CHAPTER 26

1278 Words
Corbyn's POV Something hasn't felt right these past days with Nana. Parati kami nagi-iwasan. Hindi ko alam kung dahil ba hinalikan ko s'ya o may iba pang dahilan. Bigla akong nakaramdam ng kabog sa dibdib ko. Para akong kinakabahan sa dahilan na 'di ko alam. Hindi ko nga ito mawari. But I do know that my tagalog is getting good. Nand'yan kasi si Nana, nasasanay na ako magtagalog. Nasasanay na rin ako sa presensya n'ya. Napahawak tuloy ako sa ulo ko. "Just why do I keep thinking about her?" Tanong ko sa sarili ko. Napa-iling iling ako nang matagal ko itong pinagisipan pero walang lumalabas sa utak ko. Hindi ako ganito. Alam kong may something wrong. Pinaikot ko ang upuan ko habang ang mga mata ko ay nakapako sa screen. Pina-practice ko talaga ang pagtagalog. "I don't want to be an all-english father." Baka pati anak ko hindi na ako maintindihan. Hindi naman sa pangit ang english, but the people that I care prefer tagalog. Formal 'din kasi no'ng english ko. "'Wag naman 'din gan'yang pagka-tagalog." Napatalon ako sa kinauupuan ko no'ng may pumasok sa opisina ko. Hindi man lang ako sinabihan ng secretary ko. "Sir." Binati ko ito. "Nathan na nga lang kasi." Napanguso ito. Ikinatawa ko naman. "You look occupied?" Tanong nito habang umiikot sa opisina ko. "Head or workload? Or both?" Dagdag nito no'ng umupo na s'ya roon sa sofa. Natatawa akong tumango. "I guess both?" Sagot ko na hindi rin naman sigurado. Parehas akong busy. Sa pag-iisip ng ibang bagay at trabaho. Siguro 30/70? Tumango-tango s'ya. "Hectic natin ngayon 'no?" Natawa naman ako. Hectic na paikot ikot lang ako sa upuan ko, iniisip si Nana. S'ya naman hectic pero nasa opisina ko. "Really, Mr. President?" Sarcastic comment ko. "If you want to learn tagalog, don't search on the internet." Nagulat ako sa biglaang change topic n'ya dahilan para takpan ko ng katawan ko ang screen ng PC ko. Nakangiti s'ya ngayon. "Malalim kasi 'yung mga nand'yan. Hindi rin naman pangit tagalog mo. Pero hindi ko rin masasabi na malayo ang tagalog mo sa pananalita mo rati. I remembered when you first came here." Nag-reminisce pa nga. Sinara ko na ang tab no'ng search engine na ginagamit ko sabay bukas ng mga email ko. Salamat at wala pang bago. "So, what brings you here?" Magkekwento sana s'ya tungkol sa buhay ko. Ayaw ko nga. Kaya pinutol ko 'yung gusto n'yang sabihin. "Can't I just visit? Kahit kamustahin ka?" Umasta s'yang nagtatampo. Hindi talaga ako naniniwala na boss ko 'to. "I don't really know your mental age." Pinangliitan ko s'ya ng mata. Not to offend him, I'm just curious. Pano pa n'ya nakakayang maging youthful despite... "Grabe s'ya!" Hinawakan n'ya dibdib n'ya. Kinagat ko labi ko para pigilan humalakhak. Hindi ko talaga boss 'to. "Porket matanda ako sa'yo, mas mataas posisyon ko, sabay may asawa't anak ako. Gan'yan na tingin mo sa'kin." Pinag-ekis n'ya pa mga kamay n'ya. Napalunok ako. "Sorry, I think I went overboard with that. It's just that, I'm really curious." I sincerely said. Nakita ko s'yang tumango sabay iling. Naguluhan din s'ya sa isip n'ya. "Joke lang. Pero, I choose to be like this." Ngiti n'yang sagot. Hindi ko talaga s'ya gets. Umayos s'ya ng upo. Pinaupo n'ya rin ako ng maayos. Nag-iba kaagad ang paligid dahil sa awra n'ya. Ngayon, s'ya talaga boss ko. From his smile to his serious face. From the funny, clumsy, and charming looks. His face turned sophisticated. Kung hindi mo s'ya kilala, mukha s'yang galit. Pero seryoso lang talaga s'ya. "It might be weird, me always bothering you. Pero ginusti ko gawin 'yun dahil parang anak kita. Nakikita kita sa anak ko." It felt like he had me at hello but it ended at goodbye. Kilala ko anak n'ya. At malayo ako roon. Kahit babae pa man 'yun, mas okay pang maging katulad ako ni Nana. That strong-headed spirit. Same kami roon, pero itong anak n'ya. Everything is south. But something's telling me na iba ata tinutukoy n'ya. Baka buntis si senadora? Baka kaya high blood lagi? I don't know. Pero he looked sad. Hindi, mali. Devastated. Parang nahulugan ng langit. I continued to listen. "I know your background, and I want you to feel at home. Loved. Cared. And have a father figure to guide you. If hindi ka comfy, just tell me." Umiling kaagad ako. "What I meant was you being youthful." Hindi ako sanay na parang mabigat ang mga emosyon pag kasama s'ya. Para akong sinasakal pero may gumugulo parin sa'kin. Tsk. Kanina pa wala si Nana sa utak ko. Bakit ba s'ya nabalik? Nakita ko nanlaki mata n'ya. "Ah! Gets!" Natatawa n'yang realization sabay napapalo sa hita n'ya. "Gano'n na talaga simula bata. Pero ewan ko rin. Hindi ko rin alam." He shrugged. "But I really do like the way I am. Well, not in the past." Napatigil s'ya. Ayon na naman ang mukha na parang nasasaktan s'ya. Tinitigan ko s'ya ng mabuti habang 'di s'ya nakatingin. Nang sulyapan n'ya ako ay tinaas n'ya magkabila n'yang kilay. Napakamot s'ya sa batok n'ya. "A tip, when you become a father." Parang may bumara sa puso ko. Bigla akong napatigil sa paghinga. "Hindi po." Depensa ko. He waved his hands and laughed. "I'm talking about in the future!" Tumayo s'ya at tinapik ang balikat ko habang natawa. Bentang-benta sa kanya 'yung sinabi ko. Kung s'ya, tumatawa. Ako naman nagpapawis. Akala ko naman alam na n'ya. Hindi pwedeng may makaalam. Ayaw ni Nana. Hindi pwedeng malaman ng pamilya n'ya. "But really, in the future. Panindigan mo mga anak mo no matter what. Kahit ubos na pera n'yo, unahin mo asawa't anak mo. Think of a better life with them. Not just for them." Ngiti n'ya nang nangangahulugan. Napatitig na naman ako sa mukha n'ya. His expressions are unfamiliar to me. Ngayon ko lang nakikita itong mga halo ng mukha n'ya. Huminga s'ya ng malalim bago sabihin ang idadagdag n'ya. "If you love them, stay. Okay? 'Wag mong iiwan." That did it. It hit me. "Never." Kaagad kong sagot. Never in my life would I ever leave them. I know that feeling. Gaya ng Sabi n'ya, para n'ya akong anak. Kilala n'ya na ako. He's teaching me. Tinanguan n'ya ako at ningitian. Nagulat ako nang yakapin n'ya ako. "I am youthful because I am childish. Mas maganda kung sakto lang. Matured but understanding." Tinaas n'ya kamay n'ya habang naglalakad papalayo sa akin. Palabas na s'ya ng pinto. "Oh, and another thing." Hindi n'ya ako nililingunan pa. "Love her so much." Napakunot ako. Nang tignan n'ya ako ay parang mangiyak ngiyak na ang mukha ko. Umalis s'ya nang naguguluhan ako. Parang sumakit lang lalo ulo ko sa kanya. Ang dami nangyari na hindi ko maproseso. Hanggang sa may mag-email sa'kin. Napasapo ako sa mukha ko. "s**t!" Kaagad ako tumakbo papunta kay Sir Nathan. "Saan s'ya pumunta?" Tanong ko sa secretary ko nang makalabas ako sa opisina ko. "Sa elevator po, Sir." Ngiti nitong sagot. "Thank you!" Tumakbo na ako kaagad. Hindi ko na naintay sagot n'ya. Basta na lang ako tumakbo kaya halos isigaw ko ang pagpapasalamat sa kanya. "Sir!" Tinig ko habang papunta sa elevator. "Sir!" Pagulit ko para mapansin n'ya ako. Pasara na 'yung pinto kaya lalo kong binilisan. "Natividad!" Apilyedo na n'ya ang nasigaw ko. Kaso mo may kausap pala s'ya sa phone. Tumalon na ako para umabot ako bago ito maka-alis. "s**t!" Naisapak ko ang elevator. Napatingin ako sa nag-text. Pinatay ko na lang cellphone ko. His unexpected visit, the anak thing, the asawa thing, pati na rin 'yung "love her" na sinabi n'ya. Napahinga ako ng malalim. It's for that spoiled brat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD