Jade's POV
"Jervin Dyllan!"
"Wait lang!" sigaw sakin ni Jervin
Alas dos na ng hapon at napagpasyahan naming mag-ate na pumunta sa plaza para naman makapagbonding kami. Kasalukuyang nagbibihis si Jervin sa kwarto nito.
Dali-dali akong tumayo sa sofa at umakyat sa taas para tingnan si Jervin. Hindi pa rin siya nakakasuot ng damit niya kaya tinulungan ko na ito.
Pagkatapos naming mag-away sa bahay dahil sa isusuot niyang sumbrero ay nakarating na rin kami sa plaza. Madaming rides, food stall, laruan at kung ano-ano pa.
"Jervin saan tayo sasakay muna?" tanong ko sa kaniya at lumuhod para ayusin ang sintas ng sapatos niya.
"Ate ice cream muna tayo." nakapout na sabi nito
"Sige." nakangiti kong sabi at saka siya hinalikan sa pisngi.
Tumayo ako ako at inaayos ang shorts ko. Hindi naman to maikling shorts, hindi naman ako p****k para mag-suot nang ganu'ng kaikli. In short tama lang. Hinawakan ko sa si Jervin at saka kami pumunta sa isang ice cream stall.
"Jervin, anong gusto mo?" tanong ko dito
"Chocolate!" masiglang sagot nito
Habang nakain kami ng ice cream namin ay naupo muna kami sa isang bench ng malaking fountain dito sa gitna ng plaza.
"Wait lang Jervin ha? Bibili lang si ate ng water, ha? 'Wag kang aalis d'yan." bilin ko sa kaniya at saka na ko pumunta doon sa isang vendo machine.
Shawn's POV
"Kanina pa ko kinakagat ng lamok dito, langya baka magka-dengue na ko nito." reklamo ni Ace na nagkakamot ng kaniyang braso.
"Ano ka ba dude? Galit nga satin 'yung tao, e. Kaya kailangan mo lang magsorry." seryosong sabi ni Sid kay Ace. Nandito kasi kami sa labas ng kotse ngayon.
"Eto kasing si Rage tinawag tawag pa si Shawn." reklamo naman ni Ace sabay turo kay Rage
"Eto naman kasing si Shawn humarap, gusto rin, e." nagkakamot ulong sabi ni Trick
"Hoy! Kung hindi niyo ko tinawag, edi sana hindi ko mahahalikan si pantal! Gago kayo, e." kunot noong sabi ko.
"Tangina! Sige, magsisihan pa kayong mga gago." saway naman ni Sid.
"Ang utos ko kay Jade ay ilapit nya ang ilong niya sa pisngi ni Shawn!" utos ni Ace kay pantal na naging dahilan upang magsalubong ang kilay ko
Mabilis na nakipagtalo kami ni pantal kay Ace dahil sa nais nitong gawin, ngunit natigil din nang sabihin ni Ace na, kung hindi namin ito gagawin ay pwede naman kaming maghalikan.
Parehas kaming hindi nakaangal ni pantal kaya patuloy na tumawa ang gago.
"Hoy Shawn side view na." sabi ni Rage at tuwang tuwa na ipinaling ang aking ulo pakaliwa.
Sumide view naman ako at naramdaman ko ang unti-unti paglapit ng mukha niya sa pisngi ko. Ramdam ko ang unti-unting paglapit ni pantal sa akin, hindi rin nakaligtas ang mainit niyang paghinga na lumalalapat sa aking pisngi kahit na hindi niya pa nailalapat ang ilong dito.
Matagal na nagproseso sa aking utak ang pagkabigla at hindi pa rin kami gumagalaw sa posisyon namin. Pareho kaming nabigla, hindi ko mailayo ang labi ko sa mga labi niya.
Sa lahat ng mga nahalikan kong babae, isang lang ang masasabi ko sa labi niya. Kakaiba ang init na dinala nito sa buong katawan ko, para akong nakuryente.
Nang matauhan siya ay agad niya akong itinulak at sinampal.
"MANYAK!" sigaw nito sa mukha ko at saka tumayo. "At kayong apat! Mga bastos kayo! Bastos!" inis na dagdag nito habang dinuduro duro ang apat na itlog.
"Ja—" hindi na natuloy pa ni Sid ang sasabihin niya nang bigla na lang umalis ito.
"Tangina mo Ace! Hayop kang gago ka!" sigaw ko dito
"Pucha 'yan! 'Di ko naman namin alam na lilingon ka." sabi ni Ace
At ako pa ang may kasalanan ha? Tangina, nagu-guilty tuloy ako. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis.
"Paano na 'yan? Susundan ba natin?" tanong ni Trick
"Tara! Hindi pa 'yun nakakalayo." sabi naman ni Ace. Tumayo naman kaming apat.
"Oy Sid tara!" iritadong sabi ko
"'Wag! Hayaan niyo muna siya. May sama ng loob pa satin 'yun, palamigin muna natin 'yung ulo niya. Bukas na tayo magso-sorry." suhestiyon naman ni Sid.
Tama siya. Baka mas lalo pa saming magalit si pantal.
"Teka pano tayo magso-sorry sakaniya, wala namang pasok bukas, e." sabi ko sa mga bobong 'to.
"Pupuntahan natin siya sa bahay nila." sabi ni Sid
"Alam niyo ba?" tanong naman ni Trick
"Oo." mayabang na sagot ni Ace
Kaya eto, kasalukuyan kaming nasa tapat ng bahay nila. Halos mag-iisang minuto na kaming naghihintay sa kaniya dito at inip na inip na ko.
Bakit ba! Ayoko sa lahat 'yung pinaghihintay ako, e. Kahit na isang minuto pa lang, para sakin isang oras na 'yun. Mainipin ang mga gwapong nilalang na katulad ko, kaya 'di dapat ako pinag-iintay.
"Tara na kaya? Baka wala namang balak lumabas 'yun." sabi ko dahil kanina pa nga ko kinakagat ng lamok dito. Paano ba naman kasi 'yung kotse ko dito pinaparada ni Sid sa may kanal. Ang baho baho naman.
"Langya Shawn 'di pa nga tayo nakakalimang minuto dito, e." nakapikit na sabi ni Trick
"Ang bagal bagal, e. Tinext mo na ba Ace?" tanong ko dito
"Oo. Tinatawagan ko na nga 'di niya naman sinasagot." sabi naman ni Ace at saka ipinagpatuloy ang pagkakalikot sa cellphone niya.
Habang naghihintay pa rin ay saglit akong napasulyap sa aking relos at laking gulat dahil mag-iisang oras na at wala pa rin si pantal!
"Ano na? Baka balak niyong umuwi na. Bukas na lang baka galit pa 'yun satin." sabi ko naman
"Ge. Tara na!" sabi ni Sid
Pinaandar ko na 'yung kotse ko at umalis na kami.
"Daan muna tayo kay Mama, gutom na ko, e." sabi naman ni Trick
"Sige." sang-ayon ko naman at diretsong tumungo na sa kanilang shop.
Ipaparada ko na sana yung kotse ko ng may nakita akong isang pamilyar na mukha. Si—
"Uy si Jade oh. Kasama si Jervin!" sigaw naman ni Ace
Oo. Nasa may bench sila ngayon at nakain ng footlong. Kitang-kita namin sila dito dahil malapit lang naman sa plaza 'yung ice cream parlor nina Trick.
"Puntahan na natin!" suggest ni Rage
"Tara." sabay-sabay na pagsang-ayon namin
Naglalakad na kami papunta ng sa bench na inuupuan nila nang biglang tumayo si pantal at kinausap 'yung batang kasama niya at saka na ito pumunta sa isang malapit na vendo machine.
May anak na si pantal? 'Di nga?!
Nandito na kami ngayon sa tapat nu'ng batang kasama ni pantal.
"Hello Kuya Ace. Hello Kuya Sid. Hello Kuya Rage. Hello rin sainyo dalawang kuya." bati samin nu'ng bata. Kilala niya sina Ace?
"Kilala kayo Ace." nagtatakang tanong ko sa mga gagong ito.
"Ah oo, kapatid 'yan ni Jade, si Jervin." pagpapakilala ni Ace sabay apir du'n sa bata.
"You want?" sabi nu'ng bata at itinapat sa mukha ni Trick 'yung footlong na kinakain niya.
"H—ha? Ah no thanks na lang." nahihiyang tanggi ni Trick
"Okay!" sagot naman nu'ng bata at nakangiti nang nagpatuloy sa pagkain
"Halika dito sa tabi ko at pupunasan ko 'yang bibig mo, sobrang amos mo." sabi naman ni Rage at kinandong 'yung bata saka nito pinunasan 'yung bibig.
"s**t paparating na si Jade, kinakabahan ako." sabi ni Ace at saka ako pinaghahampas sa sobrang pagkataranta
"Tara na, tara na!" sabi ko at saka kami tumakbo palayo du'n sa bench. Dali-dali kaming sumakay ng kotse ko at habang busy'ng inaayos ang seatbelt ko ay hindi ako lumilingong nagtanong kina Sid. "Saan tayo?"
"Amusement Park!!!" sigaw ng isang bata
"Sige tara na—Tangina Rage bat mo 'yan sinama?!" gulat na gulat na tanong ko habang nakatingin du'n sa kapatid ni pantal
"The f**k! Nataranta rin ako hindi ko napansing naisama ko pala." katuwiran naman ni Rage
"s**t dude! Paano na natin isasauli kay Jade 'yan?" natatarantang tanong ni Ace
"Pucha! Ikaw na magsauli Sid." suhestiyon ni Trick
"Mga gago kayo! Ayoko!" inis na sabi ni Sid
"Gah—gago." halakhak ng kapatid ni Jade pagkatapos banggitin ang mura na galing sa bibig ni Sid
"Jervin bad word 'yun." saway naman ni Sid habang naka-face palm
"Oh sorry! Can we go na now kuya?" nakadaop palad na pagpapacute nito sa amin
"Hindi pwede Jervin, isasauli ka na namin sa Ate Jade mo." sabi naman ni Rage na hawak-hawak pa rin ang kamay nito
"Please?" pagmamakaawa nito habang sumisinghot dahil pinipigilan ang pagtulo ng luhang namumuo sa kaniyang mata
Mas lalo pa nitong nilakasan ang pag-iyak nang walang sumagot sa kaniya.
"s**t," mahinang sabi ko habang nakatingin sa unahan ng kotse
Wala na kaming nagawa at napagdesisyunan na lang naming pumunta sa pinakamalapit na amusement park dito upang pasakayanin lamang sa ilang rides at bilhan ng cotton candy ang kapatid ni pantal. Jusko!
"Anong oras natin 'to iuuwi?" tanong ko
"Mabilis lang tayo dun, mga 4 o'clock." sabi ni Rage habang pinatatahan 'yung batang iyakin.
Problema na nga namin 'yung ate niya pati ba naman 'tong iyakin na batang 'to dadagdag pa.