Jade's POV
Malala na ata talaga sapak ko dito. Paano ba naman ka─
"Hoy nakikinig ka ba?"
"H-ha?" nasabi ko na lang dahil hindi ko naman siya naiintindihan.
"Tch! Maghinuli ka nga, dami mo ng tutuli eh." inis na sabi nito sakin
Aba! Napaka nitong manyak na 'to!
"Ikaw ang maghinuli dami mo ng luga! Ayan oh labas na nga eh." sabi ko sabay turo sa tenga niya. Pero syempre joke lang 'yun, ang linis kaya nitong lalaking 'to sa katawan at sobrang bango pa lagi.
"Tch." tanging sabi na lamang nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Uh, aware ba siya na kinikilig ako?! Oo tama kayo ng nabasa, kinikilig ako. As in K-I-N-I-K-I-L-I-G!
Hindi ko naman siya crush at ni wala din akong special feelings sa kaniya pero kinikilig ako. So ano 'to? False alarm? False alarm naman saan? Tss! Sobrang gulo na ha!
Napahinto kami habang naglalakad. Actually ako lang talaga 'yung napahinto, nakita ko kasi 'yung ihawan eh. Parang natakam ako bigla.
"Ano na pantal?" tawag nito sakin dahil nga magkahawak kami ng kamay ay napatigil din siya nu'ng tumigil ako at pilit akong hinihila.
"Gusto ko nito manyak." sabi ko sabay turo du'n sa isaw, dugo, adidas, ulo, kalamares at iba.
"Nahihibang ka na ba?" tanong nito na may halong inis. "Ang dumi dumi n'yan. Tingnan mo oh, nasa tabing kalsada lang. Nauusukan ng mga sasakyan, at saka tingnan mo 'yung kamay nu'ng babae oh, ang dumi dumi tapos pinanghahawak niya sa stick ng mga kadiri niyang tinda." dagdag pa niya.
Napatingin na lang ako sa kaniya. Halatado sa mukha nito ang pagkadiri sa mga iniihaw at sa nag-iihaw.
"Ano mga anak, bibili ba kayo?" tanong samin nu'ng ale.
"Ah o─"
"Tch. No thanks." masungit na sabi ni manyak at hinila ulit ako.
"Ano ba!" sabi ko dito at binitawan ang kamay niyang kanina pa nakakapit sa kamay ko. Tss! "Gusto ko nu'n eh, ano bang magagawa mo?! Kung ayaw mo e 'di 'wag mo! Hindi naman ikaw ang magbabayad eh." inis na sigaw ko sa manyak na 'to sabay talikod.
Ayaw niya pala eh, ba't siya nangdadamay? Psh!
"Oh iha, akala ko ba ayaw niyo ng boyfriend mo." tanong naman sakin ng ale.
Boyfriend? Sinong boyfriend ko? May boyfriend na ba ko? Sa pagkakaalam ko gumising ako kaninang umaga ng walang boyfriend at alam kong sa mga susunod pang araw na gigising ako ay wala pa rin. At wala rin akong manliligaw, boyfriend pa kaya. Pinagsasabi ni ale?! Mukha ba kong may kasamang multo, may nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Hala! Joke lang! Si Lee Min Ho lang boyfriend ko 'no.
Napatingin ako kay ale na mahinang tumatawa at nag-iiling pa ng ulo.
"Ano bang sayo anak?" nakangiting tanong nito sakin.
Nako si ate mukhang nakahithit ng rugby. Psh! Bayaan na nga 'yun.
"Ate lima nga pong isaw at anim na dugo." sabi ko na lang at habang hinihintay 'yung isaw at dugo ko ay naupo muna ko sa may gilid.
Napabalingkwas ako ng may nakita akong anino sa harapan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko.
"Ah excuse me. What's your name, Miss?" tanong ng manyak na 'to. Aba't ngiting ngiti pa! Hmp.
"Nagjojoke ka b─"
"Ikaw si Lyn my loves 'no?"
Napatitig lang ako sa kaniya. Sabi na nga ba! Tama ako may girlfriend na itong si manyak pero pakunyari pa. Akala mo ha! Lyn mo mukha mo.
"Alam m─"
"Ang mamaha-lyn ko bukas at sa mga susunod pang bukas." nakangiting sabi nito at kinindatan pa ko ng manyak!
Naramdaman ko na kang ang pag-init ng buong mukha ko. Hala ano 'to?
"Mukha kang tanga! HAHAHAHA" at ayan na naman po tayo sa pagtawa niya at sa paninira niya ng moment. Psh!
"Luto na 'tong isaw mo neng!" sabi nu'ng ale kaya agad agad akong lumapit dito.
Kakainin ko na sana 'yung isaw ko ng biglang kinuha iyon ni manyak.
"Prob─"
"Masarap 'to 'di ba tanda?" tanong niya du'n sa ale na tinanguan lang siya. Tingnan mo 'to, kahit kailan talaga walang galang.
Nagulat ako ng kinain niya iyon ng isang subuan lang.
Eh? Si Shawn Dela Cortez ba 'to? Si Shawn kumain ng maduming pagkain? Si Shawn kumain ng pagkaing kinadidirian niya? Si Shawn kumain ng isaw?
"Oh ano pang tinatanga mo d'yan pantal? Kain na! Ah tanda lahat nga ng ganito mo ihawin mo na." sabi niya habang punong puno pa ang bunganga.
Napangiti na lang ako sa di malamang dahilan.
'Aarte arte pa kakain din naman pala.'
Kumuha na ko ng tapos ng ihawin na isaw at isinawsaw iyon sa suka.
"Masarap kapag nilalagyan nan iho." sabi naman ni ale kaya ginawa iyon ni manyak.
"Pantal!" tawag nito sa akin.
"Hmm?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Busy ako dahil katext ko si Bea. Kinikilig ako sa kanila ni Trick.
"Hindi kita maihahatid ngayon kasi pupunta kong kumpanya. Pinapatawag ako ni Lolo." sabi niya pa. Ok lang atleast na iuwi na namin si Jervin sa bahay, nandun naman sina Ace at Trick para bantayan si Jervin.
"Sige." sagot ko
"Una na ko. 'Wag kang patanga-tanga baka mamaya makidnap ka. Hindi ko na sasabihing baka marape ka, halata namang wala magkakainteres sayo na mangrape, di nila type ang mga flat-chested." natatawang sabi nito sakin.
Aba! Aalis na nga lang sya mang-aasar pa.
Inis ko siyang hinarap sabay sigaw, "Umalis ka na nga!"
Tumawa lang ang loko at saka na nya pinaharurot ang motor niya. Psh!
Ibanalik ko na ang cellphone ko sa dala kong sling bag at ibinaling ang mga mata ko sa mga sasakyan sa harapan ko ng biglang may babaeng nagsasalita mag-isa na tumigil sa tabi ko para rin tumawid.
"Kiromi, anata wa dekimasu!" sabi niya habang nakayukom ang mga palad at nakatingin dito.
Base sa kutis at singkit na mata nito ay mukha siyang hapon. Magandang haponesa! Sobrang kinis.
Napatingin siya sa gawi ko at agad na ibinaba at itinago sa likuran ang mga nakayukom niya kamay kanina sabay ngiti sakin.
"Hehehe. Gomenasai!" sabi pa niya at ngumiti ulit sa akin.
Hindi ako nakakaintindi ng Japanese language pero lang sa word na 'Arigatou' 'yun lang alam ko eh.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tinanong ko na lang siya,
"Uh, tatawid ka ba?"
Dali-dali itong tumango na parang bata. Nakakaintindi siya?
"Nakakaintindi ka ng tagalog?" tanong ko pa habang iniintay na mag-red light para makatawid na kami.
"Opo? Hehehe." sagot niya at ngumiti ulit
"HAHAHA Tara, tumigil na 'yung mga sasakyan oh." sabi ko sabay turo sa mga sasakyan na nakatigil. Umuna na akong tumawid pero siya ay nandu'n pa rin sa pwesto niya.
Ano ngang pangalan nito? Sinabi niya na 'yun eh, nu'ng nagmomonologue siya kanina. Ki-mi? Kiyomi? Ki─romi! 'Yun Kiromi!
"Kiromi!" tawag ko sa kaniya kaya naman napatingin siya, sinenyasan ko siya na tumawid na at tumango naman siya at saka nagpakawala ng buntong-hininga.
Pinanonood ko lang siyang tumawid. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya.
Nang makarating na siya dito sa pwesto ko ay nagtatalon siya at pumalakpak pa.
"Yatta!" sigaw niya at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Arigatou!" sabi niya pa sabay bow.
"Ha? A-hh. Welcome." sabi ko na lang at hinawakan siya sa magkabilang balikat para patunghayin.
"Uhm, alam mo po ba kung saan 'yung Mang Inasal? Kanina ko pa po 'yun hinahanap pero di ko makita eh." tanong niya habang pinagdidikit ang magkabilang hintuturo niya.
Ang cute niya talaga kapag nangiti siya at lalo siyang kumu-cute sa mga inosenteng kilos niya.
Tumango ako bilang sagot.
"Gusto mo samahan kita?" alok ko dahil mukha kasing 'di siya pamilyar sa mga lugar dito sa Pilipinas. Kahit na kanina ko lang siya napansin feeling ko ang bait niya dahil sa mga inosenteng reaksyon at emosyong ipinalakita niya sakin.
"Ok lang p-po ba?" tanong niya sakin, halatang nahihiya sya.
"Oo ba! Hindi kasi 'yun dito, nasa mall 'yung Mang Inasal. Tara na sa mall!" masigla kong yaya sa kaniya.
Mukhang napalitan ang kaninang nahihiyang inosenteng ekspresyon niya into hyper mood.
Kumapit siya sa kaliwang braso ko at saka kami sabay na naglakad. Hindi ko na pinansin 'yung pagkapit niya sa braso ko. Naglakad kami papuntang DC Mall para hanapin ang nasabi niyang restaurant.
Nang makarating kami sa Mang Inasal ay agad niya akong hinila papasok. Umorder siya ng pagkain namin at bumalik na sa lamesa namin.
"Dahil hindi ko pa po alam ang name mo onee-chan na lang ang itatawag ko sayo. Hehehe. Dahil sinamahan mo po ko dito. Ililibre kita!" nakangiting sabi niya sakin.
"Uh, thank you Kiromi. By the way I'm Jade Madrid." pakilala ko sabay lahad ng kamay ko.
Tinanggap niya muna ang kamay ko saka siya nagpakilala,
"Onee-chan, I'm Kiromi Ishida. 17 years old. Half-pinoy, half-japanese."
Habang 'di pa nadating 'yung order namin ay nagkwentuhan muna kaming dalawa. Nalaman ko na kaya pala siya nandito sa Pilipinas ay dahil nandito daw ang Papa niya na pinapunta siya dito at nalaman ko rin na sa H.U. siya mag-aaral ngayong taon at ang course niya ay BS Biology. Nice!
"Onee-chan, may boyfriend ka na po?" tanong niya.
"Ah wala eh. Ikaw ba?" sagot ko. Bakit? Totoo naman na wala akong boyfriend ah. Si Lee Min Ho lang naman ang crush at tinuturing kong boyfriend HAHAHA!
"Wala. Hehehe papagalitan ako ni otou-san eh." sabi niya
Napatigil kami sa pagkukwentuhan nang dumating na ang pagkain namin.
Napansin kong nagliwanag ang mata ni Kiromi ng makita niya ang ulam.
"Ang laki~! Itadakimasu!" sabi nya at ipinagdaop ang dalawang palad at bahagyang yumuko at pagka-angat na pagka-angat niya na ulo niya ay kumagat agad siya du'n sa chicken niya. HAHAHA Cute talaga ng haponesang 'to!
"Onee-chan, paano po iyan?" tanong niya sabay nguso sa kamay ko. Nagkakamay kasi ako ngayon.
"Uh, ganito. 'Yung kamay mo isipin mo na isang crab." paliwanag ko habang idinedemo sa kaniya ang mga kamay ko na nagko-close open. Ginaya niya naman ako. "Tapos gawin mo 'yun sa pagkain mo." sabi ko pa at idinemo na ang pagkuha ng pagkain gamit ang kamay. "Tapos diretso na sa bibig. Parang ganto oh!" dagdag ko pa at isinubo na ang kanin sa bibig ko.
Ginawa niya iyon. Halatang 'di siya sanay at marunong pero kita mo sa mukha niyang gustong-gusto niya 'yung pagkakamay.
"Sayonara onee-chan! Ingat ka po~!" sabi sakin ni Kiromi sabay kaway kaya ganun din ang ginawa ko,
"Bye bye Kiromi! Ingat ka rin!"
Bago siya pumasok sa kinuha naming taxi ay nagpeace-sign muna siya sakin.
Hinintay kong makapasok si Hiromi sa taxi. Pagkaalis ng taxi'ng sinasakyan niya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Oh andyan na pala si Jade." sabi ni Ace at tumayo.
"Kumain ka na Jade?" tanong sakin ni Trick na nakaupo habang hinahaplos ang ulo ni Jervin na tulog sa binti nito. Tumango naman ako bilang tugon.
"Kayo?" tanong ko naman sa kanila.
"Kanina pa, nga pala 'yan si Jervin nakatulog na." sabi ni Trick habang dahan-dahang inalis ang ulo ni Jervin sa binti niya at nilagyan ng unan.
"Alis na kami Jade. Ingat at goodnight!" sabi ni Ace
"Salamat ha?"
"Sus ikaw pa!" sabi ni Ace at kumindat pa
"Sibat na kami Jade. Goodnight!" pahabol ni Trick.
"Ingat!" sigaw ko at nilock na ang gate.
From: Hiromi
Salamat po onee-chan. Goodnight!
Ngumiti ako habang nakatingin sa cellphone ko.
Ang gulat ko ng bigla itong magring.
Manyak calling...
Umayos ako nang pagkakahiga at nilapat sa tenga ko ang cellphone ko.
"Oh?"
[Bakit gising ka pa?]
"Matutulog na dapat ako ng bigla kang tumawag! Panira ka talaga eh." inis na sabi ko.
[Tch. Matulog ka na!] sigaw nito. Nasa cellphone na't lahat lahat nakasigaw pa rin? Psh!
"Oo na! Ba't ka ba kasi tumawag? Tutulog na 'yung tao oh!" tanong ko
[Gusto ko lang. Bakit masamang tumawag?]
"Oo lalo na kung wala kang sasabihin." sagot ko. Ramdam kong magkasalubong na ang dalawa kong kilay.
[Tch. May sasabihin ako!] sigaw ulit nito.
"Ano?" inis na tanong ko ulit.
[Matulog ka na! Panget ka!]
"Ab─"
*toot toot toot*