Chapter 24

1852 Words
Jade's POV "Akala mo naman ang sexy mo du'n. Ang panget kaya!" sigaw ko kay manyak habang nagbibihis siya sa loob ng CR. Dahil maliligo na kami. Yay! Kaya ko sinisigawan si manyak dahil sa nangyari kanina. -flashback- "You guys should swim na habang 'di pa sobrang mainit." sabi ni Tita Shanon sa amin. Nasa living room kasi kami ngayon at nanonood ng cooking show. Kung 'di niyo pa alam, isang famous chef si Tita Shanon. Kilala na siya sa buong London. Ang galing 'no! "Tara na Shawn!" yaya ko kay manyak. Syempre kapag kaharap ko sina Tita Shanon at Lolo Antonio, Shawn ang tawag ko kay manyak. "Marunong ka bang lumangoy?" tanong niya. Mukha ba kong lulunurin? "Oo naman." sagot ko "Good for you iha, bagay sayong maging swimmer lalo na at petite ka." nakangiting sabi ni Tita Shanon.. "Ma, palit lang kami ng damit." paalam ni manyak at hinigit na ko papuntang kwarto namin. "Eto suotin mo." sabi niya sabay hagis sakin ng kulay black and pink na swimming trunks. Nakalabas na pala siya ng CR. "Ayos ba?" tanong niya Napalingon naman ako sakaniya na nakasuot lang ng beach short. Nakangisi ito sakin habang nakapamewang. "Psh! Di ka sexy ha!" tanging sabi ko na lang. -end of flashback- Feeling kasi eh! 'Yan tuloy pinagpalit ko ng kagaya sakin. "Tch." ismid nito sakin at lumabas na ng banyo. Pinahawak niya kasi sakin yung sunblock at tuwalya niya. Arte eh! Dinaig pa ko. Lumabas na siya ng shower room at kinuha sa akin 'yung mga pinahawak niya. Katulad ko nakaswimming attire rin siya. "Tara na!" masiglang sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto namin. Nilingon ko na nasa taas na pa rin, nakababa na kasi ako ng hagdan. "Hoy anong ginagawa mo pa d'yan?" tanong ko habang nakatingala. "Magpalit ka kaya ng short mo. Ang ikli nan eh." sabi nito at bumaba na. "Ok na 'to. At saka alangan namang magpantalon ako du'n. Tss!" sabi ko sakaniya at hinila na siya sa sala. "Tita Shanon swimming na po kami." sabi ko at tumango naman ito. "Tara na!" hinigit ko na siya palabas "Ayoko sa dagat marami pang tao. Sa pool muna tayo." sabi ni manyak at nauna ng naglakad papunta du'n sa likod ng rest house nila which is 'yung resort na nila ang nandu'n. Sumunod na ko sakaniya. Mayamaya ay tumigil kami dahil may sinabi siya du'n sa isa sa mga tauhan nila sa resort. "Paki private nu'ng pinakamalaking pool." utos ni manyak du'n sa tauhan sa resort nila. Bago umalis 'yung tauhan ay nagbow muna siya sabay sabing, "Yes, young master." Bongga talaga nitong si manyak! Lahat ng gusto nasusunod. Tch! "Tinatanga mo pa d'yan? Tara na." sabi nito na ikinabalik ng diwa ko. "Hmp!" inis na sumunod ako sakaniya. Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang mapatingin sa likuran nito. Ang sexy pala ni manyak. HAHAHA! Pati tuloy utak ko hinawaan niya na ng kamanyakan niya. Psh! Nandito na kami ngayon sa pinakamalaking pool nila. One word, PERFECT! Sobrang ganda! "Wow!" nakangiti kong tili sabay hampas sa kanang braso ni manyak. "Aray! Aish!" daing nito at hinimas himas ang 'yung parte kung saang ko siya hinampas. "Ilang feet 'to manyak?" tanong ko dito sabay upo sa may gilid at idinawdaw 'yung paa ko. Yay! Ang sarap ang lamig nu'ng tubig tapos ang init pa ng panahon. "6 feet ata. Ewan ko." sabi nito at gumaya rin sa akin sa pagdadaw ng paa. Gaya gaya! Tumingin ako dito na nakangiti. *evil smile* "BWAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa ko habang nakahawak pa sa tiyan ko. Pano ba naman kasi tinulak ko siya habang nakaupo kami dito sa gilid ng pool. Huh? Bakit 'di pa rin umaahon 'yung manyak na 'yon? Halaaa! Shunga mo Jade, baka hindi 'yun marunong lumangoy! "Oy manyak!" sigaw ko. Nagsimula na kong kabahan ng makita kong papaangat na ang kaniyang katawan sa tubig at tila walang malay. Dali dali akong lumusong at lumangoy papunta sa kaniya. "Ugh!" daing ko ng higpitan niya ang yakap sa bewang ko. Humarap ako sakaniya at hinampas siya sa dibdib. 'Para tong tanga!' sabi ko sa isip isip ko. Ngumiti ito ng malawak nang senyasan ko siya na hindi na ako makahinga. Lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa bewang ko dahil nagpupumilit akong alisin ang mga braso niya sa bewang ko. Hindi na ko makahinga! Nagsimula na akong yumakap sakaniya at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Akala mo ha! Madiin kong kinagat at leeg nito. HAHAHA! Lumuwag ang yakap niya sa bewang ko kaya napatingin ako sakaniya. Binelatan ko siya nang makita kong nakakunot ang noo nito. Nabigla ako sa sunod niyang ginawa... Binigyan nya ako ng 'nakakahinga ka na?' na tingin. Kaya binigyan ko rin siya ng tingin na 'oo'. Nagulat ako ng igalaw niya ang labi niya at hinawakan ang batok ko para mapadiin ang mga labi ko sa labi niya. Ayun pala ay mas nilakihan niya ang buka ng bibig niya. Mas hinigpitan naman niya ang yakap ng isang braso niya sa bewang ko. Nagbigayan kami ng hangin sa isa't-isa. Namilog ang mata ko ng kagatin nya ang ibabang labi ko kaya kinagat ko rin ng madiin ang sakanya. Sakit nun ah! Nanatili kaming ganun sa loob ng 5 minuto pa. Ipinikit niya ang mata niya kaya ganun din ako, naramdaman ko na lang na unti-unti kaming naangat. Nang imulat ko ang mata ko ay nakaahon na pala kami. "Hooo!" agad na sigaw ko nang maghiwalay ang mga labi namin at nakaahon na kami. Hindi ako nailang? Hindi ako nagreklamo? How come? Nasanay na ba ko? Shet! Humiwalay siya sa akin at lumangoy na ulit. Sumunod ako sakaniya. Binilisan ko ang langoy ko kaya ko sya maabutan. Nang makarating kami dun sa dati naming pwesto ay umakbay ako sa kaniya dahil hindi abot ng mga paa ko ang sahig nitong pool. Pang 5 feet lang kaya 'tong height ko. Pagka-akbay ko ay iniyapos nya naman ang kanang braso niya sa bewang ko. "Race tayo." sabi nito at tumingin sakin. Hindi na ko nag-isip pa at tumango agad. "Pero may twist." sabi nito kaya napaharap ako sakaniya. "Twist?" kunot-noong tanong ko sakaniya. "Mm-hmm, kung sinong manalo ay mabibigyan ng 3 wishes. Kapag natalo naman syempre siya ang tutupad nu'ng wishes ng nanalo." nakangiting paliwanag nito Paunahan lang pala eh. Tch! "Game ako d'yan syempre!" sabi ko "Game ka ha?" sabi nito at ngumisi. Binuhat niya na muna ako para makaupo du'n sa gilid ng pool at ganu'n din siya. "Bigat mo eh. Paniguradong lulubog ka niyan." natatawang sabi nito at nagreready na "Yabang!" sabi ko at tumayo lang ng tuwid. Napalingon kaming parehas ng makita namin na may pumasok dito sa pool na ginagamit namin. "Oy ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ni manyak sa batang lalaking pumasok. Siguro highschooler 'tong batang 'to. "Ay sorry akala ko─" 'di na natapos nu'ng bata 'yung sasabihin niya dahil biglang nagsalita si manyak. "Ikaw bata tingnan mo na lang kung sinong mauuna samin. Magre-race kami tingnan mo kung sino 'yung unang makakapunta doon sa dulo─" sabi ni manyak at tinuro yung lugar kung saan dapat kaming magtouch down. "─at yung makakabalik dito." Tumango naman 'yung batang lalaki kaya tumayo siya malapit sa amin. "Game na?" tanong nu'ng batang lalaki samin dalawa kaya pareho kaming tumango ni manyak at nagkatinginan. "Ready..." Ngumiti sakin si manyak o ngumisi? "Get set..." Binelatan ko siya para mainis. "Go!" pero saktong pagsabi nung 'go' nu'ng batang lalaki ay biglang kumindat sakin si manyak at tumalon na sa pool. Nag-init ang dalawang pisngi ko at napatulala pa rin sa pwesto ni manyak. s**t! "Ate mauunahan ka na po ni kuya." Nagising lang ang diwa ko ng kinalabit ako nu'ng bata kaya agad akong napatalon sa pool. Shemay! Nakikita ko si manyak na 1 metro na ang layo niya sa akin. Kahit kailan bwisit talaga 'yun eh. Mas binilisan ko pa ang langoy ko kaya medyo kalahating metro na lang ang layo ko sakanya. Bilis pa! Mas nilakasan ko ang bawat pagkampay ng paa ko. Syete! Pagka-ahon ng mukha ko dahil nakarating na ko sa unang istasyon (Wow istasyon. HAHAHA!) ay agad hinanap ng mga mata ko si manyak. Dali dali ulit akong lumangoy, gaya ng ginawa ko kanina ay mas nilakasan ko pa ang pagkampay sa paa ko at mas binilisan ko pa ang paghawi ng mga kamay ko. Bilis Jadeee!!!!! Pagkahawak ko sa gilidan ng pool ay agad kong ini-ahon ang mukha ko. "Touch down." nakangiti niyang sabi at prenteng prenteng nakaupo na sa gilid ng pool. "Ang nauna ay si kuya." nakangiting sabi nung batang highschooler. "Ge, makakaalis ka na." sabi ni manyak du'n sa bata. Tingnan mo talaga 'to, 'di nagpasalamat. Tumakbo naman 'yung bata du'n sa kahoy na maliit na gate na pinasukan niya kanina at lumabas na. Kinunutan ko siya ng noo at hinampas. "Bakit?" tanong nito at hinimas ang kaliwang braso niya na hinampas ko. "Madaya 'to!" bulyaw ko "Saang part kita dinaya don?" tanong nito. Oo nga? Saang parte nga naman? Ah basta dinaya niya ko! "Hmp!" inismiran ko muna siya at saka ko itinaas ang dalawa kong kamay. "Hoy!" sigaw ko sa manyak na 'to para higitin ako papaupo sa inuupuan niya. Dahil nga sa 6 feet ito ay dahan dahan akong lumulubog. "Pandak kasi eh." sabi nito at higit ako. "Ang bigat pa." dagdag pa nito. "Mayabang ka!" sabi ko at humiga du'n sa gilid ng pool na inuuupuan niya. Nakihiga na rin sya sabay sabi ng, "Yung 3 hiling ko ha genie." sabi nito at pumikit na. "Ano pong tawag dito?" tanong ko du'n waiter. Tanong ko sabay turo du'n sa huling sinerve niya. "Yan po ang kinunot." sagot nu'ng waiter. Kinunot? May pagkain bang ganu'n? "Eh eto po?" tanong ko at tinuro yung parang spagghetti na ewan na may sili, pero gulay siya. "Labong naman 'yan ma'am. Gawa po iyan sa bamboo." paliwanag niya Kakaiba mag pangalan eh. "Last na kuya. Ano 'to?" tanong ko "Biniribid o pinilipit po 'yan ma'am." sagot niya "Wala ka ng tanong Jade?" tanong naman ni manyak na kaharap ko. Umiling ako. "Makakaalis ka na." sabi ni manyak du'n sa waiter. Yumuko naman 'yun waiter at saka humakbang. "Salamat po kuya." sabi ko du'n sa waiter at tumango naman siya saka na tuluyang umalis. Nandito kami ngayon ni manyak sa Bicolano at Bicolana Resto. Paano kami na punta dito? Eto oh! -flashback- Sinusuklayan ako ngayon ni manyak ng buhok dahil trip niya daw. Siguro nabading na ata ito. HAHAHA! "Nga pala pantal 'yung unang wish ko ay magdate tayo." Napalingon ako sa sinabi niya sakin. "Date?!" tanong ko. Date? "Oo. Psh!" ismid nito at sinuklayan ulit ako. "Bakit 'yun pa?" tanong ko. "Ayaw mo? Edi s─" 'Di ko na siya pinatapos, "Oo na!" "Good. 'Yung susuotin mo nand'yan sa closet pati sapatos. 6 pm dapat ready ka na." sabi niya at inamoy ang buhok ko. Ramdam ko lang na sininghot niya. -end of flashback- 'Yun ang una niyang wish. Tch! "Hala manyak tingnan mo sili ice cream." sabi ko at kuha du'n sa goblet ng ice cream at nilantakan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD