PROLOGUE
"Please Lennox gagawin ko ang lahat wag mo lang gawin sa akin ito!"
Nagsusumamo at pagmamakaawa ni Kassandra sa binata at mahigpit na hinawakan ang braso nito.Naiiyak na siya sa nais na mangyari ng binata.Kung kailan hulog na hulog na siya dito saka naman siya bibitawan.Oo utang niya ang buhay niya dito dahil kung hindi siya nito niligtas sa kapahamakan marahil matagal na siya wala sa mundong ito.
"Hindi mo ba ako naiintindihan Kassandra?Ayoko na sa iyo kaya pwede kana umalis sa pamamahay ko!"
Pagkasabi nito sa kanya ng mga salita na iyon ay pinalis ang kamay niya nakahawak dito kaya naman mabilis na nag-unahan ang mga luha niya.
"P-paano yun nangyari sa atin?Hindi ba totoo ang lahat ng pinakita mo sa akin?I-ilusyon ko lang ba iyon?"aniya sa nauutal na tinig dahil nahihirapan siya magsalita na para bang may nakabikig sa lalamunan niya ng sandaling iyon.
"It's nothing!Libog lang sa katawan iyon at tawag ng pangangailangan!I'm a man who needs to release that heat from my body.It's just lust!You're nothing but just like a w***e whom I bedded before."anito sa kanya na halos magpa collapse sa kanya kaya napasalampak siya sa may sahig ng luhaan pa din.
Sobrang sakit sa kanya at durog na durog siya dahil sa sinabi ng binata.Matatanggap pa niya na pinapaalis na siya nito sa buhay at pamamahay nito pero ang sabihan siya ng ganun para siyang sinaksak ng ilang beses. Nakakababa ng dignidad at pagkatao specially sa p********e niya na kusa niya binigay dito pero sa huli ito pala ang mapapala niya.Siguro kasalanan niya din ito nangyayari sa kanya kasi nagpauto siya sa isang Lennox Garcia–a man with a cold and authoritative personality.
"Mahal kita Lennox!"
Malakas na sigaw ni Kassandra sa lalaking lalabas na sana ng kwartong inuokupa niya habang hilam ng luha ang magkabilang pisngi.Nakasalampak pa din siya sa lapag habang sinabi iyon.
"And so?I don't f*****g care!..I don't believe in love and I don't love you.Pare-pareho lang kayo mga babae na pag-nakuha na ang gusto mawawala na lang na parang bula!So back off for your damn s**t lady!"
Nanikip lalo ang dibdib sa narinig this time para na siyang hiniwa para pagpira-pirasuhin ng isang bagsakan.Wala siya nagawa ng tuluyan na itong lumabas ng kwarto at malakas na sinarado ang pintuan. Humagulgol siya ng iyak lalo habang tinatampal ang dibdib.Nilabas niya lahat ng sakit at hinagpis na sinapit sa unang lalaki na inibig at nagparamdam sa kanya na pwede din siya mahalin.
Sa nangangatog at nanghihina ang tuhod tumayo siya para maupo sa kama na nagawa naman niya at doon muli umiyak ng napakasakit habang nakayuko.Para siyang basang sisiw at naliligaw na kaluluwa ngayon.Saan na siya pupulutin ngayon nito?Paano na siya?Babalik ba siya sa dati nilang tinitirhan ni Sister Ana?Mag-isa na lang siya sa buhay dahil ang tanging taong nag-aruga,nagmahal,nagpalaki sa kanya ay wala na at nagturo ng magandang asal ay kailanman hindi na niya makikita.
Ganito na ba talaga ang kapalaran niya ang mag-isa habang buhay?Hindi naman niya kagustuhan ang trahedyang yun eh!Gusto din naman niya maranasan ang maging buo–magkapamilya.Pero mukhang mailap ang pagkakataon sa kanya.Tanggap naman niya na wala siya sarili pamilya na kinagisnan dahil laking simbahan lang siya,isang madre ang naging nanay' tatay niya hanggang sa paglaki,pero sana naman hindi naging malupit ang tadhana sa kanya.
Pinalis ang luhang tumulo muli bago huminga ng malalim at tumayo.Kinuha ang backpack na nakatago sa tokador bago sa nanginginig na kamay sinilid ang mga gamit na pwede niya dalhin sa pag-alis.Matapos ang pag-iimpake inayos ang higaan at pinasadahan ng tingin ang kwarto na naging tahanan at kanlungan niya sa ilang buwan nagdaan pananatili doon.
Masakit man ang mga binitawang salita ng binata sa kanya ay tatanggapin niya at siguro nga hindi na lang niya ipupursige pa dahil baka paulit-ulit lang siya apakan at durugin lalo ng pino.
She's hopeless now,a woman with a good heart is now like a soul who is lost in the middle of the dark and nowhere to be found. She's an orphan girl who craves to love and be loved by the people she chose to trust and depend on.But now all of this is only her illusion and keep in her mind and heart till the day she sees some light and hope for her life again.
...... ...... ...... ...... ...... ...... ...... ...... ...... ......
I. Millionaire's Insubordinate Desire(Valentine & Savvy)-Completed
II. Twist of Fate(Nickolo & Sabrina)-Ongoing.
III. My Gospel Love You to Death(Lennox & Kassandra)-Soon
IV. Tamed by My Amazona Lady Boss(Lexxus & Natalie)-Soon
V. Ginger Sasha:Seducing Mr. Snobbish Handsome Takano(Kyohei Takano)-Soon
Yan po ang pagkaka sunod-sunod ng story.