Chapter 19

1922 Words
"Good morning ho. Nandyan na po ba ang chairman?" Magalang nyang tanong sa receptionist na abala sa harap ng computer nito. Nakangiting tumingin ito sa kanya. "Ma'am may appointment po ba kayo?" Magalang din nitong tanong. Medyo napakamot sya sa ulo. "Wala eh, pero sabi kasi nya ipakita ko lang daw ito pag nagpunta ako dito." Nag-aalangan nyang inabot ang card na binigay ng chairman sa kanya ng last silang nagkaharap ilang taon na din ang nakalilipas. Matagal na din kasi baka nakalimutan na din nito iyon. Medyo napakunot noo ang receptionist habang sinusuri ang card na inabot nya. "Emm.. pwedeng itawag ko po muna sa secretary nya ma'am. Maghintay po muna kayo sa waiting area. Ano po kasing pangalan ninyo?" "Okey lang Miss. Crissa Bartolome." Medyo nakahinga sya ng maluwag. Atlest hindi sya pinagtaboyan. Tinungo nya ang waiting area na hindi kalayoan kung nasaan ang front desk. Nilibot nya ang tingin sa loob ng building. Hindi nya maiwasang makaramdam ng kirot sa kanyang puso. Halatang paunlad ng paunlad ang company na dating pinagtratrabahoan ng ama. Samantalang ang ama ay palala ng palala ang kundisyon sa lood ng kulungan. Humigpit ang kapit nya sa bag na daladala nya. Huminga sya ng malalim para pagaanin ang loob at hinanda na din ang sarili para sa muling paghaharap nila ng matandang Aragon. Ang bag na daladala nya ngayon ay naglalaman ng pera. Perang naipon nya sa loob ng apat na taon. Nananalangin sya na sana ay tanggapin na iyon para makalaya na ang kanyang ama. Maliit lang iyon. Halos hindi pa umabot ng isang milyon dahil mayroon din naman silang pangangailangan ng kanyang lola. Hindi pa nangalahati sa nakuhang pera ng kanyang ama. "Miss Bartolome." "Huh?" Napakislot sya ng may tumawag sa kanya. "Umakyat na po kayo sa fifteenth floor." Nakangiting sabi ng receptionist na parang sinadya pa talaga syang lapitan. Lalong nakaramdam sya ng nerbyos. Ilang buga ng hangin ang ginawa nya para lumuwag ang kanyang dibdib. Lord. Sana tanggapin na ito ni Chairman para makalaya na po ang tatay ko. Miss na miss na po namin sya, lalong lalo na po si lola. Maluha luha nyang dalanging. Ting... halos manginig na ang kanyang kamay. Lumabas sya sa elevator at inilibot uli ang tingin sa loob. "Miss Bartolome?" Untag sa kanya ng babaeng hula nya ay nasa forty na ang edad pero maganda parin. Kilala nya ito dahil ilang beses na din nyang nakita. "M-Miss Anne. Kumusta po?" Kimi nyang bati. "Kumusta kana Crissa. Dalagang dalaga kana a. At lalo kang gumanda." Puri nito sa kanya. Ngumiti sya pero pakiramdam nya ay nagmukhang ngiwi ang gumuhit sa kanyang labi dahil kinakain ng takot at agam agam ang kanyang dibdib. "Tara. Hinihintay kana ni Chairman." Yakag nito. Tahimik syang sumunod dito. Tok! Tok! Tok! Halos pumuti ang kanyang kamay sa sobrang higpit ng kapit nya sa bag na dala. "Come in." Anang nasa loob. Napapikit sya at umusal uli ng maiksing panalangin. "Pasok kana." Wika ni Ms. Anne ng tumingin ito sa kanya. Pinagbuksan sya nito ng pintuan. Ganon nalang ang paninigas nya ng makita kung sino ang mga nasa loob. Pakiramdam nya ay pinako ang kanyang mga paa at hindi nya maihakbang ang mga iyon. Bakit sila nandito? Pipi nyang tanong. Nagtama ang mga mata nila ni Tim pero wala syang mabakas na ano mang emosyon sa nga mata nito pero matiim ang pagkakatitig sa kanya. "Lumapit ka hija." Nabaling ang tingin nya sa matandang Aragon. Bantolot syang lumapit pero ilang dipa pa ay tumigil uli sya. Parang mas lalo syang natakot na lumapit. Iniiwasan nya ang mata na huwag mapatingin sa binata pero ramdam nya ang mainit nitong mata na nakatitig parin sa kanya. "Lumapit kapa hija at umupo ka. Para ka namang takot na takot sa amin e." Biro ni Mr. Aragon. Nabasa yata nito ang pag aatubili nya. Bahagyan syang napasulyap sa ama ni Tim pero mukhang pinag aaralan din sya. Ilang besis na din nyang nakaharap ito at hindi nya akalain na ang anak pala nito ang mamahalin nya. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga. Tumayo ang binata sa kinauupuan nito at tumayo ito sa likoran ng kinauupuan nito kanina na para bang inooffer nito ang upuan sa kanya. Tumingin sya dito pero hindi na ito nakatingin sa kanya na para bang iniiwasan din nitong mapatingin sa kanya. "Ah Chairman. B-babalik nalang po ako mamaya pag natapos na po kayong mag usap usap. Gusto ko din po sana kayong makausap ng tayo lang ho kung pwede po sana." Hinihiling nya na sana ay pagbigyan sya ng chairman. "Tungkol ba sa ama mo ang pinunta mo dito hija?" Malumanay na tanong sa kanya ng matanda. Nag aatubili syang tumango.. "Oho." "Mas mabuti siguro kung kaharap natin sila dahil sila ang may hawak ng kaso ng papa mo dahil malalaman din naman nila kung ano ang pag uusapan natin ngayon." Seryosong pahayag ng Chairman kaya laglag ang balikat nya. "Halika. Umupo ka dito." Turo nito sa upuang nasa harapan ng binata na hindi na uli sumulyap sa kanya. Napatingin sya sa ama nitong tahimik lang din na nakatingin sa kanya. Huminga sya ng malalim bago nya inukupa ang upuan. "So, ano ang maipaglilingkod namin saiyo." Tanong ng Chairman na sinandal ang likod sa upuan nito. Napatungo sya at napakagat sa kanyang labi. Ramdam nya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Parang biglang nablangko ang kanyang utak at wala syang mahagilap na sasabihin. "Come on. Hindi ka namin matutulongan kung hindi ka magsasalita." Panghihikayat pa ni Chairman. Medyo nginig ang kanyang labi dahil sa pinipigil na emosyon. "M-may dala po akong pera. Alam ko pong hindi po sapat ito p-para sa n-nakuhang--- n-nakuhang pera ni Papa pero gusto ko po s-sang makiusap uli. P-para po sa kalayaan ng ama ko." Hirap na hirap nyang sabihin ang pakay dahil pinipigil nya ang pag alpas ng luha sa kanyang mga mata. Lihim syang napabuga ng hangin dahil parang may batong nakabara sa kanyang lalamunan. Ang saklap lang. Hindi nya kinakahiya na mahirap sya pero parang ang bigat lang sa dibdib dahil kailangan makita pa sya ng taong mahal nya na nagmamakaawa para sa kalayaan ng kanyang ama. "P-pangako po. Hindi po namin tatalikoran ang balanse namin kahit makalaya po sya. Kahit magtrabaho po ako 24/7 basta makalaya lang po sya." Mabilis inagapan ang luhang nalaglag sa kanyang pisngi. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang Chairman. "Magkano ang dala mo hija? Isang Milyon? Dalawang Milyon? Tatapatin na kita. Kahit pa siguro ilaan mo ang kalahati ng buhay mo sa pagtratrabaho bilang isang crew ng kahit 24/7 ay hindi mo mababayaran ang utang ng ama mo hija." Malumanay na sabi nito. Parang lalong nanikip bigla ang kanyang dibdib sa sinabi nito. "Hindi ka namin nakausap ng maayos noon dahil parang hindi mo pa kayang intindihin kung gaano kalaki ng nagalaw na pera ng ama mo dito sa kumpanya ko. Pero siguro naman ngayon mas matured kana para sa bagay na ito. Alam mo bang fifty Million ang pera na nakuha ng ama mo?" Marahas syang nag angat ng tingin dito at awang ang labi. "Imposible." Halos hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Doon na kumilos si Atty. Rodriguez. Napatingin sya dito. May inabot na envelop sa kanya. Napatingin sya doon. Hindi nya alam kung aabotin ba nya o hindi. "Kung nagdududa ka., Nandito lahat ang mga ebidensya na nagtuturo sa ama mo. At alam din nya ang tungkol dito." Pakiramdam nya ay pinagkakaisahan siya. Wala sa loob na napatayo sya habang umiiling iling. Hindi kayang iproseso ng utak nya ang sinabi ng mga ito. "Imposible" nanlalabo ang kanyang mga mata. Ang napakaliit na pag asang pinanghahawakan nya ay biglang naglaho nalang na parang bula. Parang biglang nagsikip ang loob ng malawak na silid na iyon at nauubusan sya ng hangin at ang tanging gusto nalang nya ay makalabas doon. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Mabilis nyang tumalikod at tinungo ang pintoan. Tinatawag sya pero parang bingi sya na hindi lumingon. Habol habol ang hininga habang panay ang ang pindot nya sa button ng elevator. Napadaklot sya sa kanyang dibdib dahil parang kinukulang na sya ng hangin. "Crissa." Tawag sa kanya pero mabilis na syang pumasok at agad sinara ang pintoan. Hindi na nya nakita kung sino ang humahabol sa kanya dahil bigla nalang syang nanghina at napalupasay sa sahig. Napasapo sya sa kanyang mukha at doon na umalpas ang hagulgol sa kanyang bibig. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Basta ang alam nya. Pagkalabas na pagkalabas nya sa building ay naglakad sya ng naglakad at hindi alintana ang pagpatak ng ulan na parang makikisimpatya sa raramdaman nya. Ang sakit! Papaano nya sasabihin sa kanyang lola na hindi na makakalabas ang kanyang ama. Bakit pinaasa pa silang makakalabas ito kung wala naman na palang pag asa. "Piiiippp....piiiippppp" Para syang natuod sa gitna ng kalsada ng bigla syang nakarinig ng malakas na busina ng isang malaking truck pero mayroong brasong humugot sa kanya kasabay ng napa igik sya dahil tumama ang katawan nya sa matigas na bagay. "f**k!" Mura ng lalaking nasa likoran nya samantalang sya naman ay hindi alam kung saan ang masakit. "Hoy! Magpapakamatay ba kayo?!" Galit na galit na sigaw ng driver ng truck sa kanila na bahagyang huminto sa tapat nila. Pero sumidat din agad. Napaupo sya at napahaplos sa kanyang braso. "s**t!" Mura uli ng lalaki. "Okey ka lang?" May pag aalala sa boses nito. Hinarap at mariing hinawakan sya sa magkabilang balikat. "Ano bang iniisip mo ha?! My God Crissa. Hindi mo ba alam na nahuli lang ako ng ilang sigundo ay---" "f**k!" Kinabig sya at mahigpit na niyakap. "f**k woman! You scared me too much! Frustrated na bulong nito na parang takot na takot din. Hindi sya umiik pero tahimik parin syang lumuluha. Luhang humahalo sa tubig ulan na patuloy na umaagos sa kanila. Hindi nya alam kung papaano sila nakarating sa hospital. TIM Hindi nya alam kung magagalit ba sya o maawa kay Crissa habang nakatulala lang ito habang ginagamot ang mga tinamo nitong gasgas. Hindi parin nya maiwasang panayuan ng balahibo pag naiisip nya ang pwede nitong sapitin kung hindi nya naagapan na ilayo ito kanina sa kalsada habang papalapit ang isang ten wheeler truck dito. Para syang pinanlalamigan ng katawan. Shit! Mababliw ako. Hindi ko kakayanin bulong nya sa isip. "Ano ba kasing nangyari kuya?" Nag aalalang tanong uli ng kapatid habang nililinis din ang kanyang sugat sa siko. Nurse kasi ang kapatid at natsambahan nila na isa ito sa mga nakaduty sa emergency room kaya hindi sya nakaligtas sa mga tanong nito. Buti na nga lang at naagapan pa nya dahil tatawagan na sana nito ang kanilang ina. "Tsk... ang daming tanong eh. Okey na iyan. Siya nalang ang asikasohin ninyong mabuti." Nginuso nya kung nasaan si Crissa. Bahagyang napanguso ang kapatid at parang pinag aaralan ang itsura ng dalaga. "Sino sya kuya?" Mahina nitong tanong. "Sinabi ko na ang pangalan nya kanina diba." Makukulitan nyang sagot. Nagbigay na kasi siya ng basic information nila kanina para sa record nila sa hospital. Nilukotan naman sya ng ilong. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin e. Siya ba iyong tinutukoy mo noon?" Intresado nitong tanong. Kilala nya ang kapatid. Matatanggap nga siguro nito kung may mapili na syang iba pero alam nyang mas boto parin ito sa bestfriend nito. Napahinga sya ng malalim. "Tsk. Ang daming tanong." Pagtataboy nya. "Kuya." Patuloy na pangungulit nito. Alam nyang hindi ito titigil. "Fine. Asikasohin mo syang mabuti dahil sya ang magiging ate mo. Satisfied?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD