Chapter 1
Riiiing! Riiiiing! Riiiiing!
"Arggh! Ang ingay naman!" pagmamaktol ni Yvonne habang nasa ilalim ng unan na nakatakip sa kanyang tainga. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung nasa kasarapan ka ng pagtulog at halos kakatulog lang niya. Alas dos na siya nakauwi galing sa kanyang misyon kaya sobrang pagod ang pakiramdam niya at gusto niyang matulog buong araw.
Patuloy pa rin sa pag tunog ang cellphone niya habang siya ay hindi na maipinta ang itsura sa sobrang asar sa kung sino man ang tumatawag at iniistorbo ang kanyang pamamahinga. Wala na siyang nagawa kung hindi abutin ang cellphone niya na nakapatong sa side table.
Hindi na siya nag-abala pang tignan ang caller.
"Make sure that it's important, I swear I will kill you if not!" Nanggigil niyang sabi sa tumatawag.
"hahahaha! Relax Fox!" Tuwang tuwa ang boses ng nasa kabilang linya,at kilala niya kung sino ito. Walang iba kung di ang Ate Ash niya na isa ding assassin. Actually being an assassin runs in their blood. Her lolo build this secret organization called Shadow Empire na ngayon ay pinamumunuan ng kanyang Mommy at Daddy na isa ding Assassin.
Anyway, Siya nga pala si Princess Yvonne Torres a.k.a Fox. Isa siyang well trained assassin. She looks innocent but she is deadly. Nag umpisa siyang itrained ng kanyang mga magulang noong siya ay anim na taon palang. Kaya sa edad niyang 20 years old ngayon ay isa na siyang mahusay na assassin, kaya ang mga kalaban niya ay hirap na hirap siyang tapusin at hindi manlang siya napupuruhan dahil sa bilis niyang gumalaw at magaling na pag asinta. Kasabay niyang nagtraining ang kanyang tatlong mga ate.
"What the f*ck ate. Did you know that I'm resting already!"
"I know.That's why I called" narinig pa niyang humalakhak ito at sa tingin niya ay nangaasar.
"What an asshole! Tell me what do you want."
"Hey! Watch your mouth. Tungkol ito sa next mission mo Fox. I need you to be here in 30 minutes."
"Are you serious ate? Pwede bang magpahinga muna ako. I feel really exhausted." Pinalungkot niya ang boses niya para maawa ang ate niya. Totoo naman talagang napagod siya sa last mission niya. 80 katao lang naman ang tinapos niya kanina na isang grupo ng Mafia
"I really want you to rest Fox but this one is important." Seryoso na ang boses ng ate niya kaya wala siyang magawa kung hindi sundin na lang ito.
"Ok then. Wait me there." at pagkatapos ay binaba na niya ang tawag. Bumangon na siya at dumiretso sa cr para magshower.
________________________________________________________________________________
Sakay siya ngayon ng kanyang mahal na mahal na motor na Ducati Superleggera V4. Mabilis ang niyang pinapatakbo ang kanyang motor dahil madaling araw palang naman kaya napakaluwag ng kalsada.
Habang tinatahak niya ang daan papunta sa secret hideout nilang makakapatid ay naisipan niya munang dumaan sa convinience store para bumili ng kape dahil maaga pa naman. Limang minuto palang siyang bumabyahe dahil sa sobrang bilis niyang magmaneho halos lumipad na ang kanyang motor. Wala pang sampung minuto makakarating agad siya sa kanyang pupuntahan.
Ipinark niya muna ng maayos ang kanyang motor pagkatapos ay bumaba na siya at dirediretso na siyang pumasok sa convinience store.
Habang hinihintay niyang matapos ang coffee maker, napatingin siya sa entrance dahil bumukas ito at may pumasok na lalaking matangkad na sa tingin niya ay six footer, nakasuot ng all black from head to toe. Black cap, Black Leather jacket, Black din yung panloob na shirt,black pants at black rubber shoes. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot na cap at nakatalikod ito sakin.
Napansin ko din na medyo naalerto ang dalawang tauhan ng convinience store. Siguro dahil sa aura ng pumasok, kahit sino naman ay maaalerto lalo pa at madaling araw palang at naglalabasan ang mga masasamang loob sa ganitong oras.
Maya maya ulit ay may bumukas ulit ang pinto at may pumasok na apat na kalalakihan, malalaki ang katawan at may panyo sa mga ulo, mukang mga may masamang balak ang mga ito base sa itsura dahil mumula ang mga mata at parang mga nakainom pa.
"Holdap to! Akin na ang laman ng kaha nyo kung ayaw niyong sumabog ang mga bungo nyo!"sabi ng lalaking nakaitim na may hawak na baril at nakatutok sa isang kahera.
"Hayyy! Mukang mapapasabak nanaman ako neto ah!" Mahinang sabi ko. Tinignan ko muna ang pwesto ng mga kasama niya, hindi siguro siya napansin ng mga ito. Kaya kinuha niya ang itim na panyo niya at tinakpan ang kalahati ng mukha niya. Mata nalang niya ang nakikita.
Kinuha na niya ang Dagger na nasa likod niya at inasinta ang kamay na may hawak ng baril.
"Bullseye!"
Agad naman na nalingon sa kanya ang mga tauhan nito. Dahil sa gulat ay hindi agad nakakilos ang mga ito. Nabitawan naman ng mga lalake ang hawak na baril at inilagay ang isang kamay sa wrist nito kung saan nakatusok ang dagger niya.
"Aaaaaaahhh!! Putangina! Sino kang hayop ka!" Sigaw ng lalakeng tinapunan niya ng dagger.
Dahan dahan siyang lumalakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito.
"O kayo! tutunganga lang ba kayo diyan? Sugurin nyo mga gago!" Utos nito sa mga kasama niya na nakatulala sa kanya. bumalik naman sa wisyo ang mga ito at sabay sabay na sumugod sa kanya. Napangisi naman siya dahil sisiw lang sa kanya ang mga ito. Umamba ng sipa ang isa sa mga ito. agad naman niyang naiwasan. Isa isa niyang sinipa ang mga ito sa tiyan. Dahil sa bilis niya ay hindi napaghandaan ng mga ito ang pagsugod niya.
Nang napahiga ang mga ito sa sahig ay mabilis siyang pumatong sa mga ito at isa isang tinusok ng dagger ang mga hita nito. Naghihiyaw ang mga lalake sa sakit. sinigurado niya na may tama ang mga dalawang hita ng mga ito para hindi na makatayo at makatakas.
Nahagip ng mata niya ang leader ng mga ito na tumakbo papunta sa pinto, at dahil mabilis siyang kumilos ay naibato niya dito ang lata ng sardinas, tumama naman ito sa batok ng lalake kaya natumba ito at nawalan ng malay.
"Bullseye Again! Walang nakakatakas kay Fox kumag!"
LUKE'S POV
Naisipan kong dumaan muna sa convinience store malapit sa condo ko para bumili ng alak. Galing ako sa bar dahil niyaya ako ng mga friends ko, nagtaka pa nga sila bakit daw himalang walang nakasunod na body guard sakin. Tinakasan ko lang naman yung mga bodyguard ko, dahil feeling ko di ako makagalaw ng malaya. Sinigurado ng mga friends ko na hindi sila matutunton ng mga ito.
Sinabi ko na sa parents ko na ayaw ko ng body guard. kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling may magtangka sa buhay ko. Naiirita ako kapag palagi silang nakabuntot sakin. Pero dahil nag aalala ang mom at dad ko ay pumayag na ako at dahil gusto kong maging malaya kahit ngayong araw lang ay gumawa ako ng paraan para makatakas sa kanila.
Nandito ako para bumili ng alak, feeling ko kulang pa ang nainom ko sa bar, di pa kasi ako nakakaramdam ng antok. Bago ako pumasok sa loob ay tinignan ko muna ang mga tao doon, Dalawang crew at may isang babae lang kaya I know safe dito. Tuluyan na akong pumasok at dumiretso sa estante ng mga alak.
Papunta na ako sa cashier ng may pumasok na mga lalaki at nag declare ng holdup. Nakita ko ang pagkataranta ng dalawang crew dahil tinutukan sila ng baril at maya maya pa ay may isang lalaki din na tumutok sakin ng baril, Sisipain ko na sana ang kamay ng lalaking nasa gilid ko ng may narinig akong pagsigaw.
"Aaaaaahhh! Putang ina! Sino kang hayop ka!" Ito yung lalaking nasa counter na tumutok ng baril sa dalawang crew. Nakita ko ang pagbagsak ng baril nito sa sahig. Lumipat ang tingin ko sa taong may gawa non, nakita ko yung babaeng nakatayo kanina na nghihintay matapos ang coffee vendo pero may takip na ang mukha nito kaya hindi ko makita ang itsura nito. Naka Leather jacket na maroon ito at nakasuot ng black cap, Black skinny jeans at boots.
"Bullseye!" narinig kong sabi nito at dahan dahang lumakad patungo sa lalaki. Nanlaki naman ang mata ng lalaking may nakatusok na patalim sa kamay nito.
"Putangina! sugurin nyo!" utos nito sa mga kasama.
Tumakbo ang ang mga lalaki kasama yung lalaki na tumutok din ng baril sa akin. Di nagtagal ay nagbagsakan ang mga estante na may laman na mga paninda kasabay ng pagbagsak ng tatlong lalaki. Sa bilis kumilos ng babae ay nakita ko nalang na isa isang tinarakan ng patalim ang mga hita ng mga ito. Tumakbo ang lalaking nasa counter, akmang lalabas na ito ng may lumipad na lata ng sardinas. nasapol ang batok nito na dahilan para mawalang ito ng malay. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang na ilang saglit lang ay bagsak na ang mga lalaki.
Nang humandusay ang lalake sa sahig, tumayo naman ang babae saka lumapit sakin. Bakit parang slowmo ang nakikita ko? Wow! She's so cool! sabi ko pero sa isip lang. Habang palapit siya, I saw her eyes. She have blue eyes with long lashes and perfect shape of eyebrows. I think I'm inlove! She is the kind of girl I want to be with for the rest of my life.
YVONNE's POV
Nakita kong natumba ang lalake kaya tumayo na ko para lapitan yung lalaking matangkad na all black ang suot kokomprontahin ko dahil baka kasabwat ito. Nakatayo lang ito,siguro nabigla sa nangyari.
"You!" habang naglalakad ako palapit, tinuro ko siya. Sa pagtataka ko, nakatitig lang siya sakin. Nasa harapan niya na ako pero titig na titig lang siya sakin, napangisi ako
Spacing out huh!
Binigyan ko siya ng malakas na suntok sa mukha, sorry na. medyo hard ba? Nakatulala kasi eh!
"What the f*ck!" napangiwi siya habang hawak ang panga niya
"What's wrong with you, Woman?!" agad ko siyang hinawakan sa kwelyo
"Tell me, kasabwat ka ba nila? Tell me the truth or else I'll kill you right now." sabi ko sa kanya nilakihan ko siya ng mata
"What the... Of course not!" Dahil sa sinabi niya kinapa ko ang bulsa niya hinanap ko ang wallet niya, nakuha ko naman agad sa likod ng pantalon niya. Binuklat ko ang wallet at kinuha ang ID niya.
"Hey! Hey! What are you doing woman?! Give me back my wallet!"
Tinignan ko ang pangalan niya. hmmm.. mukang hindi naman siya gagawa ng masama. Hindi halata sa itsura niya dahil sobrang gwapo.
Luke Dela Cuesta
Tinignan ko siya. Sobrang gwapo. Para siyang artista o modelo sa isang mens magazine. He has blue eyes like mine, thick eyebrows na bumagay sa face niya and those lips.. Kissable lips bulong ko sa isip.
Napailing ako, Ay ano ba tong iniisip ko. maghunos dili ka Fox. Napakagat labi nalang ako,.
"You pay for the damages. Wala kasi akong dalang cash."
"Why me?" Tinaasan niya ko ng kilay, Aba't sayang naman ang mala adonis niyang katawan kung bakla siya.
"Para naman may maitulong ka, ang laki ng katawan mo di ka manlang kumilos kanina. At alam kong mayaman ka. Kayang kaya mo yan bayaran." Tinuro ko yung estanteng bumagsak. Tumingkayad ako para mailapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong. "Make sure that you'll pay, kayang kaya kitang puntahan at hanapin."
Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa counter para lapitan ang dalawang crew.
"Call the police. Di na makakatakas ang mga yan." Tango lang ang sinagot ng mga ito. Dumiretso na ko lumabas at sumakay sa motor ko at pinaharurot na ito ng mabilis. Late na ko sa usapan namin ni ate.