Callousheart 8

763 Words
chapter 8 Dahil sa nababadyang pagputol muli ng mga paa ng kanyang ama.Sumariwa sa kanyang ala ala ang panahong kinailangang putulin ang kaliwa nitong paa,apat na taon na ang nakararaan. Na nakapagpabago sa kanya. "Dad, kain kana po lalamig na po ang pagkain nyo." ani ni Threena na aktong susubuan sana ang ama. Biglang tinabig nito ang kamay ni Threena at tinapon ang pagkain. "Bingi ka ba! Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ng ayoko. Pesting buhay to!", galit na sagot ng ama. "Dad, Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Ako din po. Hindi pa kayo baldado, may kamay pa kayo para gumawa ng gusto nyo. Para sumubo mag isa, hindi yung sinusubuan ko pa kayo. May isa pa kayong paa para makatayo at makapaglakad. Hindi lang kayo kahapon naputulan, isang taon na po. Ginawa nyong isang taong miserable ang buhay nyo ang buhay natin. lagi kayong nakasigaw, lagi kayong nagmumura, ubos na ang gamit natin sa bahay na ito dahil binabasag nyo. Si ate at kuya, nilayasan na tayo dito, nagkanya kanya na ng buhay dahil hindi na kayo matiis." Nangingiyak na sagot ni Threena sa kanyang ama. "Kung nagsasawa ka, pwede ka na ding umalis kasama ng mga kapatid mo. Iwanan mo na kami ng mommy nyo hindi namin kayo kailangan!'' galit na sagot ng daddy. "Sigurado ka ba dad na kaya mong alagaan si mommy? sigurado ka bang kaya ka ding alagaan ni mommy? Alam mo ang sakit ni mommy noon pa. Bago ka magkaganyan ilang beses na nating sinugod si mommy sa hospital dahil sa kondisyon nya sa puso. Ngayon kaya mo ba syang dalhin, e kung ikaw nga hindi makatayo sa wheelchair na yan!" Dumating si momy evelyn galing sa tindahan nang marinig nya ang sigawan ng kanyang mag ama. "Threena, dad, ano na namang nagyayare? Fred, nag iisang anak nalang natin ang nagtatyaga satin, inaaway mo pa", saway ni mommy eve sa asawa. "Mayabang ang anak mo! Ano porket lumpo na ako? ganyan na kaliit ang tingin mo!" sagot ni Fred. "Hindi ganun dad, ang akin lang, hindi lang kayo ang nahihirapan!" umiiyak na sagot ni Threena. "Lumayas ka!" sigaw ni Fred. "Fred," awat ni momy eve Walang ano ano ay lumabas ng pinto si Threena. "Threena",awat ng ina "Pabayaan mo sya!" sigaw ni Fred Walang planong lumayas si Threena, nais lamang nyang magkaroon ng kapayapaan,Babalik din sya agad kapag naging mahinahon na ang lahat. PASTORA VIVIENE, nasa bahay po ba kayo? pwede po b ako pumunta?" tawag nya sa kanyang pastora. "Nako anak nasa mindanao kami, nasa misyon pero pwede kang pumunta sa bahay." sagot ni kanyang pastora. "Pastora may gusto po akong sabihin, umalis po kasi ako ng bahay...." sagot ni Threena. "Threena, threena wait lang, may important meeting lang ako, tawag ako mamaya" putol ng kanyang pastora. "Sige po ok lang", sagot sabay off ng cellphone.Naupo na lamang sya sa isang tabi at tumangis ng sobra.Ilang mga malalapit na kaibigan na din ang kanyang tinawagan ngunit lahat sila ay busy. Hindi nya matawagan ang kanyang ate at kuya dahil masama ang loob nya dito dahil sa pag iwan sa kanila. Nagring ang phone nya at nang makita ay number ito na hindi familiar sa kanya.. "hello po? sino ito?" tanong Threena. "Threena, asan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Si nanay lourdes mo ito. Ang mommy mo sinugod namin sa hospital magmadali ka. Daddy mo nagbigay ng number mo," natataranatang sagot ni nanay lourdes na kapitbahay nila. "Po?!, Sige papunta na ako. thank you nay. Mabilis na tinungo ni Threena ang emergency room ng St.Bernard hospital nakita nya doon ang kanyang daddy na inaabot ang kanyang kamay na hinawakan naman ni Threena. "Threena ang mommy mo, inatake uli sa puso," nag aalalang sagot ni daddy Fred. "Sorry anak." dugtong ni daddy Fred. "Ok na dad, kamusta si mommy?" pag aalalang tanong ni Threena. Biglang dumating ang doktor at hinarap silang mag ama. "Ms.Alonzo, daddy''. Ani ng doctor "Doc ano pong lagay ni momy?" "Hindi ok, unresponsive ang patient. Kailangan nyang mag undergo ng ilang mga test kung kailangan syang operahan.Mr. Alonzo, tatapatin ko po kayo, hindi stable ang lagay nya, anytime pwede bumigay ang kanyang puso." ani ng doktor. "Doc, gawin nyo po lahat ng makakakaya nyo maligtas lang ang mommy ko. Doc Pls.." pagmamakaawa ni Threena. "Gagawin po namn ang makakaya namin", tugon ng doktor. Bumaling si Threena sa amang nagsisisi at nag aalala at niyakap nya ito. "Ok lang dad, magiging Ok din si mommy", pag alo ni Threena sa amang balisan ng kanyang madatnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD