chapter 7
Ngiti ang tinugon ni Threena, "loves ko kasi kayo. Pero ma, paano kung ayaw ko ng mag asawa. Anak nalang. Ok lang ba sa inyo yun?" Tanong ni Threena.
"Bakit ba ayaw mong mag asawa? Maganda ka naman?" Tanong ng kanyang daddy.
"Oo nga naman anak. Mahirap mag isa. Mahirap ang walang katuwang." Dugtong ng kanyang momy.
"Ma, sa ilang taon, simula ng magkasakit kayo ni daddy nakayanan ko.Wala naman si kuya at ate na naging katuwang ko.Siguro naman kakayanin ko." Tugon ni Threena.
"Ikaw bahala anak. Andito lang kami ng daddy mo". Sagot ng kanyang mommy.
"Pero paano naman anak, Wala ka namang pinakikilala sa amin, mag aampon ka?", Tanong ng kanyang daddy.
"Naisip ko lang dad wala pang plano tlga. Sige na dad,magpapalit lang po ako ng damit tapos alis na tayo ng maaga para iwas traffic," Sagot ni Threena.
Sa St.Bernard Hospital kung saan regular na patient ang mag asawang Welfred Alonzo at Evelyn Alonzo nagtungo sina Threena.
" Good morning Dr.Alvarez," bati ni Threena.
"Good morning Ms.Alonzo at daddy Fred", tugon ni Dr.Alvarez na tumitingin sa daddy ni Threena.
"Hmmmm Nurse Joan pakidala naman si daddy sa clinic kakausapin ko lang si Ms.Threena," utos ni Dr.Alvarez sa isang nurse na agad namn lumapit at tinulak ang wheelchair patungo sa clinic ni Dr.Alvarez.
"Doc ano po yun? Nakakatruma po yung mga ganyang salita nyo?" Kinakabahang tanong ni Threena.
"Bakit naman?", sagot ni Dr.Alvarez
"Yung huling salita nyo po na ganyan ganyan ang tuno. Pinuutol ang kaliwang binti ni Daddy." sagot ni Threena.
Tahimik lang na tumitig ang doktor, senyales na tama nga ang hula ng dalaga.
"doc?," kinakabahang tanong ni Threena.
"Yes Threena. Kailangan ngang putulin uli ang kanang binti ng daddy mo. Sa huling findings nagkaroon na ng impeksyon at kailangang agapan para hinda madamay ang iba o maimpeksyon ang dugo kung hindi mas ikapapahamak pa nya ito.
Natulala na lang si Threena na hindi na marinig ang iba pang sinasabi ng doctor.
"Ms.Threena, Ms.Threena?" pagtawag ni Dr.Alvarez
"Yes doc. Ahmmm ok po. Ipaalam ko sa family ko." tugon ni Threena na mababanaag ang pagkalungkot at tinanaw ang pintuan kung saan ipinasok ang kanyang daddy.
"Excuse me Ms.Threena, tingnan ko lang ang daddy mo.
"Yes doc, susunod na lang po ako". sagot ni Threena.
SA LOOB ng uber taxi napansin ng ama na tahimik ang anak na si Threena.
"Anak, kanina ka pa tahimik. Ano bang sinabi sayo ni Dr.Alvarez? usisa ni daddy Fred.
"Wala naman dad, tungkol lang po doon sa binibenta ko sa online selling ko, oorder daw po sya",pag sisinungaling ni Threena sa daddy nya.
"Ganun ba? Maganda yan." sagot ni daddy Fred.
Nakauwi silang mag ama sa bahay at tumungo si Threena sa loob ng kwarto para doon ibuhos ang nararamdaman.
Simula ng umalis ang kanyang bestfriend na si Aiza papuntang Cebu tanging kwarto lamang nya ang karamay nya sa twing may problema sya, apat na sulok lamang ng kwarto nya maririnig ang kanyang iyak, unan lamang nya ang pumapahid ng kanyang mga luha.
Sinubukan naman niyang maglabas sa ibang tao ngunit ganito ang nangyayare?
"Trinidad girl, kaya mo yan. lalake lang yan."
"Girl, kristyano ka pa namn, asan ang pananamplatalya mo?"
o kung minsan magsisimula pa lang syang magkwento ay halatang iniiba ang topic dahil paulit ulit na lamang ang kanyang problema. Kung hindi lalake, tungkol sa pamilya. Hindi na din sya nagsasabi ng prayer request dahil paulit ulit lamang ito.
Bagamat umaatend sa church, hindi na sya nagiging open sa iba. Nakakatulong din naman ng malaki ang mga preaching na kanyang naririnig at awiting makalangit upang maibsan ang nararamdamang bigat ng kalooban at patuloy na lumaban.
Lumipas ang panahon, natutunan na ni Threena na sarilinin ang bawat problema. Hindi na alam ng kanyang mga kasama ang detalye ng kanyang buhay, ang ilang beses mahospital ang kanyang mga magulang at kung minsan ay sabay pa. Ipinapakita nya ang positibo, masayahin at matapang na Threena. Pero lumuhod at nanalangin sa panahong hindi na kaya.