TERESA Biglang sumakit ang aking tiyan kaya hindi ko tuloy nakausap si Lester ng maayos. Pabalik balik ako sa banyo kanina at hanggang ngayon ay masakit pa din ito. Uminom naman ako ng gamot at tila hindi naman ito tumatalab. "Nariyan pa ba si Lester ha Steve?" Tanong ko habang namimilipit sa sakit ang aking tiyan. Narito ako sa loob ng banyo habang nakaawang ng konti ang pinto. "Oo, nariyan pa siya sa sala. Pwede ba ate. Isarado mo ang pinto. Ang baho eh," sabi nito habang narito siya sa aking silid. Hawak pa niya ang ilong nito. Nag-aalala na kasi siya sa akin kaya siya sumunod. "Sabihin mo, umuwe muna siya. Hindi ko muna siya mahaharap na kausapin siya." Parang naiiyak na ko rito dahil laging hinahalukay ang aking tiyan. Tapos konti lang naman ang lumalabas na dumi sa akin. "Sige

