Kulot
Matapos naming magtungo sa school ng aking kapatid ay patungo ang sinasakyan namin sa isang lugar na hindi naman pamilyar sa akin. Akala ko ay patungo kami sa mansyon niya ngunit ibang mansyon itong aming napuntahan.
"Yehey, we're here na mommy," natutuwang sambit niya rito sa loob ng sasakyan pagkapark niya sa loob ng malawak na bakuran. Hawak niya ang kamay ko at hindi sinasadyang masagi ang kamay niya dahil may isang bagay siyang inaabot sa maliit na compartment malapit sa akin.
Dito kasi kami naupo ni Tantan sa frontseat dahil iyon ang gusto ng bata. Walang nagawa ang daddy niya dahil sa kakulitan ng kan'yang anak.
Pinaningkitan ba naman niya ko ng mga mata niya nang magtama ang mga mata namin. Grabe, kahit super duper na masungit siya ay napakaguwapo pa din niya.
Sabay-sabay na bumaba kami ng sasakyan. Magkahawak kamay pa rin kami ni Tantan. Kahit hindi ko na maintindihan ang kan'yang mga sinasabi dahil sa pagkagalak niya ay nakangiti pa din ako sa kan'ya. Parang ako pa yata ang mauubusan ng sasabihin sa kan'ya dahil super ang kadaldalan nito.
Tahimik lamang ang daddy niya. Pakiramdam ko naman ay masaya naman siya sa nakikita niya sa anak niyang si Tantan.
Kailan ko naman kaya makakausap ng matino itong si sungit? Araw-araw ba naman kasi itong galit sa akin. Kahit ngitian man lang niya ko ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ibang-iba talaga ang ugali niya sa anak niya na ngayon ay masiyahin na. Hindi ba siya masaya sa akin dahil masaya na ang kan'yang anak.
Natuwa ako kay Tantan dahil siya pa mismo ang nagsama sa akin rito papasok sa loob. Nakasunod lamang ang daddy niya sa amin.
"Mommy, dito tayo." Habang hila niya ang kamay ko.
"Tantan, you go to mamita's first. Your curly sister and I will talk first."
"Daddy, she's my mommy not my sister," sagot naman nito
"Either sister or mommy. I'll still call her what I want. We already talked about it, right my son?"
Ngumuso ito. "But you promised to marry my mommy, dadddy. Please."
Napasinghap ang daddy niya at sakto namang dumating ang isang matandang babae na nasa 50's or 60's ang edad nito. Hindi naman mahahalata sa mukha niya ang edad nito dahil maganda pa rin siya kahit matanda na.
"Drevon iho... Oh, narito din pala ang apo ko," nakangiti niyang sambit kay Tantan saka niya ito niyakap.
"Mamita, I will introduce someone to you," nakangiti niyang sambit.
"Ehmm... Okay, who is she apo?"
Hinawakan ni Tantan ang isa kong kamay. Kinakabahan ako at baka sungitan ako ng matanda ngunit nakangiti naman siya pagkatingin niya sa akin.
"She is my new mommy mamita. Daddy is going to marry her soon," sagot nito at ako naman ay parang tuod rito na nakikinig lang.
Susme! Anong gagawin ko? Paano na ang kapatid ko? Ang pangarap niya. Tapos magkakaroon na ko ng maraming anak at paano ko pa masosopurtahan ang kapatid ko?
"Wow! That's great... Kailan ang kasal niyong dalawa Drevon? I think, ito na ang sagot sa problema mo sa anak mo," na parang gustong matawa ng matanda. "Siya na ba ang puputol sa pangako mo ha Drevon? Sabi ko naman sayo, mag-aasawa ka din eh."
"Mom, pag-uusapan pa namin 'yan. And son, kay mamita ka muna okay. And you," na kinatingin ko sa kan'ya. "Follow me," utos niya sa akin.
"Sige, kailangan niyo ng pag-usapan 'yan iho at ako ay naeexcite na," ani nito na tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kan'yang ina.
Paalis na ang maglola samantalang ako ay nakasunod sa kan'ya. "Mamita, gagawa na po sila ng baby sister ko?" Dinig kong ani ng bata sa lola niya na kinalaki ng aking mga mata. Alam kong narinig din niya iyon. Natawa na lamang ang kan'yang lola at dinig ko naman si sungit na may sinasabi siya at parang galit pa ito.
Patungo kaming dalawa sa ikalawang palapag ng mansyon at pumasok sa isang silid mula sa bahaging dulo. Nauna siyang pumasok sa loob at hinayaan niyang nakaawang ang pinto para ako ay makapasok
Bahagyang naupo siya sa may single sofa at ako naman ay nanatiling nakatayo lang rito sa may pinto at dala ko pa rin ang pagkatulala ko dahil sa sinabi ng anak niyang si Tantan.
"Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan? Pwede bang maupo ka. Hindi ka model para panoorin lang kita riyan."
Yung pagkatulala ko ay bigla na lamang akong natawa sa sinabi niya.
"Pwede din naman eh para araw-araw may bubulaga sayo my hubby," kilig na sambit ko rito. "Gugulatin kita araw-araw para naman matanggal yang kasungitan mo sa akin." Kumunot ang noo niya.
"Hindi ka nakakatuwa kulot. Pwede ba, kahit ngayon lang. Magseryoso ka naman. Maupo ka na at para maumpisahan na natin ito," ani niya.
Umismid ako habang nakatitig lang sa kan'ya patungo malapit sa kinauupuan niya ngunit umiwas lang ito ng tingin sa akin.
"Okay na ba na dito ako uupo? O lalapit pa ko ng konti sayo?" Ani ko na impit akong kinikilig dito dahil napapalapit na ko sa kan'ya. Konting-konti na lang.
Napahilot siya ng kan'yang sentido at tila nagpipigil lamang siya upang hindi ito magalit sa akin. Pero ako ay tinatawanan ko lamang siya.
Ako naman kasi, kahit ayaw niya ay ginagawa ko pa rin. Wala sa akin ang may problema kundi nasa kan'ya.
"Alam mo na ba kung bakit isinama ka na namin ng anak ko rito?" Unang tanong niya sa akin.
"Uhm... Parang alam ko na yan sir," maayos na sagot ko. Hindi naman ako boba eh, sa loob loob ko.
Napasinghap siya habang prenteng nakaupo sa sofa. "Okay... My son wants you to be his new mommy. But, I'm against what he wants and you know that from the beginning I don't want you for him." Tumango ako. "Para sa ikabubuti ng aking anak. Papayag akong maging mommy ka niya. And.." Nahinto siya sa pagsasalita at nahihirapan pa siyang magsabi sa idudugtong niya. "Papakasalan kita sa lalong madaling panahon para maging opisyal na maging mommy ka na ni Tantan," ani niya at ito ang hindi ko inaasahan na mangyari sa akin.
Umiling ako dahil tutol ako. Iniisip ko ang aking kapatid dahil nag-aaral pa ito. "Hindi pa ko handa sa sinasabi mo, I'm sorry. Ako na lang kasi ang inaasahan ng kapatid ko eh," sagot ko.
"Kung nangangamba ka, ako na ang bahala sa lahat. Wala naman magbabago sa takbo ng buhay mo kundi ganun pa din naman. Ang gagawin mo lang naman ay aalagaan mo ang anak ko. Kung papayag ka sa kagustuhan ko. Kailangan mong pirmahan ang kontrata na ibibigay ko sayo ngayon and we will get married tomorrow," ani nito na kinabigla ko.
Matagal bago ako nakasagot. Nahihirapan akong umuo dahil may pakontrata pa siyang nalalaman. Nagdadalawang isip ako pero siya na daw ang bahala sa lahat.
"Maaari ko bang makita ang kontrata na sinasabi mo?"
"Sure!" Bahagyang tumayo siya at may kinuha sa drawer. Kumuha na din siya ng ballpen saka niya ito inabot sa akin. Binasa ko ang mga nakasaad sa hawak kong papel.
Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga nakasulat sa hawak kong kontrata. Halos puro bawal na lang ang mga nakasulat rito. Jusme! 1 meter distance kapag kakausapin siya. Bawal din daw siyang kausapin kapag hindi importante ang mga sasabihin. But worst, may end contract din pala ang kasal naming dalawa dahil may balak din siyang hiwalayan ako.
Bahagyang napatingin ako sa kan'ya. Busy na siya sa hawak niyang phone. Wala naman problema sa akin kung pipirmahan ko itong kontrata saka okay lang din sa akin kung ganito ang magiging set up naming dalawa. Uuwe din naman ako ng gabi kapag tulog si Tantan at kinabukasan ay susunduin din ako bago magising si Tantan dahil ayaw niya kong tumira sa mansyon niya. Naiintindihan ko naman siya sa gusto niya dahil ibinigay lang naman niya ang kagustuhan para sa kan'yang anak.
Tumayo ako pagkatapos kong pirmahan ang kontrata. Inabot ko ito sa kan'ya itong kontrata na may lagda ng aking pangalan.
Napatingin siya sa papel.
"Naiintindahan mo ba ang mga nakasaad rito? Or kailangan ko pang ipaliwanag sayo ang mga ito?"
"Hindi na... Hindi ko naman pipirmahan yan kung hindi ko naintindihan," matuwid kong sagot.
"So bukas, wala dapat na makaalam about sa kasal natin. Because you and me are nothing. Para lamang kay Tantan itong ginagawa ko."
Napasinghap ako. "Alam ko naman iyon at hindi mo na kailangan na ulit-ulitin pa," mataray na sagot ko.
Salubong ang mga kilay niya nang makita ko ito. "Okay, tama ka nga. By the way, tapos na ang usapan natin. Be ready for tomorrow. Exactly 10am ay dapat naroon ka na sa ibibigay kong address sayo. I will text you later the exact place where we meet. Pwede mo ng puntahan si Tantan ngayon," ani niya na hindi siya nakatingin sa akin. Ayaw niya kong tingnan sa mga mata ko. Bakit ganun siya? Ayaw ba niya ko?
Naunang lumabas siya ng silid at sumunod naman ako. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil bawal magtanong. Hinanap ko na lang si Tantan at nakita ko naman siya agad rito sa may kusina. Nakaupo siya habang pinapanood niyang nagbebake ang kan'yang mamita.
Nahinto na lamang ako sa paglalakad nang marating ko ang kusina. Hindi napansin ni Tantan na nakatayo ako rito habang pinagmamasdan siya.
Inisip ko na lang kung tama ba itong ginagawa ko dahil pumayag ako agad sa kagustuhan ng daddy ni Tantan na gusto kong maging mommy ng kan'yang anak o dahil sa puso ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko tinanggap ang alok nito dahil sa nararamdaman ko para sa daddy niya.