YVONNE's POV
Late na ako ng five minutes sa binigay na oras ni ate.Alam ko na may gagawin na naman yun dahil ayaw nun ng hindi nasusunod ang oras.
I better get ready. Napailing nalang ako at napangisi. Kabisado ko na ang galawan nun ni ate, kung hindi lumilipad na blade o lumilipad na dagger ay Katana ang sasalubong sa akin.
Nang maipark ko na ng maayos ang motor ko ay pumasok na ako sa isang 5- storey building kung saan ang base ng Shadow Empire. Ang building na ito ay nakatayo sa gitna ng isang malaking lupain na pagmamay ari ng Torres clan at kami yun. Ang mga taong makikita mo lang dito ay mga assassins, snipers at iba pa na kayang makipaglaban. Sobrang higpit din ng seguridad sa paligid nito dahil sa nature ng trabahong ito ay maraming kalaban ang nasa tabi tabi lang. Kaya kung sino man ang hangal na susubok makapasok dito ng walang permiso ay siguradong katapusan na niya.
Tumungo na ako sa elevator. Nasa 5th floor ang office ni ate. Pagbukas ng elevator ay makikita agad ang office niya. Itong isang buong floor na ito ay office lang ni ate. Siya kasi ang naatasan ni daddy na mamuno sa headquarters na ito. Paglabas ko sa elevator at mismong pagtapak ko sa carpeted floor ng office na ito ay may sumalubong sa akin na limang blade. Naibend ko bigla ang katawan ko para hindi sa akin tumama ang mga ito. Knowing ate alam kong hindi niya palalagpasin to kahit ilang minuto lang akong late. Di kasi ito ang tipo na kayang maghintay ng matagal. She hates lazy people.
"Oops. Pumalya ka nanaman ate. tsk." pang aalaska ko sa kanya.
"Why are you late? Again."
Nagkibit balikat lang ako. "Something came up that's why." Chill lang akong Naglakad papunta sa swivel chair sa tapat ng office table niya at umupo na nakataas ang paa sa katapat na isang swivel chair pa.
"So, what about my next mission?" Tanong ko sa kanya. Agad siyang may inilapag na isang folder sa table. Kinuha ko naman yun at binuklat. Napakunot ang noo ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang laman ng folder. Lumipat ang tingin ko sa litrato nakalagay doon. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makikilala kung sino yon.
"Why?" nagtatakang tanong ni ate.
"Siya ba ang bago kong mission?"
"Yes. He's Luke Dela Cuesta. Anak ni Rowena Dela Cuesta at Jaime Dela Cuesta. Owner ng DC Corporation. Ang isa sa pinaka malaking kumpanya dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa." Paliwanag ni ate, habang ako ay nakatutok pa rin ang mga mata sa litrato. I can't take off my eyes to this wonderful human being. "Do you know him?" Napatingin ako bigla kay ate dahil sa tanong niya.
"No. I just met him awhile ago. Accidentally. Meron akong nakasagupa na mga holdapers sa isang convinience store. Luckily, I was there. Kung wala baka kung ano na ang ngyari sa mga crew doon na walang kalaban laban." Paliwanag ko, umayos ako ng upo at nagpatuloy sa pagsasalita. "And this guy.." turo ko sa litrato
"He's there. Doing nothing. Just standing and staring at me. Parang nabahag ang buntot. Natakot ata sa mga holdaper." Natawa ako. Sayang ang kagwapuhan at pagkakaroon ng mala adonis na pangangatawan kung lalambot lambot. napangisi ako sa naisip.
"Imposible! Basahin mo ang laman ng folder."
Binalik ko ang tingin ko sa folder na hawak ko.
Luke Dela Cuesta, 22 yrs old , Studying at DC University. Holding a Blackbelt in Taekwando ,Judo master?
"Really? Tama ba itong information na ito?"
"Of course. Kailan ba naging mali ang mga nakukuha kong information?" Tumango nalang ako. Totoo naman. Sa tagal na namin sa pagiging isang assassin, alam na alam na namin ang mga kilos ng isa't isa. We're not known as Professional Assassins for nothing. Hindi din kami katulad ng mga kriminal na basta basta nalang pumapatay. We're not killing innocent people. We only kill evil people.
"Anong klaseng mission ang gagawin ko dito?"
"Magdidisguise ka as a Professor sa DC University, para mabantayan mo ang paligid niya kung sakaling may magtatangka sa buhay niya."
"What?! Professor? Ate naman, bat ako eh mukha pa nga akong estudyante eh. Bat hindi nalang kaya sila Ate Steph o Si ate Yna o kaya ikaw." Pagtukoy ko sa dalawa ko pang ate. Ako ang bunso sa kanila kaya mas mukha silang mga matured. Pero magaganda naman kaming lahat, walang tapon.
"May mga mission din ang mga yon. Ikaw ang pinili ko dahil alam kong kayang kaya mo ang trabahong ito. at isa pa marunong ka naman magturo eh yang utak mo parang utak ni Einstein." Sabi ni ate habang may ngisi sa labi. Well, totoo naman ang sinabi niya bata pa lang kasi ako mga pang college na books na ang binabasa ko,hobby ko na kasi talaga ang pagbabasa ng mga books na maraming knowledge akong makukuha. Kaya yung family ko bilib talaga sakin noon pa man, di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko nagsasabi lang ng totoo, tanda ko pa noong 7 years old ako, tinanong ako ng tito ko about sa calculus nasagot ko agad ng walang kahirap hirap kaya ang family ko sobrang bilib sa akin.
"Bakit naman napili mo pa akong ipa disguise as professor pwede naman student nalang. Like, Hello ate? I'm only 20 years old if you don't remember" sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
"As I said earlier, may utak ka na kagaya ni Einstein kaya sisiw na sayo yang pagtuturo kahit bata ka pa, at the same time mas mapapadali ang pagbabantay mo sa kanya kung magiging professor ka niya kasi madali mong malalaman ang mga schedule niya at kung ano ang gagawin nila at kung sino mga kasama niya, you are free to roam around the school kahit anong oras mo gustuhin. Unlike kung magiging student ka di mo siya masusundan anytime you want."
Mahabang paliwanag ni ate na ikinatango ko naman, may point naman siya. Di ko na siya kokontrahin dahil may sense naman yung sinabi niya.
"Kailan ako magsisimula? tsaka pala kailan pa ko naging bodyguard? sa pagkakaalam ko isa akong assassin, right? So what's with this babysitting thingy?" Nagtataka kong tanong kay ate kasi ngayon lang ako binigyan ng mission na magbabantay lang sa isang tao.
"Sa atin na ipinagkatiwala ni Mr and Mrs Dela Cuesta ang safety ng anak nila dahil sa pagkakaalam ko yung mga nakukuhang bodyguard ni Luke ay mga pumalpak, mga pulis pa yon. Kaya nung may nagsabi sa kanila about sa Shadow Empire ay di na sila nagdalawang isip pa na lumapit sa atin. kung saan kilala ang empire natin na puro magagaling na assassin ang meron at sobrang galing pagdating sa pakikipaglaban."
Sa pangalawang pagkakataon, natahimik nalang ulit ako dahil may point nanaman ang ate
"Kailan ako magsisimula?"
"Sa Monday na ang opening ng classes. Here's your schedule and schedule ni Lucas. May oras ka pa para makapag handa sa pagdidisguise mo."
Sabi ni ate, sabay abot ng folder kung saan nakalagay ang schedule ni Lucas at mga Information nito. Kinuha ko ito at tumayo na para makauwi na para makapagpahinga.
"Oh! one more thing.." napalingon ako kay ate, naghihintay sa susunod na sasabihin niya..
"Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ni Mr.Dela Cuesta.Pag nalaman na natin dun na matatapos ang mission mo." Tumango ako.
"Okay. Can I go now? Antok pa ko eh.. Mamayang hapon mamimili ako ng mga gagamitin ko para bukas sa paguumpisa ng mission ko."
"Go ahead. Call me if you need anything." Tumayo na ko at naglakad papunta sa pinto habang nakataas ang isang kamay para magpaalam na.
Meanwhile at Luke's condo...
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, pinipilit ang sarili na makatulog na pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, laging pumapasok sa isip ko ang babae kanina sa convinient store.
I don't know what's with me. bigla bigla na lang siya pumapasok sa isip ko kahit di ko naman nakita ang buong itsura niya, I just remember her blue eyes. I feel like I want to see her again pero paano? She's just a stranger but here I am thinking with her even if it is so impossible to see her again.
Ngayon lang ako nagkainteres sa iisang babae at ang malas ko dahil yung babae na yun eh imposible kong makita ulit. Damn!
"Promise if we see each other again, I swear you will be mine." Sabi ko habang nakahiga at parang tanga na nakangiti sa kawalan. Habang iniisip ang babae na yun, unti unti na ring pumipikit ang mata at di na namalayan na nakatulog na pala.