Chapter 3

1535 Words
DREVON "Kuya, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Hindi pa tapos ang meeting ko dito dahil nagkaroon ng problema sa kompanya. Please kuya, susunod na lang ako pagkatapos ko rito," ani ko mula sa kabilang linya at si kuya ang kausap ko. "Oh siya sige... Mabuti na lang at kalaro niya si Mat. Napakahirap pa naman suyuin kapag hindi yung anak ko ang sumusuyo sa kan'ya," sagot nito. "Hindi ko na nga rin alam kung ano ang gagawin ko sa anak ko. Halos ginawa ko na ang lahat para maibigay ang kasiyahan sa kan'ya pero wala talagang nangyayari eh. Walang improvement kuya. Minsan iniisip ko na lang na sukuan siya pero hindi pwede kasi anak ko siya," sabay singhap ko rito. "Huwag kang sumuko Drevon. Alalahanin mo, siya na lang ang natitirang meron sayo. Tiisin mo na lang muna ang bata. Ipakita at ipadama mong mahal mo siya para maramdaman iyon ng anak mo," turan nito sa akin. "I will kuya and thanks sa pagpapaalala." "Okay, hintayin ka na lang namin rito," sabay end ng call. Napabuga na lamang ako ng hangin sa aking bibig. Hindi ko sinabing narito ako sa puntod ni Wendy. Minsan, dito na din ako nag stay sa tuwing gusto kong magpalipas ng gabi rito. Dito na ko natutulog minsan. May tent naman ako rito at may dala ding alak. Kaya minsan ay napapatruoble na lang ako rito dahil sa ilang mga taong dala na rin ng kalasingan nila. Malalim na din ang gabi. Narito na ko sa loob ng aking tent. Nakakatulog naman ako ng maayos riito sa tulong ng alak na iniinom ko. Bigla na lamang akong lumuluha sa tuwing naaalala ko si Wendy kung paano ko sila pinagtabuyan. Sa una ay hindi ako naniniwalang may anak ako sa kan'ya pero nang dumating ang resulta ng DNA at nalaman kong tunay ko ngang anak si Tantan ay doon biglang naglaho si Wendy. Hindi ko alam kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito. Hindi ako naniniwalang namatay siya sa sakit. Alam kong may iba pang nangyari sa kan'ya at iyon ang inaalam ko sa ngayon kung saan siya huling nakita. Sinisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala ni Wendy at doon ko na itinigil ang pambabae ko dahil sa nag-iisang anak namin ni Wendy. Buong buhay ko ay ibinuhos ko ang oras at panahon para sa nag-iisang anak namin. Gusto kong punan ang pagkukulang ko sa kanilang dalawa ngunit huli na ang lahat. Nagkamali ako, dahil doon ko na din narealize na mahal ko na pala si Wendy. Sobra akong nagpakatanga at nabulag dahil sa mga babaeng umaaligid sa akin. Pero ang mga taong lagi akong iniiyakan na laging nariyan ay hindi ko man lang magawang pansinin. "I'm sorry Wendy... Kahit wala ka na. Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang babaeng magiging huli ko. Pinapangako ko 'yan sayo at sa anak natin. Hindi na ko magmamahal muli dahil ito ang naging dahilan dahil ni minsan ay hindi ko man lang kayo nagawang tanggapin noon. I'm so sorry." Napaluha na lang ako rito habang nakapikit ang aking mga mata. Gusto kong makalimutan ang sakit na nadarama ko. Pero habang buhay ko ng dadalhin ang kasalanan ko sa ina ng aking anak. Kinabukasan, napabalikwas ako ng bangon rito nang tumunog ang cp ko. Tinatawagan na ko ni kuya. Agad na sinagot ko ang tawag ngunit biglang nalowbat ang phone ko. "Sh*t! I need to go. Nakalimutan ko na ang anak ko," bulalas ko rito. Nagmadaling tiniklop ko ang tent. Patungo na ko sa aking sasakyan at sumakay agad pagkalagay ko ng tent sa loob ng compartment ng aking sasakyan. Pinaharurot ko ang sasakyan at Patungo na ko sa Saint Lukes Medical Center. Kalahating oras lang naman ay narating ko na agad ito. Pababa na ko ng sasakyan at hindi inaasahang may isang babae ang natamaan ng pintuan ng sasakyan pagkabukas ko. "Aray! Buwisit! Ang malas naman ng paglabas ko. Kalalabas ko lang ng hospital ay heto na naman ako. Matitigok na yata ako ng tuluyan," reklamo nito. Hindi ko na nagawang tulungan ito dahil nakatayo naman siya. Bahagyang nakatayo lang ako rito sa gilid na aking sasakyan dahil nakaharang siya sa daraanan ko. Naiinis ako sa pag-aantay ko rito dahil hindi man lang ito tumabi. Doon pa naman ang way ko. Pinapagpag niya pa ang ang narumihang pink bag nito. Pink din ang suot ng kan'yang damit. Mahaba at kulot ang kan'yang buhok. "Buwisit talaga ng may gawa nito. Kakarmahin din siya," ani niya at bigla na lang itong natulala nang makita niya ko. Halos abot tenga ang ngiti nito at tila kinikilig ito habang nagpapacute ito sa akin. Bahagyang nilapitan niya ko. "Wow..." Nagagalak na ani niya pagkakita niya sa akin. Pati ang mga mata nito ay tuwang tuwa dahil hindi na niya nilubayan ang pagkakatitg niya sa akin. Oo, natatandaan ko din ang batang ito. Siya yung nasa Police Station. "Ikaw... Ikaw yung lalaki kahapon," nakangiti nitong sambit. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya. "Pogi, saglit!" tawag nito sa akin na alam kong hinahabol niya ko. "Anong pangalan mo?" Sabay beautiful eyes nito sa akin habang naglalakad at patungo na sana ako ng entrance. Hinarangan niya ko sa dinadaanan ko Naningkit ang mga mata ko sa ginawa niya. Bahagyang yumukod ako at pinanlisikan siya ng mga mata ko ngunit nakangiti pa din ito. "Itigil mo na ang kakasunod mo sa akin kulot, okay." "Bakit," tanong niya. Nag-igting ang aking panga kung bakit kailangan ko pa siyang kausapin. Bumuga ako ng hangin sa aking bibig habang nakatitig lang sa mga mata niya. "Beacause I don't f*cking care of you. And please! Huwag mo na kong kakausapin," na kinaigtig pa ng aking panga. Kahit galit na ko rito ay nakangiti pa din siya. "Grrrr..." gigil na sabi ko at kulang na lang ay ilagay ko siya sa compartment ng aking sasakyan. Nilagpasan ko na siya nang daanan ko ito ngunit nakasunod pa din ito sa akin. "Pogi sige na, sabihin mo na pangalan mo please at aalis na din ako. Please," at nagbeautiful eyes pa ito habang sinusundan niya ko papasok ko ng entrance ng hospital. Hindi ko siya pinansin at diretso lamang ako sa paglalakad habang siya ay nakatalikod sa dinadaanan niya dahil sa akin siya nakaharap. Patalikod siya kung maglakad kaya nabunggo niya ang isang lalaking nurse. Napailing na lang ako dahil sa kapabayaan niya sa sarili nito. Patungo na ko sa private room ng aking anak pero hindi ko inaasahan na nakasunod pa din ito sa akin kahit takasan ko na siya. "What the f*ck!" Na halos mapahilot na lang ako ng aking sentido. Kahit nakikita na niya kong galit ay nakangiti pa din ito. "Hello pogi," natutuwang ani niya na parang isang bata at pati ang mga mata nito ay kumikinang na din sa tuwa. "Ano sasabihin mo na ba yung pangalan mo please..." Parang bata ito na namimilit na magpabili ng ice cream. "Kung ayaw mong sabihin. Magpicture na tayong dalawa para makaalis na ko," ani nito at inilalabas niya na ang cp niya. Mariin kong hinawakan ang kamay nito at kinaladkad siya patungo sa hallway na walang gaanong taong dumadaan dito. Malakas na isinandig ko siya sa dingding na malapit lang sa may hagdan at mariin kong tinakpan ang bibig nito. Pinanalisikan ko siya sa mga mata ko habang nakatitig lang ito sa akin. "Tigilan mo ko sa kakasunod mo sa akin at huwag kang umasa na papansinin kita. Hindi ka na siguro 3 years old para hindi maintindihan 'yon o mas nakakaintindi pa siguro ang 3 years old baby kaysa sayo. Now, once na makita pa kita na sumusunod sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka," sabay tanggal ko sa pagkakatakip ko sa bibig niya at sa pagkakahawak ko sa isang kamay niya. Hindi man lang ito natakot sa sinabi ko dahil nakangiti pa din siya sa 'kin. Nakatitig lang siya sa mga mata kong nanlilisik. Kumunot ang aking noo sa babaeng kaharap ko. Ito na yata yung babaeng pinakamakulit na nakilala ko sa balat ng lupa na kahit pagalitan ko na ay nakangiti pa din ito. Kinabahan ako sa babaeng kaharap ko. Ibang klaseng kaba na ngayon ko lang naramdaman. "Wow," nakangiti pa rin niyang sambit. Rumehistro sa mukha ko ang pagtataka habang nakatitig ako sa mga mata niya. "Ang guwapo mo pa rin kahit galit ka na sa akin. Gan'yan na gan'yan talaga ang mga lalaking hinahangaan ko. Yung mga lalaking masungit ang dating. Kaya unang kita ko na sayo kahapon ay nagustuhan na kita," ani niya na kinagalit ko ng husto. "Ugh!" gigil na saad ko na halos magsilabasan na ang nagpapantayan kong mga ngipin. "Ayaw na kitang makita. Leave me b***h!" sabay tulak ko sa kan'ya na muntikan na itong mahulog ng hagdan at wala akong pakialam kung mahulog man siya. Iniwan ko na siya at mabilis kong nilakad pabalik sa private room ng aking anak ngunit nang marinig ko ang mga yabag at ang kan'yang boses na nakasunod pa din siya sa akin ay halos maubusan na ko ng pasensiya kung hindi lang talaga lumabas ng silid si kuya. Damn it! I hate this girl, na halos isumpa ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD