Chapter 4

1543 Words
DREVON "Drevon! What happened?" Napuna agad ako ni kuya. Halos hindi maipinta ang mukha ko nang makita niya ko pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ng aking anak. Gising na si Tantan nang makita ko ito sa hospital bed. Nginitian ko siya pero gaya ng dati ay hindi man lang ito ngumiti sa akin. Hinalikan ko na lang siya sa noo nito saka umupong nakadekwatro sa sofa. Bumuga ako ng hangin sa aking bibig pagkaupo ni kuya rito. "Nariyan pa ba siya sa labas kuya?" Tiningnan niya ko na parang gusto niya kong pagtawanan. "Ikaw na ba yan Drevon? Hindi ba ito yung gusto mo? Babae na yung lumalapit sayo," mahinang sabi niya rito at baka marinig ni Tantan ang pinag-uusapan namin. "Dati pa iyon kuya. Nagbago na ko ngayon. Sa lahat ng ayaw ko, yung mga babaeng habol ng habol sa akin. Kaya ganun ang reaksiyon ko nang makita mo ko kanina. Damn that b***h!" Pigik na natawa ang kuya ko sabay iling nito. Wala akong magagawa kasi sanay na kasi siyang nakikita akong may mga babae araw-araw pati sa mansyon nila mom ay hinahunting nila ako. Kaya minsan, pinapagalitan ako ni dad dahil sa mga kalokohang ginagawa ko noon. "Oh siya, ikaw na muna ang bahala rito. Uuwe muna ko. Mamaya ay pwede mo ng ilabas si Tantan," ani nito. "By the way, may ibang gamot na hindi ko nabili dito. Naubusan ng stock ng gamot ang hospital dito. May malaking pharmacy diyan sa labas na malapit lang dito at doon ka na lang bumili," paalala nito. "Sige kuya, salamat." Nagpaalam muna si kuya kay Tantan bago ito umalis kaya naiwan na lang kaming dalawa dito. Tinabihan ko siya rito mula sa pagkakaupo niya malapit sa headbord ng kama habang haplos ko ang buhok nito. "Kumain ka na ba Tantan?" tanong ko. Tiningnan niya ko. "Tapos na po daddy." Tipid akong ngumiti. "Kamusta ang ininject sayo?" Kumurap ang mga mata nito. "Sa una po natakot ako. Pero sinamahan ako ni ate ganda para hindi ako umiyak," sagot nito. Nagtaka ako. "Sinong ate ganda?" Tumingin siya sa gawi ng pintuan. "Secret po daddy. Akin lang siya," sagot nito saka niya ko tinalikuran at nahiga na siya. Umawang ang ibabang labi ko sa sinabi ng anak ko. Ang anak ko, may nagugustuhan na? Napailing na lang ako rito. Marunong na bang manligaw si Tantan? Bakit kailangan niya pang ilihim ito sa akin? "Tantan anak," tawag ko ngunit natutulog na naman ito nang makita ko. Napabuga na lamang ako ng hangin sa aking bibig. May pinagmanahan talaga ang anak ko. Lumabas ako ng silid ng aking anak. Kailangan ko na din bumili ng mga gamot na nireseta ng Doctor sa kan'ya. Ibinilin ko naman siya sa isang nurse para bantayan ang aking anak. Tinungo ko agad ang nag-iisang Pharmacy na malapit rito sa hospital. After 10 minutes ay nakita ko na agad ito. Nahinto na lamang ako nang makita ko ang kanilang suot na uniporme dahil ganito din ang uniporme ng babaeng sunod ng sunod sa akin kanina. Damn it! Heto na nga ba ang sinasabi ko nang makita niya ko. Kaylawak ng ngiti niya na halos makita ko na ang gilagid ng ngipin niya nang makita niya ko. "Pogi!" Nagtititilingtawag niya sabay takbo niya rito. Binangga niya pa yung babaeng mag-aassist sana sa akin. "Anong gamot ang sayo pogi? Gamot ba sa sakit ng puso? Aba! Meron kami niyan," sambit nito na impit siyang kinikilig. "Hoy Tet, umayos ka nga," ani ng isa nang sikuhin siya nito ngunit wala talaga siyang pakialam kahit kurutin pa siya nito. Sinamaan ko siya ng mga mata ko. Hindi ko na ito binalingan ng tingin. Damn this b***h girl. Naririndi na ko sa kan'ya. "Miss, heto ang mga gamot na bibilhin ko," sabay abot ko sa isang babae na katabi niya ngunit hinablot niya lang ito sa kan'ya at napunit ang papel. "What the hell you are doing b***h?" Nagalit ako dahil sa ginawa niya. "Nakapag-aral ka ba o hindi? Kahit siguro bata ay alam ang tama sa hindi. Hindi ka naman siguro tanga para gawin itong bagay na ito. Useless yang ganda mo kung hindi mo naman alam gamitin 'yang utak mo," singhal ko na halos natulala na ito dahil pinagalitan ko siya pro wala akong pakialam kung masaktan siya. "Ah... Sir, ako na ang bahala sa napunit na papel. Mababasa ko naman ito," ani niya. "Tet, halika na muna rito," ani ng kasamahan niya at kinuyog niya ito mula sa section C. Napahilamos na lang ako ng sarling kong mukha. Alam kong nasaktan ito pero hindi ko na alam ang gagawin ko sa kan'ya para lang iwasan at layuan niya na ko. Pero alam kong mali iyong ginawa ko na dapat ay sinabi ko na lang ito ng maayos. Pagkabigay niya ng gamot sa akin. Hindi ko na nakita yung babaeng kulot. Gusto ko sanang tanungin kung okay lang ba siya pero naalala ko na lang ang aking anak at baka magising pa iyon na wala ako sa kan'yang tabi at baka umiyak lang ito. Bumalik ako agad ng Hospital at dala-dala ang mga pinamiling mga gamot. Pagkarating ko rito ay gising na si Tantan. Mabuti at hindi siya umiyak na wala ako sa tabi niya. Ngumiti ako sa nurse pagkapasok ko. Pero may isang bagay akong nakita na hawak-hawak ni Tantan at nagpapatulong sa nurse na isuot sa kan'ya ang isang bracelet. "Sino nagbigay 'yan anak?" Tanong ko. "Secret po daddy," napailing na lang ako. Ayaw niya talaga magsabi sa akin. "Sir pwede na po kayong lumabas. Bayad na po ang bills niyo," ano nito at alam kong si kuya na ang nagbayad ng bills. Pauwe na kami ngayon ni Tantan. May pasok na naman siya bukas at ako naman ay kailangan ko na ding bumalik sa trabaho. Sana ay magbago na siya ngayong may nagpapasaya na sa anak ko. Pero sino kaya ang babaeng iyon? Pagkarating namin ng mansyon ay sinalubong kami agad ng mga bata. Narito ang mga anak nila ate Tala kasama ang asawa nito. Nasa loob na ng mansyon siguro sina mom at dad dahil sa tuwing linggo ay narito sila para makita si Tantan. "Kamusta Drevon?" Tanong ni kuya Yael na asawa ni ate. Siya yung kuya ko na taga-hanap ng pwedeng magtutor sa anak ko ngunit lahat na lang ay inaaway ng aking anak at walang nagtatagal na guro para turuan ang nag-iisang anak ko. Sa ngayon ay wala pang mahanap si kuya kaya sa school muna siya papasok bukas. "Okay lang kuya. Kinakaya pa naman," sagot ko. Inabutan niya ko ng isang bote ng alak. "Inom muna tayo," ani nito at narito kami sa labas ng mansyon habang may hawak kami na tig-isang bote ng alak. "Kamusta ang lovelife mo? Wala ka na ba talagang balak na mag-asawa? Baka iyon ang sagot para sumaya ang bata," ani nito. Umiling ako habang sa pool ako nakatingin. "Wala na sa akin ang maghanap ng babae para lang may makasama habang buhay. Tama na sa akin si Wendy," sagot ko. "Tsk! Kawawa naman si manoy kung ganoong papatayin mo na din 'yan. Saka huwag kang magsabi ng gan'yan. Paano kung gusto ng anak mo na magkaroon ng bagong mommy? Mapagbibigyan mo kaya siya?" Napaisip na lang ako. Wala na talaga sa vocabulary ko ang maghanap ng babaeng mapapangasawa ko. Pero kung ito lang ang nais ng anak ko. May chance na pwede pa siyang magbago. Naubos na din namin ang tig-isang bote ng alak. Binalak na din naming pumasok sa loob pero nadatnan na lang namin na may isang katulong ang umiiyak. Kinakausap siya ni mom at tila nasaktan ito. "Anong nangyari mom?" Nakasimangot ito at impit ang pagngiti nito. "Alam mo na Drevon kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung gaano kaimportante ang bagay na ito kay Tantan," ani nito nang ipakita niya sa akin ang bracelet na napigtas. "Anong nangyari sa bracelet mom?" Kinuha ko ito sa kan'ya at nakita ko na lamang na parang pamilyar ang bracelet na ito. Pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. "Hindi sinasadya ni Pasita na mapigtas ang bracelet na yan nang magkasalubong sila sa daan. Sumabit ito sa suot niya kaya ito napigtas," paliwanag ni mom. Marunong na talaga magpahalaga ng bagay ang aking anak ngunit hindi na tama itong ginagawa niya na halos awayin naman niya ang mga taong narito. Lumalaki na itong walang respeto at iyon ang kinakatakot ko sa kan'ya at dalhin niya ito hanggang sa paglaki niya ang pag-uugaling nakagawian nito. Ayaw kong dumating yung araw na isumbat niya sa akin dahil sa ginawa kong mali sa mag-ina ko. Pinuntahan ko ang aking anak sa sarili niyang silid habang hawak ang isang bracelet. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatulala lang ito. Tinabihan ko siya at inakbayan saka ko siya isinandig sa aking katawan. "Anak, ano ang dapat gawin ni daddy para sumaya ka?" Tumingin siya sa akin. Tinitigan niya lang ako saka ito yumuko. Matagal bago siya sumagot. "I want a new mommy," ani nito na tila nabingi na yata ako. Paano ko pa mabubuksan ang puso ko kung gayong nangako na ko sa puntod ni Wendy na siya lang ang huling babaeng mamahalin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD