Chapter 20

1516 Words
Matagal ng tumigil ang sasakyan pero pareho parin silang walang imik ni Tim na para bang walang gusto maunang bumasag ng katahimikan. Kailangan nyang maging matatag sa harapan nito. Narinig nya ang pagpapakawala nito ng hininga. . "Bumaba kana para makapagpahinga ka." Nahimigan nya ang bigat sa boses nito. She didn't move a bit. Alam nyang kailangan nilang mag usap at ayaw na nyang ipagpaliban pa iyon. It's now or never. Baka hindi nya kayaning makipaghiwalay dito. Mas maigi ngayon na sariwa pa ang mga sakit na kanyang nararamdam. Pilit nyang pinapatigas ang kanyang mukha at itinago ang tunay na nararamdaman. "G-gusto ko ng taposin kung anong mang mayroon tayo." Mahina at halos hindi kumawala sa kanyang lalamunan ang mga salitang iyon. "Are serious?" Napako ang mata nya sa kamay nitong nakahawak sa manobela. Halos mamuti ang mga iyon dahil sa higpit ng hawak nito. "Are you going to end--Us--- don't you think you're being irrational here?" Medyo sarkastiko ang pagkakasabi nito iyon. Mahigpit nyang kinuyom ang kanyang kamay to atlest control her emotion. "Irrational? Siguro nga. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo napagdaanan ang mga pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman---" "Hindi alam huh?! Well f**k you! How about you? Do you know how I feel now? Ang sakit lang na nararamdaman mo ang naiisip mo. Papaano naman ang sakit na nararamdaman ko? Alam mo ba kung gaano kasakit na marinig mula mismo sayo na gutso mo muna akong baliwin bago mo iwan. Instead of telling me the problem mas pinili mo na saktan din ako. For what? To take revenge on us? Ayan! Masaya kana? Nasaktan mo na ako dahil putangina lang! Minaha kita ng totoo at napakasakit isipin na ganon lang kababaw ang pagmamahal na mayroon ka para sa akin." She stunned a moment. Nanginig ang kanyang mga kamay. She bit her lower lip to keep it from trembling and God know how much she fought her tears from falling. Yes. Doble ang sakit na nararamdaman nya ngayon. "Bumaba kana. Mag usap nalang tayo sa susunod pag kaya mo ng mag isip ng matino. Then doon ko palang tatanggapin kung ano ag magiging desisyon mo para sa atin." Malumanay sa sabi ng binata. Parang wala sa sariling pumasok sa kanyang silid. Mariing tinakpan ang bibig para supilin ang pag-alpas ng hagulgol na kanina pa nya pinipigil. Bakit ang sakit. Ano ang naging kasalanan nya para maranasan nya lahat ng ito. TIM "f**k! f**k! f**k!" Sunod sunod nyang mura habang pinaghahampas ang manobela ng kanyang sasakyan. Oo, nasasaktan sya para sa sarili pero mas nasasaktan sya para kanyang mahal. His father told him everything about Crissa's father's case and explained to him as well kung bakit umabot ng ganon kalaki ang nakuha nitong pera. Kaya iyon ang binigay na kaso ngayon ni tito Aaron sa kanya to dig deeper dahil masyadong mautak ang anay na kumakain sa kumpayang ng mga ito. Malamang hindi alam ito ng magkakapatid dahil may kanya kanyang kumpanya na hinahawakan ang mga ito. Ngayon ang unang besis na makikialam sya sa kasong hawak hawak ng kanyang ama at bukas palad naman nitong ibinigay sa kanya dahil alam nitong malaki ang magiging parte nito sa buhay nilang dalawa ng dalaga. Alam ng mga ito halos lahat ng nangyayari sa dalaga at pati narin ang namamagitan sa kanila. Actually. Malapit na din nyang matapos iyon ang ginagawa nyang imbestigasyon. Mula kasi ng malaman nya ang tungkol sa ama nito ay iyon agad ang inasikaso nya at iyon ang pinagkakaabalahan nya nitong mga nakaraang araw kaya hindi din sya nagpaparamdam sa dalaga para makapag isip din ito. Kaya nabigla din sya kaninang dumating ito sa opisina ni Tito Aaron. God knows kung gaano sya nag pipigil na yakapin ito at sabihing malapit ng makalaya ang ama nya pero ayaw nya itong paasahin. Hindi pa masyadong malinaw ang imbestigasyon na ginagawa nya. "Parang gusto kong ipainom nalang ng libre ang mga alak ko dito sa bar dahil for the first time na nakita ko si attorney na tinatablahan din pala ng problema." Natatawang sabi ni Macky na parang tuwang tuwa pa ito na aburido sya. Inis syang dumampot ng isang butil ng mani at binato dito. Natatawa naman ang iba pa nilang kaibigan. "Napapansin ko nga din na masyado ka yatang abala nitong nakaraang linggo?" Puna din ni Alex sa kanya. Hindi sya sumagot. Bagkos ay kinuha lang nya ang baso at tinungga iyon. "Brod. We know you have a problem at nasasaktan kaming gago ka na hindi mo man lang masabi sa amin kung ano ang bumabagabag sayo. Papaano ka namin matutulungan kong palagi ka nalang nagsasarili? Well. Kung kasama mo si Maryang palad okey lang na magsarili ka, pero sa mga problema huwag mo naman kalimutan na nandito kami." Seryosong sabi ni John. Sya kasi ang kaibigan na magaling makinig pero hindi sya magaling magbahagi. Mas gusto nyang sya ang lumulutas sa kanyang problema kaysa abalahin pa nya ang mga ito. "Benebreak ako ni Crissa." Casual nyang pahayag saka uli tumungga. "What?!" Halos sabay sabay na bulalas ng mga ito. Mapait syang tumawa. Tumagay uli. "What happen? Okey naman kayo the last time I remember." Ani Macky na parang naguguluhan din. "I don't know if it is the right time to tell you this bro. Dahil nangako ako kay tito na hindi ko muna ipapaalam sa inyo ang nangyayari sa kumpanya ninyo hanggat hindi namin naayos ang imbestigasyon namin." Sabi nya kay Macky. Nagsalubong ang kilay ni Macky at tinuro pa ang sarili. "Sa akin?" Tumango sya. "Dating trabahador ninyo ang ama ni Crissa four years ago at nakulong ang ama nya dahil sa pagdidispalko ng pera ng kumpanya ninyo. At ayon dito. Mahigit isang milyon lang ang nailabas nito but it turns out na mahigit fifty milyon ang nagalaw nitong pera." Pagkwekwento nya. Napanganga si Macky. Wala syang idea na mayroon palang ganong ganap sa kumpanya nila na hinahawakan ngayon ng kanilang ama. "Mariin iyong tinanggi ni Mr Bartolome at ang tanging inaako lang nito ay ang pera nagamit nya sa pagpapagamot sa kanyang asawa na may leukemia kaya nagkaroon ng lihim na imbestigasyon sa loob ng kumpanya nyo. Malinis magtrabaho ang taong iyon. Walang bakas. At ang lahat ng ibidensya ay tinuturo si Mr Bartolome kaya natagalan silang resolbahin iyon. Hanggang sa recently lang ay nagsimula na namang kumain ang anay. Paunti unti lang para siguro hindi sya masyadong mahalata." "f**k! Bakit hindi namin alam ito?" Mura ni Macky. Nagkibit sya ng balikat. "Dahil siguro naiinip na si Tito at gusto nyang makipaglaro kaya inilihim nya ang bagay na ito sa inyo." "So anong kinalaman nito sa inyo ni Crissa?" Naguguluhang tanong naman ni John. Napabuntong hininga sya. "Nasaktan sya. Nasaktan sya na umibig sya sa taong may kinalaman sa pagkakalulong ng kanyang ama." Natahimik ang mga ito at parang napaisip din. "Will you give up?" Tanong ni Alex. Nagkibit nalang sya ng balikat bilang tugon pero parang umuukilkil ang tanong na iyon sa kanyang utak. Pag ba hiniling ng dalaga na taposin na ang lahat ng mayroon sila, papayag ba sya? "Pag binitiwan mo sya, ibig sabihin hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ninyo sa isa't isa." Sabi naman ni John bago tumagay din. "Sabagay, mahirap nga naman para kay Crissa na manatili sa taong may kinalaman kung bakit nasa kulungan ngayon ang ama nya. Kahit pa sabihin na ang ama nito ang nagkasala mahirap parin. Iyong pakiramdam na para syang nagtaksil sa sarili nyang pamilya." Sabi naman ni Alex. Kung minsan nakakatulong din na nagsabi sya sa mga kaibigan dahil atlest naririnig din nya ang panig ng mga ito. Syempre. Kahit pa gaano ka reasonable na tao pag nasaktan ka, mawawalan ka sa tamang pag iisip at tanging ang pananaw mo nalang ang nakikita mong tama at iyon ang iniiwasan nya. He want to be rational as possible as he can at gusto nyang intindihin din ang nararamdaman ng dalaga. Pero s**t lang kasi! Ang sakit! Iniisip palang nya na tuluyan ng mawawala ito sa kanya ay para ng sasabog ang utak nya. Kaya ginagawa nya ang lahat para matapos na ang kaso ng ama nito para bumalik na sila sa dati. At willing syang yakapin uli ito kahit pa mas mahal nya ito. Basta ang importante sa kanya ay may katiting pang pagmamahal na nararamdaman ito para sa kanya. Ayaw nyang tignan kung sino ang mas nagmamahal. Basta ang alam nya. Mahala nya ito at hindi nya ito susukuan ng basta basta. Kung tutuusin. Mababaw lang para sa kanya ang reason ng dalaga. Pero ang mababaw na iyon ay kayang sirain ang kung ano mang mayroon sila ngayon. Kaya ipapakita nya dito kung ano ang binibitawan nito. At kung ano ang pwedeng mawala din dito pag tuluyan na itong bumitaw sa kanila. Ang sinabi nitong babaliwin sya. Well. Sinisigurado din nyang mababaliw din ito pag nawala sya ng tuluyan dito. Hindi naman nya pinagdududuhan ang pagmamahal nito sa kanya pero gusto nyang matutunan din nito na pahagahan sya. Na ipaglaban din sya at hindi sya basta basta susukuan. ****higop muna kayo ng sabaw****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD