Chapter 5

1323 Words
Jade's POV Friday na, ang pinakahinihintay kong araw. Sa wakas magde-day off ko na rin bilang isang student buddy bukas. "Are you sure na hindi mo 'yan kilala?" tanong sakin ni Hiro. "Oo, nagulat na nga lang ako ng bigla 'yan nagtext sakin nu'ng isang gabi at pati rin kagabi." paliwanag ko sa kaniya. 'Yung pinag-uusapan namin ay 'yung nagtetext sakin nu'ng isang gabi na unregistered number. Naglalakad kami ngayon ni Hiro papuntang garden dahil nandoon si manyak, du'n niya kami pinapapunta. Ang bossy talaga ng lalaking 'yon, lagi na lang kami 'yung susunod sa kaniya. Nang makarating dito ay kasama na rin pala ni manyak sina Rage. "Jade!" bati nito sakin sabay akbay. Ganu'n din naman sina Ace at Sid. Napansin kong may isa pa silang kasamang lalaki, siguro siya na si Trick. Nakahiga ito sa damuhan at nakain ng chips. Pumulot naman ng maliit na bato si Ace at binato nito 'yung Trick. "Bakit?" inis na bangon nito at masamang tinitigan si Ace "Gago ka, akin 'yang chips na tinitira mo!" sigaw naman ni Ace at saka hinablot ang chichiryang hawak ni Trick. "Para 'yun lang, damot nito! Sana pala 'di na ko pumasok, nakaka-antok lang,e." sabi ulit nito at humiga na "Trick si Jade nga pala, Jade ayun si Trick." pagpapakilala ni Rage sakin. Napatayo naman agad si Trick at pinagpagan pa nito ang pantalon niya. Dali-dali itong lumapit sakin at inabot niya ang kamay ko. Nagulat ako ng umakbay agad ito sa akin at nagpakilala. "Trick, ikaw 'yung student buddy ni Shawn 'no?" tanong nito sa akin Binatukan naman ni manyak si Trick. "Reyes, ikaw nga'y maghilamos ng mga mata mo araw-araw." sabi nito sabay subo nu'ng chips sa bibig niya. "Bakit?" nagtatakang tanong naman ni Trick. "Saka 'wag kang umakbay diyan kay pantal, nagmumukha lalong sandalan, e." nakangising sabi ni manyak "Bwisit ka talaha, e no?" inis na singhal ko dito. Tumawa na lamang ito bago, isubo muli ang chips sa kaniyang bibig. Kung pwede lang sana ay mabilaukan siya, mukhang hindi ko na 'to matatansya, e. Matapos ang asaran at kumain nang lunch ay tumayo na si Hiro at pinagpagan ang pantalon. "Jade I have to go, I have my class in Business Math." paalam nito at umalis na. Nandito pa rin ako ngayon sa garden, kasama ko pa rin 'yung lima. Si Hiro kasi may klase pa, iba-iba naman kasi 'yung major namin pero 'yung course nila ay pare-parehas na Business Ad, samantalang ako ay Fine Arts major. Wala akong klase ngayon at etong lima naman ay nagbabalak magcutting. "Ang korni naman kasi nu'ng sunod na subject natin, e." sabi ni Trick at saka dumapa sa pagkakahiga niya. "Oo nga. Si Sir. Ong lang naman." sang-ayon namang sabi ni Ace Humiga na rin ako sa d**o at umunan sa kanang braso ni Sid. Tumingin ako sa langit at ngumiti. "Kung maglaro kaya tayo?" masayang tanong ko "Ano namang lalaruin natin? Ayoko ng truth or dare ha? Please lang." supladong sabi ni manyak kaya napairap ako "Hindi 'yun ang laruin natin. Fact or bluff, alam niyo ba 'yon?" sabi ko "Fact or bluff?" sabay-sabay na tanong nila at saka tumingin sakin. "Mm-hmm." tango ko sa kanila "Oh anong meron sa larong 'yan?" nakakunot noong tanong ni Sid "Ganito lang 'yan. Magtatanong ka samin ng isang tanong na sa tingin mo ay hindi namin masasagot, ang makatama ng sagot ay uutusan o kaya tatanungin niya yung nagtanong. Kapag hindi naman nasagot ng dapat nasasagot ay ikaw ang mag-uutos o magtatanong ng gusto mong itanong sa kaniya." paliwanag ko. "Mukhang ayos din 'yan, ah." komento naman ni Trick "Game na!" sigaw nilang lahat. "Paikot ang pagtatanong ha? Ako muna since ako ang babae. Ladies first." sabi ko kaya naman sumang-ayon naman sila sakin. "Okay, si George Washington ang kauna-unahang presidente sa South Africa. Fact or bluff." tanong ko "Ano ba 'yan ang dali naman!" sabi ni Shawn. "Edi fact!" proud na proud na sagot nito. "Buena mano!" natatawang sabi ni Sid "Bluff gago!" sabi ni Trick dito kaya naman kumunot ang noo ni manyak. "Langya! Edi bluff!" nagkakamot ulong sabi nito. "Jade utusan mo na 'tong gagong 'to." natatawang sabi ni Rage "Bakit mo ko binigyan ng 36-C cup size ng bra?" seryosong sabi "The f**k dude! Akala ko kay tita mo 'yun ibibigay, kay Jade lang pala." natatawang sabi ni Ace "Seriously Shawn?" tatawa-tawang sabi naman ni Rage "Para saan ba ang bra diba? Binigyan lang kita nu'n dahil─" "Nang iinsulto ka?" pagpapatuloy ko na "Buti alam mo. Okay, next na. Ikaw na Sid." sagot nito "27 ang size ng paa ko. Fact or bluff?" tanong ni Sid. "Fact syempre! 27 ka, ako 26." nakangising sabi ni Rage dito "Ba't mo alam?" tanong ni Sid "Ako kaya nagnakaw nu'ng isa mong sapatos, ayaw mo kasing ipahiram na gago ka!" muling sabi ni Rage "Sinasabi ko na nga ba, kaya pala todo puri ka pa sa sapatos ko." badtrip na sabi ni Sid. "Nakikita mo yung babaeng 'yun? Lapitan mo siya tapos ask her on a date." natatawang utos ni Rage "Ayun talaga Jake?" kumpirmang tanong ni Sid "Oo at kung maaari rin ay hingiin mo na rin ang number." masayang sabi ni Rage dito Tumayo si Sid at nilapitan 'yung babaeng taga-tourism. Nakipag-usap muna si Sid dito at mukhang kinilig 'yung grupo ng babae dahil doon. Matapos noon ay bumalik sa pwesto namin si Sid. "Kumusta?" tanong ni Jake kaya naman inihagis ni Sid ang isang papel na may nakasulat na number, mukhang nakuha rin ni Sid ang number ng babae. "Oh ako na!" sigaw naman ni Shawn. "Kulay blue ang kulay ng brief ko. Fact or bluff?" tanong nito. Aba malay namin sa brief mo! "Bluff!" sigaw ni Trick na naging dahilan upang matawa si Shawn. "Langya!" reklamo ni Trick nang mapagtanto na mali ang kaniyang sagot. "I dare you na pumasok ka ngayon kay Ong." tatawa tawang utos ni to kay Trick na naging dahilan upang magtawanan din ang lahat dahil dito. Kaya nga sila nagcutting ay dahil ayaw nilang pasukan 'yung prof nila sa Accounting pero ayon naman ang inutos ni manyak kay Trick. At dahil wala na rin si Trick ay ang sumunod nang nagtanong ay si Ace, at ako naman ang tatanungin niya. "Ako na 'no? Ang capital ng Australia ay Sydney. It's a fact or a bluff?" tanong ni Ace sa akin habang nakangiti "Syempre fact!" siguradong sagot ko dito Tuwang tuwa si Ace sa naging sagot ko, at saka nito inanunsyo na mali naman ako. "Anong mali? Tama kaya!" reklamo ko dito "Mali ka Jade, ang capital ng Australia ay letter A." sabi ni Ace at humagalpak na ulit nang tawa "Paano ba 'yan Jade. Uutusan ka na ni Ace." nakangising sabi ni Rage "Nakakainis ka Ace! Hindi mo naman sinabing capital letter ah." reklamo ko ulit sa kaniya na kanina'y nakaupo na ngayon ay nakaluhod na ako "Kaya nga, ang tanong ko 'Ang capital ng Australia ay Sydney.' So that means hindi mo ginamit ang common sense mo Jade." paliwanag nito habang natawa pa Tuwang tuwa rin ang mga bwisit na ito sa kalokohan ni Ace, mukhang enjoy na enjoy ang mga ulupong. "Ang utos ko kay Jade ay ilapit niya ang ilong niya sa pisngi ni Shawn." masayang sambit ni Ace Nagreklamo kaming parehas ni Shawn dahil dito, ngunit natigil din nang sabihin ni Ace na, kung papayag daw ba kaming magkiss na lang. Caught off guard! Ano ba kasing klaseng utos 'yan. Ano nga bang aasahan ko sa mga 'yan? Puro kalokohan naman 'yang mga 'yan. "Hoy Shawn side view na." sabi ni Rage at tuwang tuwa na iginalaw ang ulo ni Shawn sa kaliwa. Matapos noon ay unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa pisngi niya. Ilang inches na lang ang natitira at malapit ko nang maidikit ang ilong ko sa pisngi niya na hiniling ko na sana ay hindi ko na lang sinuggest ang larong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD