Callousheart 6

834 Words
chapter6 Pagmulat ng mata ni Threena, napansin nya ang mahigpit na akap sa kanya ni Dexter. Tiningnan nya ang celphone para malaman ang oras 5:20 am, 55 mins bago ang oras nila ng time out sa apartelle. "Dexter gising na, malapit na ang oras natin," gising ni Threena. "Ha anong oras na ba?", tanong ni Dexter na mukhang nabitin sa pagtulog. "Pass 5 na, kilos na. Baka mamaya katukin na tayo dito, sabihin time out na po, extend pa ba?", pagbibiro ni Threena. "Ha? anong extend pinagsasabi mo?" pagtataka ni Dexter. "Di ba ganun sinasabi sa computer shop, pag time out na tapos magtatanong kung extend?" ani ni Threena. "Sira, walang ganun dito," nakatawang sagot ni Dexter na nakapagpagising sa kanya ng lubusan. Pareho na silang nag aayos ng kanilang suot ng banggitin ni Dexter ang napansin nito kay Threena nung gabi. "Umiiyak ka kagabi, ano napanginipan mo?" tanong ni Dexter. Pinilit alalahanin ni Threena ang kanyang napaginipan. "Talaga? Ang naalala ko, parang may isang lalake sa harap ko.Sabi nya sakin, hindi na daw ako mag iisa, hindi na daw ako malulungkot,mamahalin nya daw ako habang buhay.Tapos naiyak daw ako dun ng bongga.Tapos niyakap nya ako ng mahigpit. Oo yun nga yun. Grabe, talagang umiyak ako?" sagot ni Threena. Pagtango lang ang sagot ni Dexter at seryosong nakatingin kay Threena. "Ano yang tingin na yan? Excuse me kung iniisip mo na ikaw yung lalake sa panaginip ko, nagkakamali ka. Hindi ikaw yun. Walang mukha," saad ni Threena kay Dexter. "Siguro sya ang magiging anak ko," saad ni Threena sa sarili na may pilyang ngiti. "Ganun ba ang panaginip mo? akala ko tungkol sa mga magulang mo", tanong ni Dexter kay Threena. "Hindi.Pero kailangan na nga nating umalis dahil aasikasuhin ko ang daddy dahil may check up nya ng 9 am. Hoy a, ihatid mo ako sa kanto namin, ayoko magcommute." saad ni Threena. "Ok sige, ano handa ka na?" aya ni Dexter. "Yes handa na ako. tara",sagot ni Threena. Magkasabay na lumabas si Threena at Dexter.i Inihatid ni Dexter si Threena sa kanto ng bahay nila at tumuloy sya pinagtatrabahuan. "GOOD MORNING, mommy daddy. kamusta gabi nyo?" bati ni Threena sa mga magulang nito. "ok naman, akala ko mamaya ka pa uuwi e. Baka nakalimutan mo ng may schedule ng check up ang daddy mo ng 9," sagot ng mommy ni Threena. "Hindi ko makakalimutan yun mom, uminum na ba kayo ng mga maintenance nyo?" tanong ni Threena sa mga magulang. "oo pinainum ko na daddy mo at nakainum na din ako." sagot ng mommy nya. " Anak wag mo ding pababayaan ang sarili mo baka magkasakit ka. Bukod sa pag aalaga samin, tumutulong ka din sa mga gastos dito sa bahay. Anak sorry kung pinapasan mo kami ng mommy mo", saad ni daddy ni Threena na nakawheel chair na dahil sa pagkakaputol nito tatlong taon na ang nagdaan. "Yes naman dad, ok namn po ako basta ok kayo," pag papalubag ni Threena sa mga magulang na nag aalala sa kanya. "Anak, matanda ka na. Wala ka bang planong mag asawa. Ilang panahon nalang baka mawala na kami ng daddy mo. Paano ka, mag isa ka lang", sagot ng mommy nya. "Mom, pinipitas ba yan? saan meron?" pagbibiro ni Threena. "Anak lahat na lang ginagawa mong biro," sagot ng mommy. "Mommy alam nating darating yun pero hindi pa ngayon o next year. Enyoy nalang natin ang bawat araw na magkakasama tayo. No more dramas. Masama sa puso nyo ang mag isip o mag alala." tugon ni Threena. " Anak may irereto ako sayo, kilala mo yung anak ng kuya Lino mo?" tanong ng Daddy ni Threena. Lumapit sa likuran ng wheelchair si Threena at tinulak ang daddy papunta sa kusina. "May pag ibig ba yan?", tanong ni Threena. "Siguro naman anak, madedevelop ka naman dun, at maitsura din namn di ka na lugi", saad ng daddy. "Talaga dad?" Ngiting tanong ni Threena." e may sss ba? savings? may st.peter na din ba?" natatawang tanong ni Threena. Nagtawanan silang tatlo sa sala."Ay nako daddy wag na nga nating kausapin yang anak mo. Wala tayong makukuhang matinong sagot. Mag almusal ka na jan tapos na kami." sagot ng mommy. "Kayo naman po, hindi na kayo mabiro. MAsyado kayong affected sa lovelife ko. Ako nga hindi e. Kung darating, darating. kung hindi e di hindi," sabay tungo nito sa kusina para kumuha ng makakain. Sumunod naman ang momy at daddy nya at naupo sa lamesa. "Anak ang gusto lang naman namin maging maayos ka kapag iniwan ka namin", ani ng kanyang daddy. "Dad, ok lang po ako. Masaya po ako na alagaan kayo. Oo minsan mahirap, nakakapagod lalo na kapag magkasabay kayo ni momy isugod sa hospital." Saad ni Threena. "Anak thank you. Salamat nandyan ka."ani ng mommy nya.. Ngiti ang tinugon ni Threena, "loves ko kasi kayo. Pero ma, paano kung ayaw ko ng mag asawa. Anak nalang. Ok lang ba sa inyo yun?" Tanong ni Threena
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD