Chapter 22

1425 Words
Jade's POV *toot toot toot* "Psh!" tanging na sabi ko na lang habang nakatingin sa cellphone ko. Ilalagay na dapat iyon sa ilalim ng unan ko ng tumunog ulit ito. Manyak calling... Problema ba nitong manyak na 'to? Tinitigan ko muna 'yun saglit at sa ika-limang ring ay saka ko na sinagot. "Ano na naman ba?" magkasalubong kilay na tanong ko. [1 pm susunduin kita d'yan sa bahay niyo.] "Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong ko at humarap naman sa kabilang side saka ko nilipat sa kanang tenga ko ang cellphone. [Kung si Jervin walang kasama, papupuntahin ko sina Trick at 'yung babae niya.] sabi nito Hanggang ngayon 'di niya pa rin alam ang pangalan ni Bea. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit. Nakakainis na, tinatanong ko kung saan kami pupunta. Iba sinasabing sagot! [You'll see...] sagot niya "Psh! Bahala ka nga. Matutulog na ko!" inis na sabi ko. Kanina pa kasi gustong pumikit ng mga mata ko eh. Pagod na talaga ako! [Tch. Ge na!] Pumikit na ko habang inaantay na patayin ni manyak ang tawag. Shawn's POV Tch! Bakit 'di nagtetext sakin si pantal kung nakauwi na siya? Kanina ko pa siya tinatadtad ng text ah? Bakit ayaw magreply?! "Tch." sabi ko at itinikom ko ang bibig ko para mabawasan ang pagka-inis, saka ako nagpatuloy sa pagtipa ng mga letra sa cellphone ko. Makalipas ang 10 minuto ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kaniya. Agad-agad kong pinindot ang pangalan niya sa contacts ko para tawagan. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na iyon. Buti naman sinagot! Kanina pa kaya ko nagtetext sayo at tumatawag! Tch, [Oh?] pamungad agad nito sakin. Wala man lang 'hi' o 'hello'. Tch, walang galang! "Bakit gising ka pa?" tanong ko. Tanga mo Shawn! Bakit 'di mo na lang sabihin 'yung dapat mong sabihin? [Matutulog na dapat ako ng bigla kang tumawag! Panira ka talaga eh.] halata sa boses niya na na-abala ko ata siya. Dahil tumaas ang boses niya. Ba't ka kailangang manigaw?! Tch. "Tch. Matulog ka na!" sigaw ko rin. Sigawan pala ha! [Oo na! Bat ka ba kasi tumawag? Tutulog na yung tao oh!] balik na sigaw nito "Gusto ko lang. Bakit masamang tumawag?" sagot ko. Bakit ba 'di ko masabi sabi? [Oo lalo na kung wala kang sasabihin.] sabi nito. May tumunog sa kabilang linya. Baka siguro gumalaw siya. "Tch. May sasabihin ako!" sigaw ko. Mahirap na baka patayin eh. Gusto ko ako lagi nauunang magpatay. Wala, trip ko lang. [Ano?] inis na tanong ng pantal na 'to. "Matulog ka na! Panget ka!" sabi ko. [Ab─] magsasalita pa sana siya ng bigla kong patayin. *toot toot toot* Bakit 'di ko na sabi?! Tss, tanga eh! Tumingin muna ko saglit sa cellphone ko at saka ko ulit pinindot ang pangalan niya. Katulad kanina, sa ikalimang ring ay sinagot niya. [Ano na naman ba?] sigaw na naman nito pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko. Psh! Meron ba siya, ba't kailangang sumigaw?! "1 pm susunduin kita d'yan sa bahay niyo." kalmadong sabi ko. Kahit sinisigawan mo ko! Hmp, pasalamat ka talaga. [Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?] tanong niya "Kung si Jervin walang kasama, papupuntahin ko sina Trick at yung babae niya." sabi ko dito. Di ko alam pangalan ng babae ni Trick eh, at wala din akong balak alamin. [Saan ba kasi tayo pupunta?] tanong niya ulit. Lalo namang tumaas ang boses niya dahil sa pagkairita. "You'll see..." sagot ko sakaniya. [Psh! Bahala ka nga. Matutulog na ko!] inis na sabi nito. 'Yun nasabi ko na rin sa wakas! Tiningnan ko muna saglit kung binaba niya na ang tawag, nang hindi niya pa ito pinapatay ay ako na ang nagbaba. 11:30 am "Ako na mag-aayos n'yan." sabi ko sa mga katulong namin. Umupo ako sa hagdan namin at inayos ang mga dadalhin ko. Hindi ko na pinagdala si pantal ng mga gamit niya dahil ready na ko nu'ng isang araw pa. Nandito na rin ang mga gamit niya. Sarili niya lang ang bibitbitin niya. "Young master, nandito po si Sir Ace." sabi ni Fred. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Fred. Anong ginagawa ng malanding 'yon dito? "Sabihin mo umalis na." utos ko. Aalis ako ngayon saka naman sya pupunta dito. Tch! Pagkatapos kong mag-ayos ay binitbit ko na yung bag na dadalhin ko at pumunta ng sala. "Hoy Ace!" tawag ko dito. Napalingon naman ito sa akin na prenteng prenteng nakaupo sa one-seater sofa ko at nakataas pa ang paa sa mini table. Feel at home ang gago! "Oh saan punta natin dude?" tanong niya at tumayo mula sa pagkakaupo niya. "Pake mo? Umuwi ka na nga!" inis na sigaw ko dito. "Woah! Chill lang dude, nagtatanong ako kung saan punta mo? Sama a─" "Hindi pwede!" agad na singhal ko dito. Kami lang dalawa ni pantal, bawal magsama ng iba. Tch! "Sungit, dapat lagi kang nakasmile para makarami ka ng chiks. Gayahin mo ko. Bukod sa gwapo sobrang gwapo talaga." nakangising sabi nito sabay kindat with matching kagat labi pa. "Gusto mo pang mabuhay?" tanong ko. "HAHAHAHA Bye dude! Ingat ka ha? Pasalubong!" sigaw nito at tumakbo na palabas ng bahay. Psh! *ding dong* "Babye!" sigaw nito sa loob ng bahay nila habang papalabas ng pinto. Pagkaharap nito, mula sa pagakakangiti ay napalitan ng simangot. "Tara na!" sabi ko sabay hila sa kanang kamay niya. May dala rin pala siyang packbag. Dali-dali ko siyang pinasakay sa kotse ko. "Saan ba kasi punta natin ngayon?" tanong niya sakin bago siya humarap sa cellphone niya. Pinaandar ko muna ang kotse ko bago ko rin siya sagutin. "Bicol." tipid na sagot ko. Mula sa pagtatype sa cellphone niya ay bumaling ang tingin niya sakin na may gulat na ekpresyon sabay sigaw ng, "ANOOO?!!" Sa gulat ko ay agad kong tinapakan ang break. "Oh s**t!" bulong ko. Buti na lang talaga! "Itigil mo 'to manyak!" pagmamaktol nito habang hinahampas ako sa braso. "Baliw kanina pa nakatigil." sabi ko na ikinatigil naman ng panghahampas niya sa braso ko. Lalong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Problema niya ba?! "Saan ka pupunta?" tanong ko dahil dali dali itong bumaba sa kotse ko at nagmamadaling lumakad. "Uuwi na ko!" sabi niya at mas lalo pang binilisan ang mga hakbang. Uuwi?!! Dahil mahahaba ang biyas ko ay naabutan ko siya, agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatigil siya. "Wala ng atrasan 'to, sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." mariing sabi ko at hinila na ulit siya papasok sa kotse. Hindi siya nagsalita buong biyahe. Nang papunta na kami sa private plane namin ay agad ko siyang pinasakay. "Gutom ka na?" malumanay na tanong ko kaya naman napatingin siya sakin. Hindi sya umimik katulad kanina. Psh! "Sabihin mo na lang kung nagugutom ka na." sabi ko at ipinikit na ang mata ko. "Bakit tayo pupuntang Bicol?" tanong niya na ikinamulat ng mga mata ko. Umayos ako ng upo at tumingin sakaniya. "Mom wants to see you." sabi ko Lumaki ang mga mata niya na naging dahilan para tumawa ako ng mahina. "Ma-Mama mo?" tanong niya ulit "Yeah." tipid na sagot ko "Bakit tayong dalawa lang?" tanong na naman niya. Nagkibit balikat na lang ako at ngumiti sa kaniya. Katulad kanina ay hindi na ulit siya nagsalita pa. Binuksan ko ang isa kong mata para silipin kung anong ginagawa nya. Nakita kong hawak nya ang cellphone niya at pinicturan ang bintana ng eroplano. "Grabe manyak! Ngayon lang ako nakasakay ng eroplano. Nakakakaba pala talaga." nakangiting sabi niya "Hindi rin." sabi ko sakaniya "Psh! Palibhasa ikaw kahit araw arawin mong sumakay dito pwede. Kaya nasanay ka na." ismid niya at tumingin ulit sa instax niya. "Picture picture tayo ha manyak!" sabi pa niya "Ayoko nga!" "Ang kj mo! Minsan lang ako magselfie eh, ngayong maganda pa naman 'yung pupuntahan natin. E 'di susulitin ko na." sabi nito at ngumiti ng pagkalaki sa akin. "Tch." "Yeeesssss!" tili niya at pumalakpak pa. "Abnormal." bulong ko habang iniiling iling ko ang ulo ko. "Ikaw ang abnormal d'yan. Ba't ka nakangiting parang pangtanga d'yan?" Ako nakangiting parang pangtanga?! "Iniimagine mo lang 'yun! Kumain ka ng krim stick para imagination mo ang limit. Tss!" sigaw ko dito "Edi wow?" pang-asar na banat pa nito. "Tch!" inis na singhal ko. "Nga pala─" biglang sabi nito at tumayo para kumuha sa mini ref dito ng pagkain. Patay gutom talaga 'to! "─tayong dalawa lang? Hindi kasama sina Trick?" tanong niya habang binubuksan 'yung chips na kinuha niya. Tumango ako, "Yeah, just the two of us." sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD