Chapter 5

1524 Words
DREVON "Daddy ayaw ko po rito sa school. Please... Iuwe niyo na po ako," nahihikbing saad ng aking anak nang maihatid ko siya sa rito school. Paalis na din sana ako at kailangan ko na rin bumalik sa trabaho pero nahinto ako nang marinig ko siyang umiiyak. Binalikan ko siya. Lumuluha ito habang siya ay nasa b****a ng pinto. Nasa tabi naman niya ang kan'yang guro at nag-uumpisa na naman niyang awayin ito. Kinaraga ko agad ang aking anak at napayakap siya agad sa akin. Ngumiti ako sa guro niya. "Ako na ang bahala sa kan'ya teacher," ani ko. Ngumiti siya. "Sir, kung okay na siya at gusto niyang bumalik rito. Welcome pa rin si Tantan dito sa school." "No! Ayoko!" Agad na sagot ng aking anak. Bumuga ako ng hangin sa aking bibig. Ayaw na talaga pumasok ni Tantan sa school at hindi ko alam ang kan'yang dahilan upang magkaganito siya. "Iuwe ka na muna siya teacher. Kakausapin ko muna siya kung ano ang gusto ni Tantan." "Sige sir... Bye Tantan," paalam niya sa anak ko. Tipid akong ngumiti bilang pagtugon ko rito. Umalis kami ni Tantan at agad kong tinungo ang sasakyan. No choice kundi ang isama na naman siya sa trabaho ko. Ganito kami palagi ng anak ko. Kung ayaw niya talagang pumasok ay hindi ko naman siya mapipilit na pumasok dahil aawayin niya lamang ang kan'yang guro. "Anak, busy si dad mamaya okay. Kay ate Cherry ka muna dahil may meeting ako okay. Gusto mo bang mamasyal kasama siya?" Tumango siya at hindi na naman ito umiimik. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensiya para sa anak ko. Pero minsan kapag nasosobrahan niya na, sa bar ako nagbubuhos ng sama ng loob. Madaling araw na din akong dumarating ng mansyon sa tuwing ako ay naglalasing. Naiyak na lamang ako sa tuwing tinatabihan ko si Tantan dahil naaalala ko lang si Wendy. Alam kong namimiss niya na ang ina nito kaya siguro ito ang dahilan ng pag-iba ng ugali ng aking anak. Hindi ko din alam kung paano ko rin sasabihin sa kan'ya na hindi ko na kailangan ng babaeng makakasama habang buhay ngunit ito ang magiging sagot upang maging masaya ulit si Tantan. Parang ako pa ang nahihirapang mag adjust pero susubukan ko alang-ala sa kasiyahan ng aking anak. Narito na kami agad sa building na pagmamay-ari ko. Hawak ko ang kamay niya nang kami ay papasok. Wala man lang ako makitang tuwa sa mukha niya kahit ako na ang kasama niya. Nakakadala ng lungkot. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa trabaho ko sa tuwing nakikita ko sa isip ko ang malungkot niyang mukha. "Daddy naiihi po ako," ani niya. Malapit na din kami sa mismong opisina ko. Maaga pa naman ang meeting ko ngayon at baka hindi na ko makahabol. "Tantan anak, kay ate Cherry ka muna magpasama okay. Diba sinabi ko na kanina na may meeting ako ngayon?" Sumimangot na naman ito. Yumukod ako upang magpantay ang mga mukha namin sabay buga ng malalim na hininga sa aking bibig dahil sa pagkatahimik na naman niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kan'ya. "Sige, bilisan na lang natin." Kinarga ko siya ngunit nakita ko agad si Cherry ang aking secretary. "Tantan, halika muna. May dala akong malaking lollipop," na nakatago sa likod nito. "Charan...." Nakangiti niyang sambit. Umawang ang ibabang labi ko dahil sa sobrang laki ng lollipop niya. Kinuha naman ng anak ko iyon at bumaba. "Daddy, magmeeting na po kayo," ani nito. Tinapunan ko ng masamang tingin si Cherry. Pero nag peace sign naman ito sa akin. Hinayaan ko na lamang ito dahil kailangan ko na din pumasok sa conference room at mag-uumpisa na ang meeting namin. Saglit lamang ang meeting namin kaya mamaya ay matatapos na din kami. Lumipas ang kalahating oras, natapos din ang aming meeting. Bumalik ako sa aking opisina ngunit wala naman dito ang aking anak. Dinayal ko ang number ni Chery. Nagring naman ito at agad na sinagot naman niya ang tawag. Ipinasyal lang niya saglit ang bata nang makausap ko ito upang hindi ito mabagot sa pag-aantay sa akin. Napangiwi na lang ako nang matapos kong makausap si Cherry. "Anong gagawin ko na sayo Tantan? Imbes sa school ka nag-aaral pero heto ka at papasyal-pasyal lang," ani ko rito at napahilamos sa sarili kong mukha habang narito ako nakaupo sa aking swivel chair. Ibinuhos ko na lamang ang sarili ko rito sa pagtatrabaho at hindi ko na namamalayan ang paglipas ng mga oras. Pananghalian na ngunit may ginagawa pa din ako. Nang biglang bumukas ang pinto. Dinig ko na ang boses ng aking anak ngunit nakafocus ako sa ginagawa ko rito. Hindi ko magawang lingunin at tila ba ang boses niya ay parang kakaiba ito. Nang marinig ko na lang na tumawa ang anak ko. Bigla ang paglingon ko. "Pogi!" natutuwang sambit niya na halos mabitawan ko na ang aking hawak na ballpen. Kumikinang pa ang mga mata niya nang makita niya ko. Para yatang humiwalay ang kakuluwa ko sa katawang lupa nang makita ko siya kasama ang aking anak pero masaya naman ang anak ko habang magkahawak kamay silang dalawa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko na kasama ng anak ko yung babaeng kinaiinisan kong makita. Anong nangyari sa anak ko at ano ang ginawa niya para mapasaya niya ito? "Pogi may love," at napahagikhik pa ito nang patungo siya rito sa office table ko. Napatayo ako agad at nasusuka ako nang tawagin niya ko ng my love. "Buwisit!" singhal ko. "Daddy, what's wrong with you?" Pero napatakbo na lang ako sa loob ng aking silid. May sarili naman akong kuwarto rito. Dito ako nag stay minsan kapag ginagabi na ko sa pag uwe sa tuwing marami akong ginagawa. "Dad," sabay katok ng aking anak mula sa pinto. Nagmukha tuloy akong bata sa ginagawa ko dahil lamang sa kagustuhan kong iwasan ang babaeng ito. "Please daddy, I want to talk to you," ani nito. "Pogi my loves. Lumabas ka na kasi riyan. Hindi naman kita kakainin eh. Gusto lang naman kitang titigan," ani niya pa na parang baliw siya na ewan. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pa buksan ang pinto. Bumungad sa aking harapan ang babaeng kulot na na kaylawak ang kan'yang pagkakangiti. Napatingin ako sa anak ko na nakakunot ang noo nito. Ngumiti ako sa kan'ya. "Son, bakit mo ba kasama ang babaeng iyan at isinama mo pa siya rito?" Matagal ito bago sumagot at tila may mga bagay na gustong iparating sa klase ng kan'yang pagtitig sa akin. "Daddy, gusto ko po kasi siyang maging mommy." "Ano?" Sabay na bigkas namin ng babaeng kulot na halos magulat kaming dalawa. "But son? Hindi pwede 'yang gusto mo," giit ko. Nalungkot si Tantan pagkasabi ko sa kan'ya. Pero yung babae ay nashock pa rin sa sinabi ng anak ko. Masama ko siyang tiningnan nang sulyapan niya ko pero hindi ko nakita sa mga mata niya na hindi ito masaya. Ganito naman ang gusto niya? Bakit siya pa itong may ayaw? Pero gayunpaman ay hindi ko rin siya gusto na maging asawa. Binalingan niya ng tingin si Tantan at masuyong hinaplos nito ang ulo ng aking anak. "Tantan... Sigurado ka ba sa sinasabi mo na gusto mo kong maging mommy?" "Opo, gusto po kitang maging mommy eh." "Pero Tantan... Hindi pwede na ako ang maging mommy mo," tanggi niya. Lumukot ang labi ng anak ko at tila nasaktan siya sa sinabi ni kulot. Tinitigan niya ng matagal ang babaeng kaharap niya at doon na lamang siya umiyak ng husto. Tumakbo ang aking anak. "Tantan!" tawag ko ngunit nakalabas na siya rito sa opisina. Hinabol naming dalawa ang aking anak ngunit mabilis siyang nakasakay ng elevator. Sumakay na din kaming dalawa ni kulot na tila kinakabahan pa siya. "Sorry kung nasaktan ko ang anak mo. Nabigla lang kasi ako eh. Hindi ko talaga iniisip na gusto niya kong maging mommy niya," ani nito na may panginginig ang boses nito. "So, ikaw ba ang babaeng kasama niya sa hospital at ikaw din yung nagbigay ng bracelet sa kan'ya?" Marahas ko siyang tinitigan nang magtama ang aming mga mata. "Oo," sagot niya. Mariin kong hinawakan ang baba niya. "So... Kung ikaw man iyon? Iwasan mong makipagkita sa anak ko. Kung iniisip mong gusto kita na maging ina para sa anak ko.... Hindi ko yata kayang sikmurain kung ikaw ang magiging asawa ko. Kahit na ikaw pa ang natitirang babae sa mundo ay hindi kita papatulan," galit na ani ko sabay waksi ko sa baba niya at saktong bumukas naman ang pinto ng elevator. Nauna akong lumabas at nakasunod lang siya sa akin. Nakita ko na agad ang aking anak na hawak ng mga guwardiya. Nagpupumiglas ito habang umiiyak. "Tantan... Tama na," pang-aalo ko sa kan'ya ngunit pati din ako ay inaaway din niya. "I hate you daddy. I hate you din!" Na halos mabulol na ito sa kakaiyak niya. "Ayaw na kitang makita. Umalis ka na po," nahihikbing saad ng aking anak kay kulot. "Tantan... I'm sorry," saka niya ito niyakap at hinalikan pa niya ito sa pisngi. Matagal niya itong niyakap at hindi ko alam na umiiyak na pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD