bc

Kalabit Sa Gabing Malamig

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
age gap
second chance
playboy
dominant
badboy
mafia
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

“Puwede mo akong kamuhian. Puwede mo akong iwan. Pero tandaan mo, Lucy... sa sandaling pumasok ka sa mundo ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin,” - Xerxes Porter

Isang desperadong desisyon ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Lucy Jones. Dahil sa matinding pangangailangan sa pera, pumayag siyang gumawa ng isang ilegal na transaksyon na nagdala sa kaniya sa harap ng pinakamakapangyarihang lalaki sa ilalim ng kriminal na mundo… walang iba kun'di si Xerxes Porter.

Mula sa gabing iyon, hindi na muling nagkrus ang kanilang landas nang basta lamang. Habang unti-unting nabubunyag ang madidilim na lihim ng Porterians, nasasangkot si Lucy sa isang mabangis na digmaan sa pagitan ng dalawang magkapatid na parehong uhaw sa kapangyarihan.

Ngunit sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang katapusang pagpatay, isang katotohanan ang mas mahirap niyang tanggapin… unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaking kinatatakutan ng buong bansa.

Sa mundong ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan, makakaya ba nilang ipaglaban ang isa't isa, o tuluyan silang lulunurin ng kapangyarihan, kasinungalingan at paghihiganti?

#LoveMeInChaos-TagalogWritingContest

chap-preview
Free preview
K1
LUCY JONES Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa masarap na ulam ng dalawa kong half sister na sina Jana at Jane. Kasalukuyang wala sina mama at ang stepfather kong si Gardo. Malamang nag-date na naman ang dalawa. “Ano? Para ka namang patay gutom diyan kung makatingin,” wika ni Jane bago ako inirapan. ”Bakit masama ang titigan ka bang kumakain? Pasalamat ka masarap ang ulam mo eh samantalang sa akin iisang itlog,” inis kong sabi. Mahina namang natawa si Jana sa kanyang tabi. “Bakit kasalanan ba namin kung iyan lang ang ulam mo?! Alangan namang mas masarap ang ulam mo kaysa sa amin ay hindi ka naman tunay na anak ni papa?” singit ni Jana. “Alam mo kung ano lang lamang mo sa amin? Maganda ka lang naman ng kaunti at maputi dahil ibang lahi ang tatay mo. Pero ano ka ngayon? Wala nga yung tatay mo at hindi ka nga masuportahan eh. Ni hindi nga maibigay ang mga pangangailangan mo. Kawawa ka naman. Hindi kasi tanggap ng tatay mong nabuntis si mama. Siguro noon gustong-gusto kong ipalaglag ng tatay mo. Kaso ayaw ni mama kaya iniwan na lang niya kayo,” mapang-asar na wika ni Jane. “Makapagsalita ka naman akala mo talaga napakayaman mo na. Huwag kang mag-alala bilog ang mundo at hindi pwedeng kayo lang palagi ang nasa taas,” mataray kung sabi bago nagtungo sa maliit kong silid. Napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang tumingala upang pigilan ang nagbabadya kong luha. Sa totoo lang masakit ang mga salitang iyon. Kahit paulit-ulit pa nilang sinasabi 'yun sa akin, masakit pa rin talaga. Sinabi naman sa akin ni mama na hindi tanggap ng pamilya ng tatay ko si mama. Sobrang tutol daw talaga ito dahil nasa mahirap lang si mama. Hanggang sa ipinanganak na lang ako bigla daw naglaho ang tatay ko. At sa edad na bente, hindi ko pa rin siya nakikita ng personal. Pero mayroon akong isang litrato niya kung saan kamukhang kamukha ko talaga siya at gwapo siya. Siguro tama nga silang dalawa. Ganda lang ang mayroon ako pero wala talaga akong kahit anong may pagmamalaki. “Hay naku, ano ba naman tong buhay na 'to! Kailan ba ako yayaman? Kailan ka ba mararanasang humiga sa napakaraming pera?” Napatingin ako sa lumang bag ko pero kahit na ganoon ay maayos naman nito. Pasukan na naman sa susunod na linggo pero iyong mga gamit ko ay luma pa rin. Dapat second year college na ako pero huminto ako dahil nagkaroon ako ng problema at wala rin talaga akong pera. Hindi ako nakapasok at tuloy-tuloy ang naging pag-absent ko. Humiga ako sa kama ng makaramdam ako ng antok. Itong kama ko napakanipis na ng kutson at ang liit lang ng space ng kwarto ko. Pero yung dalawa ang lawak ng kwarto nila at bago yung kama nila. Iniintindi ko na lang sila dahil Ano nga ba ang karapatan kong humingi ng kahit ano? Eh hindi ko naman tatay si Gardo. Wala akong karapatang magdiban sa kanya ng mga bagay na gusto kong magkaroon. ALAS OTSO NA nang gabi ng magising ako. Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko si mama na naglilinis ng pagkainan. Nagsalubong ang mga kilay ko at Agad na lumapit sa kanya. Na panghili ako ng makita ang isang pirasong isda na siyang magiging ulam ko ngayong gabi. Pero pag tingin ko sa basurahan makita ko na ang kinain nila galing sa isang sikat na fast food. “Gising ka na pala kaya na lang ang ulam mo isda. Binigla na lang kita sa karinderya dahil wala ng natirang fried chicken,” walang ganang sabi ni mama habang patuloy sa kanyang ginagawa. Napalunok ako ng laway hindi maiwasang masaktan dahil parang wala na rin siyang pakialam sa akin. “Lagi na lang po bang ganito ang sa akin, mama? Lagi na lang po bang tira-tira ang sa akin? Bakit parang pakiramdam ko wala na kayong pakialam sa akin? Anak niyo din naman ako pero parang…ayaw mo na akong ituring na anak.” Bumaba siya ng hangin bago tumingin sa akin. “Eh ano ang gusto mong gawin ko? Wala naman akong trabaho at si Gardo lang ang nagbibigay ng pera sa akin. Pero sa totoo lang wala ka naman sa budget at wala naman akong karapatang mag-demand sa kanya para isali ka sa budget. Alam mo sa totoo lang Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang ginawa ng tatay mo. Kaya sana maintindihan mo kung bakit wala akong gana sa iyo. Kasi wala ka namang ibang nadulot sa akin kun'di… kamalasan at sakit lang sa ulo.” Napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Dire-diretso akong lumabas ng bahay kahit hindi ko alam kung saan ako magtutungo. Hanggang sa maisipan kong magpunta sa kaibigan kong si Tintin. Siya ang bestfriend ko na nakakaalam ng mga problema ko at hinaingko sa buhay. Sa kanya ko ring sinasabi ang lahat papaano gumagaan ng pakiramdam ko. “Oh bakit ka na naman nandito? Ano na naman ang problema?” kaagad na tanong niya sa akin. Naupo ako sa tabi niya at napabuntong hininga. “Ano pa nga ba? Eh ‘di yung pamilya ko yung mga half sister ko na mapanglait na Akala mo kung sino.” “Alam mo dapat umalis ka na lang diyan eh.” “Paano nga ako makakaalis eh wala naman akong mapupuntahan? Wala naman akong kahit anong pera. Ayoko naman magtrabaho ulit doon sa karinderya dahil napakaliit ng sahod tapos lagi pa akong pinapagalitan.” “Ay oo huwag ka ng bumalik doon dahil bruha ang may-ari no'n.” Bumuga ako ng hangin bago tumingin sa kawalan. “Kinausap ko si mama kanina tapos sinabi ko ganito na lang ba palagi yung sa akin? Palagi na lang bang tira-tira? Tapos ang sabi niya ano daw ang magagawa niya si Gardo lang naman daw yung nagbibigay sa kanya ng pera. At binabudget niya yun kung saan hindi ako talaga kasama sa budget. Ang sakit lang sa puso ng marinig yung sa sariling mong nanay. Kaya talagang gusto ko ng magkaroon ng pagkakakitaan eh. Iyong sideline habang nag-aaral ako kasi ayoko naman ng huminto ulit.” Napatingin ako sa kaibigan kong si Tintin at siya naman ay nagpalinga-linga. “Gusto mo ba talaga ng sideline?” pabulong niyang sabi sa akin. *Oo bakit?” Muli siyang tumingin sa paligid. Nagtaka naman ako dahil wala namang ibang tao sa paligid kun'di kami lang ang nasa labas. “May sideline kasi ako at malaki ang kita. Pero nakakatakot itong sideline ko at kailangan ng ibayong pag-iingat.” “Ha? At anong klaseng sideline naman niya na may malaking kita?” “Bale kasi ang ginagawa ko… nagbebenta ako ng droga tapos inuutusan din ako ng boss para ihatid sa mga negosyanteng bumibili ng droga. Pero malaki ang bayad sa akin. Kada-deliver ako ng droga kumikita ako ng sampung libo hanggang bente. Ganoon ang binibili sa akin.” Ang laki ang mga mata ko sa labis na gulat. Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Na para bang gusto kong subukan ng trabaho niya. Lalo na ngayon desperado na talaga ako magkaroon ng sariling pera. “Hala isama mo naman ako diyan. Kahit doon na lang ako sa taga deliver ng droga dahil gustong-gusto ko na talagang magkapera.” “Sigurado ka ba diyan? Dapat walang makakaalam nito.” “Oo syempre naman.” “Okay sige… mamaya ikaw mag-deliver nitong droga. Nakalagay ito sa ang bag. Ibibigay mo lang ito sa mayamang deposyante na bumili. Medyo mabigat ito dahil limang kilo yata to eh. Ihahatid naman kita pero medyo malayo ako. Bale ikaw yung makikipag-usap do'n sa kliyente. “Okay sige walang problema. Anong oras tayo aalis?” “Mamayang 10:00 ng gabi.” Agad akong tumango kahit na medyo kinakabahan ako. Pero wala na akong ibang maisip na paraan para magkapera. At isa pa ang laking pera nito at instant. Hindi naman ako gagamit pagdideliver lang naman ako. PAGSAPIT NG 10:00 pm, naroon na nga kami sa lugar na sinasabi ni Tintin. Medyo madilim sa lugar nito dahil abandonadong kusali na ito. Nasa kalsada nakaparada ang motor ni Tintin saan medyo malayo ito sa abandonadong gusali. Ilang minuto rin ako naghintay bago lumapin ang isang sasakyan tapos isang magandang van. Mula sa sasakyan bumaba ang isang lalaki na medyo nakakatakot ang mukha na para bang sanay makipagpatayan. “Sino ka? Nasaan si Tintin?” Nakalunok ako ng laway bago sumagot. “Kaibigan niya po ako at Ako muna ang magde-deliver sa inyo.” Mahigpit kong hawak ang bag at sa mga oras na iyon ay kinakabahan ako ng sobra. Ilang sandali pa ay bumaba ang isang lalaki mula sa van. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ng maayos ang kanyang mukha. Napakagwapo niya pero nakakatakot siya dahil masyadong matalim siya kung tumingin. Na para bang palabas siya yung gwapong killer. “Bakit ikaw ang nag-deliver niyan? Bakit hindi na lang ang kaibigan mo?” Napayuko ako sandali bago sumagot. “Kailangan ko kasi ng pera. Kailangan po kasing suportahan ang sarili ko pati ng pag-aaral ko. Tapos sinabi sa akin ni Tintin na itong trabaho niya at malaking binabayad sa kanya kaya sinubukan ko,” sagot ko bago nag-angat ng tingin. Magkatitigan kaming dalawa. Diretso ang tingin niya sa akin habang ako naman ay parang gusto ko ng matunaw. Pakiramdam ko kasi nag-aalab ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at napangiwi ako. “Ah…hello po, sir? Pwede po bang huwag niyo naman ako masyadong titigan dahil baka maihi na ako sa panty ko. Masyado po kayong gwapo at hindi ko ma-take ang kaguwapuhan ninyo.” Gumalaw ng bahagya ang labi niya bago tumaas naman ang kilay niya. Sinenyasan niya ang tauhan niya na kunin sa akin ng bag at agad ko naman iyong binigay. “Ilang taon ka na at ano ang pangalan mo?” “Ako po si Lucy Jones. 20 years old na magandang babae at virgin. Eme lang…” sabi ko bago pilit na tumawa. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling sumenyas sa kanyang tauhan. Pagkatapos may kinuha sa loob ng ng van kanyang tauhan at may inabot sa akin. Nanlaki ang mata ko namg makita ko kung ano yun. Isang bundle iyon ng tig-iisang libo. Mukhang kaka-withdraw lang at ang perang iyon ay isang daang libo. “Oh my gulay one hundred thousand! Para sa akin po ba 'to o pinahawak mo lang?” Naningkit ang mga mata niya na ba hindi nagustuhan ang sinabi ko. “Ano ba sa tingin mo? Kaya nga ibinigay ko sa iyo dahil sa iyo na yan. Sa susunod… ikaw ulit ang mag-deliver para may pera ka. Itago mo na 'yan.” Sa sobrang saya ko ay bigla na lamang akong napayakap sa kanya. Habang yakap-yakap ko siya ay nagtatatalon ako sa tuwa. “Naku sir, marami pong salamat! Marami na akong panty na mabibili dito!” Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at muling tinitigan ang hawak kong one hundred thousand. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. “Anong sinabi mo? Panty? Bakit iyon pa ang bibilhin mo?” “Ah kasi dalawang piraso lang ang panty ko at butas pa parehas. Sige na! Bye na, sir! At marami salamat po dito! Labyu, sir!” sabi ko bago kumaripas ng takbo patungo sa kinaroroonan ni Tintin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
760.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
990.9K
bc

A Warrior's Second Chance

read
366.3K
bc

Not just, the Beta

read
351.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook