Jade's POV
Pagkatapos ng 'date' namin ay pauwi na kami ni manyak nang dumaan pa kami sa isang bakeshop. Bibili lang daw siya ng cake.
"Para kanino?" tanong ko dito
"Birthday ni Mom bukas." sabi nito at nagbayad na.
"Wow! Wala pa tayong regalo manyak!" sabi ko sakaniya
"Ako meron na ikaw lang ang wala pa." sabi niya sakin na ikina-kunot ng noo ko.
"Psh. Daan muna tayo sa mall." sabi ko kaya naman iniliko niya ang kotse niya.
"Ano bang gusto ng Mama mo?" tanong ko
"Malay ko." tipid na sabi nito
"Problema mo ba? Ano nga kasi!" pamimilit ko.
"Simpleng bagay lang, bilhan mo ng house and lot." pang-aasar pa nito na lalong kina-inis ko.
"Pupukpukin kita nitong heels eh. Ano nga?!" sigaw ko at tumawa pa ang walang hiya!
"May itatanong ako sayo pantal."
"Ano?" tanong ko habang nakapila kami dito sa cashier.
"May gusto ba sayo si Jake?" tanong niya na ikina-gulat ko.
"HAHAHAHAHA." tumawa ako sa tanong nya. May naalala tuloy ako.
-flashback-
"Jade, tanda mo pa nu'ng isang araw? 'Yung hindi kita pinagdala ng lunch kasi may dala na ko nu'n." sabi ni Jake na nakatayo sa harapan ko. Nandito kasi kami sa labas ng room ko dahil pina-excuse nya ko saglit.
"Hmm? Oo. Sinubuan mo pa nga ko eh." natatawang sabi ko.
"HAHAHAHA Oo 'yun nga. Gusto ko lang humingi ng sorry sa pamimilit ko sayo na subuan kita." sabi niya
"Ahh─ eh... Okay lang 'yun 'no!" sabi ko sakaniya at tumawa na rin.
"Kasi naman naaalala ko sayo 'yung bunso kong kapatid. Parehas kasi kayo ng pangalan, inosente at mahilig sa pagkain. I just remembered her." malungkot na sabi niya.
Hala!? Ano 'to?
"Ah Jake ku─"
Natigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong niyakap.
Tumagal kami ng 2 pang minuto. Buti na lang walang nadaa─
"Kung magyayakapan kayo sa labas ng room habang may nagkaklase sa loob ay dumiretso kayo sa detention room." sabi nu'ng boses sa likod ko.
Mali pala ko, dumaan kasi 'yung disciplinarian na dinaig pa ang dean kung magsungit. Napakasungit! Palibhasa matandang dalaga.
"Pero Ma'am─" naputol sa pagpapaliwanag si Jake nang magsalita si Ma'am.
"De.ten.tion." mariing sabi nito kaya napakamot na lamang siya ng batok.
Hindi naman ito ang first time kong madetention pero nakakahiya pa rin dahil scholar ako. Psh! Katulad ni Jake ay napakamot na rin ako sa hindi makati.
-end of flasback-
"Alam kong may bunsong kapatid si Jake na kapangalan mo pero sigurado ka bang walang gusto sayo si Jake?" tanong niya pagkatapos kong magkwento.
"Kailan ba ko nagsinungaling sayo ha manyak?" inis na sabi ko sabay siko sakaniya.
Tss! Akala niya ha!
"Psh! Magbayad ka na nga!" sabi niya sabay abot sakin ng credit card niya.
Kinuha ko na iyon dahil nga wala nga akong dalang kahit ano nu'ng pumunta kami dito sa Bicol 'di ba? Kahit nga panty at bra, eh siya pa ang taga-supply ko.
Habang nakapila ako ay narinig kong naghagikhikan 'yung dalawang babae sa may cashier habang nagpa-punch.
"'Neng, nailing mo 'yon?"
"Arin 'neng?"
"Iyung gwapo na nakatindog."
"Ay iyo man! Pagkagwapo~!"
Napatawa na lang ako ng mahina, hindi ko man naintindihan ang pinag-usapan nila ay sigurado akong si manyak ang pinag-uusapan nila.
Sino lang ba ang gwapo dito?
Pagkabayad ko sa cashier ay lumapit na ako kay manyak at binigay ang credit card niya.
"Oh." sabi ko sabay abot dito
Kinuha niya naman 'yung wallet niya at inilagay doon 'yung inabot ko sakaniya.
"Nga pala tatlong buwan ko nang napapansin na walang naaligid sayong hapon." sabi nito pagkasakay namin sa escalator.
"Ahh. Nasa Japan na si Hiro." sagot ko at humawak du'n sa gilid ko.
"Bakit nandu'n na 'yon?" tanong pa nito
"May sariling business na siya du'n." sabi ko pagkababa namin at naglakad na ulit.
"Buti naman, nag-evaporate na."
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko dahil saktong nagsasalita siya ay biglang umandar din 'yung ice cream machine na nadaanan namin.
"Wala!" sabi nalang nito at nauna ng lumakad.
Aba ang manyak 'di man lang ako hinintay!
Sunday, 9:34 am
Ngayong araw na rin pala ang uwi namin sa Laguna. Ang bitin ng 3 araw. Parang kalahating araw lang eh.
Naglalakad ako ngayon dito sa dalampasigan. Mamaya pang 11 ang simula nu'ng party ni Tita Shanon at mamayang 3 pm naman ang uwi namin sa Laguna.
Gusto ko sanang itesting 'yung yaking kaso nakalimutan kong magdala ng pera o nakalimutan kong dalhin si manyak? HAHAHA!
Nandu'n kasi sya sa may rest house nila tulog pa.
Tulo pa laway! HAHAHA
Umupo ako sa buhangin, tumitig muna ako sa maliit na kahoy na malapit sakin saka ko iyon kinuha.
Nag-umpisa na kong mag sulat sa buhangin gamit ang kahoy na nakuha ko.
Pagkatapos kong mag-sulat ay pinaanod ko sa alon yung kahoy na ginamit ko.
"Excuse me miss, pwede bang maki-upo." sabi nu'ng lalaki
Tumango nalang ako. Mukha naman siyang harmless eh.
Lumipas ang 5 minuto ay ninamnam namin ang simoy ng hangin at 'di gaanong mainit na sikat ng araw.
"Sean Yu." sabi niya na naging dahilan ng pagtingin ko sakaniya.
Ngayon ko lang napansin na singkit ang mata niya.
Ngumiti ito na naging dahilan din nang pagka-expose ng pantay pantay na ngipin nito at ang mas kumuha sa atensyon ko ay ang cute na pangil nito.
"Jade─" sabi ko "─Jade Madrid." at inilahad ko ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito sa Bicol?" tanong niya
Ngumiti muna ako at saka nagsalita, "Isinama lang ako nu'ng kaibigan ko."
"I see." sabi niya "Ako naman birthday kasi ng aunt ko." sabi niya
"Ahh."
"Hindi naman Jade ang pangalan mo eh." biglang sabi niya kaya napakunot ang noo ko at tumingin sakaniya.
"Ha?" nagtatakang tanong ko naman.
"Tina. Tina ang name mo!" masayang sabi niya.
"Ako─"
"Dahil TINA-maan na ako sayo." putol niya at biglang uminit ang buong mukha ko.
Shet! Huhuhu. Nakakahiya baka makita niya ko.
"HAHAHAHA Sige na, mauna na ko baka hinahanap na ko ni harabeoji. Bye Tina!" sabi niya
Hindi ako lumingon at hindi rin ako nagsalita. Kahiya!
"Nga pala, I bet crush mo 'yang 'manyak' na 'yan 'no. Don't worry kung sakaling mahulog ka at walang sumalo sayo, I'm willing." napalingon ako sa nagsalita. Siya ulit! Pagka-alis niya ay kumindat muna siya.
Hala! Dali-dali kong binura ang nakasulat sa buhangin gamit ang dalawa kong paa. Sheez!
Nakakahiya na talaga! Ang shunga mo Jade! Bakit kasi sinulat mo 'yung 'manyak' na 'yun!
Ano bang problema ko!?
Bumalik na ko sa rest house, naabutan ko si manyak na paroo't parito habang hawak hawak ang cellphone niya.
Napalingon sya nung umupo ako sa sofa.
"At saan ka galing?" tanong nito sakin na naka-krus ang dalawang braso sa dibdib niya.
"D'yan lang sa tabi-tabi." sagot ko
"May lugar na pala na tabi tabi ngayon." sarkastikong sabi niya at saka pumanhik sa taas.
Huh?! Problema no'n? Psh! Bahala nga siya!
11:00 am
Hindi ako pinapansin ni manyak. Psh! Bahala nga siya!
Nagtungo na lang akong kusina at tutulong na nga lang ako sa paghahanda kay Tita Shanon.
"Tita, ano pong tawag dito?" tanong ko sabay turo du'n sa malaking plato na. Nagutom tuloy ako bigla, sa dami ba naman ng pagkain.
"Lasagna, my own style. Do you want to taste it?" tanong ni tita at kumuha na ng platito saka nilagyan ng konting hiwa nito.
Lasagna? Seryoso? Eh mukha kayang cake 'to.
Pagkasubo ko ay dahan-dahan kong nginuya iyon.
"How is it?" tanong ni tita na nakataas pa ang dalawang kilay at inaantay ang sagot ko.
"Sobrang sarap po~!" halos pasigaw na sabi ko habang naka-thumbs up pa.
"Yay! Tha─"
"Mom, are you done?" napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Si manyak pala.
Psh! Bakit ba hindi siya namamansin? Wow ha, ang gwapo.
"Tita sa labas po muna ako." paalam ko, hindi ko na hinintay pa na magsalita si tita at dali-dali akong lumabas.
Teka nga! Bakit ba ko naiinis sa 'di niya pagpansin sakin? Bahala nga siya!
Pumunta muna ako sa kwarto namin para magpalit ng t-shirt ko.
Pagkasara ko ng pinto dahil lumabas na ako sa kwarto namin ni manyak ay meron ding lumabas na lalaki sa katapat naming kwarto.
"S-Sean?" tawag ko sa lalaking lumabas ng kwarto.
"Oh Tina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Katulad ko ay parang nagulat din siya.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko nan." sabi ko sakaniya.
W-wait, ibig sabihin?
"Pinsan mo si Shawn/Kaibigan mo si insan?" sabay na tanong namin sa isa't isa.
Napatawa na lang kaming dalawa. Umupo muna kami sa couch dun sa azotea.
Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan sobrang ganda nu'ng ambaince ng lugar dito. Ang presko!
"HAHAHAHAHA! Tina ka ng Tina. Jade is my name nga." pamimilit ko sakaniya dahil sobrang kulit niya. Tina siya ng Tina.
"Kasi nga, TINA-ma─" 'di na natapos pa ni Sean ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita sa gilid namin.
"Kanina pa kayo hinahanap ni lolo, landian kayo ng landian d'yan." sabi ni Shawn sabay talikod na agad.
Psh! Sa susunod nga paki-inform si manyak na iba ang kwentuhan sa landian.
Sabay kaming bumababa ni Sean at pagkarating namin sa dinning room ay ipinaghila pa ko ni Sean ng upuan.
"Thanks." sabi ko sakaniya at ngumiti naman siya.
"Ehem." napatingin ako kay manyak ng tumikhim siya. Tss, papansin.
"Mukhang kilala mo na ang kaisa-isa kong pamangkin ah." sabi ni tita kaya tumawa ako ng mahina.
Pagkatapos ng salo-salo namin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming gawa. Pumunta ako sa kwarto namin para mag-ayos na ng dadalhin ko. 3 hours na lang babye Bicol na. Haay!
*tok tok*
Napatigil ako sa pag-aayos ng may kumatok. Imposibleng si manyak 'yan dahil kung siya 'yan ay walang habas 'yang papasok dito. Tss!
Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Sean.
"Bakit?" nakangiti ring tanong ko
"Pagkatapos mo sa ginagawa mo. Pasyal tayo." yaya niya at ngumiti pa ng malawak. Sabihin niyo nga sakin kung paano ko tatanggihan ang mukhang 'to? Isa pa 'to eh. Ang cute-cute eh.
"Sige ba, malapit na rin naman akong matapos dito. Hintayin mo lang ako sa labas." sabi ko kaya tumango siya.
Pagbalik ko sa ginagawa ko.
*BLAG!*
Psh! Pagkaharap ko sakaniya ay nagsalita siya.
"Usap tayo." sabi niya kaya umupo ako sa kama ko.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko habang nakatingin sa paa ko.
"Jade, 'di mo ba talaga nahahalata?" inis na tanong niya kaya napa-angat ang ulo ko.
Ang alin ba!? Ang ano?
"Ano ba kasi 'yun? Alam mo Shawn kung dinederet─"
"Tangina." mahinang mura niya pero sapat na upang marinig ko.
"Ano ba kasing problema mo?!" sigaw ko at napatayo na rin ako sa kinauupuan ko.
"Tangina lang. Nagseselos ako Jade! Nagseselos ako!" sigaw niya rin na naging dahil para mamilog ang mata ko.
Tinakbuhan na ata ako ng dila ko. Tinakasan na ata ako ng hangin. Ang hirap huminga.
Nanatili akong nakatingin sakaniya. Mukhang nagulat din siya sa mga lumabas sa bibig niya.
Pumikit siya ng mariin at hinawakan ang bridge ng ilong niya saka nagsalita na mas lalong ikina-nganga ko, "Pucha lang Jade kasi kahit itanong mo rin sakin 'di ko alam kung paano nagsimula at kung paano nangyari, basta pagkagising ko na lang isang araw gusto na kita. Gustong-gusto na kita Jade. Gusto kong ako lang magpapangiti sayo. Gusto ko ako lang magiging dahilan ng pagtawa mo. Gusto ko ako lang Jade. Ayokong hinahawakan ka ng ibang lalaki maliban sakin at kila Ace. Ayokong makikipag-usap o makikipagngitian at kahit makipagtawanan sa iba ayoko Jade. Kahit isang hibla lang ng buhok mo ang mahawakan naiinis ako Jade. Gusto ko lahat ako lang Jade. Please Jade, ako lang."
E-eh? Ano ba dapat ang ire-react ko? Magagalit? Maiinis? Matutuwa? Kikiligin? Ano ba dapat? Sabihin niyo sakin?!
"Potek lang, hindi ko na hihintayin pa na barahin mo ko, sapat na sakin ang masabi ko sayo lahat ng nandito." sabi niya at tinuro pa ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya sabay alis.
Shawn's POV
Pumikit ako ng napakariin at hinawakan ang bridge ng ilong ko saka nagsalita. Wala na eh 'di na talaga kaya eh.
"Pucha lang Jade kasi kahit itanong mo rin sakin 'di ko alam kung paano nagsimula at kung paano nangyari, basta pagkagising ko na lang isang araw gusto na kita. Gustong-gusto na kita Jade. Gusto kong ako lang magpapangiti sayo. Gusto ko ako lang magiging dahilan ng pagtawa mo. Gusto ko ako lang Jade. Ayokong hinahawakan ka ng ibang lalaki maliban sakin at kila Ace. Ayokong makikipag-usap o makikipagngitian at kahit makipagtawanan sa iba ayoko Jade. Kahit isang hibla lang ng buhok mo ang mahawakan naiinis ako Jade. Gusto ko lahat ako lang Jade. Please Jade, ako lang."
Hindi siya nagsalita. Mukhang mas lalo pa siyang nagulat.
"Potek lang, hindi ko na hihintayin pa na barahin mo ko, sapat na sakin ang masabi ko sayo lahat ng nandito." sabi ko at tinuro ko ang dibdib ko at umalis sa kwarto.
Paglabas ko pa ng kwarto namin ay biglang sumulpot si Sean.
"Nasan si Jade, insan?" tanong niya na ikina-inis ko pa lalo.
"Nasa pwet ko nagkakape." sabi ko at nagpout pa ang pucha. Bakla ata 'to eh.
"Seryoso ako, nasaan kasi siya insan?" tanong ng baklang 'to.
"Seryoso rin a─"
*BLAG!*
"Manyaaaak!" sigaw ng babae pagkalabas niya sa kwarto na naging rason para patingin kami ng baklang 'to.
"Wait. Manyak?" tanong ni Sean at tinuro ako. "Ibig bang sabihin siya yung sinulat mo sa buhangin, Tina?" sabi pa nito at humarap kay pantal.
Anong isinulat sa buhangin? Bakit 'Tina' ang tawag niya kay Jade?