CHAPTER 01

1067 Words
MALAKAS NA HAMPAS ng ulan sa gabing madilim.Kalangitan na nagngangalit sa pagbuhos ng malalaking patak ng ulan. Walang humpay na hampas ng hangin na tila ba may delubyo.Isang babae ang nakaitim na coat na may talukbong at payong na may bitbit na isang basket na balot na balot para hindi mabasa ng ulang malakas. Mabibilis at malalaki ang hakbang ng babae na para bang may humahabol.Palinga-linga pa sa paligid na puno ng kadiliman kung may nakamasid ba sa kanya o nakasunod.She needs to do this for the safety of her baby. Kailangan niya iwan ang anak para hindi madamay at mapahamak dahil sa mga taong hinahabol siya.Iwan sa isang lugar na wala nakakakilala sa kanya. Sinulyapan saglit ang anak na himbing sa pagtulog bago yakapin ang kinalalagyan nito at halikan ng mariin sa noo at haplusin ng banayad ang matambok nito pisngi. Maingat na binaba ang basket na hawak sa isang malaking pintuan ng makarating sa pupuntahan.Hindi alintana ang bunghalit at hagupit ng malakas na ulan sa gitna ng kadiliman walang hanggan. Lumuhod sa harapan ng anak at tinitigang mabuti ang inosente nito mukha na banayad sa pagkakatulog.Sobrang sakit ang gagawin niya pagsasakripisyo para lang sa kaligtasan ng anak.At bilang isang ina handa niya gawin ang lahat-lahat para lang mailayo sa anumang kapahamakan. "I'm sorry baby!Ti Amo il mio prezioso bambino!Mommy always loves you!" Himig ng garalgal na boses at luhaan mukha ng babae habang binibigkas ang bawat letra para sa anak.Humagulgol sa iyak na nakiki simpatya sa pagbuhos lalo ng malakas na ulan.May inilabas ang babae mula sa bulsa ng suot na coat na isang necklace gold na may heart pendant na ang gitna ay may nakaukit na initials na napapalibutan ng diamonds bago isinuot sa anak ang kwintas na iiwan at isang liham na selyado at balot ng ziplock plastic. Pinunasan ang mukha ng maayos ang pagkakalapag ng anak sa hindi maabot ng ulan bago tumayo na at tumingin sa pintuan malaki na nakasarado pa.Huminga ng malalim matapos sulyapan sa huling pagkakataon ang anak na hilam pa din ng luha."Forgive me for my sin lord,for abandoning my own child!Please guide and protect her!"hiling na dasal ng babae habang nakatunghay sa may harapan ng pintuan. Nang muling maglandas ang masaganang luha sa mga mata agad niya itong pinunasan gamit ang mga kamay at nagpalinga-linga muli sa paligid.May naririnig na siya mga boses at yabag mula sa loob ng pintuan sarado kaya naman lakas loob siya kumatok ng malakas ng tatlong beses bago magtago sa isang sulok kung saan tanaw niya ang anak at hindi siya makikita kung sakali man bumukas ang pintuan. Hindi nga nagtagal bumukas ang pintuan at isang madre ang lumitaw na napa sign of the cross pa ng makita ang basket na kinalalagyan ng anak niya. "Jusko Po panginoon mahabagin!Sino walang puso ang mag-iiwan ng isang sanggol sa gitna ng malakas na ulan?"gulat na saad ng madre na si Sister Ana ng sa pag-bukas ng pintuan matapos may kumatok ng tatlong beses na may kalakasan ay hindi niya inaasahan isang sanggol ang tatambad sa kanyang harapan. Luminga pa siya sa paligid baka sakali may makita tao pero wala siya makita dahil na rin sa kasagsagan ng ulan malakas.Nang wala makita binuhat ng maingat ang basket bago sinarado muli ang pintuan. Mga hikbi na kumawala sa labi niya na nakatingin sa anak sa hindi kalayuan na binuhat na ng madre ang basket kung nasaan ang anak. "Goodbye my precious daughter! I'm sorry.I'm sorry.You will always be my only baby and always be in my heart.Mommy loves you very much!" Mahina salita ng babae sa unti-unti nag-sasarado ng pintuan malaki.Durog ang puso na tumalikod na at muli mabibilis at malaki ang hakbang na nilisan ang lugar na iyon na wala ng lingon-lingon pa sa pinanggalingan. Napatago siya sa isang abandonadong bahay na nadaanan ng malapit na siya sa inuupahang bahay ay may mga kalalakihan na naroon at tila inaabangan siya.Mayroon pa na pilit binubuksan ang pintuan ng bahay niya.Mabilis at maingat na tumalilis muli ang babae sa pinagtataguan ng marinig ang mga yabag na papalapit. "Did you find her?"saad ng isang lalaki sa kasama nito. "No boss! I think she is already escaping from us!"sagot naman ng isa pa lalaki. Napamura ng malakas ang lalaki at napakuyom ng kamao dahil sa galit.They need to find that darn woman or else all of them will be dead in a snap!Para isang babae lang ang kailangan nila mahanap pero heto natakasan pa sila. "Merda" Malakas na mura na naman ng lalaki bago muli inutusan ang mga tauhan na kasama para halughugin ang lugar na iyon at hanapin ang babae.Wala sila pakialam kahit na malakas ang ulan ang importante sa kanila ay matagpuan ang pakay. "Boss, what should we do now?There is no trace of that woman here!"pagsasalita ng isa pa na lalaki na halos suyudin at libutin nila ang bahay at lugar na iyon pero wala talaga sila mahanap o makita na babae.Tinignan ng masama ng lalaki ang nagsalita na kinaatras nito ng bahagya dahil sa talim ng tingin na pinupukol dito. "Pezzo di Merda!"muli na naman pagmumura ng lalaki na may gigil na kasama at nakakuyom ang kamao bago sinenyasan ang mga kasama na wag titigil sa paghahanap.Puno ng inis at galit na sumakay sa sasakyan bago umalis sa lugar na iyon. Nang makita ng babae na umalis na ang mga sasakyan lumabas siya mula sa pinagtataguan damuhan na pinagpasalamat niya na hindi siya nakita ng sinuyod din ng mga ito iyon abandonadong bahay.Hindi niya akalain na masusundan siya ng mga nagtatangka sa kanya at mahahanap pa dito sa liblib na lugar na ito kung saan wala naman nakakakilala sa kanya. Tama lang ang naging desisyon niya magsakripisyo na mawalay sa anak para sa kaligtasan nito kahit ang kalahati ng pagkatao niya ay nadudurog.Ilang buwan pa lang ang anak niya sa piling niya bago mangyari ito kaya sobra na agad ang pangungulila niya pero kailangan niya magtiis. Ilang minuto na ang nakaraan mula ng umalis ang mga sasakyan na iyon ay maingat pa din siya naglalakad patungo sa bahay niya at hindi pa nga siya tuluyan nakakarating sa may pintuan ay may nagtakip na ng panyo sa bibig sakop ang ilong niya na siyang kinawala niya ng malay tao ng may maamoy na kung ano sa panyo.Ang mga sumunod na sandali ay hindi na niya alam ang nangyari dahil tuluyan na siya nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD