K3

1124 Words
LUCY Sobrang saya ko dahil sa wakas ay may trabaho na ako. Pero hindi ko maiwasang kabahan dahil medyo nakakatakot ang trabaho ko. At sabihin na nating hindi talaga medyo nakakatakot… Talagang delikado ang trabaho ko dahil nagde-deliver ako ng droga. Kasalukuyan kaming nasa mamahalin restaurant. At ito ang unang beses na makakapasok ako sa ganito kaganda at kamahal na restaurant. “Nakakaloka naman po yata ang restaurant na ito! Napakamahal ng mga pagkain! Parang iyong isang daang libo pwedeng maubos kapag bumili ng mga pagkain dito,” bulalas ko habang nakatingin sa menu. “Huwag mo ng isipin pa mga presyo basta kumain ka na lamang diyan.” Napatitig ako sa gwapo ng mukha ng boss ko. Bang klase talaga ang kagwapuhan niya para siyang foreigner. Para siyang artista sa ibang bansa. “Ano na ang pangalan mo? Hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo eh.” “Xerxes,” tipid niyang sagot. “Ay wow. Ang bongga naman ng pangalan mo. Parang pang sinauna. May lahi ka ba? Masyado ka kasing gwapo para maging isang pure pinoy.” “Yes. Ang lolo ko ay Russian.” Tumango tango ako at saka tipid ngumiti. Ibig sabihin kung may lahi itong amo ko malaki ang t1te niya? Kasi di ba kapag ibang lahi…automatic daks agad ang mga k4rgada ng mga iyon. “Bakit?” Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya at pagkatapos alanganin ako ngumiti. “Wala naman…naisip ko lang akong may lahi kay ibig sabihin malaki pala ang armas mo.” “Ano?” “Wala-wala! Ang sabi ko ang guwapo mo! Isang karangalan para sa akin na makasama sa ganitong lugar ang isang katulad mo. Alam mo ba sa totoo lang bwisit na bwisit ako sa pamilya ko. Kasi ako anak ni mama sa una at kaya maganda ako ay dahil foreigner ang tatay ko. Pero iniwan si mama na may panganak ako kaya hindi ko kilalang tatay ko. At hindi ko pa nakikita. Tapos yung impact akong dalawang half sister ay palaging tira-tirang ulam o pagkain lang ang naiiwan sa akin. Nasa totoo lang sobrang saya ko na dinala mo ako sa ganitong lugar.” Napayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Sa totoo lang kapag naiisip ko ang pamilya ko… sumasakit ang dibdib ko. At naiinggit talaga ako sa ibang tao nabuo ang pamilya nila at masaya. Samantalang sa akin… hindi na masaya at puro panlalait pa ang natatanggap ko. Naiintindihan ko naman si mama dahil naiipit lang naman siya sa sitwasyon niya. Pero minsan hindi ko lang talaga mapigilan magkaroon ng sama ng loob sa kanya. Ngunit kay papaano ay masaya na rin naman ako dahil ipinaintindi niya sa akin ang sitwasyon niya. “Mag-focus ka na lang sa trabaho mo. Dahil kapag marami kang pera, wala na silang karapatang apihin ka pa.” Napatingin ako kay Xerxes at saka tumango. “Sabagay, tama ka. Money is power. Magpo-focus na lang talaga ako sa pagpapayaman ng sarili ko. Pero sana kung sakaling makita tayo ni mama…syempre hindi ko naman habambuhay na maitatago sa kanya ang trabaho ko, huwag mong sasabihin sa kanya na nagde-deliver ako ng drugs ha?” “Okay fine. Walang problem.” “Yown! Thank you so much!” Ilang sandali pa dumating na ang mga in-order naming pagkain. “Ito na ang pagkain! Halika na't lumamon tayo at magpakabusog! Grabe! Halatang masasarap lahat!” Sa sobrang gutom ko at excited na ring kumain, wala na akong pakialam pa kay Xerxes. Bahala siya sa buhay niya kung pabagal-bagal siya sa pagkain. Basta ako lamon lang nang lamon. Napansin kong napapatingin siya sa akin sa bawat pagsubo ko pero deadma lang ako. Ay bahala siya diyan dahil gutom talaga ako. At ang nasa isip ko, baka ito na rin ang huling dadalhin niya ako sa ganito kamahal na restaurant. Kaya dapat ko ng sulitin ang paglamon. Mayamaya pa ay tumikhim siya. “Dahan-dahan lang sa pagsubo dahil baka mabulunan ka,” paalala niya. Nilunok ko agad ang nasa bibig kong pagkain bago tiningnan siya at saka ngumiti. “Ah pasensya ka na pero ayos lang ako. Hindi ako mabubulunan. Sobrang sarap lang kasi talaga ng mga pagkain dito. At saka baka hindi mo na ako libre pa sa ganito kagandang restaurant kaya wala naman sigurong masama kung sulitin ko na?” Nagulat ako nang bigla siyang matawa. Mas lalo siyang gumwapo. Ibang klase ang kaguwapuhan niyang taglay! Parang ang sarap magpabira sa lalaking ito pero mukhang imposible. Masyadong malayo ang agwat ng mundo namin. Baka isipin niya pa mabaho ang kipay ko. Kapag mahihirap pa naman ang babae, nandidiri kalimitan ang mga lalaking mayaman. “Huwag kang mag-alala, ililibre kita sa susunod. Basta dahan-dahan lang sa pagsubo.” “Ay wow naman! Very mabait ka naman pala! Infairness natutuwa na ako sa iyo, boss! Very generous ang dating mo! Sige, magdadahan-dahan na ako sa pagkain. Basta, ha? Libre mo ako sa susunod.” “Yes, I will.” Humagikhik ako bago nagdahan-dahan na sa pagkain. Grabe ang sarap talaga! Kung mabait lang sana ang mga kapatid ko, baka naisipan ko pa silang uwian ng pagkain. Pero dahil mga impakta sila, wala silang pagkain. At hindi nila matitikman kung gaano kasarap ang kinain ko ngayon. For sure hindi pa sila nakakakain sa ganito kamahal na restaurant. “Mamayang gabi…may ipapagawa na ako sa iyo. Magme-message ako sa iyo para sunduin ka ng tauhan ko.” “Ah sige pero kasi nasira na iyong cellphone ko. Matagal na kasi iyon at medyo bulok na.” “Okay sige pagkatapos nating kumain, bibilhan kita ng bagong cellphone.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Talaga? Salamat naman kung ganoon! Sobrang saya ko!” MATAPOS nga naming kumain, binilhan niya ako ng cellphone. Ang ganda at ang mahal ng binili niya sa aking cellphone. High end at talagang panalo ang camera at storage. Siguradong maiingit sa akin ang mga impakta kong half-sisters. “Maraming salamat sa cellphone na ito. Grabe ang mahal nito at talagang napakaganda.” “Welcome. Dapat palagi kang alert kapag may message ako sa iyo o kapag tatawagan kita.” “Yes boss!” Ilang sandali pa ay naglakad na kami patungo sa parking lot. Ihahatid na niya ako pauwi. Ngunit habang naglalakad kami ay bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Napangiwi ako habang naglalakad. “Ayos ka lang?” “Ah oo…mukhang napadami lang ang kinain ko kaya nagrambol sa tiyan ko.” Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan, hindi na napigilang mautot. Napakalakas ng tunog ng utot ko kung saan nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay Xerxes na katabi ko sa backseat. “What the fxxx! Napakabaho naman ng utot mo?!” pasigaw niyang sabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD