FOURTH YEAR high school, huling taon na namin sa Davies Samaritan Academy. Pagkatapos ko sa high school hindi ko pa alam kung saan ako magco-college. Basta alam ko na kung ano ang gusto kong propesyon. Noon pa man gusto ko na talagang maging isang mahusay na guro. Matapos ang summer vacation marami akong na-realize. Dapat na akong mag-move on dahil tanggap ko na at kailangan ko nang harapin ang katotohanan. Nagkaroon kami ng orientation ngayong araw ng Lunes. Speaker ang owner ng school na si Mrs. Lewis. Kasama si Mister Finn na itinalagang bagong school director. Siya na rin ang mamahala sa Davies Samaritan Academy. Nabalitaan kong inatras nga nila ang petsa ng kasal nila para bigyang daan ang iba pa nilang gustong gawin sa buhay nila. Si Mister Finn ang humiling nito at pu

