyon ang gusto kong malaman. Bakit sya nakakulong kung hindi naman sya nahatulang guilty." Umupo sa sofa ang kanyang ama pero nanatili syang nakatayo sa harap nito.
"Anong dahilan ng lahat ng ito Anak? Hindi ka susugod dito ng ganitong oras para lang sa ganitong kaso." Nagtatakang tanong ng ama na parang binabasa ang mga kilos nya. Kaya napaupo din sya sa pang isahang upuan na nasa side nito.
Napahilamos sya sa kanyang mukha. Papaano nya sasabihin dito na nabiktima sya ng anak nito. Na nagpakatangan sya sa anak ni Danilo Bartolome na iyon.
"May kinalaman ba dito si Crissa Bartolome?" Tanong uli nito kaya maang na napatingin sya sa ama.
Pero nginisihan lang sya nito. "Para kang hindi attorney. Saan napunta ang utak mo anak? O talagang nakakabobo lang ang pag ibig?--"
"Anton! Tigilan mo ang pangbubuska mo sa anak mo." Saway naman ng ina sa kanyang ama.
"E nakakainis e. Parang hindi attorney. Nakita na nya ang files pero sumugod parin sya dito. Di sana naglalambingan na tayo ngayon." Nakasimangot na sabi naman ng ama kaya parang nakaramdam sya ng hiya.
Pero pinagkukurot ito ng kanya ina. "Ikaw talagang matanda! Lambingin mo ang sarili mo. Bwiset!" Inis namang inirapan ng ina ang kanyang ama.
"Sorry na "ling. Binibiro ko lang naman ang anak natin e. Diba gusto mo ng magkaapo. Nararamdaman kong malapit na." Pang aamo nito sa kanyang ina kaya napakamot sya sa kanyang ulo.
Nanlaki naman ang mata ng kanyang ina. "Talaga?" Tanong nito na parang nakalimutan ang inis sa asawa.
"Oo. Baka lumalangoy na ngayon ang apo mo." Biro nito sa asawa kaya pinanlakihan nya ng mata ang mga ito.
"Pa.. pinagsasabi nyo." Sita naman nya sa ama.
"Kunwari kapa. Parang hindi ko naman alam na inuwi mo si Crissa kagabi sa condo mo."
Napatampal nalang sya sa kanyang noo ng makita ang reaction ng kanyang ina.
Shit! Maling mali nga na umuwi sya ngayong gabi sa bahay ng mga magulang.
"Bukas nalang tayo mag usap." Wika nya sabay tayo.
"Oi sandali anak. Hindi mo pa natatanong ang tungkol kay Crissa." Pigil naman kanyang ina.
"Ma. Hindi tungkol kay Crissa ang tinatanong ko kay papa. Kundi tungkol sa ama nya." Sabi nya sa ina sabay sulyap sa ama na hanggang taynga ang ngiti. Alam kasi nito na kukulitin at kukulitin sya ng ina tungkol sa babaeng inuwi nya sa kanyang condo.
"E di. Tungkol sa tatay ng manugang ko." Giit uli nito kaya napapikit nalang sya.
"Bukas nalang ma. Inaantok na ako."