Jade's POV
"Gising na pantal!"
Iminulat ko ang mga mata ko ng may tumapik sa pisngi ko. Nakatulog pala ko. Nilingon ko siya,
"Malapit na tayo." sabi nya pa, "─look!"
Tumingin ako sa tinuro niya. At wow! Sobrang WOW talaga! Sobrang ganda ng view! Shet! Breath taking. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan iyon.
Tumayo ako at lumingon sa kaniya saglit.
"As in wow manyak! Ang gandaaaa~!" tili ko at ibinaling muli ang tingin sa magandang view'ng sumalubong sa amin.
Malapit na kami sa rest house daw nila kaya excited kong kinuha ang dala kong backpack. Naalala ko wala nga pala kong dalang mga damit, pero sabi sakin ni manyak 'ok lang' daw 'yun.
"Nga pala manyak, hindi tayo baba sa airport?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya at pinapunta ako dun malapit sa kaniya.
"Talaga? Nakaganito tayo baba? As in nakaparachute?" manghang tanong ko habang kinakabitan na ako. Wow, astig!
Ang sariwa ng hangin! Mula dito papuntang rest house nila manyak, tanaw na tanaw mo pa rin yung asul na asul na dagat at 'yung mga isla na tila maliit na bato sa paningin ko ngayon dahil malayo kami.
"Ilang araw tayo dito manyak?"
"Three days." sagot niya
"Aww ang bitin nu'n." malungkot na reaksyon ko. One week nga bitin pa rin three days a kaya. Bitin 'yun panigurado!
"Next time sasama natin sina Ace." sabi niya at hinila na ko papasok du'n sa loob ng bahay.
Woah! Ang ganda naman ng rest house nila manyak. What do you expect? Mayaman eh.
Mula dito sa nilalakaran namin nadaanan namin 'yung rooms daw. Sabi rin ni manyak, hindi lang daw ito resthouse kun'di pati na rin resort.
Wow! Sobrang ganda at perfect ng pagkakagawa.
Papasok na kami du'n sa sobrang laking pintuan ni manyak.
"Pa, ang tigas ng ulo niyo. Inumin niyo na tong gamot niyo."
"Ayoko sabi ng lasa n'yan Shanon,"
"Pa─"
"Tch." ismid ni manyak pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.
Mukhang natigilan sa pagtatalo ang isang sobrang maganda at morenang babae at matandang lalaki na halatang mong may kakisigan nu'ng kabataan niya dahil maganda rin ang hulma ng katawan kahit nakatalikod.
Napatingin sa amin 'yung magandang babae at agad itong tumayo.
"Oh, there you are." sabi nu'ng magandang morenang babae at lumapit kay manyak.
Napasinghap ako ng mahina nang halikan niya sa magkabilang pisngi si manyak. Nabaling ang tingin niya sa akin at agad na lumapit.
"You must be Jade, am I right?" tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Tumango ako bilang tugon. Katulad nang ginawa niya kay manyak ay hinalikan niya rin ako sa magkabilang pisngi.
Ngumiti ako sa kaniya ng pilit pagkatapos niya akong halikan. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa sala kung saan naroroon ang matandang lalaki na nakatalikod sa amin.
Mula sa peripheral vision ko nakita kong nag-uusap sina manyak at 'yung matandang lalaki.
"Pa, this is Jade. Shawn's gi─"
Pinutol ni Shawn ang sinasabi nu'ng magandang babae, "My very good friend."
"Oh, ikaw 'yung student buddy ng apo ko." nakangiting sabi nu'ng matandang lalaki.
"Kilala mo siya Pa?"
"Of course, siya 'yung student buddy ni Shawn, nakita ko na siya isang beses sa—"
"Ma kamusta sa Italy?" pagputol ni Shawn sa kaniyang lolo.
"Good, it's good." nakangiting sagot naman ng mama ni manyak.
Nagkwentuhan lang kami habang inaantay na maihanda 'yung pagkain. Mama pala ni Shawn si Tita Shanon at lolo naman niya si Lolo Antonio at kung ano ano pang kinuwento sakin ni Tita Shanon tungkol kay manyak. Next week na rin pala ang lipad niya papuntang L.A. kaya niya pinatawag si Shawn para daw makasama niya ngayon bago siya umalis.
Hindi rin halata sa mukha niya na nasa 44 na siya dahil kitang kita mo na wala siyang wrinkles sa buong mukha niya. Kagaya nu'ng Mama ni Trick na si Tita Toni, bagets din ang mama ni manyak.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami ni Shawn sa kwarto namin. Sabi kasi ni Tita Shanon sa isang kwarto na daw kami matulog. Ayaw ko sana kaso sabi rin ni Lolo Antonio,
-flashback-
"Mom, saan ang kwarto ko?" tanong ni manyak habang nakain kami ng dessert.
"You and Jade should stay in the same room." sabi ni Tita Shanon na ikinagulat ko naman. Napatitig ako kay Tita Shanon na napakasosyal kumain.
"Ma are yo─"
"Your Mom's right. Boring naman si Jade kung wala siyang kasama sa kwarto. You should stay with Jade, mukhang first time niya pa lang ata dito sa Bicol. You should guide her. Hindi mo naman nasabi sa amin na pati pala hanggang dito binabantayan ka niya." humagikhik naman ni Lolo Antonio.
At katulad ng pagtitig ko kay Tita Shanon ay ganu'n din ang ipinukol kong tingin kay Lolo Antonio, habang nasa bibig ko pa yung kutsara.
"Ako din naman ah, first t─"
"Your room is located at the second floor, right. Black door." pagputol naman ni Tita Shanon kay manyak.
This can't be!
-end of flashback-
Habang naglalakad kami ay kinulbit ko si Shawn.
"Hmm?"
"Wala nga pala kong dalang mga damit o kahit undergarments manlang." sabi ko sabay kagat ng daliri ko.
Tumawa siya ng mahina na naging dahilan para hampasin ko siya.
"Ouch!" daing nito at hinimas ang kanang braso niya kung saan ko siya hinampas.
"Seryoso ako!" nakangusong sabi ko
Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Mayamaya ay tumigil kami sa isang pinto, ito na ata ang kwarto namin. Pagbukas ni Shawn ng pinto ay agad na bumungad samin ang mabangong amoy galing dito.
"Wow!" tanging na sabi ko pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin. Sobrang ganda~!
Agad akong pumasok at nagtatalon sa kama. Yiee! Sobrang lambot! Mas malambot pa sa kama ko sa bahay.
Habang nagtatatalon ako sa kama ay pumasok na rin si manyak dala 'yung malaking bag niya at sinarado na 'yung pinto. Umupo siya sa kama niya.
"Umidlip ka muna pagkagising mo mamamasyal na tayo." sabi nito at humiga na sa kama niya.
"Gisingin mo ko ha manyak! Patay ka sakin kapag iniwan ko ditong mag-isa." sigaw ko dito habang nakapikit.
Haay! Nakakapagod din pala. Mayamaya ay nakaramdam ako ng pagbigat ng mga mata ko.
Shawn's POV
Nagising ako ng mga quarter to 5 ng hapon. Kinusot ko ang mga mata ko at napabaling sa kabilang kama.
Nasan 'yung flat chested na 'yun? Sabi niya na 'wag ko siyang iiwanan dito pero siya naman tong nangiwan. Tch, talkshit!
Bumangon na ko at nagtungong CR. Naligo na ako at nagtoothbrush, pagkalabas ko ng CR ay agad akong nagbihis.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang may mahagip ang mga mata ko na buhok sa gilid ng kama ko.
Pumikit ulit ako ng mariin at iniiling ang ulo ko saka ko iminulat ang mga mata ko. Pagkabukas nito ay nandoon pa rin 'yung buhok sa gilid ng kama ko.
"Oh s**t!" bulong ko nang biglang nawala 'yung buhok.
Potek! Hindi ako bakla ah, pero takot talaga ko sa mga multo. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng multo.
Teka, multo nga ba?
Dahan dahan akong lumakad pabalik sa kama ko, tumigil ako saglit nang matansya kong tama na ang layo ko mula sa kama ko at dahan dahan lumuhod.
Shit kinakabahan ako!
Pagkalapat ng mga tuhod ko sa sahig ay ipinikit ko naman ang mga mata ko.
"1... 2... 3..." bulong ko sa sarili ko at saka iminulat ang mga mata ko.
*snor*
"Tangina!" singhal ko habang hawak hawak ko ang dibdib ko.
Agad kong hinigit ng ma-ingat ang braso ni pantal at binuhat patungong kama niya. Pagkababa ko sakaniya ay agad ko siyang tiningnan ng masama.
"Shet ka pantal! Kinabahan ako sayo eh." sabi ko sakaniya at saka ko pinitik ng mahina ang noo niya.
Tatalikod na sana ako ng mahagip ng mata ko ang labi nito. Agad kong naalala 'yung unang beses ko siyang mahalikan at 'yung unang beses niya akong manyakin.
Napangiti ako at umupo sa sahig saka ko ipinatong ang baba ko sa dalawang kamay ko. Tinitigan ko ang buong mukha niya at napatigil ulit ang mga mata ko sa labi niya.
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Malapit na malapit na, naamoy ko na ang amoy strawberry niyang hininga. Ayaw na ayaw ko naman talaga sa amoy ng strawberry dahil nakakahilo pero nu'ng maamoy ko ito mula sa kaniya ay tila nagustuhan na agad ito ng aking sistema.
Nang mapagtanto ko ang ginagawa ko ay agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya. s**t lang Shawn! Nangyayari sayo?
Bago ako tumayo ay saglit kong inilapat ang labi ko sa noo niya.
"Sabi ko naman sayo gisingin mo ko kapag gising ka na!" sigaw sakin nito. Kanina niya pa ko pinagagalitan akala niya sakin bata.
Naglalakad na kami ngayon dito sa tabing-dagat. 6:45 pm nu'ng maisipan ko siyang gisingin kaya nagalit ito sa akin. Tch!
"Marhay na banggi saindo. Bakal na kamo nitong inihaw. Ano saindo, inihaw na pusit, inihaw na pating, pili na kamo." sigaw nu'ng matanda malapit sa amin.
Napatigil kaming dalawa nang marinig namin 'yung salitang 'inihaw'.
"Bili tayo manyak." sabi sakin ni pantal. Walang ano-ano ay hinila ko na siya papunta du'n sa nag-iihaw.
"Marhay na banggi. Ano saindo 'toy?" sabi nu'ng matanda. Napakunot ang noo naming dalawa at nagkatinginan kami dahil sa sinabi nu'ng matanda.
'Di namin maintindihan. Alien talk ba 'tong mga nandito? Ngayon lang din ako nakapunta dito eh, dahil ngayon lang din naman sakin nasabi ni tanda na may resort na pala kami dito.
"Ah 'tay 'di po namin kayo maintindihan." sabi ni pantal du'n sa matandang lalaki.
"Ah pasensya na ineng. Ngunyan lang ba kamo nagdigdi?"
"Po?" kunot noong tanong ni pantal
"Ay pasensya HAHAHA! Ang sabi ko ngayon lang ba kamo nagpunta dito?" tanong nu'ng matanda
"Opo." sagot naman ni pantal at nagtingin tingin na ng paninda nito.
"Ano 'to?" tanong ko sabay turo doon sa isang malaking tapyas ng isda.
"Ah iyan ay pating. Tiyan ng pating." sagot naman nito
"Eto pa sa akin." sabi ni Jade sabay turo dun sa squid na may kalakihan. Ayan na lang din akin.
"Akin din ganyan. Bale dalawang squid." sabi ko
"Halaton na lang nindo ini. Saglit lang 'tong maluto." sabi nitong matanda kaya naupo muna kami sa may tabi ng bangka niya. Sa may bangka niya lang kasi siya nag-iihaw.
Bumili muna kami ni pantal ng kanin sa dahon ng saging dahil ulam daw iyon at saka buko shake. Ayoko ng buko juice, bitin lagi ako du'n.
"'Toy! 'Neng, luto na ini!" sigaw nu'ng matanda samin kaya kinuha ko na iyon at binayaran.
Bumalik na ako dun sa cottage namin at inilapag na sa lamesa 'yung squid na inihaw.
"Buksan mo na manyak." utos sakin ni pantal.
"Tch." sabi ko at binuksan ko na 'yung foil na nakabalot sa squid.
Kakain na sana kami nang makita kong wala kaming kutsara at tinidor.
"Ginagawa mo?" tanong ko kay pantal dahil nakita kong ginagamit niya yung kamay niya na parang kutsara at tinidor.
"Nakain?" inosenteng sagot nito. Psh!
"Ano 'yan. Ang init init ng kanin at ulam tapos kinakamay mo. 'Di ka pa nga ata naghuhugas ng kamay mo tapos pinangkakalkal mo sa pagkain mo. Kadiri 'to." sabi ko sakaniya
Tumigil ito saglit sa ginagawa niya at saka tumingin sakin,
"Ang arte mo." sabi nito at sumubo ng pagkain niya gamit ang kamay niya. "Walang kutsara o tinidor o kutsilyo dito 'no. Probinsya 'to manyak, nasa tabing dagat tayo oh. 'Di uso dito ang magpasosyal. Kumain ka na nga." sabi niya at sumubo ulit.
Psh!
"Paano ba 'yan?" tanong ko dito at saka itinuro ang pagkakamay niya.
Tinuruan nya naman ako kung paano 'yun gawin.
"Mali ka nga sabi! Ganito nga eh, kum─"
"Aish! Subuan mo na nga lang ako. Gutom na gutom na ako." inis na sabi ko at kinuha ang buko shake ko at saka sumipsip doon.
Kanina pa niya ko tinuturuan puro lang naman siya sigaw. Tch! Walang kwenta magturo 'to eh.
"Sige. Pero pagsamahin na natin 'yung kanin at ulam natin ha." sabi niya at pinagsama niya na nga.
Kumuha siya sa ulam at pati na rin sa kanin at sinubo sa akin. Ganun din naman ang ginawa niya at isinubo sa kaniya.
"Ay teka lang pantal. Selfie tayo." sabi ko at inilabas ang iPhone ko.
Pagkatapos naming magselfie pati pagkain namin pinicturan ko.
"Manyak oh." sabi nito at sinubuan ulit ako. Ngumiti ako ng palihim.
Shit! Ang bakla ko.
"Acckk."
"Pantal oh." sabi ko sabay abot sakaniya ng buko shake ko. Ubos na kasi 'yung sakaniya.
-
A/N: Tugawe Cove Resort pahiram po ng mga pictures nyo. Thanks!