KULOT
"Ate kulot, asan ka na?" Naiinip na ani ng aking kapatid mula sa kabilang linya dahil malapit na daw mag-umpisa ang meeting.
Ako lang naman kasi ang Guardian ng kapatid ko at wala ng ibang maaasahan. Yung mga kapatid ni papa kasi ay nasa ibang bansa at yung mga kapatid naman ni mama ay nasa Probinsiya. Narito kasi kami sa Maynila kaya malayo kami sa mga kamag-anak namin.
"On the way na nga ko. Malapit na," sagot ko mula sa kabilang linya. Halos paliparin ko na ang minamaneho kong mini bike upang makarating lamang sa eskwelahan.
Jusko! Nagmukha tuloy akong si wonder woman sa lagay na ito. Kakahatid ko lang kasi kay Tantan sa school tas bumalik pa ko sa mansyon kanina para kuhanin yung mini bike ko na nakaparking sa may labas ng gate.
Hindi na ko nakapasok sa trabaho ko dahil nakalaan na yung sarili ko sa ibang mga gawain. Mamaya ay magsusundo na naman ako kay Tantan after ng meeting sa school ng kapatid ko.
Ang hirap talaga paghatiin ang sarili sa oras ng trabaho at sa mga taong naging malapit na sa akin. Pero need ko talaga magpakatatag dahil sa akin umaasa ang kapatid ko. Si Tantan ayaw ko naman siyang iwan dahil naging malapit na din kami sa isa't-isa. Hindi naman rason yung kan'yang daddy para hindi iwan ang bata kasi ramdam ko talaga kung ano ang pinagdadaanan niya lalo nung nagkwento siya sa akin. Mahirap din kasi na maagang maulila sa ina lalo na kung bata pa lang si Tantan.
Pagkarating ko sa school ay saktong mag-uumpisa na ang meeting. Masaya na ko dahil nakita kong nakangiti na ang kapatid ko.
Nag-umpisa agad ang meeting. Hindi ako makapag concentrate dahil tunog ng tunog yung phone ko.
Shomai! At sino naman kaya itong tumatawag at wrong timing pa?
Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang natawag dahil agad na ini off ko agad ang cp ko sa loob ng aking pink na bag. Napatingin pa ang babaeng katabi ko sa akin at pinasadahan niya ko ng kan'yang mapanghusgang mga mata.
Inirapan ko siya. Inggit ba siya sa outfit ko? Hmmmpf...
Tulala ako habang nakikinig pero kahit tulala ako ay alam ko naman kahit side by side yung mga iniisip ko. Iniisip ko kasi yung trabaho ko dahil hindi ako nakapag paalam sa boss ko. Tapos susunduin ko pa si Tantan mamaya.
Dahil sa pagkatulala ko ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang meeting. Halos mga bayarin sa school yung mga pinag meetingan namin ngayon. Maloloka na talaga ako kung paano ako makakatipid. Pambili na yata ng napkin ay nagtitipid na rin ako. Mga bills ng kuryente at tubig tapos pang gas pa ng mini bike ko ay minsan din ay nauubusan na din ako ng budget.
"Ate kulot, malungkot ka yata? Ngumiti ka naman ate oh," sambit ni Steve. Nakanguso kasi ako habang naglalakad. Patungo na ko sa parking lot dahil kailangan ko na din umalis. Hindi pa alam ng aking kapatid na may bata akong inaalagaan.
Napasinghap ako. Paano ako ngingiti nito kung puro butas ang bulsa ng ate mo, sa loob loob ko.
"Steve, alis na ko ha. Kailangan ko na din bumalik sa trabaho ko," ani ko rito. "Salamat sa paghatid. Bumalik ka na doon sa loob at huwag kang gagala pagkatapos ng klase mo ha," bilin ko.
Inakbayan ako ng kapatid ko at hinalikan niya ko sa aking noo. Tipid akong ngumiti rito dahil kahit papaano ay may kapatid akong mapagmahal.
"Sige ate balik na ko sa loob. Baka umiyak ka na naman eh," ani nito.
"Sira ka talaga!" at pigik na napatawa ito.
Sumakay na rin ako sa mini bike ko pagka alis niya. Paalis na ko dahil kailangan ko na din makabalik sa school ni Tantan bago mag 11. Iiyak kasi ito kapag hindi niya ko nakita agad doon at baka hindi na ito pumasok sa school bukas. Iyon ang sabi ng kan'yang teacher.
After 30 minutes malapit na ko sa school niya pero bigla na lang ako nawalan ng gasolina sa daan. Hininto ko ito sa may lilim ng puno at dito ko na muna pinark ang pink mini bike ko.
"Ayy... Kung kailan malapit na ko doon ka pa naubusan ng gas. Hays hindi lang ikaw ang gutom ha. Kahit ako ay gutom na din," ani ko sa mini bike kong motor.
Tumakbo na lang ako papasok sa school nito. Ang layo pa naman niyon dahil malawak itong school ni Tantan. Pagkarating ko ay dinig ko na lang na umiiyak ito. Lagpas 10 minutes na at nalate na ko ng dating.
Pero natakot na lang ako nang makita kong narito na ang daddy niya. Galit ang mukha nito sa akin.
Pekeng ngumiti ko kahit pagod ako ay kailangan pa ding ngumiti.
"Mommy," sabay takbo ni Tantan pagkakita niya sa akin. Tumakbo ito papalapit sa akin imbes sa daddy niya ito lumapit. Niyakap niya ko agad na kinagulat ko. Napapikit na lang ako ng mga mata ko habang nakayakap siya sa akin. Damang-dama ko sa bata na gusto talaga niya kong maging mommy. Pero ang kan'yang daddy ay ayaw naman niya sa akin.
Maganda naman ako charrr...
"Tantan anak, let's go." Pag-aya nito na hindi man lang niya ko nililingon.
Ngumuso ako. Problema kaya nito at palaging naiinis sa akin. Binawasan ko na nga ang pagiging baliw ko dahil wala akong energy ngayon at pagod na pagod pa ko. Maaga kaya akong nagising kaninang umaga para lang makagawa ng kakanin. Request kasi iyon ni Tantan dahil iyon daw yung laging ginagawa ng kan'yang ina noong nabubuhay siya. Sa kadaldalan ng bata noong nagkwento siya sa hospital, naikwento niya lahat ang tungkol sa mama niya. Kulot din daw siya at masiyahin.
Ito siguro ang dahilan kaya niya ko gustong maging mommy niya. Hindi ko sinabi sa kan'ya na marunong din ako gumawa ng kakanin pero nabigla ako sa pagtatanong niya dahil tinanong niya ko kung alam kong gumawa ng kakanin. Umuo na lang ako kaysa magsinungaling.
Pauwe na kami ng mansyon. Hindi pa ko kinakausap ni sungit. Okay lang dahil may iba din akong iniisip. Yung mini bike kong naiwan doon malapit sa school baka nakawin lang. Sayang naman dahil wala na ko gagamitin na pang service sa pang araw-araw na lakad ko.
Hindi ko namalayan na nakahinto na ang sasakyan. Narito na kami sa tapat ng gate. Parang kay bigat ng aking katawan ngayon at parang tinamad na din akong kumilos.
Humikab ako ng malalim. Inaantok na kasi ako. Tumingin sa akin si Tantan ganun din si sungit.
"Mommy, gusto mo bang matulog muna sa room ko?" Tanong nito. Hawak kamay pa kami nang papasok kami sa loob ng mansyon.
"Ahh.. Hindi na Tantan. Kailangan ko na din kasi umuwe eh. May kailangan pa kong asikasuhin saka may trabaho pa ko," paliwanag ko ngunit sumimangot lang ito.
"Daddy," tawag ni Tantan na kinalingon niya. Narito na kami sa loob at nahinto kaming tatlo rito sa salas "Huwag niyo po payagan si mommy na umalis. Gusto ko po siyang mag stay rito," diretsong saad nito.
Tumingin siya sa akin at sa anak niya sabay singhap nito. "Anak, hindi siya pwede mag stay rito. Hindi natin siya katulong rito, hindi rin siya ang tutor mo, hindi rin siya ang yaya mo at lalong hindi mo rin siya mommy dahil alam mo kung ano ang totoo Tantan," paliwanag ng daddy niya.
"Make it realistic daddy. Marry her so I can officially call her mommy," sagot nito na halos umawang ang aking ibabang labi. Hindi lang ako ang nagulat kundi pati ang daddy niya.
Naloko na... Ano itong pinasok ko? Ako at siya? Magpapakasal, ayoko... Hindi pa ko handa.
Bumuga ng malalim na hininga ang daddy niya.
"Anak, saan mo ba nakuha o narinig ang mga salitang iyan? Alam mo ba kung ano ang mga sinasabi mo?" Parang nagalit na ito sa bata.
"Kay mama po daddy," parang maiiyak na ito. Hindi ko man alam kung bakit ramdam pa rin ng bata na nasasaktan siya sa tuwing naaalala niya ang mama nito.
Tumakbo siya at umakyat na ito ng hagdan. Patungo siya sa kuwarto nito dahil pakiramdam ko ay umiiyak na siya.
"Tantan anak!" tawag ng kan'yang daddy at hinabol niya ito. Sumunod naman ako sa kanila.
Narito na kami sa tapat ng kuwarto habang kinakatok niya ang pinto.
Bahagyang tumingin siya sa akin na may marahas na pagtitig nito sa akin.
"Ano pa ang ginagawa mo dito? Get out!" Madiin niyang utos sa akin.
Umiling ako. "Pero si Tantan, hahanapin niya ko."
Nag-igting ang panga nito at rumehistro ang galit na galit niyang mukha.
"I don't f*cking care of you!" Singhal nito. "Kalimutan mo na ang bata at kalimutan mo na rin yung mga sinabi niya. Hindi ko kayang gawin ang bagay na kan'yang sinabi. I can't marry you. Hindi kita gustong maging asawa ko. Pwede ba, umalis ka na dito," pangtataboy niya sa akin.
Yumuko na lang ako at hindi na makapagsalita dahil napahiya ako sa sinabi niya. Hindi ko man lang magawang ngumiti ngayon dahil patong-patong na ang mga problema ko.