DREVON
Hapon na rin. Pauwe na kami kasama ng aking anak yung babaeng kulot na ubod ng kulit. Hindi na talaga mapaghihiwalay ang dalawa at ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ni Tantan sa kan'ya. Iniisip ko na lang na ginayuma niya ang anak ko kaya ito naging malapit sa kan'ya.
Nasa backseat silang dalawa nakaupo habang yung anak ko ay natutulog sa kan'yang kandungan. Narito naman sa frontseat nakaupo sa Cherry. Isinama ko na siya sa pag-uwe dahil ayaw kong kaming tatlo lang lang ang naririto at kanina pa ko kinukulit kulit ni kulot.
"Bagay sayo ang pangalan na Lolita," wala sa sariling sabi ko rito habang nagdadrive.
"Ano sir?"
Suminghap ako sabay tingin sa front mirror pero ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong nakabungisngis siya. Napapreno ako agad na saktong narito na kami agad sa tapat ng gate. Mabuti at tulog pa din yung anak ko.
"This is a horrible in my life," wala sa sariling sabi ko kahit na malakas na ang pagpreno ko ay nakangiti pa din.
Ano ba siya? Parang naeengkanto ako araw-araw kapag siya ang nakikita ko.
Naunang bumaba ako ng sasakyan. Kinarga ko ang anak kong sarap na sarap pa din sa pagtulog niya.
Papasok na kami sa loob ng mansyon. Kailangan ko na din magpahinga dahil pakiramdam ko ay napagod ako sa pag-iwas ko sa kan'ya mula pa kanina. Hindi ko na talaga kayang iwasan siya lalong lalo na kung siya ang gusto ni Tantan na maging new mommy niya.
Wala akong mapagpipilian kasi wala akong choice kundi mapagbigyan ang gusto ng aking anak. Siya na siguro ang sagot upang magbago ang ugali ni Tantan. Kasi ngayon pa lang ay nakikita ko na ang pagbabago sa kan'ya at ngayon ko lang din nasilayan ang muling pagngiti ng aking anak.
"Teresa, tawag ka ni sir Drevon sa opisina niya. Tulog pa naman si Tantan kaya pwede mo muna siyang iwan rito," dinig kong sabi ni Cherry. Narito ako sa may pinto ng kuwarto habang nakasilip sa nakaawang na pinto.
Tipid na ngumiti siya kay Cherry. "Paano kung umiyak siya kapag nakita niya kong wala ako sa tabi niya? Ayaw kong magalit ang daddy niya sa akin. Nakakatakot pa naman siya kung magalit. Pero kahit na maraming sungay ang daddy niya. Guwapo pa rin talaga siya," at impit na ngumiti ito.
"Hay naku Tet, matanong nga kita. Crush mo lang ba talaga si sir o mahal mo na siguro siya?
"Anong klaseng tanong ba 'yan?"
"Wala lang. Gusto ko lang kasi malaman at kung bakit ganun na lang yung paghanga mo kay sir?"
Natawa siya na kinakunot ng noo ni Cherry. "Bulaga!" sabay gulat nito sa kan'ya.
"Walang-hiya! Baliw na talaga itong babaeng ito," mahinang usal ko.
"Alam mo ba Cherry? Crush ko lang talaga ang daddy ni Tantan. Mas mahalaga kasi sa akin yung pinangakuan kong tao kaysa sa pag-ibig na yan. Wala sa vocabulary ko ang magmahal. Hindi ko kasi kayang sirain ang pangako dahil siya na lang ang meron ako. Mahal na mahal ko siya. Pasensiya na talaga kung nakikita mo kong ganito na halos parang baliw na nga ako kung tutuusin eh. Ganito na talaga ako magdala sa sarili ko upang hindi ako madala sa malulungkot na alaala. Kahit sobrang hirap na talaga itong mga pinagdadaanan ko pero kinakaya ko naman kahit papaano. Hindi pwedeng basta na lang ako susuko. At sa tinatanong mo sa akin, malalim ang paghanga ko talaga sa kan'ya. Pero kung ayaw niya ko. Tanggap ko naman," mahabang turan niya. "Pero....." Hindi niya ito naituloy at tila may iniisip ito
"Anong pero at sino yung taong pinangakuan mo?"
Inirapan niya ito. "Kailangan ko pa bang sabihin iyon?"
"Oo naman... Bakit hindi?"
"Kasi hindi pwede eh."
Napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig. Hindi ko tuloy nalaman kung sino yung tinutukoy niya. Or baka may bf na siya? Arghh.... Bakit kailangan ko pang alamin iyon? Sh!t!
Kinagabihan, narito ang mga kaibigan ko na sina Tom at Jerry. Oo, Tom at Jerry ang tawag ko sa kanila dahil lagi naman silang nag-aaway dahil sa mga babae. Lagi nag-aagawan lalo na kung virgin ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Laging may dalang mga alak ang mga ito sa tuwing pupunta sila rito. Mapapainom na naman ako ng wala sa oras lalo na't wala ako sa mood ngayon. Nasira kasi ang buong maghapon ko at nagtitiis na lamang na makita na lang siya araw-araw dito. Hindi ko pa naman siya nakakausap about sa schedule niya sa pagpunta rito dahil may trabaho din ito sa pharmacy.
Dinig ko na lamang na nagtawanan ang dalawang babae at nilingon naming tatlo ang papalapit na si Cherry at si Kulot.
Tumikhim si Omar aka Tom. "Hi beautiful ladies. Ang cute naman ng babaeng kasama mong kulot," ani nito ngunit hindi man lang ito ngumiti sa sinabi nito.
"Ahh.. Bakit siya lang ba ang cute ha?" Sabay irap ni Cherry sa kan'ya. "Sir, napatulog na ni Tet si Tantan. Uuwe na din daw siya," ani ng aking secretary.
"Naks naman! Bagong tutor ba 'yan ng anak mo?" Tanong ni Val aka Jerry.
"No! Don't mind her," sagot ko sa kan'ya. "Sige na Cherry umalis na kayo. Nasa labas na yung driver na maghahatid sa inyo," utos ko.
"Loves uuwe na ko ha. Hindi mo ba ko ihahatid sa bahay namin?" Tila kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
Napatayo ako agad at mariing hinawakan ang braso nito. Alam kong nasasaktan siya.
Marahas ko siyang tinitigan sa mga mata nito. "Sa susunod na sabihin mo pa sa akin 'yan. May kalalagyan ka na," madiing saad ko.
Yumuko siya at tila napahiya ito.
"Sir, nasasaktan si Tet."
"Huwag mo kong pinakikialaman Cherry. I'll do what I want to her. Now tell me," sabay lapit ko pa sa kan'ya. "Tinanggap lang kita rito para sa anak ko pero hindi pa rin sasapat iyon para pansinin ka. Ito ang gusto mo na nakikita ako araw-araw diba? Pero ito ang tatandaan mo. Kailanman hinding-hindi kita papatulan," na kinaigting pa ng aking panga.
"Drevon, bitawan mo siya. Wala namang masama sa sinabi niya sayo," ani ni Val.
Hindi ko pinansin ang mga hinanaing nila at mas lalo ko lang siya kinaladkad palabas ng mansyon.
"Sir bitawan niyo na ko oh. Sorry na... Kung ayaw niyong tawagin ko kayo ng loves. Eh di honey bunch na lang itawag ko sayo or sweetheart o kaya naman bhebhelove."
"Pwede ba, don't call me that or else." Saka ko binuksan ang pinto ng sasakyan at kinuyog papasok sa loob ng sasakyan subalit hinila niya ko at napahiga kaming dalawa rito sa backseat. Nadaganan ko siya. Nagtama ang mga mata namin nang magpantay ang aming mga mukha.
"Oh may gosh!" Nagulat si Cherry sa nangyari sa amin at alam kong tumatawa na ito.
Napabangon ako agad habang siya ay may ngisi sa labi niya. Tinitigan ko siya ng masama.
"Sige pa sir. Akala mo ikaw lang marunong ha? Sa tingin mo din papatulan din kita? Asa ka! Hindi lang ikaw ang lalaki dito sa earth noh. Kahit ikaw na lang ang natitirang guwapo rito ay hindi din kita papatulan. Pero ang guwapo mo talaga," sabay tili nito.
Napalabas tuloy ang mga ngipin kong pantay-pantay dahil sa inis ko sa kan'ya. Kulang na lang ay itapon sa dagat ang babaeng kulot na ito.
"Bye honeybunch," sabay kindat nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at galit na umalis pabalik sa loob. Kailangan kong maglasing ngayon para lang kalimutan sa isip ko ang makulit na si Lolita.
Kinabukasan, medyo nalate na ko ng gising. Bumangon ako agad para asikasuhin si Tantan. Ngunit nang silipin ko siya sa kuwarto niya ay malinis na ang kama.
Tinungo ko agad ang kusina at baka sakaling naroon ito kumakain subalit wala rin siya rito.
"Sir, maaga po umalis si Tantan kasama niya yung babaeng kulot at mukhang excited po si Tantan na pumasok sa school. At heto nga po pala, may isang maliit na bilaong kakanin na bigay niya. Para sa inyo daw po at kay Tantan," turo niya sa mesa. Nakabalot pa ito sa plastic wrapper at may pink ribbon pa na nakatali doon.
Tiningnan ko ito at may smiley notes pa itong nilagay.
"Bhebheloves..." Sabay ngiwi ko nang mabasa ko ito. Kinuha ko ito at pinunit saka ko itinapon sa basurahan. "That jerk!" singhal ko habang nakatukod ang mga kamay ko sa mesa.
Para siyang bata dahil sobrang kulit niya. Sakit sa ulo, sa loob loob ko.
Paalis na din ako ng mansyon at patungo na sa aking trabaho. Nakatanggap na lang ako ng mensahe at mukhang sa messenger nag pop up ang mensaheng iyon dahil iyon ang tunog ng aking ringtone sa messenger ko. Nang iopen ko na ito ay bumungad sa akin ang dalawang larawan.
"What the f*ck!" Napamura ako agad dahil kahit saan man ako ay may paraan pa din si Kulot para lang makita ko siya kahit sinabi ko na itong huwag siyang magpapakita sa akin araw-araw. Paano ko pa siya papagalitan nito? Ayoko naman na pati sa cp ay awayin ko siya.
Napangiti na lamang ako rito nang makita kong nakangiti na ang aking anak kasama ang tinatawag niyang mommy na si Kulot. Masaya na ko at naalis na ang pangangamba ko dahil pumapasok na ito sa school.