chapter 3
NASA loob ng banyo si Dexter inalala nya ang unang beses na may nangyare sa kanila tatlong taon na ang nakararaan.
"Labas tayo." text ni Dexter kay Threena.
"Saan tayo pupunta?" Reply ni Threena.
"Gusto ko sana makasama ka ngayong gabi, usap lang." sagot ni Dexter.
"ok sige, saan tayo magkikita?, tanong ni Threena.
"Sa kanto nalang ng tandang sora sa mcdo.7 pm." reply ni Dexter.
"Ok, doon nalang", pagsang ayon ni Threena.
"Ang bilis naman sumama sa lalake itong si Threena kaya naloloko e",sambit ni Dexter sa sarili.
Sa bahay nila Threena ay naroroon ding dumalaw ang kanyang kuya Robert, " kuya aalis ako ngayong gabi". pagpapaalam ni Threena.
"Saan ka pupunta? Sino magbabantay kina momy at daddy. Hindi ka pa din nagbabago sa dati mong layaw. magpirmi ka nga sa bahay, kababae mong tao lumalabas ka ng dis oras ng gabi " sagot ng kanyang kuya Robert.
"Kuya gusto ko lang makahinga!, pagod na pagod na ako dito sa bahay. Nakakabaliw na. Mabuti pa kayo nila ate may direksyon na ang buhay. Ako, ito mag isang inaalagaan ang momy at daddy. Andito lang sa bahay. Hindi ako nagrereklamo dahil mga magulang natin sila pero paano naman ako at kuya matanda na ako, alam ko ginagawa ko?"
Tahimik lamang ang kuya nito pero nakaramdam sya ng awa sa unang pagkakataon na naglahad ng bigat ng dalahin ang kapatid na bunso.Sobrang bigat na hindi na nya kayang itago pa ang pinapasan.
"Kuya, gusto ko lang lumabas. kahit ngayon gabi lang. Andyan naman si ate Fe, pwede namn nyang tingnan tingnan ang mommy at daddy," Pagpipigil nya sa sarili huwag ilabas ang lahat ng nararamdaman sa kapatid. Nabigla din sya sa nasabi dahil ni minsan hindi sya sa ngreklamo sa mga ito.
Hinawakan ng kanyang kuya ang kanyang kamay," Sige, mag iingat ka. Ako nalang muna ang magbabantay kina mommy at daddy, umuwi ka bukas a, may pupuntahan kami ni ate May mo",paglalahad ni Robert na may halong pagpipigil din sa damdamin, hindi sila sweet na magkakapatid, marami pa syang gustong sabihin na pagpapasalamat sa bunso sa pag aalaga nito sa kanilang mga magulang pero hindi ito ang kalikasan nya.
"Sige kuya hindi na ako magpapaalam kina mommy at daddy total naman nagpapahinga na sila. thank you kuya alis na ako", sagot ni Threena.
"Andito na ako sa Mcdo, asan ka na?" text na natanggap ni threena habang nkasakay sya sa jeep. "malapit na ako," reply ni Threena.
Pagkababa ni Threena sa jeep, natanaw na nya ang lalaking nag aabang sa kanya sa lamesa. Kinawayan sya nito ng makapasok sa pintuan. Lumapit si Threena sa kinaroroonan ni Dexter at ngumiti. "hi, kanina ka pa?'' tanong ni Threena.
"Hmmm 10 mins na din, umorder na ako ng kape, alam ko namang kumain ka na sa inyo e." sambit ni Dexter.
"hmmmm yes kumain n nga ko.. saan tayo pupunta?" tanong ni Threena.
"ikaw saan mo ba gusto?" tanong ni Dexter.
Tumingin lang ng malalim si Threena kay Dexter.
"Gusto mo ba sa gusto ko?" tanong ni Dexter.
"Pwede rin. overnight?", walang kagatol gatol na tanong ni Threena na parang alam nya ang nais ng lalake.
"Para namang alam mo kung saan ko gusto pumunta?" nangingiting sambit ni Dexter.
"Alam ko hindi ako tanga. Ano tara na?" seryosong sagot ni Threena.
"Ang sungit mo ata ngayon?"panunudyo ni Dexter kay Threena.
"Alam mo ramdam ko noon pa na may gusto kang maganap satin. Kaya ito,ok. Ano tuloy pa ba tayo kasi uuwi nalang ako",inis na sabi ni Threena.
"Iba ka talaga Threena, minsan nag iiba ang character mo,nabibigla ako",pagkamangha ni Dexter kay Threena." Yung kape mo inumin mo muna bago tayo umalis.
"Ano?dahil kapag nasa church ako mabait, inosente,dalisay.ganun ba?," sagot ni Threena at humigup ng kape.
"Oo hehehe",ani ni Dexter na napangiti.
"Ginigising mo kasi ang katawang lupa ko kapag nagchachat ka", pangiting sagot ni Threena.
"So kasalanan ko pala", sagot ni Dexter na tumatawa.
"Oo,ok na ko e. Nakalimutan ko na ang hanap ng katawan nung magchat ka ng mga ganun. Ikaw din naman e, mapagkunwari ka. Akala mo kung sinong walang bahid ang kaisipan kapag nasa church na." Pang aasar ni Threena.
"Oo e, ang hirap pigilan," sagot ni Dexter.
"Kaya pati ako, dinadamay mo. Unat huling beses lang ito ah at walang dapat makaalam",ani ni Threena.
"oo naman. Ako pa. Hindi ako magsasalita. Ewan ko lang sayo,e ikaw itong mahilig magkwento ng mga ganap sa buhay mo",sagot ni Dexter .
"Mahilig ba talaga akong magkwento ng ganap sa buhay ko?",tanong ni Threena sa sarili ng mapahiya sa tinuran ng lalake.
Nag aya ng umalis si Threena matapos ang casual na asaran nila ni Dexter. "Tara na..Saan mo ako dadalhin namn?", usisa ni Threena.
"Sigurado ka bang handa ka nang gawin natin to? pwede ka pa namang magbago ng isip, hindi naman kita pipilitin." tanong ni Dexter.
Bahagyang napangiti sThreena,"Oo, sigurado na ako".
Sinuotan na ng helmet ni Dexter si Threena. Nagkalapit ang kanilang mga mukha sa pagkakakalock ni Dexter ng helmet kay Threena. Tinititigan ng mabuti ni Threena ang serysohong mukha ni Dexter, may kung anong pintig sa kanyang puso ang kanyang naramdaman."Hindi. Hindi Threena. Hindi ka pweding mahulog lang loob sa simpling pagkabit lang ng helmet. Wag kang maiinlove",sigaw ng kanyang isip.
Nag aya ng umalis si Threena matapos ang casual na asaran nila ni Dexter. "Saan mo ako dadalhin namn?", usisa ni Threena.
"Sigurado ka bang handa ka nang gawin natin to? pwede ka pa namang magbago ng isip, hindi naman kita pipilitin." tanong ni Dexter.
Bahagyang napangiti sThreena,"Oo, sigurado na ako".
Sinuotan na ng helmet ni Dexter si Threena. Nagkalapit ang kanilang mga mukha sa pagkakakalock ni Dexter ng helmet kay Threena. Tinititigan ng mabuti ni Threena ang serysohong mukha ni Dexter, may kung anong pintig sa kanyang puso ang kanyang naramdaman."Hindi. Hindi Threena. Hindi ka pweding mahulog lang loob sa simpling pagkabit lang ng
"O ayan tapos na", at sumakay na nga si Dexter sa kanyang motor at sumunod naman na umangkas si Threena.
"Humawak ka ng mabuti,'' utos ni Dexter at mahigpit naman yumakap mula sa likuran si Threena.
"Tug tug, Tug tug......" ang lakas ng kabog ng puso ni Threena na maaaring dama din ni Dexter.
"Threena isang gabi lang to. Pagkatapos wala na. kaya wag ka ng aasa pa na may mapupuntahan ito. Wag kang mahuhulog sa kanya", bulong ni Threena sa sarili.
Huminto sila sa isang apartelle sa bandang Congressional. Tinulungan ni Dexter na maalis ni Threena ang helmet na suot nito saka nagtungo sa loob.
Umupo si Threena sa waiting area habang si Dexter ang lumapit sa reception. At hindi nagtagal kasama na nito ang isang empleyado ng apartel at itinuro ang kwarto.
Binuksan ni Dexter ang kwarto at kanilang inilapag ang mga dalang helmt at bag at naghubad ng kanya kanyang jacket.
Maganda ang kwarto, malinis at malamig.
Umupo sa gilid ng kama si Dexter at pinagmasdan ang tulala na si Threena.
"Hindi na tayo pwede umuwi, sayang ang binayad natin," Ani ni Dexter.
"Oo naman," sagot ni Threena.
Hindi pa din natinag sa pagkakatayo si Threena habang nag aalis ng sapatos si Dexter.
"Halika dito. Upo ka sa tabi ko," Utos ni Dexter.
Marahang lumapit si Threena at umupo sa tabi ni Dexter. "This is it, This is it", sigaw ng isip ni Threena kasabay ng malakas na kabog ng kanyang puso. Ngayon pa lamang sya makikipag niig sa taong wala naman syang relasyon, sa lalaking alam nya ay mahal na mahal ng kapatid ng bestfriend nya, sa taong kasama nya sa simbahan, sa sitwasyong pagud na pagod na sya sa kanyang buhay. Sa dalawang taon na wala syang nakarelasyon, ngayon nalang uli sya sa sumama sa isang lalake hindi para mahalin kundi pagbigyan ang nasa ng katawan at makalimot sandali sa mga problema.
Dahan dahang lumapit ang mukha ni Dexter sa kanya.Isang dampi ng halik sa pisngi ang naramdaman ni Threena at lumipat ito sa kanyang labi. Marahan na may paghingi ng pahintulot. Nagtagpo ang kanilang mga mata na parang nag uusap.
"No no no, Threena. Titig lang yan. Wag kang bibigay." saway ng kanyang isipan.
"Sandali lang mamaya na kung ok lang", awat nya kay Dexter.
"Ok sige. sorry", tugon ni Dexter.
Sa sitwasyong iyon, nagkailangan silang dalawa.
"Ahh Dex maliligo lang ako, mainit e," pagputol ni Threena sa katahimikan.
"Ah ok sige dito lang ako manonood ng tv.", ngiting sambit ni DExter.
Matagal muna bago binasa ni Threena ang kanyang katawan. Malalim ang kanyang iniisip kung paano sya dumating sa pagpayag na sumama kay Dexter. KInalimutan na nya ang hanap ng katawan dahil alam nyang hindi tama, nagbabagong buhay na sya at ang nais sana nya ay ang huling makakaniig na nya ay syang huling lalaking pakakasalan sya pero ano ito at kasama nya ang lalaking kasama lang nya sa church na inaatinan nya. Paano kung maulit uli ang dating kapraningan nya sa pag ibig, paano kung mag suicide uli sya dahil sa pagkabigo? Inisip din nya ang iniwang mga magulang sa bahay at ang usapan nila ng kuya nya.. Gulong gulo sya sa pinasok nya pero wala na syang magawa. Gusto ng katawan nya. Naghahanap ang katawan nya.
Natapos ng maligo si Threena, paglabas nya ng banyo, nakita nyang nakatulog na ang lalaki sa paghihintay sa kanya. Nagbihis ng dalang pantulog si Threena at tumabi sa natutulog na Dexter. Malalim ang tulog nito marahil ay sa sobrang pagod sa maghapong trabaho. Nagtatrabaho ito bilang IT expert sa isang companya. Dexter Santos ang tunay nyang pangalan, 32 years old isang buwan ang pagitan kay Threena. Minasdan mabuti ni Threena ang tahimik na natutulog na si Dexter. Gwapo ito, matangos ang ilong, makapal ang kilay, moreno. Malapad ang katawan, makinis at matigas ang dibdib. Doon lamang nya napansin ang detalye ng mukha at katawan nito dahil sa church casual lamang ang batian nila.
"No Threena, no string attach", sigaw muli ng kanyang diwa.
Nakatulog ng nakalapat ang kamay ni Threena sa dibdib ni Dexter ng ito'y magising.