KULOT
Pabagsak na inihiga ko ang pagod kong katawan. Ang aking kapatid ay tila hindi naman ito mapakali sa sarili niya. Nahalata ko ito kaninang pagdating ko rito sa bahay. Baka siguro iniisip niya yung mga bayarin sa school. Pero kahit ganun pa man, may pera pa naman akong naitabi para sa kan'ya.
Mabuti at naiuwe ko na rin yung aking mini bike dahil bukas na bukas ay pupunta ako ng school para makabayad na rin ng matrikula. Malapit na din kasi ang exam nila kaya dapat ay mabayaran ko na para wala na kong alalahanin pa.
Habang nagpapahinga ako rito sa loob ng aking silid. Dinig ko mula rito sa loob na parang may kausap si Steve. Bumangon ako para tingnan ito.
"Steve, sino kausap mo?" Tanong ko pagkababa ko ng hagdan.
Umawang na lang ang aking ibabang labi dahil narito yung katulong sa kabilang bahay. Bigla kong naalala yung asong nasagasaan ko.
"Oh, nariyan ka pala Teresa," ani nito pagkakita niya sa akin. Tumabi ang kapatid ko sa may gilid ng pinto. Pinapasok ko muna siya rito sa loob ng bahay. Alam ko na kung ano ang sadya niya.
"Ahh.. Aling Charing, anong sadya niyo at narito po kayo?"
Imipit itong ngumiti. "Alam mo na kung ano ang sadya ko rito Teresa. Yung asong nasagasaan mo ay namatay kanina lang. Walang nagawa ang Vet na isurvived ang aso ni Scarlet. Alam mo naman kung gaano niya ito kamahal ang alaga niyang aso kaya naman kung gusto mong mawala ang kalungkutan niya. Kung hahayaan mo ang kapatid mo na maging nobya niya si Scarlet," ani nito na kinagulat ko.
"Ano? Hindi po pwede. Nag-aaral pa ang kapatid ko. Hindi ako papayag sa gusto niya," mariing tanggi ko.
Malungkot ang aking kapatid nang makita ko ito. "Kung hindi ka papayag, bayaran mo ang lahat ng expenses sa namatay niyang aso. Pero kung papayag ka, si Scarlet na ang bahala sa lahat ng gastusin para sa kapatid mo. Wala ka ng proproblemahin sa pagpapaaral mo sa kan'ya hanggang sa makapagtapos ito ng pag-aaral," turan nito.
Mariin akong umiling dahil tutol ako. Ayaw kong mawalay ang kapatid ko dahil kaming dalawa na lang ang magkaramay sa lahat ng pagsubok na dumarating sa amin. Ngayon pa ba? Hindi ko ibabayad ang kapatid ko sa walang kwentang aso na yan. Kasalanan din naman nila kung bakit ko ito nasagasaan. Naging pabaya sila eh. Anong tingin nila sa kapatid ko? Isang bagay na pwedeng ipambayad? Tao siya at hindi siya bagay o hayop na madali lang ibigay. Mahalaga ang kapatid ko kaya hindi pwede ang mga sinasabi niya. Kahit siya pa ang magbayad ng pang matrikula niya ay hindi ko pa rin siya ibibigay.
"Aling Charing, sabihin mo kay Scarlet. Hindi ako papayag, kahit magkandalosyang losyang na ko sa pagtatrabaho para lang makasurvived kaming dalawa. Asahan mong hindi ko gagawin yang mga sinasabi ni Scarlet. Paano naman po ako? Muntik na nga din akong mawalan ng isang paa dahil sa kapabayan niyo sa alaga niyang aso. Mapapalitan niyo din ba ang isang paa kung sakaling naputol ito?"
"Hmmmpf... Aba eh, kayo na lang mag-usap na dalawa. Naloka ako sa sagot mo. Grabe naman 'yang paa na 'yan. Mabilis mabali," singhal nito na lihim na natawa ang aking kapatid.
"Sige na po Aling Charing, pwede na po kayo umalis at magkano ba ang bayad sa aso para ikaltas ko na lang sa nagastos ko sa pagpapahospital ko noong nakaraang araw," ani ko.
"Sigurado ka ba riyan na kaya mong bayaran yung 100 thousands pesoses," sabay irap niya sa akin.
"Ano? Sobrang mahal naman yata 'yan Aling Charing. Aso lang 'yan. Mas mahalaga pa ba ang buhay ng aso kaysa sa tao? Jusko!" Singhal ko.
"Ate, pagtulungan na lang natin 'to. Pwede naman tayo lumapit kay tito Fernan kung ayaw nila tumigil sa kakasingil nila sa atin. Hindi porket mahirap tayo ay madali lang nila tayo utuin. Aling Charing, sabihin mo kay Scarlet. Palitan na lang namin yung asong namatay. Bigyan niyo lang kami ng ilang araw ni ate at kami na lang mag-aabot sa asong aalagain niya," ani ng kapatid ko.
"Aba, nice idea aking kapatid," sabay akbay ko sa kan'ya. Sinakal ko siya. "At saan naman tayo kukuha ng asong pamalit sa asong namatay?" Bulong ko.
"Ako ang bahala ate," bulong niya.
Pekeng ngumiti ako kay Aling Charing. "Ay naku Aling Charing... Muntik ko na pala makalimutan. Condolence nga po pala sa aso niya. Kailan nga po pala ang libing?" Pigik na natawa ang aking kapatid
Tila nanggigigil na siya sa sinabi ko. "Nakakaembyerna ka naman Kulot. Hmmmmpf!" Na may panggigil sa boses nito.
Nagtawanan kami ng aking kapatid pagkaalis ni Aling Charing. Wala siyang magagawa sa pangbwebwesit niya sa amin.
"Hoy Steve!" Tawag ko. Papasok na kasi siya ng kuwarto niya. Katatapos lang namin kumain kaya heto magpapahinga na kaming dalawa.
"Bakit ate?"
"Yung aso... Saan tayo kukuha ng aso?" Napakamot siya sa kan'yang ulo.
"Maghahanap pa lang ate."
"Huh? Ikaw ha, alam ko na naman 'yang binabalak mo eh. Sige na.. Ako na lang bahala, pumasok ka na sa loob at mag-aral ka muna bago ka matulog ha," bilin ko.
"Oo ate... Goodnight ate. I love you ate kulot," saka ito tuluyang pumasok sa loob ng kan'yang kuwarto.
Napangiwi na lang ako rito. Masyadong bata pa ang kapatid ko kung iiwan ko ito. Balak ko sana mangibang bansa para masuportahan ko siya sa lahat ng pangangailangan niya. Lalo na at malapit na din itong magkolehiyo. Hindi na sasapat para sa amin itong kinikita ko.
"Hays, kailangan mo talagang kumayod ng kumayod Tet," bulalas ko rito.
Pumasok na din ako sa loob ng aking silid at nahiga agad sa aking kama. Nang maalala ko na lang yung phone ko dahil kanina pang umaga ito naka off dahil sa susod sunod ang pagring nito kanina.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking bag saka ko inopen. Pagkaopen ko ay dali-dali ko itong binuksan ang mga mensahe na hindi ko nababasa kanina. May 10 miscall din akong natanggap galing sa new number na hindi ko naman kilala.
Tinawagan ko ang numero na iyon. Nagring naman kaagad ito. Ang tagal niyang sagutin. Nainip na ko pero sinagot naman din niya agad.
"Pwede ba, huwag kang istorbo!" Parang galit pa siya nang marinig ko ang boses niya.
"Hindi kita iniistorbo noh. Ikaw nga kanina, nakailang tawag ka sa akin. 10 miscall kaya ang natanggap kong tawag mula sayo," ani ko ngunit pinatayan niya ko ng tawag mula sa kabilang linya.
Aba! Ang sungit... Sino kaya itong mrstery caller na ito? Matawagan nga kita ulit. Parang ang guwapo ng boses niya.
Humilata ako agad sa kama. Hindi pa naman ako inaantok kaya may kukulitin na naman ako.
Tinawagan ko ulit siya. Matagal na naman niya bago niya ito sagutin. Ngunit maya't-maya ay sinagot na naman niya itong tawag ko.
"Hello... Pwede ba, don't call me again." Napahagikhik ako rito mag-isa. "You're crazy b***h!" Singhal niya.
Parang kilala ko na kung sino ito. Si daddy Drevon itong kausap ko at saan naman niya nakuha yung number ko?
"Hello daddy Drevon," nakangiting sambit ko. "Bakit mo nga pala ako tinatawagan kaninang umaga? Ikaw pala yung natawag kaninang umaga. Ayie..." Kinikilig na ani ko rito.
Sumimangot na lang ako rito nang p*****n na naman niya ko ng tawag. Ngumuso ako.
"Napakahard to get naman ng isang ito. Bakit ayaw niya kong maging asawa? Maganda naman ako ha. Ayy basta, hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang loob mo. Charrr lang."
Kinontak ko na naman siya ngunit out of coverage na ito. Shomai! Hindi na nga kami magkaharap sa lagay na ito. Ang sungit pa din niya.
Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Makatulog na nga.
Kinabukasan, tinanghali na ko ng gising. Umalis na din ang kapatid ko kaya mag-isa ko na lang rito. May mga pagkain naman na nakahanda sa mesa kaya kakain na lang ako.
Hindi na ko nakagawa ng kakanin gawa ng masakit na ang braso ko. Ang sakit din kasi sa braso ang maghalo kaya need ko din magpahinga. Mamaya ay aalis ako at pupunta ako ng school ng kapatid ko.
Nakakaembyerna! Ang mahal pa ng tuition fee sa school na iyon. Kung sa public siya mag-aral ay mapapalayo lang ito sa papasukan niya at uuwian niyang bahay.
Umalis agad ako ng bahay pagkatapos kong asikasuhin ang sarili ko. Pasakay na ko sa mini bike ko at paalis na din ako.
"Mommy!" isang boses ng bata ang sumigaw. Nilingon ko ito at ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko sila rito kasama ang daddy niya.
Anong ginagawa nila rito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?
Bumaba ako ng mini bike ko sabay tanggal ko sa suot kong kulay pink na helmet.
"Tantan," mahinang bulalas ko rito. Lumapit ako sa kinaroroonan nilang dalawa. Nakatayo lamang ang daddy niya sa gilid ng sasakyan. Magkatabi lamang sila.
Nakangiti na naman ako nang masilayan ko ang masungit niyang daddy. Salamat na lang at may suot siyang shades sa mga mata niya kaya hindi ko makikita ang mga mata niyang nanlilisik.
Sa pagkasabik ko ay bigla akong natapilok pagkatanggal niya ng shades nito at saktong nafall ako sa katawan niya. Napayakap ako rito.
Napahagikhik ako rito dahil sa pagsalo niya sa akin. Bahagyang napatingin ako sa kan'ya at nag-iigting na naman ang panga nito. Humiwalay ako sa pagkakadikit ko sa kan'ya.
Sayang ang bango pa naman niya. Sarap talaga mafall sa katawan niya. Kung wala siguro si Tantan sa tabi namin ay baka ibalibag lang niya ko sa laki ba naman ng katawan niya.
"Pwede ba kulot, umayos ka. Hindi tayo close para dikitan mo ko," mahinang ani niya.
"I'm sorry... Naexcite lang ako," sabay bahing ko. Bumahing na naman ako ng isang beses sa mismong harapan niya.
Kumunot ang noo niya sabay amoy nito sa sarli niya. Hindi naman talaga siya mabaho eh. Actually, sisipunin na yata ako.
Binalingan ko ng tingin si Tantan. Niyakap ko ito sabay halik ko sa pisngi niya.
"Mommy, may sasabihin po si daddy sayo kaya po kami nandito," ani ni Tantan.
"Oh sigurado ka?" Tumango siya... "Ano daw 'yon baby?" Naexcite naman ako sa sinabi ng bata.
Binalingan ko ng tingin si sungit. Salubong ang mga kilay niya at nakataas pa ang sulok ng labi nito. Hindi ko na lang siya pinansin. Masyado siyang masungit ngayong araw. Pero hindi na ko magtataka dahil araw-araw naman siyang masungit.
"Bakit hindi ka pala pumasok? Hindi ba sinabi ko sayo na pumasok ka araw-araw," mahinahong saad ko.
"Ayaw ko pong pumasok mommy eh. Wala ka po kasi kanina."
"Ahh... Nariyan naman si daddy para asikasuhin ka ha," umiling siya.
"Ikaw ang gusto ko mommy." Natuwa ako sa sinabi ng bata.
"Umalis na tayo. Marami pa akong gagawin anak," ani ng daddy niya.
"Isasama na po ba natin si mommy, ha daddy? Sa atin na po ba siya titira?" Na kinagulat ko na lamang.