ISANG announcement ang kasalukuyang gingawa rito ngayon sa open ground ng school. Pagkatapos ng flag ceremony, hindi kaagad kami pinapasok sa kanya-kanya naming silid-aralan. Isang mahalagang anunsyo ang pinapahayag ngayon ng dating derektor ng school na Mrs. Lewis. “Ipinapakilala ko ang bagong derektor ng Davies Samaritan Academy. Walang iba kundi ang aking bunsong anak na si Finn Lewis.” Nagpalakpakan kami nang tawagin ni Mrs. Lewis ang pangalan ni Mister Finn. Dahil matanda na si Mrs. Lewis, ibinigay na niya ang pamamahala ng school kay Mister Finn. Tumayo sa harap si Mister Finn, hawak ang microphone. “Maraming salamat, Mama. Pinapangako kong gagampanan ko ang tungkuling ibinigay sa akin bilang bagong derektor ng minamahal nating Davies. Makakaasa kayo na lalo ko pang patataasin

