Callousheart 2

1074 Words
chapter 2 Ito naman ang sungit mo.” paglalambing ni Dexter. Sabay inakbayan, hinalikan at iniabot ang kutsara kay Threena. “Si Ivy yung katext mo kanina di ba?” Usisa ni Threena habang kumakain. “Yes, Bakit?” sagot ni Dexter. "Kamusta na pala kayo ni Ivy?" tanong ni Threena habang kumakain. "Ayus naman... ok lang", casual na sagot ni Dexter kay Threena. "Diba 10 years na kayo? Wala pa ba kayong planong magpakasal?" tanong ni Threena at habang nilalantakan ang ulam. "11. Wala pa. Hindi ko alam", sagot ni Dexter. Napahinto si Threena sa pagkain at seryosong humarap kay Dexter," seryoso ka? wala kang plano. 11 years na kayo pero wala kang plano?''. "Masyado syang selosa, lahat pinagdududahan nya, pati boss ko pinag iisipan nya ng di maganda", saad ni Dexter. Tumawa ng malakas si Threena," bakit wala ba talagang dapat na ikaduda sayo? wala bang dapat pagselosan?" "Wala akong naging girlfriend simula nung umalis ako ng Cebu". paliwanag ni Dexter. Tumawa uli si Threena," may kachukaran ka lang". Bahagyang tumawa si Dexter at hinawakan ng may kasamang piga ang hita ni Threena. "Ano ba Dexter! Ang landi landi mo! Kumakain tayo. Pag ako nag init uli, kakainin kita.." paghahamon ni Threena. "Anong kakainin mo? tanong ni Dexter. "Secret", sagot ni Threena. "Hindi mo naman kaya yun", paghahamon ni Dexter. Namimilantik ang mga mata ni Threena ng sagutin si Dexter," yan ang akala mo. Hindi mo alam ang kaya kong gawin... Baka hindi mo na ako makalimutan sa gagawin ko sayo." "hahah hahahah hahaha, talaga lang ah. sige" tawa ni Dexter sabay hawak sa dibdib ni Threena. "hoy! sandali ang bilis ng kamay mo ah. hindi pa nga tayo tapos kumain e at hindi pa tayo tapos pag usapan si Ivy." Awat ni Threena. "Wala pa ba talagang nagyayare sa inyo ni Ivy?" tanong ni Threena kay Dexter. "Wala", sagot ni Dexter. "Bakit?,ani ni Threena. "Wala. ang gusto nya kasal muna bago may mangyare." sagot ni Dexter. "Tama naman sya." sang ayon ni Threena. "At syempre nasa Cebu sya, andito namn ako sa Maynila" dugtong ni Dexter. "Ibig sabihin ako nakauna sayo?" tanong ni Threena. "Hindi. College pa ako. 1 night stand,'' sagot ni Dexter. "Kaya pala", napapangiting sagot ni Threena. "Anong kaya pala?," pagtataka ni Dexter. "Wala." sagot ni Threena."Kaya pala hindi sya masarap gumawa," saad nito sa sarili. Patuloy ang pag subo ni Threena,"matagal ka na dito sa Maynila di ba?" Tapos ng kumain si Dexter at hinihintay na lang matapos si Threena kumain," 7 Years na din". ''Oo, Itsura mo noon, mukha ka pang ulikba. Payat, maitim at kulot.'' pang aasar ni Threena kay Dexter sabay tawa. "Akala mo naman kagandahan ka noon, mukha kang damit na hinanger. Nauso lang ang rebond kaya gumanda buhok mo ngayon pero mukha kang manananggal noon. Bilisan mona nga kumain jan. bagal bagal mo. Daming tanong." pananaway ni Dexter. "Malapit na po." sabay tawa ni Threena. "Maligo ka na muna para mabango yan mamaya", sabay kindat ng mapang akit ni Threena kay Dexter. PUMASOK na ng banyo si Dexter para maligo. Habang si Threena naman ay malalim uli ang iniisip. Iniisip nya ang kanyang mommy at daddy na iniwan nya sa kasambahay. Tatlo silang magkakapatid at sya na lamang ang single at naiwang nag aalaga sa kanyang mga magulang na parehong may mga karamdaman. Ang mommy Eve nya ay 2 beses ng nacardiac arrest at ang daddy Fred naman nya ay diabetic.Malaki ang gastusin nila sa araw araw lalong lalo sa medical ng mga magulang. May mga paupahang pwesto sila sa talipapa na syang pinagkukunan nila ng gastusin ngunit kahit ito ay hindi sapat at si Threena namn ay may online job upang mabantayan din nya ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ate Lany at kuya Robert ay may kanya kanya na ding pamilya at bihira ding mapasyalan ang mga magulang o tulungan syang alagaan ito kaya kumuha sya ng makakasama nila sa bahay upang maging katuwang nya sa pag aasikaso. Alam nya na anytime soon ay iiwan na din sya ng kanyang mga magulang.Kaya gusto nyang magkaanak.Upang may makasama sya sa kanyang pagtanda at lalagakan nya ng pagmamahal at lahat ng kanyang pinaghirapan. Anak lang at ayaw nya ng kapareha. Dala na din ng takot nyang magmahal, umasa at muling masaktan. Idinidistansya nya ang kanyang nararamdaman sa kahit sinong lalaking nagbibigay ng atensyon sa kanya. "Hindi na ako magpapaloko, Hindi na ako magpapauto, Hindi na ako mag aassume", mga katagang laging sinasambit ni Threena sa twing may magpapakita ng interest sa kanya. Limang taon na syang walang boyfriend, at sa loob ng limang taon na yun tanging si Dexter lamang ang kanyang nakasex. Katawan lang, hindi kasama ang puso at isip. Dahil kilala nya si Dexter ng personal at alam nyang manhid ang puso nito. Pitong taon ng magkakilala si Dexter at Threena. Mgkasama sila sa isang religous group. Kababayan nito ang matalik na kaibigan ni Threena na si Aiza na syang kapatid ni Ivy na nobyo ni Dexter. Hindi nagkakalayo ang edad ni Threena,Dexter,at Aiza. Magkasama sa iisang bahay kasama ng ibang kababayan nila sa Cebu sina Dexter at Aiza. Twing may problema si Threena, tumutuloy ito sa kaibigan nyang si Aiza at doon inopen up ang problema sa pamilya lalong lalo na sa mga kahibangan nito sa mga naging boyfriend na kung minsan ay nakita pa ni Dexter na umiiyak ito at may sugat sa pulsuhan. Si Aiza lamang ang nakakaunawa sa pag uugali ni Threena pero kinailangan nitong bumalik sa Cebu upang doon n manirahan at magtrabaho kasama ng kanyang pamilya. Naging matitindi pa ang mga pagsubok sa buhay ni Threena lalo na sa kanyang mga magulang at buhay pag ibig at gustuhin man nya na may masabihan pero mukhang nanawa na sa kanya ang mga tao nakakausap kaya sinasarili nalang nya ang kanyang mga problema. Naabutan ni Dexter na nanood ng Tv si Threena," Anong pinapanood mo?'' "Hindi ko alam". sagot ni Dexter. "Hindi ka pala nanood, nag iisip ka na namn." tugon ni Dexter sabay pindut sa ilong ni Threena at nahiga sa tabi nito. Niyakap ng walang imik ni Threena ang matipong katawan ni Dexter na naka white shirt. "Hmmmmmmm bango, sarap mo kagatin", panunudyo ni Threena. Dumampi sa labi ni Threena ang labi ni Dexter na gusto ng magsimula," wait maliligo muna ako at magtotoothbrush, alam mo na nag burger steak tayo". saad ni Threena. "Ok sige. bilisan mo". ani ni DExter...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD